Ang Bunga NG Pagpapakasakit
Ang Bunga NG Pagpapakasakit
Ang Bunga NG Pagpapakasakit
Layunin
a. Nakapagbibigay ng iba pang halimbawa ng mga taong naging matagumpay tulad ni Don Juan sa Ibong
Adarna.
b. Nailalahad ang mga sariling paghihirap at pagsubok na kinaharap noon o kinakaharap sa kasalukuyan .
c. Nakapagtatanghal ng skit o maikling drama na nagpapakita ng mga isyung panlipunan sa kasalukuyan.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Ang Ibong Adarna ( Ang Bunga ng Pagpapakasakit, Mga Saknong 197-231)
b. Sanggunian: Pinagyamang Pluma, Baisa-Julian et. al. 2014 , pp. 444-449
c. Kagamitan: Slide Presentation ng Paksa, Larawan ng mga Matagumpay na Tao
d. Aral: Pagiging Matatag sa Hamon/Pagsunod sa Payo
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
(Tatawagin ng guro ang isang mag-aaral upang
pangunahan ang panalangin.)
(Tatayo ang mga mag-aaral at pangungunahan ng
naatasang mag-aaral ang panalangin)
b. Pagbati
C. Pagganyak
May mga larawan akong inihanda na makikita ninyo
sa screen.
D. Paglalahad
Bago tayo dumako sa ating paksa ay subukin muna
natin ang lawak ng inyong talasalitaan. Sa paksa ay
may mga terminolohiyang malalalim at upang
maunawaan natin ang mga iyon na maaaring
magsilbing balakid sa talakayan ay ibigay natin ang
kahulugan ng bawat isa.
1. Yumao - Umalis
2. Nagnuynoy - Napag-isipan; Napaglimi
3. Napaghulo - Napagkuro; Napagwari
4. Malasin - Masdan
5. Binusbos - Hiniwa
6. Pinangko - Binitbit ng Braso
7. Pagkadaop - Pagkadikit
8. Matitimyas - Matatamis
9. Ipagsulit - Ibalita
Magaling at naibigay ninyo ang kahulugan ng bawat 10. Maglilo - Magtaksil
salita. Ngayon ay dadako na tayo sa pagtalakay sa
panibagong paksa, “Ang Bunga ng Pagpapakasakit”.
Sa screen ay basahin natin ang saknong 197-231.
F. Paglalapat
Kung ikaw si Don Juan, kakayanin mo rin kayang
magtiis at magsakripisyo alang-alang sa iyong
pamilya? Ano-anong sakripisyo ang nagawa mo na o
magagawa mo pa para sa kanila?
G. Paglalahat
Para sa pangkatang gawain, ang limang pangkat ay
magsasagawa ng skit o maikling drama kaugnay ng
mga pampamilyang isyu sa kasalukuyan. Ang bawat
pangkat ay bubunot ng paksa at bibigyan ng
sampung minuto para paghandaan ang maikling
drama.
1. Pagpaplano ng pamilya
2. Pagkalulong sa Bisyo ng Isang Miyembro ng
Pamilya
3. Pagkaligaw ng Landas ng Anak
4. Tama at maling Pagpapalaki sa Anak
5. Kawalan ng Oras ng Magulang Para sa Anak
PAMANTAYAN
5 4 3 2 1
TAK Natapos ang ga Natapos ang g Natapos a Natapos ang g Hindi natap
DAN wain nang buo awain nang b ng gawain awain ngunit l os ang gaw
G OR ng husay sa loo uong husay n sa loob n umagpas ng 5 ain
AS b ng itinakdan gunit lumagpa g itinakda minuto
g oras s ng 2 minuto ng oras
sa itinakdang
oras
V. Takdang-Aralin
Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang
personal na sanaysay na binubuo ng tatlondaan
(300) hanggang limandaang (500) salita batay sa
tanong sa ibaba.