Ap Iv
Ap Iv
Ap Iv
Kagawaran ng Edukasyon
Rehilyoon IV-A CALABARZON
Sangay ng Cavite
Lalawigan ng Heneral Trias
PAARALANG ELEMENTARYA NG BELVEDERE
ARALING PANLIPUNAN 4
Name:___________________________________________________Score:______
I. Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa prinsipyo ng pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan?
a. Jus soli b. Jus sanguinis c. Naturalisasyon d.
Dual citizenship
2. Ito ay prinsipyo ng pagkamamayan ayon sa pagkamamamayan o dugo ng magulang.
a. Jus soli b. Jus sanguinis c. Naturalisasyon d.
Dual citizenship
3. Ano ang tawag sa kasulatan na kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino?
a. Artikulo b. Saligang Batas c. Seksiyon d.
wala sa nabanggit
4. Sino sino ang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas?
a. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino.
b. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong
Pebrero 2, 1987.
c. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng
naturalisasyon.
d. lahat ng mga nabanggit
5. Ito ang proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas.
a. naturalisayon b. dual citizenship c. jus soli d. jus sanguinis
6. Isa sa mga katangian ng isang dayuhan upang maging naturalisadong Pilipino ay ang
paninirahan nang tuloy-tuloy sa Pilipinas sa loob ng sampung taon. Kailan ito maaaring
mapaikli ng limang taon?
a. Kung ang isang dayuhan ay mayaman.
b. Kung ang isang dayuhan ay tanyag sa kaniyang bansa.
c. Kung ang isang dayuhan ay nakapag-asawa ng isang Pilipino.
d. Kung ang isang dayuhan ay may kilalang mataas na opisyal sa Pilipinas.
7. Sino sa mga sumusunod ang mamamayang Pilipino?
a. Si Joy na anak ng isang Igorot at Bicolano.
b. Si Carson na nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw.
c. Si Smith na isang Amerikano na nakapagtayo ng isang malaking kompanya sa
Pilipinas. Dalawang
taon na siyang nanainirahan dito.
d. Si Jasmine na anak ng Intsik at Amerikano.
8. Sino sa mga sumusunod ang hindi mamamayang Pilipino?
a. Si Christian na anak ng Pilipino at isang Hapones.
b. Si Jenifer na Canadian na naging naturalisadong Pilipino.
c. Si Trixie na ipinanganak sa Pilipinas.
d. Si Johnson na anak ng kapuwa dayuhan.
9. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa likas na karapatan?
a. bumuto b. maglaro c. mabuhay d. mag-aral
10. Anong uri ng karapatan ang nauukol sa ugnayan ng mamamayan at pamahalaan?
a. Sibil b. Politikal c. Panlipunan d.Pangkabuhayan
11. Hindi pinigil ng kanyang ama si Alden na sumapi sa relihiyon ng kanyang napangasawa.
Anong uri ng karapatan ang inihayag?
a. likas na karapatan c. karapatang panlipunan
b. karapatang sibil d. karapatang pangkabuhayan
12. Pilit na pinagpapalimos ng kanilang ina sa lansangan ang magkapatid na Jeremy at
Symhon dahil may sakit ang kanilang ama.Anong karapatan ang nilabag dito?
a. karapatang mgkaroon ng tirahan at ari-arian
b. karapatan sa pantay na proteksiyon ng batas
c. karapatang magsalita at ipahayang ang srili
d. karapatan laban sa sapilitang paglilingkod.
13. Binigyan si James ng pampublikong abogado para ipagtanggol siya sa kaniyang kaso.
Anong karapatan ang tinamasa ni James?
a. karapatan ng nasasakdal c. karapatang panlipunan
b. karapatang pangkabuhayan d. karapatang sibil
14. Masayang nakilahok si Marjohn sa paglilinis sa harap ng kanilang bahay dahil sa
panawagan ng programa ng barangay na “Tapat Ko, Linis Ko.” Anong tungkulin ang
ipinapahayag sa sitwasyon?
a. pagtatanggol sa bansa c. pagmamahal sa bayan
b. pagsunod sa batas d. paggalang sa watawat
15. Si Jonathan ay dating pulis ngunit siya ay nagretiro na. Isng araw, nagkroon ng
kaguluhan sa kanilang lugar. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Huwag na itong pakialaman dahil hindi na siya pulis.
b. Paggugulpihin niya ang mga nanggugulo.
c. Habulin lahat ng mga naggulo sa lugar.
d. Awatin ang mga naggugulo at tumawag ng ibang pulis.
16. Nakita mong nangongopya ang iyong kaklase sa kanyang notebook habang kayo ay
may pagsusulit. Ano ang iyong gagawin?
a. Magagalit ako sa kanya kapag hindi ako pinakopya.
b. Sasabihan ko siya na hindi tama ang kaniyang ginagawa.
c. Magsasawalang kibo na lang ako.
d. Gagayahin ko rin siya.
17. Nagdudulot ng mabahong amoy at usok ang pagawaan ng plastic sa inyong
pamayanan. Kung isaka sa mga opisyal ng inyong pamayanan, ano ang gagawin mo?
a. Huwag na lang pansinin dahil hindi naman umaabot ang amoy sa bahay mo.
b. Ipaalam ito sa tanggapan ng punong lungsod.
c. Pagalitan ang may-ari ng pagawan.
d. Pulungin ang mga tao sa pamayanan para magrali sa tapat ng pagawaan.
18. Binigyang-halaga ang karapatan ng bawat mamamayan sa Saligang Batas ng 1987
upang mapangalaagaan ito at makapamuhay nang maatiwasay ang mga tao sa lipunan.
Ano ang dapat na maging kaakibat nito?
a. batas b. tungkulin c. kasunduan d. alituntunin
19. Naihalal si Waukee na alkalde sa kanilang lungsod. Anong kaakibat na tungkulin ang
dapat niyang gawin?
a. gawin nang tapat ang tungkulin c. magsabi ng katotohanan
b. gawin ang naising gawin d. maging bos a kanilang lugar
20. Madalas na walang pambili ng pagkain si Mang Luis para sa kaniyang pamilya dahil wala
siyang trabaho. Ano ang dapat niyang gawin?
a. magpalimos sa daan c. mangutang sa tindahan
b. manghingi sa magulang d. maghanap ng pagkakakitaan
21. Masayang nagkukuwentuhan ang magkaibigang Joan at Joey. Sa kabilang silid ay
natutulog ang isang bata na may sakit. Ano ang pinakamabuti nilang gawin?
a. Itigi nila ang kanilang kuwentuhan.
b. Ituloy ang kanilang kasayahan dahil karapatan nila ito.
c. Hinaan nila ang kanilang boses para hindi maabala ang may sakit.
d. Lakasan ang kanilang kuwentuhan.
22. Anong termino ang tumutukoy sa pinkamataas na kabutihang makakamit at
mararanasan ng mga mamamayan?
a. gawaing pansibiko c. produktibong mamamayan
b. kamalayang pansibiko d. kagalingang pansibiko
23. Anong mga salita ang maaaring kabahagi ng Kagalingang Pansibiko?
a. Bayanihan, Pagkukusang-loob c. Pagkukusang-loob, Kasipagan
b. Pagkukusang-loob, Kalakasan d. Bayanihan, Katapatan
24. Alin ang sakop ng Kagalingang Pansibiko?
a. Edukasyon, Negosyo, Pagbisita ng Papa, Isports
b. Edukasyon, Kalusugan, Pananakop, Giyera
c. Edukasyon, Kalikasan, Kabuhayan, Kababaihan
d. Edukasyon, Kalikasan, Kabuhayan, Kalusugan
25. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Maraming relief goods ang dumating sa inyong
lugar. Ano ang gagawin mo?
a. Tumulong sa pamimigay ng mga relief goods.
b. Kukunin ang lahat ng relief goods para ibenta.
c. Hayaan na lamang sila sa pagbibigay.
d. Ibalita ito sa media na may dumating na relief goods.
26. Tumunog na ang bell ng paaralan, marami paring bata ang hindi nakalinya. Magsisimula
na ang pambansang awit. Ano ang gagawin mo?
a. Sumali sa mga batang hind pa nakalinya.
b. Huwag kumibo.
c. Sabihan sila na pumila na at sumabay sa pag-awit ng Lupang Hinirang.
d. Sigawan ang mga batang hindi nakalinya.
27. Nakita mong tumatawid sa kalsada ang isang matanda. Ano ang gagawin mo?
a. Alalayan ang matanda. c. Sabihan siya na mag-ingat sa
pagtawid.
b. Pabayaan siya at huwag pansinin. d. Maghanap ng pulis na
magtatawid sa kanya.
28. May proyekto sa inyong barangay tungkol sa kalinisan. Ano ang gagawin mo?
a. Manood sa mga taong maglilinis. c. Manatili na lamang sa loob ng
bahay.
b. Tumulong sa paglilinis at gawin ang makakaya. d. Mamasyal na lang para hindi
ka makita.
29. Alin sa mga sumusunod ang mga gawaing pansibiko?
a. Pagpapakain sa mga batang lansangan c. Pagboto sa mga opisyal ng
pamahalaan
b. Paglalaan ng oras sa bahay ampunan d. lahat ng mga nabanggit