3-Angkop Na Solusyon
3-Angkop Na Solusyon
3-Angkop Na Solusyon
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
Sangay ng Lungsod ng Kidapawan
I.LAYUNIN:
Sa loob ng animnapung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa akda.
C. Pag-uugnay ng (Magpapakita ang guro ng mga larawan na may kinalaman sa kapati at pamilya)
mga Halimbawa sa Panuto: Ang mga nasa baba ay mga teleserye na naging patok sa telebisyon.
Bagong Aralin
Pangkatang Gawain
Mga Tanong:
1. Anong suliranin ang kinaharap ni Don Juan mula sa mga binasang
saknong?
2. Sino ang tumulong para mailigtas si Don Juan sa tiyak na kamatayan
pagkatapos siyang bugbugin at iwan ng mga kapatid sa kaparangan?
3. Sa paanong paraan agad na gumaling si Don Juan mula sa kalagayang
halos mawalan na siya ng lakas at buhay?
4. Bakit mahalagang magmahalan at magtulungan ang magkakapatid kaysa
mag-away at magkasakitan?
Gabay na tanong:
I. Pagtataya ng Panuto: Tukuyin ang tamang sagot. Isulat sa isang kapat na papel.
Aralin
1. Sino ang tumulong kay Don Juan para mahanap ang Ibong Adarna?
a. Don Diego
b. Don Pedro
c. Ermitanyo
d. Donya Leonora
2. Ano ang ibinigay ng ermitanyo kay Don Juan upang maiwasan ang antok?
a. Dayap
b. Gamot
c. Tubig
d. Pagkain
3. Ano ang ginawa ni Don Diego at Don Pedro sa kanilang nakababatang kapatid na
si Don Juan?
a. Pinabayaan nila ang kanilang kapatid
b. Pinagalitan nila si Don Juan dahil sa hindi pagsunod
c. Ginawang alipin ang kanilang nakababatang kapatid
d. Pinagtaksilan, binugbog at iniwan na halos walang buhay nasa daan
4. Ano ang ginawa ni Don Juan matapos mahuli ang ibong adarna?
a. Inilagay sa hawla at dinala sa ermitanyo
b. Pinangko at idinala sa ermitanyo
c. Pinatulog ang ang ibong adarna gamit ang mahika
d. Binuhat at dinala sa ermitanyo
5. Ano ang gagawin ni Don Fernando matapos malaman kung ano ang ginawa ni
Don Pedro at Don Diego kay Don Juan?
a. Pinarusahan niya ang mga ito gamit ang dahas
b. Pinaalis sa kanilang tahanan at hindi na ipanabalik
c. Kinuhanan ng karapatan sa lahat
d. Pinarusahan sa pamamagitan ng pagpapatapon at pagbawi ng lahat ng
kanilang karapatan
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY“MAGING RESPONSABLE SA PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA”
Nagsimulang maglakbay si Don Juan na ang tanging dalang baon ay ang ang bendisyon ng
kanyang ama at limang pirasong tinapay. Dalangin niya sa Mahal na Birhen na bigyan siya ng
lakas sa kanyang paglalakbay at iligtas siya sa panganib at kapahamakan. Nakita niya ang
matandang leproso at binilinan siya nito na huwag maaliw sa isang punong kaakit-akit sapagkat
maaari din siyang maging bato. Ipinahahanap nito sa kanya ang isang bahay at doon
matatagpuan ang taong magtuturo sa Adarna. Nakita ni Don Juan ang dampang tinutukoy ng
matandang leproso at nalaman niya na doon nakatira ang ermitanyong makatutulong sa kanya
sa paghahanap ng ibong Adarna. Nakausap ni Don Juan ang ermitanyo at binigyan siya ng
mga bilin upang makuha ang Ibong Adarna. Binigyan rin ng ermitanyo si Don Juan ng isang
labaha, mga dayap upang labanan ang antok nito. Sinabi niyang sa tuwing magbabago ng awit
ng ibon ay hihiwain niya ang kanyang palad at papatakan niya ito ng dayap.
Habang pauwi sa Berbanyo, nakaisip si Don Pedro ng isang balak. Dahil sa inggit pinagbalakan
ng masama ni Don Pedro ang kapatid na si Don Juan. Sinabi niya ang kanyang balak kay Don
Diego. Hindi pumayag ang huli ngunit sa kapipilit ni Don Pedro napapayag niya rin si Don
Diego. Binugbog nila si Don Juan at iniwan na halos walang buhay nasa daan habang kinuha
nila ang Adarna at umuwi patungo Berbanya. Noong sila’y nakauwi, natuwa ang hari nang
makita niya ang kanyang mga kapatid. Ngunit, lumubha ang sakit niya noon nalaman niya na
wala si Don Juan. Hindi rin kumanta ang Adarna dahil wala pa si Don Juan.
May isang matandang mahina’t uugod-ugod na tumulong kay Don Juan. Nang si Don Juan ay
maayos ang kalagayan, agad siyang sinabihang matanda na magmadali sa pag-uwi. Dumating
na si Don Juan sa Berbanya. Lubos na sumaya ang kanyang ama at ina, at samantalang
nababahala naman ang kanyang mga nakatatandang kapatid. Gumanda na ang pangit na
balahibo ng Ibong Adarna ng makita si Don Juan. Gumaling si Haring Fernando. Inawit ng ibon
ang paghihirap at dalamhati ni Don Juan. Inilantad niya ang kasinungalingang ginawa nina Don
Pedro at Don Diego. Inawit niya ang pagsasalaysay ng pambubugbog sa kanyang bunsong
anak. Ninais ng hari na parusahan ang dalawang magkapatid sa pamamagitan ng
pagpapatapon at pagbawi ng lahat ng kanilang Karapatan, ngunit nahabag si Don Juan at
hiniling na patawarin na ang dalawa. Pumayag ang hari at silang lahat ay mamuhay ng
matiwasay.