Rach

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Si Apollo, si Aurora, at si Clytie

May isang mahalagang katungkulan si Apollo ang diyos ng araw. Tuwing umaga ay sumasakay
siya sa kanyang gintong karuwahe at tangang mahigpit ang riyenda ng mga kabayo ay
naglalakbay siya nang buong maghapon. Sa katapusan ay pumapasok siya sa tarangkahan ng
kanluran.

Si Aurora ay diyosa ng bukang-liwayway. Siya ang nagbubukas ng pinto sa silangan at humahawi


ng itim na kurtina ng gabi, nagtataboy sa mga bituin upang maging handa ang lahat sa pagdating
ni Apollo.

Laking lungkot ni Aurora nang ang isa sa kanyang mga anak ay namatay. Umiyak siya nang
umiyak. Tuwing madaling araw habang ginagampanan niya ang kanyang katungkulan ay
pumapatak ang kanyang luha na parang, butil ng kristal sa damuhan.

Si Clytie ay isang masayang nimpa sa tubig. Nang makita niya si Apollo ay inibig niya ito. Ngunit
hindi siya pansin ni Apollo. Mula umaga hanggang sa dumilim ay tinatanaw ni Clytie ang
kinahihibangan niyang si Apollo. Sinusundan niya ng tanaw ang paglalakbay ni Apollo.

Dahil sa awa sa kanya ng isang diyosa ay ginawa siya ng isang bulaklak na laging nakatanaw sa
liwanag ni Apollo. Pagsapit ng dilim at wala na si Apollo siya ay napapatungo at nalulumbay.

Hango sa kuwento ni L. Salvador

Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.

Source: https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/si-apollo-si-aurora-at-si-clytie/
Si Pluto at si Proserpina

Si Demeter ay diyosa ng lupa. Siya ang namamahala sa pagtatanim at pag-aani ng mga


magsasaka. Kung minsan ay tinatawag siyang Inang-Lupa. Nakatira siya sa magandang
pulo ng Sisilya sa piling ng kanyang anak na si Proserpina.

Si Proserpina ay isang dalagang magandang-maganda. Katulong siya ng kanyang ina sa


pangangalaga sa mga halaman sa lupa. Kung minsan ang mag-ina ay namimitas ng mga
bulaklak sa basa pa ng hamog kung bukang-liwayway. Kung minsan naman ay
nakikipagsayaw si Proserpina sa kanyang mga kapwa dalaga sa gitna ng parang. Masaya
ang buhay ng mag-ina.

Nang mga panahong yaon ay malungkot si Pluto. Nag-iisa siya sa kanyang kaharian sa
ilalim ng lupa. Ibig niyang magkaroon ng reyna. Marami nang dalaga ang kanyang
pinaghandugan ng mga mahal at magaganda niyang hiyas, ngunit isa man ay walang
mahikayat na tumira sa kanyang kaharian.

Isang araw ay nagtungo si Pluto sa ibabaw ng lupa. Nakalulan siya sa kanyang gintong
karosa na hinihila ng mga kabayong walang kamatayan. Mabilis ang takbo ng mga
kabayo. Nagkataong nasa parang noon sina Proserpina at ang kanyang mga kaibigan.
Nakita siya ni Pluto.

Siya ang gagawin kong reyna ng aking kaharian! ang bulong ng hari.

Pinatakbo ni Pluto ang kanyang mga kabayo at inagaw ang dalagang namimitas ng mga
bulaklak.

Humingi ng tulong si Proserpina. Tumawag siya sa kanyang amang si Seus, ngunit hindi
siya narinig noon. Walang nakarinig sa kanyang kasisigaw maliban sa isang mahiwagang
diyosang ang pangalan ay Hekate. Gayunman ay sumigaw rin nang sumigaw si
Proserpina. Ang alingawngaw ng kanyang sigaw ay ikinalat ng hangin sa mga burol at
kagubatan hanggang sa marinig ni Demeter na noo’y nasa malayong pook.

Dali-daling nagbalik sa Sisilya si Demeter. Una siyang nagtungo sa kanilang tahanan


upang tingnan si Proserpina. Wala roon ang dalaga. Naghanap si Demeter. Siyam na
araw niyang hinanap ang nawawalang anak. May dala siyang dalawang sulo na
itinatanlaw sa lahat ng sulok ng lupa, ngunit di niya matagpuan ang dalaga. Dahil sa laki
ng kanyang kalungkutan ay hindi siya tumikim ng ano mang pagkain ni inumin.

Dumating sa kanya si Hekate nang ikasampung araw. Ibinalita sa kanyang narinig niya
ang mga sigaw ni Proserpina ngunit hindi niya nakita kung sino ang umagaw.
Nagtungo sa diyos ng mga araw si Demeter upang magtanong. Ibinalita ni Apolo na ang
umagaw kay Proserpina ay si Pluto. Nalungkot na lalo ang mabait na ina. Hindi niya
naasikaso ang kanyang gawain sa ibabaw ng lupa. Namatay ang mga halaman at
nagkagutom ang mga tao. Habang lumalakad ang mga araw ay lalo silang
nagkakagutom. Lumapit sila kay Demeter at hiniling patubuin na ang mga halaman sa
lupa. Naging matigas ang puso ni Demeter dahil sa kalungkutan. Sinabi niya sa mga tao
na hangga’t hindi niya nakikita ang kanyang anak ay hindi niya maaasikaso ang mga
gawain niya sa lupa.

Naghanap siya nang naghanap. Nang wala na siyang pag-asa ay lumapit siya kay Seus.
Hiniling niya sa diyos ng mga diyos na ibalik sa kanya si Proserpina.

Kung siya’y ibabalik sa akin ay muling magkakaroon ng masaganang ani sa lupa, ang sabi
ni Demeter kay Seus.

Naawa sa kanya si Seus. Ipinangako sa kanyang ibabalik sa piling niya si Proserpina kung
ang dalaga’y hindi kumain ng anuman samantalang nasa kaharian ni Pluto.

Natuwa si Demeter. Nagtungo siya sa ilalim ng lupa. Natagpuan siya si Proserpina sa


palasyo ni Pluto. Nagyakap ang mag-ina. Ibig na ibig na ng dalagang masilayan ang
ibabaw ng lupa na sinisikatan ng araw. Ngunit siya pala’y kumain nang araw na ayaon,
ng anim na buto ng Granada. Dahil sa pagkakain niyang yaon ay minarapat ni Plutong
mamalagi sa kanyang piling si Proserpina sa loob ng anim na buwan, at sa piling naman
ni Demeter sa nalalabing anim na buwan bawat taon.
Bakit Mataas ang Langit?

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin.


Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa kuwento na ito ang mga sagot. Si Maria at ang
kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at
kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at
kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw
nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.

"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.

"Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos.

"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na isasaing."

"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang kanyang
tingin sa kanyang anino sa tubig.

"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na
utos ng matanda.

Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay
at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat
siyang sumunod nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng
ilang sandali, siya ay pinawisan.

"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.

"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na
noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay
tinitingnan ang suklay at kuwintas.

"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.
"Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking
suklay at kuwintas."

Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at
maisuot niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at
dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo
sa langit, nguni't hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin.
Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at
kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito
sa lusong at nang madaling mabayo ang palay.

Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't
pagbunggo naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay
mataas na ang langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na
niya maabot ang mga ito.

Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong
gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon
ay mataas na mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang
kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang
kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.

"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang sarali,
"At anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!"

Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.

Source: https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/bakit-mataas-ang-langit/
Ang Kahon ni Pandora

Noong unang panahon, ang mga sinaunang Diyos ay nagdesisyong gumawa ng isang
obra maestra. Sila'y gumawa ng isang perpektong babae na pinangalanan nilang
Pandora.

Lahat ng mga naghahari doon ay nagbigay kay pandora ng regalo na hahangaan ng iba:
Kagandahan, katalinuhan, kaalaman at kakayahan sa lahat ng bagay.

Sa wakas dinala na siya kay Hupiter, ang Diyos ng lahat ng mga hari, upang ibigay ang
kanyang natatanging regalo kay Pandora na hindi mahihigitan ng anumang regalo ng iba,
bago pa siya ipadala sa mundo.

Si Hupiter, na hindi papatalo sa mga regalong naibigay na sa kanya ng ibang mga hari.
Kaya't binigyan niya ito ng isang magandang kahon na may disenyo. Binilin niya kay
Pandora na huwag itong bubuksan kahit anong mangyari.

Ngunit hindi nakatiis si Pandora na malaman kung ano talaga ang nilalaman ng kahong
iyon.

Isang araw binuksan niya iyon, nagulat siya sa kanyang natuklasan, naglabasan lahat ng
masasamang elemento na magbibigay ng masamang epekto sa mga tao: Pagkatanda,
pagkakasakit, pagseselos, pagkasakim at poot. Bago pa naisara ni pandora ng kahon
nakalabas na ang mga ito at kumalat na sa buong mundo.

Sa kabutihang palad, naiwan sa loob ang "Pag-asa" na siyang magpapatibay ng loob sa


mga taong dumadaan sa mga pagsubok sa kanilang buhay.
Ang Alamat ng Durian

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo'y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao


ay mga sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka't siya ay laging
nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga kaaway.

Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa
kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata'y pinangalanang Durian,
na ang ibig sabihi'y munting tinik.

Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay
mabubuhay ng labing-siyam na taon lamang.

Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang
ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang
Lumikha ay natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang
makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang
katotohanan.

Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya'y namatay ang kanyang bangkay ay
doon ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang
kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay natupad.

Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol.

Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa ito'y
namulaklak at namunga.

Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal
sa palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at
maliit ang buto. Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito'y
ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang tagapagpagunita hinggil kay Durian noong
nabubuhay pa siya.
Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang
pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito'y si Sangkalan. Sa huli'y siya
ang naging datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.

Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong


pinarusahan. Pinawalan ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang arinig pagkatapos
ng ilang saglit may nakitang mahiwagang liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na
nakatayo sa libingan ni Durian.

Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki
at maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos.
Pinagpalaluan ang Kanyang karunungan.

Noon di'y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang
katawan ni Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan.
Noon di'y itinanghal na bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.

Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat
ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama'y matamis. Nakatawag ng
pansin ang masama nitong amoy.

Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.


Ang Alamat ng Hipon

Noong unang panahon, ang mundo ay sagana sa likas na yaman. Walang puno ang hindi
hitik sa bunga. Walang ilog ang hindi puno ng isda. Ang mga hayop sa gubat ay
naglipana din. Dahil dito ang mga tao ay laging may mga piging. Ito ay alay nila bilang
pasasalamat kay Bathala. Lahat ng tao, bata man o matanda, lalake at babae, ay tumaba.
Tumaba sila ng tumaba hanggang sa tuwing maliligo kahit na pa tatlong tao lang sa sapa
ay umaapaw agad tubig.

Ngunit may isang bata ang may bulate kaya lagi siyang walang gana. Habang lumolobo
ang mga binti ng ate nya at nagkakagilit-gilit ang leeg ng kuya niya, siya ay lumaking
seksi. Ang pangalan niya ay Ipong.

Maganda si Ipong. Huwag lang haharap. Dahil kung anong ganda ng katawan ay siya
namang pagkaimpakto ng mukha. Ang labi niya ay isang dipang kapal. Ang ilong nya ay
matangos naman ngunit bukaka ang mga butas. Ang mga mata niyang banlag ay animo'y
laging gulat.

Isang araw naglalakad si Ipong papuntang piging ng may bigla siyang nakasalubong na
babaeng humihingi ng limos. Ito na yata ang pinakamatabang babae na nakilala niya.
Dahil sa pandidiri ay nilayuan niya ito pero ang pulubi ay humabol at nagmakaawa.

"Aba'y lintek na babaeng ito! Ang langis mo! Paano na ako magugustuhan ni Pedro
nyan!" ani ni Ipong sabay hawi ng buhok.

Nang biglang lumindol at nawala ang matabang babae, isang diwatang ubod ng ganda
ang lumitaw sa harap niya.

"Ako si Minervie! Ang dyosa ng dagat! Dahil sa kasamaan mo, parurusahan kita! Simula
ngayon, hindi ka na maglalakad sa lupa. Ikaw ay magiging isang nilalang sa karagatan.."

Biglang lumiwanag ang paligid at si Ipong ay naging hipon. Hanggang ngayon, makikita
sa likod ng hipon ang bulate na nagmistulang sumpa nung hibi pa si Ipong.
Bakit Hati Ang Kuko Ng Kalabaw?

Minsan nagkasalubong ang kalabaw at ang pagong sa daan. Naglakad sila sa kagubatan at
nagkaroon ng magandang pag-uusap. Ang pagong ay komikero, at madalas magpamalas ng
kaniyang galing sa pagkuha ng pagkain na may halong pandaraya. Gustong-gusto niya maging
kaibigan ang kalabaw sapagkat naisip niya na kapag naging magkaibigan sila, ang malaking
hayop na ito ang tutulong sa kaniya sa tuwing mapapaaway siya. Kaya sinabi niya sa kalabaw,

“Magsama na tayo sa isang tirahan at sabay maghanap ng makakain. Sa ganitong paraan,


matitigil ang pagkabagot natin sa buhay mag-isa.”

Subalit suminghal ang kalabaw sa mungkahi niya. Sumagot ito, “Ikaw na makupad! Kung gusto
mo, doon ka mamuhay kasama ang mga utusang bubuyog, at hindi ang isang tulad kong mabilis
at malakas.” Masyadong nasaktan ang pagong. Upang makabawi, hinamon niya sa isang karera
ang kalabaw. Noong una, ayaw tanggapin ng kalabaw ang hamon. Naisip niyang lalabas siyang
kahiya-hiya kung makikipagkarera siya sa isang pagong. Sinabi ng pagong sa kalabaw,

“Kung hindi ka makikipagkarera sa akin, ipapamalita ko sa buong kagubatan, kakahuyan, at


kabundukan, at sasabihin ko sa lahat ng mga kasamahan mo at mga kaibigan ko, at sa buong
kaharian ng mga hayop na duwag ka.”

Dahil dito nakumbinsi din ang kalabaw, at sinabi niya, “Sige, bigyan mo lang ako ng tatlong araw
para paghandaan ang karera.”

Masayang-masaya naman ang pagong na naurong nang tatlong araw ang karera. Dahil dito,
mapaghahandaan din niya ang mga plano niya. Napagkasunduan ng pagong at kalabaw na
paabutin ang karera hanggang sa pitong burol.

Kaagad-agad na binisita ng pagong ang pito sa kaniyang mga kaibigan. Sinabi niya sa kanila na
kapag nanalo siya, para ito sa karangalan ng kaharian ng mga pagong. Nangako naman sila na
tutulungan siya. Kinabukasan, ipinuwesto niya ang isang pagong sa itaas ng bawat burol
pagkatapos silang bigyan ng tagubilin.

Dumating ang ikatlong araw. Kinabukasan, maagang-maagang nagkita ang pagong at kalabaw sa
nagpagkasunduang burol.

Sa isang hudyat, nagsimula na ang takbuhan. Hindi nagtagal, hindi na nakita ng mga mananakbo
ang isa’t isa. Pagdating sa ikalawang burol, labis na nagtaka ang kalabaw dahil naroon na at
nauna pa sa kanya ang pagong. Sumigaw siya, “Narito ako!” Kaagad namang nawala ang
pagong. At sa bawat narating na burol, nauuna talaga sa kaniya ang pagong. Sa ikapitong burol,
naisip niya na talo na siya. Lubha siyang nagalit kaya sinipa niya ang pagong. Dahil sa
napakatigas ng balat ng pagong, di man lang ito nasaktan. Pero nahati sa dalawa ang kuko ng
kalabaw sa lakas ng pagsipa niya. Hanggang ngayon, dala-dala pa rin ng mga kalabaw ang tatak
ng hindi makatarungang ginawa ng kanilang ninuno laban sa isa na alam niyang higit na mahina
sa kaniya.

You might also like