SUNE - Ang Papel NG Ahensyang Pangkultura Sa Pagpapaunlad NG Wika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

C.

PAMAHALAAN

ANG PAPEL NG AHENSYANG PANGKULTURA SA PAGPAPAUNLAD NG

WIKA: ANG SENTRONG PANGKULTURA NG PILIPINAS

Ni Vina P. Paz, Ph. D.

Vina P. Paz, Ph. D.

 Professor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP

Diliman

 Nagtapos ng AB Philippine Studies (Cum Laude) , Master of Arts sa

Filipino (wika), at Ph. D. Filipino sa UP Diliman.

 Nakatuon ang kanyang erya ng espesyalisasyon sa pagpaplanong

pangwika.

 Aktibong miyembro ng kaguruan ng DFPP

ANG PAPEL na ito ay bahagi ng walang katapusang pag-aaral at

pagsisikhay upang tumuklas ng mga kaalamang makatutulong sa pagbibigay

solusyon sa mga suliranin sa wikang pambansa at pagpapaunlad nito na

bahagi ng tinatawag na pagpaplanong pangwika. Ngunit taliwas o kaiba sa

mga nakagawiang pagkilos at pag-aaral sa wika, hindi ang gawaing pangwika

o ang wika mismo ang bibigyang atensyon sa papel na ito. Sa halip:

• Tumatawid ito sa isa pang gawain ng pagpaplano – ang gawaing

pangkultura ng isang ahensyang pangkultura ng pamahalaan – na

siyang bibigyang pansin.

• Pangunahing layunin ng papel na ito, bilang panimulang pag-aaral, na

tuklasin, suriin, at bigyang ebalwasyon ang papel ng pagpaplanong


pangkultura ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP o Cultural

Center of the Philippines) pra sa pagpapaunlad ng wika at maging ng

kulturang pambansa na rin.

Pinili ang CCP sapagkat ito ang kauna-unahang ahensiyang pangkultura

ng pamahalaan na nagging aktibo sa paggawa ng mga pambansang

patakaran at programa sa kultura

Ugnayan ng Wika at Kultura

Nakapaloob sa magkaibang sistema at disiplina ang wika at kultura.

Kung gayon, maaaring pahalagahan ito nang magkahiwalay. Ngunit sa

kabila rin nito ang katotohanang mahirap ihiwalay ang wika at kultura sa isa’t

isa.

• Walang kultura na walang wika, at walang wika na hindi nagpapahayag

at nagpapakilala ng kultura. Sabay na umiiral ang dalawang ito sa

isang tiyak na panahon at particular na lipunan.

• Sa karanasan ng Filipinas, lalo na sa panahon ng kolonisasyon, wika

ang ginagamit upang makapagtakda ng kultura. Mahusay itong

naisasakatuparan sapagkat may suporta ng gobyerno at estado. Ang

sentralisadong pagpapaunlad sa mga patakaran sa wika ang

nagbigay-daan sa pagpapalaganap at pagdodomina ng kulturang

dayuhan at katutubong kultura na may pagtatangi sa katangiang

dayuhan.

Pagpaplanong Pangkultura at Development sa Wika


• Nakasalalay at pumapaloob sa rasyonal na pag-unlad ng bansa ang

anumang pagpaplanong panlipunan. Kabahagi ng anumang

pagpaplano sa lipunan ang gawain at proseso ng (1) pagbuo ng

patakaran at programa, (2) implementasyon, at (3) ebalwasyon ng

gawin.

• Ang pagpaplanong pangkultura na bahagi nito ay tumutukoy sa

aspekto ng pagpapaunlad, paglinang, preserbasyon, at pagtugon sa

mga usapin o suliraning pangkultura ng isang bansa. Ginawa ito, ayon

kay Tiongson (1996), para sa kagalingan at kaunlarn ng bansa.

Karaniwang lumilikha ng mga ahensya o institusyong pangkultura

upang mangasiwa sa gawin ng pagpaplano.

• Ayon kay Fishman (1974), pumapaloob sa gawain ng pagpaplanong

pangkultura ang mga sumusunod: publikasyon; radyo, pelikula,

telebisyon, agham at pandalubhasang pananaliskik; musikal at dulang

pagtatanghal, at iba pang likhang sining ng lipunan.

• Ayon kay Salazar (1973), may papel ang wika, ang gamit nito sa mga

anyong pangkultura na isinasama sa pagpaplano. Ang wikang ito ang

nagsisilbing “daluyan, tagapagpahayag at impukan-kuhaan” ng/sa

kultura.

• Kung susuong sa ganitong gawain, lalamanin nito ang kahalagahan ng

pagbuo ng malinaw na patakaran at matamang ebalwasyon na

tuwirang bibigyang-puwang ang wikang gagamitin.


• Ayon kay Herrera (1994), napahihintulutan nito ang pamahalaan at

estado na makibahagi o makialam sa mga usaping pangkultura.

Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng manipulasyon sa patakaran

at batas na may kinalaman sa kultura at pakikialam sa desisyon ng

ahensya.

• Ang politikal na katangiang ito ng pagpaplano, kung titinang sa mga

pambansang patakaran sa ibang bansa at sa Filipinas na simple

lamang, ay lumalabas sa level ng implementasyon. Sa level na ito

makikita ang kontrobersiya at mga puna. Pinatitindi pa ito ng isang

sentralisadong sistema. Sa pagkakataong ito lumilitaw ang tanong na

kung sino/ano ang itataguyod at kaninong istandard ang

susundin/susundan sa mga seleksyon. Lalabas kung gayon, na

anumang pagpili at desisyon ay ibabase sa pamantayan na itinakda ng

mga taong kumokontrol sa mga resources ng ahesya at gobyerno.

(Herrera 1994)

Mga Ahensyang Pangkultura ng Pamahalaan

Nagsimula ang pagkilos upang makabuo at magtatag bg

ahensyang pangkultura noong mga unang taon ng siglo 20 hanggang

sa maitatag ang CCP nitong dekada 1960.

Ang mga ahensyang pangkultura ng pamahalaan na nalilikha ay

ang mga sumusunod:

a. Bureau of Non- Christian Tribes in the Philippines (1901,

nilikha ng Philippine Commission Act No. 253)


b. The Insular Museum of Ethnology, National History and

Commerce (1901, nilikha ng Philippine Commission Act No.

284)

c. National Museum (1928, ibinase sa konsepto ng

pagkakatatag ng b)

d. Philippine Library and Museums (Commonwealth Period,

nilikha ng Philippine Act No. 1935)

e. Cultural Foundation of the Philippines (1964, nasa ilalim ng

Department of Foreign Affairs)

f. National Commission for Culture (1964, nilikha ng Republic

Act No. 4165

g. Cultural Center of the Philippines (1966, nilikha ng

Excecutive Order No. 30 )

Ang unang apat na ahensya ay nakatuon sa preserbasyon, koleksyon,

at dokumentasyon ng kultura. Nagbago ang tunguhing ito nang magtatag

nang ahensyang aktibo sa pagbuo ng mga patakaran at programa sa

pagpapaunlad ng kultura sa pagtatapos ng dekada 1950.

Bagama’t napasimulan na ang pagbabago sa tunguhin ng Gawain ng

kultura, nagging ganap ang sentralisadong mithiin ng pagbuo ng isang sentro

sa kultura sa pagbubukas ng CCP noong 1968 kahit unang naitatag ang NCC

sapagkat hindi naman nagging operational itong huli.


Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas

• Ang CCP ay “pet project” ng dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Dahil sa Sentrong ito naging bahagi at priyoridad ng gawaing

pambansa ang sining at kultura ng Filipinas. Repleksyon ang kulturang

ito ng kontrol na pinanghahawakan ng mag-asawang Marcos noong

dekada 1970 hindi lamang sa larangan ng politika at ekonomiya, kundi

maging ng mga gawaing pangkultura.

• Simula ng buksan ang CCP noong 1969 hanggang 1986, kinilala ang

pangunguna nito sa promosyon at pagpapaunlad ng kulturang Filipino.

Sa loob ng 17 taon, naging tagalikha’t lugar para sa mga dekalidad na

alagad ng sining.

• Elitista – ito ang bansag sa tunguhin ng CCP. Ang sining na tinutukoy

nito ay ganap na mauunawaan at magugustuhan ng isang Filipinong

edukado at nakapaglakbay na sa ibang bansa.

• Walang patakaran sa wika ang CCP. Samakatuwid, ang wikang

pahahalagahan nito ay aayon sa oryentasyon, tunguhin, at paniniwala

ng administrasyong Marcos at ng CCP, at ang pinamahala sa

programa at gawain.

• Sa bagong CCP (1987-1993) ang bagong oryentasyon (Filipinisasyon,

demokratisasyon, desentralisasyon, paglinang sa artistikong

kagalingan, at pagtataguyod ng internasyonal na relasyong

pangkultura), nabigyang hugis ang bagong bisyon, misyon, at layon ng


bagong CCP at administrasyon nito ang nagtatakda ng pag-iiba ng

tunguhin nito.

• Binigyang laya nito ang pagbuo ng mga plano’t programa na may

malaking pagpapahalaga sa mga gawaing pansining sa iba’t ibang

rehiyon sa bansa.

• Sinundan din ng bagong CCP ang tunguhin ng pagtanggap at

pagpapairal ng pluralismo sa kultura. Tugon ito sa oryentasyon at

desentralisasyon. Ngunit dapat na hindi lamang pagkuha at pagtatala

ang pagpaplano sa kultura. Mahalaga rin ang programa na mag-alis sa

paghahati ng kultura at pagbuo ng mga kamalayang pambansa sa

pagitan ng mga Filipino. Ang pluralismong tunguhin na hindi naman

sinususugan ng mapag-isang programa ay maaaring magbigay ng

hadlang sa pagbuo at paglinang ng kulturang pambansa.

Walang programa o anumang dokumento na maaaring maglinaw para

sa ganitong pagkilos. Mahalaga, nabanggit na nga, ang pagsasaalang-

alang sa kaunlaran ng bansa sa pagpaplano ng kultura.

Wika sa Kaunlarang Pangkultura at Pambansa

• Sa ganitong landas din kumikilos ang wika. Nananatili ang kawalan ng

isang patakarang pangwika ng sususog sa Filipinisasyong oryentasyon

ng sentro. Tila nagbabadya ang ganito ng parokyal na paggamit ng

wika. Ang mga akdang pampanitikan na nasa bernakular, halimbawa,

ay hindi naman naibabahagi sa mga Filipino sa pambansang wika,


Ingles ang daan ng paghahatid ng mga nilalaman ng mga akdang ito

sa iba pang Filipino.

• Paano makalilinang ng isang kulturang pambansa kung ang wikang

pambansa na maaring magamit upang lagumin at pag-isahin ang

napakaraming Filipino ay patuloy na naisasantabi. Dapat sigurong

linawin din ng CCP ang pilosopiya nito kung paano bubuuin ang

kulturang pambansa pra matiyak ang magiging papel ng wikang

pambansa para dito.

You might also like