Lakbay-Sanaysay
Lakbay-Sanaysay
Lakbay-Sanaysay
c. Pagbabalik-aral
a. Pagsariwa sa tinalakay noong nakaraang tagpo sa pamamagitan ng tanong-sagot na
gawain.
d. Pagganyak
a. Ipanood sa mga mag-aaral ang vidyung “It’s More Fun in the Philippines.”
b. Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang lugar na kanilang nakita sa vidyu
gayundin kung ang mga ito ay napuntahan na ba nila.
c. Maaari ring magtanong kung anong bansa o lugar sa labas ng bansa ang kanilang
napuntahan.
d. Itanong din sa mga mag-aaral ang pagganyak na tanong: “Ano-ano ang kagandahang
taglay o mabuting dulot ng paglalakbay lalo na sa sariling bansa?”
4. Paglalahad ng Layunin
Sa katapusan ng talakayan, inaasahan kong:
a. Matukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
b. Makilala ang mahahalagang katangian at layunin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
c. Makasulat ng lakbay-sanaysay batay sa karanasan ng paglalakbay.
d. Makalahad ng mga realisasyon sa ginawang paglalakbay.
B. Pagtatalakay
a. Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang karanasan sa paglalakbay o pamamasyal sa
pamamagitan ng pagpuno sa graphic organizer sa ibaba.
Petsa ng paglalakbay at
Lugar/mga lugar kung
mga kasama
saan nakapaglalakbay
Mahalagang Impormasyon o
kaalamang nakuha mula sa
paglalakbay
b. Talakayin ng guro ang tungkol sa lakbay-sanaysay at para mapalawig ang paksa ito ang mga gabay
na katanungan:
Ano ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?
Ano ang mga dahilan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?
Ano ang mga katangian at layunin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?
C. Pagsasanay
Gawain 1.
a. Hatiin sa apat (4) na pangkat ang klase. Magtawag ng apat na mag-aaral na siyang magbibigay ng
mga tourist spot sa Mindanao na napuntahan na nila. Hindi dapat magkakapareho ang mga lugar na
ibibigay. (Ang apat na mag-aaral ang siyang magsisilbing lider ng bawat grupo).
a.1 Ang ibinigay na tourist spot ang gagawan ng lakbay-sanaysay.
a.2 Pipili ng isang miyembro ng pangkat para mag presenta sa harap sa ginawang lakbay-sanaysay.
a.3 Ibigay ang gabay na tanong para mapadali at organisado ang paggawa ng isang lakbay-sanaysay.
Ano ang kasaysayan ng lugar?
Paano makakarating doon?
Magkano ang gastos papunta doon?
Ano ang mga karanasan mo sa nasabing paglalakbay? Maganda man o pangit.
Ano ang realisasyon mo sa nasabing paglalakbay?
D. Paglalapat
a. Isa-isang gagawa ng lakbay-sanaysay ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga hindi
makakalimutang paglalakbay o pamamasyal. Siguraduhing may mga larawan ang gagawan ng
lakbay-sanaysay para maging makatotohanan ito sa mga mambabasa.
b. Ibigay ang gabay na tanong para mapadali at organisado ang paggawa ng isang lakbay-sanaysay.
Ano ang kasaysayan ng lugar?
Paano makakarating doon?
Magkano ang gastos papunta doon?
Ano ang mga karanasan mo sa nasabing paglalakbay? Maganda man o pangit.
Ano ang realisasyon mo sa nasabing paglalakbay?
E. Ebalwasyon
Gawain 1. Gamit ang isinulat na lakbay-sanaysay i-post ito sa social media na may kalakip nang mga larawan
para maging isang blog.
MISS CLARISSA A. PACATANG MISS LHEAZLIE PILONGO MS. EMILY JANE C. OLIQUIANO
Filipino Department - Academic Assistant Vice Principal for Academics
Subject Teacher