Implasyon PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

Title Layout

Subtitle
"Magkano ba ang gastusin mo sa isang araw? Kasya ba ito sa iyong
pangangailangan? Dahilan ba ito ng pagtaas ng presyo?
Ilan lamang ito sa mga katanungang maaaring iugnay sa implasyon.
Ngayon ihanda ang iyong sarili upang lubos mong maunawaan ang
konsepto ng implasyon.
 Ito ay isang economic indicator upang sukatin ang
kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa.

 Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo


ng mga bilihin sa pamilihan

 Ito ay isang suliranin na kinakaharap ng maraming


bansa sa daigdig.
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Ano ang basehan ng iyong naging obserbasyon?
3. Sa inyong palagay, ano ang maaring dahilan ng ganitong sitwasyon?
Demand Pull
Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng bawat
sektor ng ekonomiya, sambahayan, kompanya o pamahalaan na
makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa isusuplay o
ipoprodyus ng pamilihan. Ito ang kalagayan na mas labis ang
aggregate demand kaysa aggregate supply.
Cost push

Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing


pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng
bilihin. Ang mga sahod ng manggagawa, pagbili ng mga hilaw
na materyales at makinarya at paghahangad ng malaking tubo
ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Structural Inflation

Kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na malayon


ang anumang pagbabago sa lebel at dami ng kabuuang
demand ng ekonomiya. Pagtutunggalian ng mga pangkat sa
lipunan upang makakuha ng malaking bahagi sa kabuuang
kita ng bansa at tunggalian ng wage earners at profit earners.
PAGTAAS NG SUPLAY NG
SALAPI

Tataas ang demand o ang paggasta kaya mahahatak


ang presyo paitaas
PAGDEPENDE SA
IMPORTASYON PARA SA
HILAW NA SANGKAP

Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar o kaya


tumaas ang presyo ng materyales na inaangkat, ang mga
produktong umaasa sa importasyon para sa mga hilaw na
sangkap ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo.
PAGTAAS NG PALITAN NG
PISO SA DOLYAR

Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar,


bumababa ang halaga ng piso. Nagbubunga ito ng pagtaas ng
presyo ng mga produkto.
KALAGAYAN NG
PAGLULUWAS

Kapag kulang ang supply sa lokal na pamilihan dahil


ang produkto ay iniluluwas, magiging dahilan ito upang
tumaas ang presyo ng produkto. Kapag mataas ang demand
kaysa sa produkto, ito ay magdudulot ng pagtaas ng presyo.
MONOPOLYO O KARTEL

Nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito.


Kapag nakontrol ang presyo at dami ng produkto, malaki ang
posibilidad na magiging mataas ang presyo.
PAMBAYAD- UTANG

Sa halip na magamit sa produksiyon ang bahagi ng


pambansang badyet, ito ay napupunta lamang sa pagbabayad
ng utang.
Ipinapatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga
patakaran sa pananalapi upang mabawasan ang suplay ng salapi.

 Dapat pahalagahan ng pamahalaan ang maayos na


paggastos, pagbabadyet, pangungulekta ng buwis at
pangungutang.

 Dapat na taasan ang antas ng produktibidad lalo ng


pagsasaka.

 Nakababawas ng suliranin ang pagtitipid at wastong


paggamit sa mga inaangkat na materyal at kagamitan na
kailangan sa produksyon.
Suriin ang sitwasyon. Tukuyin kung ano sa mga ito ang dahilan ng
Implasyon (DI) o bunga ng implasyon (BI). Isulat ang DI o BI sa sagutang
papel.

1. Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad-utang.


2. Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura.
3. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mamayan.
4. Maraming mag-aaral ang hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang.
5. Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa.
6. Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa produksiyon.
7. Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang.
1. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo ng ekonomiya?
a. Deplasyon
b. Implasyon
c. Resesyon
d. Depresyon
2. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
a. Pagbibigay pansin sa produktbidad sa paggawa upang mapataas ang output
ng produksiyon.
b. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na
ekonomiya.
c. Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng
karagdagang paggasta.
d. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa
ekonomiya.
3. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa
implasyon?
a. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
b. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
c. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo.
d. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng
kakulangan.
4. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng bawat sektor ng ekonomiya,
sambahayan, kompanya o pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na mas
marami sa isusuplay o ipoprodyus ng pamilihan.
a. Cost- push
b. Demand- Pull
c. Structural Inflation
d. W.S.N
5. Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksyon ang siyang sanhi ng
pagtaas ng presyo ng bilihin?
a. Cost- push
b. Demand- Pull
c. Structural Inflation
d. W.S.N
PAANO KA
MAKAKATULONG SA
NAIS KONG NATUTUHAN
ALAM KO
MATUTUHAN KO PAGLUTAS SA
SULIRANIN KAUGNAY
NG IMPLASYON?
 http://pt.slideshare.net/edison18/implasyonpo
werpointedison/6

 https://tl.wikipedia.org/wiki/Implasyon_(presyo)

 Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag- aaral, Unang


Edisyon 2015. pp 272-285.

You might also like