Deklamasyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ano ang deklamasyon?

Ito ay pagsasalaysay ng isang kabisadong tulang pasalaysay. Ang taguring deklamasyon ay nagmula sa
salitang Griyego na “malete” na nangangahulugan na payak na pagsasanay na may masidhing
damdaming makulay.

Layunin ng Deklamasyon

1. Layunin ng deklamasyon na humikayat, tumugon, mangatwiran o maglahad ng isng paniniwala.


2. Dapat magpakita ng pananabik sa pagsasalita ang bumibigkas.
3. Kailangang kumilos ng tama ngunit mahinahon. Ang tinig ay dapat lumikha ng kawilihan.
4. Simulan sa kawi-wiling tinig ang pagsasalita upang makaakit ng tagapakinig.
5. Ipadama sa mga tagapakinig na sila ay kasama o kabahagi sa pagsasalita o pagtitipon.
6. Huwag tumingin sa isang dako lamang, pagalain ang mga paningin.
7. Umisip ng mga salita na makapagbibigay ningning sa deklamasyon.
8. Maging maingat sa pagsasalita. Dapat tumpak ang mga pananalita at ayon sa tuntuning
pambalarila.
9. Huminto sandali sa wakas ng deklamasyon bago bumalik sa upuan subalit taglay ang katauhang
binigyang buhay.

Ang tamang Pagdeklamasyon

1. Unawain at isaulo ang piyesa.


2. Pag-aralan ang kultura ng mga taong manonood ang okasyon at lunan ng patimpalak.
3. Magsimula at magtapos ng maayos.
4. Huwag isakripisyo ang tamang pagbigkas ng mga salita para sa pag-arte.
5. Bumigkas ng maayos at malinaw.
6. Huwag sumigaw sa lahat ng pagkakataon.
7. Maging makatotohanan sa gagawing interpretasyon.
8. Ang pagtingin sa madla,ekspresyon ng muka, kumpas at galaw ay kinakailangang magkakaugnay
sa isa’t – isa.
9. Magsuot ng angkop na kasuotan ayon sa isasabuhay na katauhan.
10. Iwasan ang kalabisan sa pag- arte, magkaroon ng control sa iyong emahinasyon.

Reaksyon sa napiling piyesa:

“Pangarap” ang aking napiling paksa sapagkat ito ang bumubuo sa aking pagkatao. Bawat
pangyayari na inilalahad dito ay aking naranasan at naramdaman. Isa itong deklamasyon na makakapag
engganyo sa mga taong manonood na manatiling mangarap sa kabila man ng hirap at kritiko ng mga
taong hindi naniniwala sa kakayahan mo.
“Pangarap”

Jun-Jun Ramos

Sa bawat pagdaloy ng aking luha, sa bawat araw na pagpatak nito sa aking mga mata, at sa bawat salita
na lumalabas sa bibig, bawat naririnig at nakikita. Isa- isang tunitino sa aking buong diwa, na mga
salitang nagpapababa sa aking kumpiyansa!

“Ma………. Kailangan ko ng pambayad sa pagpapatahi ng PT uniform ko, 1000 daw ang down payment
para sa tela tapos iyung bayad ng tahi ay 750”, iyan ang dayalogo k okay mama kaninang umaga, buti
naman at binigyan ako ng pera, pero siyempre bago niya iniabot sa akin, mahabang seremonya muna
ang pinagdaanan ko.

Ngayon, hindi ko lubos maisip na ang trailer ng aking pelikula ay malapit nang matapos, malapit ko nang
mapanood ang bunga ng aking pinaghirapan, malapit ko ng marinig ang hagulhol ng aking ina (tears of
happiness kumbaga).

“Pulubi!.......Mahina!.......Mahirap!.....” Palagi ko nalng naririnig. Palagi nalng ba? Paulit- ulit ….


Nakakasawa…. Nakakabingi! Ano? Ano Masaya nab a kayo? Bakit ninyo ako pinagtatawanan?

Bakit ninyo ako hinihila pababa? Diyos ba kayo para gawin ninyo iyan? Pero bago ninyo ako husgahan

Pakinggan ninyo muna ang sasabihin ko.

(Sinong mag-aakala na ang isang anak ng isang mahirap na pamilya ay makakaakyat sa entablado para
kunin ang kanyang diplomang pansekundarya.)

Nati!!!!! Totoo ban a mag-aaral daw sa kolehiyo si nena? (tanong ng kanilang kapitbahay)…… Aba!
Nangarap pa ang bata! Paano makakapag-aral yan sa kolehiyo, eh dukha lang naman silang kagaya
natin.(tawanan ang magkumare)

Subalit sa kalagitnaan ng aking pagtahak at paglakbay,naisipan ko na rin sumuko at bumigay. Sa dami


nga naman ng pinagkakaabalahan; demonstrasyon, pagsusulit,

pagsasagawa’t pagbigkas ng sabayan – sino nga ba naman ang di mapapagod ang utak at katawan.
Pangarap! Pangarap! Pangarap! Nagsimula na ang pag-eensayo n gaming pagtatapos. Nakapila sa
maiinit na dulo ng gymnasium at animo’y rarampang sikat na aktres!

Ano mang dumating at darating, masama o mabuti mang problema/balita mag- aapoy

Ang mumunting pangarap na kahit katas man ng bituin aking aabutin!

You might also like