Handout Akademik

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

A. Kahulugan at Kalikasan
1. Isang intelekwal na pagsulat na nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang
indibidwal sa iba’t ibang larangan.
2. Anumang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-
aaral.
3. Anumang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo upang
magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa.
B. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat
1. Obhetibo
Una sa lahat ang akademing pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang
pagkakasulat. Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng
ginawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o pagbibigay ng
personal na opinion o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay. Iwasan ang paggamit
ng mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinion.
2. Pormal
Dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay akademikong
Filipino, nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito. Iwasan ang paggamit ng
mga kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling
mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ay dapat na maging
pormal din.
3. Maliwanag at organisado
■ Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay dapat na malinaw at organisado. Ang
mga talata ay dapat kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito.
■ Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng mga kaisahan. Hindi ito dapat
masamahan ng mga kaisipang hindi makatutulong sa pag-unlad ng paksa.
■ Maging ang pag-uugnay ng mga parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang
sa ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng
paksa.
■ Ang punong kaisipan o main topic ay dapat na mapalutang o mabigyang-diin sa
sulatin.
4. May Paninindigan
Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-
pansin o pag-aralan, ibig-sabihin, hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Ang
kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa
matapos ang pagsulat sa napiling paksa.
5. May pananagutan
Ang mga ginamit na sanggunian ng mga nakalap na datos at impormasyon ay
dapat na bigyan ng nararapat na pakilala. Mahalagang maging mapananagutan ang
manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian. Bukod sa ito ay isang paraan ng
pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng
akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay makakatulong upang
higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng iyong ginawa

C. Layunin
1. Mapanghikayat na layunin
Layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa
kanyang posisyonhinggil sa isang paksa. Para magawa iyon, hinahanapan niya ng
ebidensiya ang kanyang katwiran at tinatangka niyang baguhin ang pananaw ng
mambabasa hinggil sa paksa. Halimbawa nito ay ang posisyong papel.
2. Mapanuring Layunin
Tinatawag ding analitikal na pagsulat. Ang layunin dito ay ipaliwanag at suriin ang
mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang
pamantayan. Sa mga ganitong pagsulat, madalas iniimbestigahan ang mga sanhi,
ineeksamen ang mga bunga at epekto, sinusuri ang kabisaan, inaalam ang paglutas ng
suliranin, pinag-uugnay ang iba’t ibang ideya at inaalisa ang argumento ng iba.
Halimbawa, Panukalang Proyekto
3. Impormatibong Layunin
Ipinaliliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang
mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa. Kaiba ito sa
sinundang layunin dahil hindi tinutulak o peinupwersa ng manunulat ang kanyang sariling
pananaw sa mambabasa, manapaý kanyang pinapalawak lamang ang kanilang pananaw
hinggil sa paksa. Halimbawa, pagsulat ng abstrak

D. Tungkulin o Gamit
1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
Nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng
aplikasyon ng kaalaman sa gramatika at sintaktika sa mga gawaing pasulat, nalilinang ang
kakayahang linggwistik ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng paglalapat ng mga
prinsipyong pangkomunikasyon sa mga gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang
pragmatic ng mga mag-aaral. Samantala, sa pag-oorganisa ng mga akademikong papel,
nalilinang ang kakayahang diskorsal ng mga mag-aaral upang maging mabisang
komyunikeytor.
2. Ang akademikong pag-iisip ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang isang proseso, kaysa bilang isang
awtput. Ang prosesong ito ay maaaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya,
at iba pang mental o pangkaisipang gawain.
3. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao.
Hindi lamang kaalaman at kasanayan ang nililinang sa paaralan. Higit na mahalaga sa
mga ito, tungkulin din ng edukasyon ang linangin ang mga kaaya-ayang pagpapahalaga o
values sa bawat mag-aaral.
4. Ang akademikong pagsulat ay paghahanda sa propesyon
Ang akademikong pagsulat sa Senior High School ay hindi lamang isang paghahanda sa
mga mag-aaral sa mga higit na mapanghamong gawain sa kolehiyo. Totoong ang SHS ay
nagsisilbing tulay upang mapunan ang dating umiiral na gap sa pagitan ng hayskul at
kolehiyo. Higit na prospektibo ang layunin ng akademikong pagsulat sa SHS at ito ay ang
paglinang ng global na kompetitibnes sa mga Pilipinong propesyonal.

E. Anyo ng Akademikong Pagsulat


1. Abstrak
2. Sintesis/buod
3. Bionote
4. Panukalang proyekto
5. Talumpati
6. Adyenda
7. Katitikan ng pulong
8. Posisyong papel
9. Replektibong sanaysay
10. Pictorial-essay
11. Lakbay-sanaysay
ABSTRAK
■ Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulat
ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
■ Ito ay isang bahagi ng tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksaik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng
buong akdang akademiko o ulat.

A. Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat Ng Abstrak


1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng
mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuuan ng papel. Ibig
sabihin, hindi maaaring maglagay ng kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang
pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga istatistikal figures o table sa abstrak sapagkat
hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para
humaba ito.
3. Gumamit ng simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy
sa pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi
dapat ipaliwanag ang mga ito.
5. Gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa
ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.

B. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula
sa introduksyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahgi ng
sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuuan ng
papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, grap, table, at iba pa maliban lamang kung
kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang
kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Halimbawa:
ABSTRAK
Ang awiting- bayan ay laganap sa bawat pangkat-etniko sa buong Pilipinas. Sa kanilang
mga awiting- bayan nasasalamin ang kanilang kultura’t tradisyon. Isa ang mga Gaddang sa mga
pangkat-etniko sa Lambak ng Cagayan na may mayamang awiting-bayan. Ang mga katutubong
ito ay namamalagi sa bayan ng Bayombong, Bagabag, at Solano sa lalawigan ng Nueva
Vizcaya (Journal of Luzon, 1986).
Sa patuloy na na pag-unlad ng mga nasabing bayan at dahil na rin sa pagpasok ng mga
makanagong teknolohiya sa larangan ng musika, unti-unti nang hindi naririnig ang mga awiting-
bayan ng mga katutubongGaddang ng Brgay. Roxas. Naging layunin ng pag-aaral na ito ang
pagtukoy at pagsukat sa antas ng kaalaman ng mgakatutubong Gaddang sa kanilang awiting-
bayan. Ginamit sa pagtukoy ng antas ng kaalaman ang edad, kasarian, at bilang ng taong
naninirahan sa lugar bilang variables upang tukuyin kung may kinalaman ang mga ito sa antas
ng kanilang kaalaman. Lumabas sa pag-aaral na ito na ang edad ay isang salik sa kanilang
kaalaman na kung saan mas matanda, mas mataas ang kaalaman hinggil sa kanilang awiting-
bayan. Mas bata, mas kakaunti ang nalalaman hinggil sa kanilang awiting-bayan natukoy rin ng
pag-aaral na ang kasarian ay walang kinalaman sa pagtukoy ng antas ng kaalaman. Ang taon
ng paninirahan ay isang salik din sa pagtukoy sa antas ng kaalaman. Kapag mas mahabang
paninirahan sa lugar, mas mataas ang kaalaman sa awiting-bayang Gaddang. Dahil ditto,
nangangailangan lamang na magkaroon ng mga paraan at gawaing magpapataas sa mga
awiting-bayan upang mapaunlad pa ang mga ito.

ABSTRAK
Ang wastong pagbuo ng epektibong pagsusulit batay sa balidong talahanayan ng
ispesipikasyon ay may napakahalagang papel sa pag-unlad ng iba’t ibang kasanayan ng mga
mag-aaral sapagkat dito masusukat ang kanilang kasanayan at kahinaan at mas maihahanda
ng isang guro ang mga pamamaraang lalong magpapaunlad sa kanilang mga kasanayan. Ang
pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang mataya ang lebel ng kakayahan ng mga
Filipino major na nasa Ikatlong Taon sa College of Teacher Education sa pagbuo ng
talahanayan ng ispesipikasyon at pagsusulit upang magabayan na rin sila sa tamang pagbuo
ng mabisa at balidong pagsusulit bilang paghahanda sa kanilang prospesyon. Gamit ang
descriptive research design, pinagsikapang masagot ang mga katanungan kung ano ang lebel
ng kakayahan ng mga Filipino major na nasa Ikatlong Taon sa pagbuo ng talahanayan ng
ispesipikasyon at pagsusulit sa Masining na Pagpapahayag ayon sa katumpakan,
kapakinabangan, at sa mga uri ng pagsusulit; kung mayroon bang makabuluhang pagkakaiba
sa lebel ng ebalwasyon ng dalawang pangkat ng ebalweytor sa mga nabuong talahanayan ng
ispesipikayon at pagsusulit. Pagkatapos ng masusing pangangalap at pagsusuri ng mga datos
sa isinagawang pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon:(1) Ang lebel ng
kakayahan ng mga
Filipino majors na nasa Ikatlong Taon sa pagbuo ng talahanayan ng ispesipikasyon at pagsusulit
sa Masining na Pagpapahayag ayon sa katumpakan at kapakinabangan ay mahusay;(2) Ang
lebel ng ebalwasyon ng mga guro sa Filipino at BSED IV-Filipino sa mga nabuong pagsusulit ng
mga tagatugon ayon sa maramihang pagpipili, pagpupuno sa patlang, wastong pagkilala,
pagsusulit na tama o mali at pasanaysay ay mahusay samantalang napakahusay naman ang
ebalwasyon ng dalawang pangkat ng ebalweytor sa uring pagtatapat-tapat kung saan
napatunayang ang uring ito ay madali lamang ihanda sapagkat saklaw nito ang mga
katanungang nasa Lower Order Thinking Skills (LOTS); at (3) May makabuluhang pagkakaiba
sa lebel ng ebalwasyon ng dalawang pangkat ng ebalweytor sa mga nabuong talahanayan ng
ispesipikasyon at pagsusulit kung saan hindi tinanggap ang nabuong ipotesis. Batay sa
kinalabasan ng pag-aaral, mahalagang magsagawa pa ng mga pag-aaral upang lalong
maihanda ang mga magiging guro sa kanilang propesyon sa hinaharap lalo na sa pagbuo ng
mga balido at epektibong pagsusulit.

■ Pagtatasa 1: Gawan na !
Magsulat ng abstrak gamit ang pananaliksik noong Grade 11.

You might also like