Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2
Ito Ang Bayan Ko
By David San Pedro
( Deklamasyon )
Ito ang bayan ko:
Pitong libong pulong kupkop ng Bathala, ngunit dinuhagi at sinamantala ng mga banyaga; Lipi ng magiting na mapaghimagsik ang puso at diwa, Unang Republikang sa dulong silangay nagtamo ng laya; Ito ang bayan ko: sumilang sa dugot nabuhay sa luha At pinagsawaan ng lahat ng birot hampas ng tadhana! Ito ang bayan ko: Dagatan, lupaing may sapat na lawak, bundok na mamina, Bukiring matanim at maisdang dagat Sa lahat ng itong alay ng Bathala ay nagging marapat at maituturing na lupang hinirang at lubhang mapalad Dito, ang ligaya sa lahat ng dakoy biyayang laganap, Ngunit kailangang dukalit hukayin ng sikhay at sipag. Ito ang bayan ko: Pinanday sa dusa ng mga dantaon, hinampas ng bagyo, Nilunod ng baha, niyanig ng lindol; Dinalaw ng salot, tinupok ng poot ng digmaang maapoy, Sinakop ng Prayle, inagaw ng Kano, dinahas ng Hapon; Ngunit patuloy ring ito ang bayan ko nakatindig ngayon, Sa bawat banyagay magiliw ang bating Kayo poy magtuloy. Ito ang bayan ko: Puso may sugatan ay bakal ang dibdib, Bawat naraanay isang karanasat isang pagtitiis Ito ang bayan ko Taas-noo ngayon sa pakikiharap sa buong daigdig, sapagkat sa kanyang sikap na sarili ay nakatindig Ito ang bayan ko: bunga ng nagdaang mga pagkaamis, matatag ang hakbang, patungo sa isang bukas na marikit. Ito ang bayan ko; Ang bayan koy ito.
Walang Ganiyanan Alison Madamdamin
Sige, isisi mo lahat sa pamahalaan
Wala ka ba talagang ginawang kasalanan? Iisang presidente, milyon-milyong katao Iisang bansa, pero ibat ibang reklamo! Aasahan nalang ba natin ang namumuno? Tumingin ka sa salamin, tignan mo ang sarili mo; Wala ka bang bakas ng katamaran? May nagawa ka na ba para sa lupang sinilangan? Kung nakikita na nating may mali sa paligid, Ano pang silbi natin at tayoy may paat kamay? Palibhasay ang sandatay galaw ng bibig, Bulag ang mata; kita lang ang hirap ng buhay! Ito mismong pagdakdak ang walang tinutunguhan, Pagkatapos non, ano na? Tapos na ang gawain mo bilang mamamayan? Ang galing nga naman ng tinuturo sa kabataan! Tititigan nalang ba natin ang ginagawa nila? Hihintayin nalang ba natin ang pagbabago? Wag kang tumunganga diyan, kumilos ka! Wag ganiyan at meron pang pagasa