FLORES 11B - Modyul #2 (Sem.2)
FLORES 11B - Modyul #2 (Sem.2)
FLORES 11B - Modyul #2 (Sem.2)
FILIPINO 11
MALIKHAING PAGSULAT
(MalPags)
Modyul #2 (Sem.2)
A. MALIKAHING PAGSULAT
INTRODUKSIYON
LAKBAY-GABAY
TUNGUHING PAMPAGKATUTO:
3. Nagagamit ang wika upang mag-udyok ng mga emosyunal at intelektwal na tugon mula sa
mambabasa
MAHALAGANG TANONG:
INTERAKSIYON
LAKBAY-ARAL
PAYABUNGIN NATIN
Lengguwahe/Wika
I. Paggamit/Pagbuo ng Imahen
Ang imahen ay salita o pahayag nag-iiwan ng konkreto at malinaw na larawan sa isipan ng
mga mambabasa/tagapakinig. Hindi ito simpleng paglalarawang, ito ay nagbibigay-kulay sa
inilalarawan at bumubuhay sa naratibo.
Gawing Kongkreto ang Paigtingin ang Pandama Gumamit ng Simbolo
Abstrak Ang malikhaing akda ay Gamit ang isang imahen,
Mas epektibo ang nakabatay sa pandama: maaaring sumimblo ang
kongkretong imahen kaysa nakikita, naririnig, isang salita ng higit sa isang
abstraktong imahen kung nalalasahan, naaamoy, at diwa o kahulugan.
gagamit ng deskrptibong nararamdam.
lenguwahe/wika sa pagbuo
ng imahen.
II. Paggamit ng Tayutay
Iba ang sinasabi sa paraan ng pagkakasabi upang masining ang paraan ng pagpapahayag
nito. Ginagamit din ang tayutay upang maging mas marikit at makulay ang tula o kuwento.
Apostrope o Pagtawag Personipikasyon o Simile o Pagtutulad
Kausap ng isang tao ang Pagsasatao Inihahambing ang dalawang
mga bagay na tila sila ay Binibigyan ng mga bagay, tao, hayop, o
mga tao ngunit hindi naman katangiang pantao sa mga pangyayari gamit ang mga
karaniwang kinakausap. bagay na walang talion tulad katagang parang, katulad ng,
Halimbawa: ng hayop at gamit. tila, at iba pa. Halimbawa:
• Kumikindat ang bitiuin. Halimbawa: • Parang kawayan kung
• Inaanyayahan ako ng • Kumikindat ang bitiuin. sumayaw si Pedro.
dagat ng maligo. • Inaanyayahan ako ng • Ang iyong puso ay tila isang
• Sumisipol na ang takure dagat ng maligo. bato.
• Ang tamis ng iyong
• Sumisipol na ang takure
pagmahal ay tulad ng katas
ng tubo.
Metapora o Pagwawangis Hayperboli o Metonimi o Pagpapalit-
Tiyak na paghahambing nang Pagmamalabis Tawag
hindi gumagamit ng mga Labis o eksaherado ang Pagbibigay ng pangalan o
katagang parang, katulad ng, paglalarawan tawag sa isang bagay gamit
tila, at iba pa. Halimbawa: • Sa tagal kong naghintay, ang pangalan ng bagay na
• Si Princess ang ahas sa pumuti na ang mga buhok kaugnay nito. Halimbawa:
kanilang magkakaibigan. ko. • Sinabi ng malakanyang
• Ang mga nagpahatid ng • Narinig ng buong (tagapagsalita ng
tulong sa mga nasalanta mundo ang sigaw mo. presidente) ang mga
ay mga anghel. • Bumaha na dahil sa naging desisyon ng
• Mahal, ikaw ay isang pangulo.
iyong pagluha.
napakagandang bulaklak. • Ang prinsepe ang
magmamana ng korona
(kaharian)
• Hindi sumasang-ayon ang
simbahan (relihiyon).
Sinekdoki o Pagpapalit- Balintuna Oksimoron o Pagtatambis
Saklaw Ang sinasabi ay kabaligtaran Pariralang binubuo ng
Isang uri ng pagpapalit-tawag ng nais sabihin at may ibang dalawang magkasalungat na
kung saan ang isang bahagi pakahulugan na ginagamit sa salita. Halimbawa:
o kumakatawan sa kabuuan. pangungutya o katuwaan • Orihinal na kopya
Halimbawa: lamang. Halimbawa: • Tagumpay ang pagkabigo
• Ayaw kong makita ang iyong • Napakabango mo at lahat ng • Nakakabinging
pagmumukha kailanman. nakasasalubong mo ay katahimikan
• Limang tiyan ang pakakainin nagtatakip ng ilong.
natin ngayon. • Sa sobrang talino mo ay
• Ilang puso na ang iyong mali ang mga sagot mo sa
pinaiyak? gawain.
• Dahil sa kapandakan mo,
nauntog ka sa kisame ng
bahay.
III. Diksiyon
Tumutukoy sa mga salita, parirala, o pahayag na pinipiling gamitin ng manunulat. Ang
diksiyon ay ginagamit sa pagpapahayag ng aksiyon, paglalarawan ng lunan, pagpapakilala
ng tauhan, pagtukoy ng tema, paghuhudyat ng atityud, at iba pa. Ginagamit din ito sa pagbuo
ng tono ng akda.
Halimbawa, maaaring pare-pareho ang kahulugan ng bahay, tahanan, tirahan, at tinutuluyan
ngunit maaaring magkaiba ang kahulugan depende sa konteksto. Kung ang isang tao ay
malapit sa kaniyang pamilya, tahanan ang maaaring gamitin. Kung hindi naman gaanong
malapit sa isa’t isa, bahay ang maaaring gamitin. Kung ito ay isang lugar lamang kung saan
nananatili, tirahan ang maaaring gamitin. Kung dito pansamantalang nananatili, tuluyan ang
maaaring gamitin.
Ibahagi ang halimbawa ng teksto ng malikhaing pagsulat ng mga batikan/kilalang lokal at
banyagang manunulat
Pamagat: Macbeth
Manunulat: William Shakespeare
Uri: Tula
Pinagmulan: Inglatera (banyaga)
Deskripsiyon: Ito ay tungkol sa pagpatay ni Macbeth kay Haring
Duncan ng Scotland upang mapasakanya ang trono. Ito ay dahil sa
propesiya na ibinigay sa kaniya ng tatlong mangkukulam kaya’t
siya ay nagkaroon ng ambisyon na kunin na ang trono. Ngunit, siya
at ng kaniyang asawa ay kinakain ng kanilang konsensiya at
kalaunan ay namatay.
INTEGRASYON
LAKBAY-DIWA
PAGPAPALALIM NG GAWAIN
LCV – aking maiuugnay ang kasalukuyang aralin sa LCV para sa buwan ng Disiyembre na
“Concerned for the marginalized” dahil maaari akong lumikha ng isang malikhaing akda
tungkol sa mga hindi magandang karanasan ng mga taong marginalized gamit ang gamit ang
mga simbolo at tayutay tulad ng ginawa ni Dr. Jose Rizal tungkol sa pang-aapi ng mga Kastila
sa mga Pilipino. Sa pamamagitan nito ay maaaring magkaroon ng riyalisasyon o mapagtanto
ng mga makababasa ng aking akda ang nakakaawang karanasan ng mga taong ito at maaari
silang gumawa ng mga hakbang upang makatulong.
LLIM – akin namang maiuugnay ang kasalukuyang aralin sa ikaapat na LLIM Habit na “Think
Win-Win” dahil sa pamamagitan ng diksiyon, pipiliin ko ang mga salita, parirala, o pahayag na
epektibong maipararating ang nais kong kahulugan at tema, ngunit iisipin ko rin ang tamang
antas ng wika na maiintindihin ng aking mga target na mambabasa.
BAON-DIREKSIYON
Sa modyul na ito, aking natutuhan ang kahalagahan ng pagsulat batay sa pandama o ang
nakikita, naaamoy, naririnig, nadarama, at nalalasahan upang magkaroon ng milanaw at buong
larawan sa isipin ng mambabasa na makatutulong sa kanilang pag-unawa sa akda. Akin ding
natutuhan ang kahalagahan ng mga simbolismo, tayutay, at diksiyon upang makagamit ng mga
masining na salita upang ipahayag ang nais na kahulugan na nagbibigay-buhay at kulay sa
kuwento. Panghuli, aking nalaman ang mga teksto ng mga batikan/kilalang lokal at banyagang
malikhaing manunulat.
PLANO-SIGURADO
INDIKEYTOR: Lagyan ng tsek ang kahon base sa kaalamang natamo mula sa akda.
--------------------------------------------------------WAKAS ----------------------------------------------------------