Ponolohiya
Ponolohiya
Ponolohiya
Siyudad ng Tagbilaran
Lumipas na ang napakaraming taon ngunit nananatiling buhay ang isang pag-
ibig na lagi na’y nakaukit sa puso’t isipan. Hindi man batid ng lahat, noon pa ma’y hindi
nawalay ang katotohanang may nag-uumapaw na masidhing damdamin na patuloy na
iniingatan at inaalagaan. Isang damdaming dinadaluyan ng pag-asa’t katatagan sa
kabila ng hindi mabilang na sigwa at kapintasan. Makailang ulit kong napaglirip ang
sinasabing pag-ibig na ito na ang tanging hatid ay pag-asa, ah-----hindi ko
maipagkailang iyo’y nakapagpapatahimik sa nilalakbay ng isip. Sa kalagitnaan ng aking
pagbulay-bulay, ako’y napapangiti na para bagang may mga bituing nagkikislapan sa
kaibuturan ng aking puso kasabay ng isang pampatulog na musikang tumagos sa
aking pandinig. Musikang nagdulot ng kapanatagan at kasiyahan na mula simula’y
umukit na sa aking buong kamalayan. Sana nga, bukas-makalawa, at hanggang sa
pagsisid ng araw, ay hawak-kamay na tunguhin ang isang pangakong mananatili
hanggang may hiningang taglay.