Introduksyon NG Lipunan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

INTRODUKSYON NG LIPUNAN at

WIKANG FILIPINO SA PRODUKSIYON NG


KAALAMAN SA IBA’T IBANG LARANGAN

Isang Sulating-ulat na ipinasa


Kay Bb. Bainon Kenna Calig-onan
Institute of Education and Teacher Training
Davao Oriental State College of Science and Technology\

Lungsod ng Mati

Bilang Bahagi ng Pangangailangan


Sa Asignaturang
FILI 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan

Ipinasa nina:

Dexter Salim
Mae Ann Biol
Namrah Jornorlyn Daingan
Roselie Joy Simo
Jear Tunong
Rosana Matucol
Chona Goden
Fahmia Cagunan

March 21, 2020


VII. INTRODUKSYON NG LIPUNAN

ULAT NI: Namrah Jornorlyn S. Daingan


KAHULUGAN NG LIPUNAN
Ayon kay Emile Durkheim, “ang lipunan ay isang buhay na organism kung saan
nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago” (Mooney,
2011). Ayon naman kay Karl Marx, “ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan.
Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang kanilang pangangailangan” (Panopio, 2007). Nakasaad din kay Charles Cooley,
“ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at
higit na nakiklala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang
miyembro ng lipunan” (Mooney, 2011).
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. Binubuo ng iba’t ibang institusyon,
ugnayan at kultura. Ito ang estrukturang panlipunan at kultura.

• Mga elemento ng Estrukturang Panlipunan


1. Institusyon
Ito ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
a. Pamilya
b. Edukasyon
c. Relihiyon
d. Pamahalaan

2. Social Group
Ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon
ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. Mayroon itong dalawang
uri:
1. Primary Group – tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal.
2. Secondary group – binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.

3. Status
Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ito ay may
dalawang uri:
1. Ascribed Status – nakatalaga sa isang indibiduwal simula ng siya ay ipanganak. Hindi ito
kontrolado ng isang indibiduwal.
2. Achieved Status – nakatalaga sa isang indibiduwal sa bias ng kaniyang pagsusumikap.
Maaaring magbago ang isang indibiduwal ang kaniyang achieved status.

4. Gampanin (Roles)
Ito ay tumutukoy sa mga gampaning sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng
lipunang kanyang ginagalawan. Ang mga gampaning ito ay ang magiging batayan din sa kilos ng
isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan.
• Kultura
Ito ay isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuoan (Andersen at Taylor).
Ayon naman kay Panopio ang kultura ay ang kabuoang konseptong sangkap sa pamumuhay ng
mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuoang Gawain ng tao. Mayroon itong dalawang
uri:
1. Materyal – binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan at iba pang bagay na
nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. Ito rin ang mga bagay na may kahulugan at
mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan.
2. Hindi Materyal – kabilang dito ang batas, gawi, idea, paniniwala, at norms ng isang
grupo ng tao. Hindi ito mahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan. Ito rin ay
bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan.

MGA SULIRANIN SA ATING LIPUNAN


• Krisis sa Ekonomiya
Hindi na lingid sa ating kaalaman ang krisis sa ating ekonomiya. Lahat ng mga nangyayari sa
ating lipunan gaya ng kahirapan, kriminalidad atbp ay dala ng pagkakaroon ng kagipitan sa
ekonomiya. Hindi madaling solusyonan ang ganitong suliranin kung ang mga nasa katungkulan
ay gahaman sa kapangyarihan at nasisilaw sa salapi.
• Kahirapan
Limampu’t limang (55%) porsyento ng pamilyang Pilipino o 12.1 milyong Pilipino ang mahirap
sa Pilipinas. Ang kahirapan ay isang pangmatagalang suliranin na mahirap ng hanapan ng
solusyon sapagkat ito ay nakadepende kung paano ang mga tao sa lipunan ay magsusumikap
upang maiangat ang kanilang pamumuhay.

• Kakulangan sa Edukasyon
Isa sa walong Pilipino o 6.24 milyong pamilya ang hindi nakakapag-aral. Noong panahon ng
kastila, hindi makapag-aral ang mga Pilipino. At ngayong wala na sila, bakit hindi pa rin
nakakapag-aral ang mga Pilipino? Isang katanungan na alam na natin ang kasagutan; ito ay ang
kawalan ng pampinansiyal.
• Korapsyon o Katiwalian sa Pamahalaan
Kasama sa top 30% sa pinaka-corrupt na bansa ang Pilipinas sa buong mundo at top 10 naman sa
buong Asya. Nagsisimula ang korapsyon sa Pilipinas mula sa barangay pa lamang, paakyat sa
mga ahensya ng gobyerno.
• Kriminalidad
Isa sa mga hamon sa Pilipinas ay ang tumataas na ang bilang ng krimeng nagaganap sa loob ng
bansa. Kapansin-pansin ang mga krimeng nagaganap ngayon, tulad ng pagpatay, pagnanakaw,
panggagahasa, at pagdukot sa biktima. Lagi itong laman ng telebisyon, pahayagan at radyo.
• Karahasan sa Kababaihan at Kabataan
Noon pa man ay nakararanas na ng kalupitan ang kabataan at mga kababaihan. Ang pang-aabuso
sa mga bata at karahasan sa mga kababaihan ay nananatiling malaking problema sa lipunan.
• Droga
Nagsimula ang suliranin sa paglaganap ng droga noong 1980’s kung saan nakilala ang
marijuana. Noong huling bahagi ng dekada 80 ay lumabas ang metamphetamine na higit na
mabagsik at tinaguriang narcotic problem. Kinilala ito sa katawagang shabu na ipinapasok sa
bansa at pinagkakakitaan ng napakalaki.
Kongklusyon
Maraming hinaharap na suliraning panlipunan ang Pilipinas. Dapat ay magtulungan tayong
maiayos ang nakababahalang lagay sa ating lipunan. Bilang isang mamamayan sa Pilipinas,
marami tayong magagawa upang makatulong sa pamahalaan. Tungkulin natin ito hindi lamang
sa ating bansa, kundi sa ating kababayan at sa sarili. Magtulungan tayo sa pagsugpo sa problema
ng ating lipunan at siguradong malalampasan natin ito. Lalakas at uunlad ang ating bansa.
ULAT NI: Mae Ann C. Biol

KATANGIAN NG ISANG LIPUNAN AT IILAN


SA MGA ISYUNG KINAKAHARAP NG LIPUNAN

Katangian ng isang Lipunan


Ano ang isang maunlad na lipunan?
• Ang isang maunlad na lipunan ay isang komunidad na may kalayaan at may kakayahan
na mamahala sa sarili nito. Ito ang komunidad kung saan makakamit ng mga tao ang kanilang
maga karapatan at pangangailangan.
• Sa maunlad na lipunan lahat ng mga tao ay nagtutulong-tulong upang itaguyod ang
kapayapaan at katiwasayan ng pamumuhay.

Magandang Katangian ng Maunlad na Lipunan

1. Maunlad na Agrikultura

• Sa isang maunlad na lipunan nautugunan ng agrikultura ang halos lahat na


pangangailangan ng tao. Sa pamamagitan ng pagtatanim at pag-aalaga ng hayop nakatustus ito sa
ating pangangailangan mula sa pagkain hangang sa mga hilaw na materiales na kailangan sa
industriya. Sa maunlad na agrikultura naiiwasan ang “Food Shortage” dahil sa epektibong
pagpoprodyus ng mga produkto.
• Sa pamamagitan ng maunlad na agrikultura nagagawa ng lipunan na makipakalakalan ng
mga produkto na maaring pagkikitaan ng lipunan.
2. Mataas na Teknolohiya
• Sa pagtuklas ng mga bagay, nagiging simple at madali an gating pamumuhay. Isang
halimbawa ng bansang may mataas na lipunan ay ang Bansang Japan. Ang Japan ay ay isang
maunlad na bansa na kilala sa kanilang mataas na teknolohiya. Isang kagadahan ng maunlad na
lipunan ang mataas na teknolohiya.

3. Edukadong mamamayan
• Maunlad ang isang lipunan kapag ang lahat ng mga mamamayan dito ay may pinag-
aralan kaya kinalangan natin ng edukasyon. Edukasyon ay susi sa kaunlaran ng isang lipunan.

4. Kalusugan
• Ang magandang kalusugan at ang kalinisan ay hindi lamang nagppaganda ng isang
lipunan, ito din ang umiiwas sa sakit at iba pang problemang pangkalusugan sa lipunan. Kapag
malayo sa kasakitan ang mamayan mas lalo nagging epektibo sila sa gawain. Sa pamamagitan ng
pagtayo ng mga ospital at mag klinika at sa tulong ng mga doctor mas napapangalagaan ang
kalusugan ng mga mamamayan dahil ang isng maunlad na lipunan ay mayroong malulusog na
mamamayan.

5. Mataas na Employment Rate


• Sa tulong ng edukasyon, nakakapagtapos ang maga kabataan at nagkakaroon ng
magandang trabaho. Kapag maraming mamamayan ang may trabaho tumataas ang Employment
Rate. Kapag lahat ng tao ay may trabaho na may magandang sweldo kaya na nilang matutugunan
ang kanilang mga pangangailangan at maaring wala nang maghihirap pa sa kawalan ng trabaho,
iyan an kagandahn ng isang lipunan kapag lahat ay may trabaho.

6. Epektibong Pamumuno ng Pamahalaan


• Nagiging maunlad ang isang lipunan dahil sa epektibong pinuno ng lipunan kaya ang
isang maunlad na lipunan ay mayroong pamahalaan para mamamahala ng lipunan. Sa tulong ng
pamahalaan nagiging organisado ang isang lipunan at nagiging mapayapa dahil dito
napapahalagahan ng mga tao ng kagandahan ng isang maunlad na lipunan.

Iilan sa mga Isyung Kinakaharap ng Lipunan


ISYUNG PANLIPUNAN – Sa paksang ito, malalaman natin ang iba’t ibang klase ng mga
isyung panlipunan at ang mga sanhi nito.
Ito ang mga problema na nangyayari ngayon sa mga lipunan o kung minsan, sa isang nasyon.
Narito ang mga iba’t ibang klase nito:

Ito ang mga problema na nangyayari ngayon sa mga lipunan o kung minsan, sa isang nasyon.
Narito ang mga iba’t ibang klase nito:

Mga Isyung Panlipunan

1. Pagsasapin-sapin sa Lipunan
• Ito ay isang uri nga pagkakaiba sa lipunan na kung saan ang mga tao sa lipunan ay
pinagtangi na ukol sa kanilang kaayuan sa buhay na base sa kanilang kita, kayamanan, katayuan
sa lipunan, at kung minsan, sa kailang kapangyarihan, panlipunan man o politikal. Ito ay
nagbubunga ng tinatawag ng kapootan sa lahi o sa kapwa tao.
2. Isyung Ekonomiko/Kahirapan
• Ito ay nagbubunga ng mga pagkawala ng trabaho ng mga tao na depende sa lugar,
kasarian, edukasyon, at kadalasan sa mga grupong etniko.
3. Problemang Pangkapitbahayan
• Ito naman ang isyu na nangyayari sa mga kapitbahayan. Ang mga ganitong communidad
ay kadalasang may mataas na dropout rate sa hayskul, at ang mga bata na lumalaki sa mga
ganitong communidad ay kadalasang may mababa sa walang pagkakataon na mag-aral sa
kolehiyo.
4. Kalusugang Pampubliko
• Ang mababa na kalusugang pampubliko ay bunga nga mga tinatawag na pandemic o
epidemic o ang pagkalat nga mga sakit sa rehiyon o sa malaking pangkat ng tao.
5. Diskriminasyon sa Edad
• Nang minsan, may mga problema sa lipunan na ang sanhi ay ang pagtangi sa edad ng
isang tao.
6. Hindi Pagkapantay-pantay sa Lipunan
• Ito naman ang bunga ng maraming problemang panlipunan na kung saan pinagbabasehan
ang kasarian, kapansanan, lahi, at edad na nag aapekto sa pagtatrato ng isang tao.
7. Edukastyon at Paaralang Pampubliko.
• Ang edukasyon ay ang isa sa mga pinakamahalagang dahilan sa pag-asenso at pag-unlad
ng lipunan. Kapag kulang ito, ito ay buhat ng hindi pagkaroon ng sakktong pondo sa mga
paaralang pampubliko.
8. Problemang Pantrabaho
• Kabilang dito ang stress, pagnanakaw, paggugulo sa kapwa tao, hindi pantay ang sahod,
papoot ng ibang lahi, at iba pa.
9. Aborsyon
• Ito ang pagbatay sa sanggol habang nasa loob ng tiyan ng ina. Isa rin ito sa mga
pinakakontrobersyal na isyu na napaligiran sa aspetong moral, legal at katayuang panrelihiyon.
VIII. WIKANG FILIPINO SA PRODUKSIYON NG
KAALAMAN SA IBA’T IBANG LARANGAN

A. Pagtuklas at paglinang ng mga kaalaman batay sa lokal na kaalaman at/o


katutubong kaalaman. (Metaposisasyon, Problematisasyon, Pangangatwiran atbp.)

I. Kalusugan (ULAT NI: Dexter Salim)

Sa kasalukuyang panahon mahalaga ang ginagampanan ng wikang Filipino sa ating


lipunan sapagkat sa tulong nito nauunawaan ng ating mga kababayang maituturing na
salaylayan ang mga terminolohiya na ginagamit ng  mga doktor at nars sa larangan ng
kalusugan. Kung kaya’t nakatutulong ito upang mas mabigyan nila ng pagpapahalaga
ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at pag-iisip. Gayundin marami na
ring mga gamut ang nasusulat sa wikang tagalog ang paraan ng pag-inom nito upang
hindi magkamali ang pasyente.
Ayon sa Philippine Council for Health Research and Development, narito ang sampung salitang
medical o pangkalusugan na may direktang salin sa Filipino.
1. Haynayan – biology; isang natural na agham na nauukol sa pagaaral ng buhay at mga
nabubuhay na organismo
Mikhaynayan – microbiology; isang natural na agham ukol pagaaral sa miktataghay o
microorganism
Mulatling Haynayan – molecular biology; pagaaral ng mga istruktura at tungkulin ng mulatil o
molecule sa mga nabubuhay na organism

Halimbawa:
Bata pa lamang ay paborito na ni Jose ang haynayan, at ngayon, isa na siyang palabaga na
naimbita na magsalita sa susunod na Philippine National Health Research System Week.

2. Palapuso – cardiologist; isang dalubhasa ng palapusuan o cardiology


Palabaga – pulmonologist; isang dalubhasa ng palabagaan o pulmonology
Paladiglap – radiologist; isang dalubhasa ng paladiglapan o radiology

Halimbawa:
Nakuha mo na ba ng resulta ng iyong rayos-ekis sa paladiglap?

3. Kagaw – germ; mga miktataghay na nagdudulot ng sakit

Halimbawa:
Karamihan ng patalastas sa telebisyon ngayon tungkol sa alkohol ay nangangako na pupuksa sa
siyamnapu’t siyam na pursyento ng mga kagaw.

4. Sihay – cell; ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organism

Halimbawa:
Isinali ni Melchor ang kanyang saliksik tungkol sa hatimbutod o mitosis ng mga sihay sa
susunod na National Medical Writing Workshop na gaganapin sa Zamboanga.

5. Muntilipay – platelet; mga selula o sihay na may mahalagang papel sa pagpagaling ng mga
sugat na dumadaan sa daluyan ng dugo

Halimbawa:
Nalaman nilang may dengue si Maria nang magpositibo siya sa resulta ng Biotek-M Dengue
Aqua kit, at nalaman ding bumabagsak na ang bilang ng kanyang muntilipay.

6. Kaphay – plasma; isang bahagi ng dugo na ang pangunahing trabaho ay ang transportasyon
ng mga ensyma, nutrisyon, at hormona

Halimbawa:
Itinuturing ng World Health Organization ang kaphay ng dugo na kabilang sa listahan ng mga
pinakaimportanteng gamot na kailangan sa isang matagumpay at organisadong sistemang
pangkalusugan.

7. Iti, daragis, balaod – tuberculosis; impeksyon sa baga na nagmumula sa isang uri ng ishay o
bacteria, ang Myobacterium tuberculosis

Halimbawa:
Ang TB-Fit ay isang programang naglalayong subaybayan ang mga kaso ng iti sa mga
komunidad upang makagawa ng sistematikong solusyon sa deteksyon ng naturang sakit.

8. Sukduldiin, altapresyon – hypertension; isang medikal na kondisyon kung saan ang presyon
ng dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas

Halimbawa:
Ayon sa pagaaral ng Unibersidad ng Pilipinas-Maynila, may malaking papel ang hene o genes sa
pagkakaroon ng karamdaman tulad ng altapresyon, sakit sa puso, at dyslipidemia.
9. Mangansumpong – arthritis; ang pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng
kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito
Piyo – Gout; isang uri ng mangansumpong o rayuma na dulot ng abnormal na metabolismo ng
uric acid.

Halimbawa:
Ayon sa Philippine Rheumatology Association, noong 2015, mahigit kumulang 1.6 milyong
Pilipino ang may piyo na labis na nakakaapekto sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.

10 .Balinguyngoy – nosebleed; pagdurugo ng ilong

Halimbawa:
Madalas na sinasabi na nakakadulot ng balinguyngoy ang labis na pagsasalita ng Ingles, pero sa
katotohanan, ang pagkatuyo ng bamban o membrane sa loob ng ilong ang kadalasang sanhi nito.

II. Pagkain

Wikang Filipino dapat ang lagi nating gamitin dahil una sa lahat, tayo ay mga
Pilipino. Sino pa ba ang magmamalaki ng ating bansa at wika kundi tayo? Tayo ang
magmamalaki nito. Ang paggamit ng sariling lengwahe ay isang paraan upang higit
na mapalapit ang ating sariling produkto sa mga mamimili. Para sa amin, mas marami
ang tatangkilik ng produkto ng ating bansa kung nasa wikang Filipino ang gamit na
wika sa pag-eendorso.
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda” iyan ay
ayon sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Ayon sa Rehistro ng Wika ng Kusinero, narito ang iilan sa mga salitang tungkol sa anumang
pagkain sa wikang Filipino.
 Prito - Pagluto ng pagkain gamit ang mantika
 Repridyereytor - Sisidlang palamigan
 Saing - Paraan ng pagluto ng bigas
 Suka - Pampa-asim ng pagkain na ginagamit din bilang sawsawan
 Sunog - Matagal na pagbabad ng lutuin sa mainit na mantika
 Tikman - Lalasahan ang pagkain kung ito ay nasa tamang timpla
 Toyo - Hinahalo sa lutuin at gingamit din bilang sawsawan
 Tustado - Sobrang pagluto ng pagkain
 Abrelata - Pang bukas ng lata
 Achuete - Buto ng Annatto
 Asin - Pampalasa ng pagkain
 Balatan - Paraan ng pagbalat ng mga prutas o gulay
 Binuro - Ginagamit ang asin bilang preserbatib sa pagkain
 Dinaing - Pinatuyong isda
 Gayatin - Paraan ng paghiwa
 Guinataan - Pagkain na iniluto sa gata (coconut milk)
 Guisado - Ginisang pagkain
 Ihaw - Pagihaw ng hilaw na isda, baboy, manok at iba pa.
 Kalan - Lutuan
 Mangkok - Lalagyan ng mga lutuing may sabaw
 Mantika - Ginagamit sa pagprito ng hilaw na pagkain
 Nilaga - Sinabawan na ulam
 Paminta - Pangdagdag lasa
 Patis - Pampalasa ng pagkain na mula sa isda na ginagamit din bilang sawsawan

Ang listahan ng mga produkto dito ay napakahaba—mula sa seksiyon ng isda at iba


pang pagkaing dagat, baboy at baka, manok, itlog, gulay, prutas, tuyo at daing,
hanggang sa seksiyon ng dry goods gaya ng mga de-lata, mga kagamitang pambahay,
at bigas. Marami pang ibang produkto sa palengke bukod sa paninda. Idetalye natin
ang mga produkto sa seksiyon ng isda at pagkaing dagat, at seksiyon ng prutas. Sa
seksiyon ng isda at pagkaing dagat, narito ang mga karaniwang makikita:

 Bangus
 Tilapia
 Galunggong
 Taningue
 Lapu-lapu
 Pla-pla
 Tulingan
 Hito
 Tuna
 Sapsap
 Hasa-hasa
 Talakitok
 Tawilis
 Hipon
 Sugpo
 Alimasag
 Alimango
 Talangka
 Tahong
 Halaan
 Squid ring

Ngunit mayroon ding di-gaanong pamilyar na pangalan:

 Tagunton
 Bitilya
 Bacoco
 Dapa
 Samaral
 Kitang

III. Kapaligiran (ULAT ni: Roselie Joy Simo)

Ang ugnayan ng wika at ang kalikasan


Mayroong pagkakahalintulad ang pambansang wika at ang kalikasan. Pareho
nitong pinag-iisa ang mga Pilipino. Mayroong maraming iba’t ibang local na
lengguwahe pero pinag-uugnay tayo ng wikang Pambansa. Iba-iba man ang ating
kultura ay pareho naman nating ang ating hangin na nilalanghap at tubig na iniinom at
mga lupang ating sinasakahan.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may mayamang ‘biodiversity’ sa buong
mundo. Gaya ng pagiging mayaman natin sa iba’t ibang lengguwahe at kultura,
marami rin tayong iba’t ibang klase ng hayop, insekto, isda at halaman. Kung hidi
tayo magkakaisa sa pangangalaga sa kanila ay tuluyan ng masisisra ang ating
kapaligiran.
Ang tao sa tulong ng wika ay nakabubuo ng mga paraan upang maiangkop niya
ang kanyang sarili sa kapaligiran. Mahalaga sa kanya ang wika bilang di-
pangkaraniwang bahagi ng kultura. Sa pamamagitan ng wika, nakagagawa rin siya ng
mga pamantayang na magiging gabay tungo sa pakikipag halubilo niya sa kapwa at sa
kanyang lipunan.

IV. Kapaniwalaan (ULAT ni: Roselie Joy Simo) m


Ang ugnayan ng wika sa kapaniwalaan

Ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura.


Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa
isang kultura, at sa pamamagitan nito ang kultura ay maiintindihan at mapahalagahan
maging sa mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura. Ang wika at kultura ay
lubos na dapat pahalagahan ng bawat isa sapagkat dito natin nagagawa ang
magandang saloobin ng bawat isa sa ating bansa na kung saan magagawa natin ng
tama ang lahat ng bagay na dapat nating gawin sa lipunan. Ang wika at kultura ay
nauugnay sa isang mabuting gawin nating mga Pilipino dahil ito ang magbibigay
ganda sa ating kinabukasan kung patuloy natin itong papahalagahan. Maaari din
nating sabihin na sa isang bansa, itinuturing na anak ng kultura ang wika o
lenggwaheng ginagamit nila. Ang wika at kultura ay pinamana sa ng ating nga ninuno
na kung saan ay lubos na pahalagahan nating mga Pilipino.
Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay
naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito
nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan
at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.
Ang wika ay nakatali sa ating kultura at kung sino tayo. Kaya lang, ang tinatawag
nating “cultural identity” ay malabo na rin dahil sa malawakang impluwensya ng
kanluraning kultura. Ang kultura at wika ay hindi natin mapaghiwalay

V. Kabuhayan (ULAT ni: Jear Tunong)

Wikang Filipino sa Larangan ng Kabuhayan


Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga
mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa.
Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, mas magiging
madali para sa mga mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa
pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya.
Ayon kay Christopher Cabuhay (nd), isang mag-aaral ng ekonomiks sa La Salle,
“Kapag walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung isiipin natin, kung walang
lipunan, walang transaksiyon, wala tayong ekonomiya.”Ang wika umano ay isang
paraan ng paggawa ng transaksyon. Binanggit din niya na lahat ng nangyayari sa
ekonomiya ay base sa kung paano mo ito naintindihan kung kaya’t dapat ay
maipahayag mo rin ng malinaw sa iba ang iyong naintindihan tungkol doon. Dahil
dito, masasabi na ang wikang pambansa ay may malaking papel na ginagampanan sa
pagpapaunlad ng ating bansa.
Wika: Sandata para sa kaunlaran
Binigyang-diin naman ni Santos ang kahalagahan ng wikang pambansa sa mga araw-
araw na gawain ng mga Pilipino.
Bukod sa pagiging sandata ang wika, binigyang-kahulugan ni Santos ang wika bilang
“kaluluwa ng ating pagkatao at isang biyaya.” Ito, ayon sa kaniya, ang natutunan niya
kay Carlo J. Caparas, isang kilalang manunulat ng Filipino komiks.
Idiniin din ni Santos na ang mahusay na paggamit sa wika ay magdadala sa tao sa
rurok ng tagumpay.
“Ang sinuman na gumagamit ng wika ng mahusay ay nakatitiyak ng katuparan ng
ating pangarap. Walang sinuman na gumamit ng wika sa pinakamahusay na paraan
ang nabigo. Ang pinakamagagaling na tao sa buong mundo at ang pinakamagagaling
na tao sa bawat bansa, tiyak po ay mahusay na gumamit ng wika,” ani Santos.
Ayon kay Macinas, ang bawat bansa ay may sariling wika na ginagamit upang
magsilbing daan tungo sa landas ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagmamahal.
Kapag ito’y natamo, magkakaroon ng katahimikan at kaayusan ang isang bansa.
Masasabi rin na ang katiwasayan ng isang bansa ay isa ring salik sa pag-unlad ng
ekonomiya nito. Kapag nagkakaroon ng kaayusan ang isang bansa ay maaiwasan ang
gulo at mas mapapaunlad pa lalo ang kanilang ekonomiya.Para naman kay Tacbad,
bagaman Ingles ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang susi sa kaunlaran ng
bansa. Binigyan niyang halimbawa ang mga bansang Japan, South Korea, Thailand,
at China. Di tulad sa bansang Pilipinas, ang mga bansang ito ay masasabing mahina
sa wikang Ingles. Ngunit hindi ito naging dahilan upang paunlarin nila ang kanilang
bansa. “Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang
wikang sarili. Hindi ginamit ng Japan para umunlad ang wikang Ingles,” ani Tacbad.
Sa bansang ito na Ingles ang itinuturing na pangalawang lengguahe, malaking bagay
ang paggamit nito sa usaping pang-ekonomiya. Ngunit kung ikukumpara ang
Pilipinas sa ibang bansa, mas magkakaroon ng malaking posibilidad na mapaunlad
ang ekonomiya sa pamamagitan ng paglinang sa kung anong sariling atin, Filipino,
ang wikang pambansa.
Linangin pa ang paggamit ng wikang Filipino upang mas maitaas ang kalidad ng
pagsasalita nito. Dapat nating bigyang halaga ang ating sariling wika, lalo na sa
paggamit nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan gaya nalang ng ating ekonomiya. Mas
magiging mabilis at maayos ang pag-aangat ng estado ng lipunan dito sa bansa kung
iisa lamang ang wika at lahat ay magkakaroon ng pagkakaintindihan sa lahat ng
kanilang gagawin. Hindi magiging mahirap ang pag-aangat ng estado ng ekonomiya
kung gagamitin natin ang wikang Filipino kagaya ng ginawa ng ibang bansa na
ginamit lamang ang sarili nilang upang maging isang maunlad na bansa.
Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya sa
isang bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng
bawat tao sa isang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi
pagkakaunawaan at maaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang
bansa.

VI. Wikang Filipino sa Larangan ng Sining


(ULAT ni: Jear Tunong)

Maraming nakikilala sa mundo o larangan ng sining. Maging sa pagpipinta,


musika, potograpiya, arkitektura, at marami pang iba. Isa tayong mga Pilipino na
kinikilala sa ganitong larangan dahil likas daw tayong may talento. Ngunit sa
pagbahagi ng ating talento, mahalaga ang wikang gagamitin sa pakikipag-ugnayan.
Ano ba ang kahalagahan ng wika sa sining? Ano ba ang sining?

Sining: Ekspresyon o aplikasyon ng malikhaing gawain o imahinasyon ng tao sa iba’t


ibang anyo, musika, sayaw, pintura, eskultura, na pinahahalagahan sa kagandahan o
estetika at epektong emosyunal nito. Ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan
ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mga tao na may kahalagahan sa
isipan ng tao, na patungkol sa isang pagkaakit sa mga pandama ng tao.
Ang sining ay kaakibat ng personal na pananaw ng isang tao, ang kanyang
nararamdaman at iniisip na nananatiling mabisa sa pagpapanatili ng moralidad,
pagsulong ng kaalaman, pagpapatatag ng kalagayan sa lipunan, tagapagbandila ng
kultura ng isang bansa at tagapag-ugnay ng tao sa kanyang manlilikha - isang dahilan
kung bakit ang sining ay mabisang daan tungo sa pakikipagtalastasan.
Ang sining ay kadalasang tumutukoy o iniuugnay sa sining biswal. Patuloy na
nagbabago ang kaisipan sa kung ano ang sining.
ILAN SA MGA HALIMBAWA NG SINING
1.Sining ng Pagpipinta
Ang pagpipinta ay isang mahirap na gawi sapagkat kailangan nito ang pasensya sa
paglalagay ng mga kulay sa iyong subject. Kailangan nito ang maiging pagsasanay
upang maihandog ng kaayaaya ang pinta sa madla.
2. Sining ng Pakikipagtalastasan
T.V Patrol, Rated K. Mga programang ang handog ay maipakita ang angking galing
sa pakikipagtalastasan. Sa sining ng pakikipagtalastasan, maipapakita ang mga
angking galing ng mga taong gustong pumasok sa ganitong trabaho. Boses, Itsura, at
Talino ang kailangan upang mas maigi ang pakikipagtalastasan sa mga tao.
3. AWIT AT MUSIKA
Ang awit ay isang elemento ng sining, kung saan ito ay nabuo mula sa damdamin at
para sa damdamin. sa awit at musika ay pwede mong ipahiwatig kung ano ang nasa
iyong saloobin. ang awit ay nagpapagaan at pwede ring maging pabigat sa ating
damdamin. sa awit at musika ay pwede mong ipalabas ang iyong nararamdaman sa
pamamagitan ng pagawa ng awitin o maari ring sa pakikinig ng musika ay
mabawasan ang nasa iyong loob.
Ang wika ay nakikilala sa pamamagitan ng mga sining na ating nakikita. Sa
sining mas naipapakita natin sa mga nanonood ang ating gustong iparating dito, kung
baga dahil sa sining nagkakaroon interaksyon ang bawat isa sa pamamagitan ng
kanilang nakikita. Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakayahang pag-isahin
ang lahat ng sangkatauhan. Ang sining at pagkamalikhain ang nag-uugnay sa mga
organisasyon na humihimok na makisali sa pangkaisipang sining, musika, teatro at
sayaw.

VII. Kalamidad (ULAT NI: Dexter Salim)

Ang salitang kalamidad ay direktang pagsasalin ng salitang calamity. Ang


salitangcalamity ay nagmula rin sa salitang Latin na calamitem at salitang Pranses na
calamite naparehong nangangahulugang “pagkasira, kawalan, kabiguan, sakuna,
kasawian, at kahirapan.” Sa wikang Filipino, halos magkapareho lamang ang
kahulugan ng salitang kalamidad sanabanggit na pinagmulan nito. Ang terminong ito
ay tanyag sa Pilipinas sapagkat ang ibigsabihin nito ay laganap at naangkop sa mga
mapaminsalang pangyayaring nagaganap sabansa. Bilang isang bansang tropiko, ang
Pilipinas ay hindi nakararanas ng apat na uri ngpanahon kundi dalawa lamang: ang
tag-ulan at tag-araw. At sa mga nakalipas na dekada, angmga tag-ulan sa bansa ay
patuloy na nagiging peligroso dahil sa mga kalamidad na naranasanat patuloy na
nararanasan ng bansa.
Ginagamit ng mga Pilipino ang salitang “sakuna” upang tukuyin ang disaster.
Pinakahuhulugan ito sa U.P. Diksiyonaryong Filipino (2001), ang pinakabagong
diksiyonaryo ng wika, bilang “kalamidad” na pinakahuhulugan bilang “malubhang
kapahamakan, gaya ng bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan o sunog” (“Sacona”).
Subalit, nang unang pinakahulugan ang salita sa Vocabulario de la lengua tagala
(1754), ang pinakamatandang kompletong diksiyonaryo ng wikang Tagalog na
naging batayan ng pambansang wika sa ebolusyon nito mula Tagalog, Pilipino
tungong Filipino, sa pagtasa ng estandardisasyon ng pambansang wika, ang
pakahulugan sa sakuna ay hindi pa nahihiwatigan ng anumang pagtukoy sa anumang
anyo ng likas na kalamidad.
Narito ang ilang mga trahedyang madalas maranasan ng mga Pilipino:
1. BAHA - Nangyayari ang baha kapag nagkaroon ng pagtaas ng tubig ng higit
sakapasidad ng ilog at ibang daluyan ng tubig na ang resulta ay pag-apaw nito
sakapatagan. Ito ay dulot ng labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng ulan
othunderstorm, pagka-ipon ng tubig dahil sa pagbabara ng mga daluyan ng tubig,
attuluy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw. Madalas itong nangyayari dahil
sakapabayaan ng mga Pilipino sa pag-aalaga ng kalikasan.
2. FLASH FLOOD - Ang flash flooday ang rumaragasang agos ng tubig na may
kasamangbanlik, putik, mga malalaking tipak ng bato, punongkahoy, at iba pa.
Mabilis angpagdating nito at mabilis din ang paghupa. Maaaring sanhi ito ng
pagkakalbo ngbundok (kagaya ng dahilan kung bakit nagging mapaminsala ang
bagyongSendong sa lalawigan ng Cagayan De Oro) at pagmimina (kagaya ng
dahilan kungbakit nagging mapaminsala ang bagyong Ondoy sa lalawigan ng
Rizal).
3. BAGYO - Ang bagyo o typhoon/storm ay may dalang malalakas na
hangingkumikilos ng paikot na madalas ay may kasamang malakas at matagal na
pag-ulan. Ito ay ay isang higanteng buhawi. Sa mata ng bagyo ay walang
hanginsubalit malakas naman ang hangin sa eye wallnito.
4. LANDSLIDE - Nagaganap ang landslide sa pagbagsak ng lupa, putik, o mga
malalakingbato dahil sa pagiging mabuway ng burol o bundok. Karaniwan itong
idinudulot ngmalakas o tuluy-tuloy na pag-ulan o ‘di kaya naman ay paglindol.
Nagiging dahilandin at nakapagpapalala ng landslide ang pagmimina, paggawa ng
mga kalsada, di-akmang paggamit ng lupa, at ilegal na pagputol ng mga puno sa
kagubatan.

VIII. Kasarian (ULAT NI: Chona Goden)

Kasarian

Kasarian ay higit sa biolohikal na pagkakaiba sa pagitan ng kalalakihan at


kababaihan, lalaki at babae. Ang kasarian ay tumutukoy sa kung ano ang ibig sabihin
ng maging isang lalaki o babae, batang lalaki o babae sa isang lipunan, at tumutukoy
sa mga pagkakaiba ng lipunan sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan na
natututo, at bagaman napakasimpleng nakabatay sa bawat kultura, nababago sa
paglipas ng panahon, at may malawak pagkakaiba-iba sa loob at sa pagitan ng
kultura. Ang "kasarian" kasama ang klase, lahi, at iba pang mga kadahilanan sa
lipunan, ang tumutukoy sa mga tungkulin, kapangyarihan at mapagkukunan para sa
mga kababaihan, kalalakihan, kalalakihan at kababaihan sa anumang kultura, dahil
ang mga indibidwal ay may iba't ibang pag-access sa mga pagkakataon pang-
ekonomiya, panlipunan at pampulitika, at kung ano ang katayuan nila hold sa loob ng
mga institusyong pang-ekonomiya, sosyal at pampulitika.
Ano ang kasarian pagkakilanlan?

Ang kasarian pagkakilanlan ay kaugnay ng pakiramdam ng isang tao tungkol sa sarili,


at ang karamdaman ng pagiging lalaki o babae. Ang kasarian pagkakilanlan ng isang
tao ay naiiba mula sa kanyang sekswal na oryentasyon, na siya rin ay protektado sa
ilalim ng Alintuntunin.  Ang kasarian pagkakilanlan ng mga tao ay maaaring naiiba
mula sa kanilang kasarian na itinakda nang sila’y ipinanganak, at maaaring kabilang
dito ang:
 
Trans: Ang mga tao na ang karanasan sa buhay ay nabubuhay ng mahigit sa isang
kasarian. Maaaring kabilang dito ang mga tao na nakilanlan na transsexual, at mga
tao na naglalarawan sa kanilang mga sarili  nasa isang “kasarian isprekto” o nakatira
sa labas ng mga kategoriya ng “lalaki” o “babae.”

Transsexual: Ang mga tao na kinilala bilang isang kasarian nang sila’y ipinanganak,
pero na kumikilala sa kanilang sarili nang naiiba.  Maaaring anaghahanap sila o
nagpapasailalim sila ng isa o higit pang mga medikal na pagpapagamot upang iakma
ang kanilang mga katawan sa nararamdaman nilang pagkakilanlan sa loob nila, tulad
ng hormone therapy, sex-reassignment surgery, o iba pang mga pamamaraan.

Intersex: Ang mga tao na hindi madaling uri-uriin bilang “lalaki” o “babae”, batay sa
kanilang pangkatawang katangian sa kapanganakan o pagkatapos ng pagkababae o
pagkalalake. Ang salitang ito ay pumapalit sa hindi magandang salitang “bakla.”

Crossdresser: Isang tao na, dahil sa damdamin at sikolohiya kagalingan -- ay


nagbibihis sa mga kasuotankaraniwang kaugnay ng “kabilang” kasarian,  

Transgender: Isang pangkalahatang salita na ginagamit upang ilarawan ang mga


indibidwal na, sa iba’t-ibang grado, hindi tumutugma sa karaniwang inalalarawan ng
lipunan bilang isang lalaki o babae.
Bekimon

 Ito ay nanggagaling sa dalawang salita. Ang una ay “beki," na gay speak para sa “bakla"
at “jejemon," na ang kakaibang panunulat o linggwahe na ginagamit sa Internet o sa pag-
tetext ng ilang mga Pilipino.

 Ayon kay Prof. Hernandez, ito ang bagong tawag sa gay lingo
 Ito ang kakaiba at maaari ring nakalilito (para sa iba na hindi parte) na wika ng mga bakla
dito sa bansa.  
Mayroong siyam na paraan ng pagbuo ng mga bekimon na salita:
1.    Paglalapi o paggagamit ng suffixes na walang grammatical function.
Halimbawa: Ang “ano" ay maisasalin sa “anek” at “anekwabum”
     Ang “ano ito" ay “anitch ititch."
2.    Pagpalit ng tunog ng mga salita.
Halimbawa: Ang “asawa" ay nagiging “jowa," “kyowa," and “nyowa."
           Ang “nakakaloka" ay nagiging “nakakalerki."
3.    Paggamit ng acronyms.
Halimbawa: Ang ibig sabihin ng “GL" ay “ganda lang," (kapag may nakuha kang libre dahil sa
kagandahan ng itsura)
4.    Pag-uulit ng salita o bahagi ng salita
Halimbawa: “wit" o “wititit" ang bekimon ng salitang “hindi"
        “Chika" (mababaw na usapan) ay nagiging “chika-chika”
5.    Pagkakaltas o pagpapaikli ng salita o parirala.
Halimbawa: Ang paninigarilyo pinaikli mula sa “sunog baga" to “suba."    
Ang “ma at pa," ay hindi magulang; ibig sabihin nito ay “malay   
ko at pakialam ko" (I don’t know and I don’t care).
6.    Katunog o pagkapareho ng tunog.
Halimbawa: Ang “noselift" ay nagiging “alam" dahil katunog ng “nose" (ilong) ang “knows," as
in “noselift ko ang sagot sa exam."
7.    Paggamit ng pangalan ng mga sikat na tao o lugar.  
Halimbawa: “Carmi Martin” -> karma
                   “Rita Avila" -> irita
        "Luz Valdez" -> loser
        “Wynona Ryder" -> winner
        “Baliwag, Bulacan" -> baliw or crazy.
8.    Paghihiram- panghiram mula sa banyaga o lokal na wika.
Halimbawa: Ang Ingles na salitang “fly" ay may kahulugan na pag-alis
                     Ang “warla o warlalu" ay mula sa salitang “war"
Ang Hiligaynon na salitang “daku" (malaki) ay may parehong   kahulugan sa bekimon.

9.    Pagbabago sa kahulugan ng mga salitang hiniram


Isang halimbawa ang salitang “award" na nagkakaroon ng negatibong kahulugan
tulad ng pagkakamali o kapag napagalitan ang isa imbes na  ang karaniwang
kahulugan na pagtanggap ng rekognisyon o parangal dahil sa mabuting gawain.
Hal. “Award ako sa tatay ko dahil alas-tres ng madaling araw na akong nakauwi”

IX. Kalakalan (ULAT NI: Chona Goden)

Kalakalan

Ang kalakalan ay isang kusang palitan ng mga produkto o serbisyo. Tinatawag din na kalakalan
ang komersyo. Ang mekanismo na pinapahintulutan ang kalakalan ay tinatawag na pamilihan.
Ang mga makabagong mangangalakal ay nakikipagsundo ng pangkalahatan sa halip sa palitan
ng midyum ng palitan tulad ng salapi.
Ang kalakalang Galeon o kalakalang Galyon ay isang uri ng kalakalan na nagmumula sa Mehiko
papunta Pilipinas, at pabalik. Ang mga sinaunang pamayanang Pilipino ang nagpasimula
ngpangangalakal sa ating bansa. Ang sistema ng kanilang pangangalakal ay barter o palitan kung
saan ang dalawang mangangalakal ay magpapalitan lamang ng kani-kanilang mga kalakal.
Limitado ang mga produktong naipagpapalit ng ating mga ninuno sa mga dayuhang
mangangalakal sapagkat umaasa lamang sila sa produkto ng kalikasan tulad ng perlas, mga
lamang dagat, mga kabibe, mga isda at mga yamang mineral tulad ng ginto.
SANGGUNIAN:

Matza, C. (2017, March 03). Mga Suliranin sa ating Lipunan. Retrieved March
01, 2020, from Prezi.com: https://prezi.com/wiiwhwfubs3e/mga-suliranin-sa-
ating-lipunan

Pena, R. (2020, March 19). SunStar Philippines. Retrieved from SunStar


Philippines: https://www.sunstar.com.ph/article/211752

Peregrino, Jovy. (2012). “Wika at relihiyon.”nasa Salindaw: Varayti at


Baryasyon ng Filipino. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino – UP
Diliman. mp. 223 – 233

Siducon, A. (n.d.). Ang Lipunan. Retrieved March 1, 2020, from Slideshare.net:


https://www.slideshare.net/mobile/aleahsiducon_24/ang-lipunan

Saint Mary’s College of California, (2016). Ang Wika ng Sining at Disenyo.


https://www.coursehero.com/file/31823660/lesson-1-sining-at-disenyopdf/

Santos, T. (2011).Pagpapaunlad ng Wika, nakakatulong sa ekonomiya.


https://varsitarian.net/filipino/20110826/pagpapaunlad_ng_wika_nakatutulong_
sa_ekonomiya#

The nature conservancy (2020) Kasarian Equity. Nakita noong March 19, 2020.
Nakuha mula sa http://reefresilience.org.

Ontorio Human Rights Commission. Pagkakakilanlan ng Kasarian. Queen’s


Printer for Ontorio. Nakita noong March 19, 2020. Nakuha mula sa
http://www.ohrc.on.ca/tl/pagkakakilanlan-ng-kasarian

Tolentino, J. July 13, 2014 Kalakalan. Nakita noong March 19, 2020. Nakuha
mula sa https://prezi.com/_bgemi-ccxh-/kalakalan

You might also like