1st Grading MTB Mle 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

MTB – MLE 3, PAHINA 1

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MTB-MLE


BAITANG 3
Taong Panuruan 2018-2019

Pangalan: ________________________ Baitang/Pangkat:____________

Paaralan: _______________________ Petsa: _______ Iskor: _______

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Pagkatapos, itiman ang


letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Aling larawan ang tumutukoy sa pangalan ng hayop na nasa kahon?

kabayo

A. B. C. D.

2. Anong pangyayari ang nasa larawan?

A. Kaarawan B. Pasko C. Paligsahan D. Pista

3. Ang bagong na ito ay regalo mula sa ninong ko.


Alin sa sumusunod ang tamang pangalan ng larawan sa pangungusap?

A. medyas B. sapatos C. sandalyas D. tsinelas

4. Piliin ang angkop na larawan na tutukoy sa salitang may salungguhit.

Masipag at matapat na drayber ang tatay ko.

A. B. C. D.

5. Namasyal ang mag-anak ni Bb.Ramos sa Tagaytay. Ang salitang may salungguhit


ay ngalan ng ___________.
A. bagay B. hayop C. lugar D. pangyayari
MTB – MLE 3, PAHINA 2

6. Alin ang pares ng salitang tumutukoy sa pangngalang pamilang?


A. asin-asukal C. carrot- ice cream
B. bayabas – mansanas D. mantekilya – sibuyas

7. Alin sa pangungusap ang pangngalang nabibilang?

Matamis na mangga ang inani ni tatay sa bukid.

A. matamis B. mangga C. inani D. bukid

8. Alin ang angkop na tandang pamilang sa larawan?

_______ prutas

A. piraso ng C. isang basket ng


B. garapon ng D. isang patak ng

9. Umiinom ng ____________ gatas si Dave bago matulog. Alin ang angkop na


tandang pamilang sa pangungusap?
A. isang tasa C. isang timba
B. isang plato D. isang baso

10. Alin ang kongkretong pangngalan sa pangungusap?

Nakatanggap ng medalya si Nadine dahil sa kanyang angking talento.

A. medalya B. nakatanggap C. Rose D. talento

11. Alin ang di-kongkretong pangngalan sa pangungusap?

Labis na takot ang naramdaman ng magkapatid dahil sa naganap na sunog.

A. magkapatid B. naganap C. sunog D. takot

Panuto: Buuin ang simile o pagtutulad sa mga pangungusap. Piliin sa loob ng


kahon ang letra ng tamang sagot at itiman ito sa sagutang papel.

A. sindulas ng seda C. Kasing-init ng pugon


B. sing-itim ng hatinggabi D. Kawangis ng makahiya

12. ____________________ ang mga lansangan ngayong tag-init.

13. ____________________ ang magugulating matanda.

14. Ang mahabang buhok ni Kristina ay ____________________.

15. Ang uling ay ______________________.


MTB – MLE 3, PAHINA 3

16. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng metapora?


A. Tambakan ng basura ang silid tulugan ni Mike.
B. Wari’y hampas sa tambol ang tibok ng aking puso.
C. Kawangis ng makahiya ang magugulating matanda.
D. Parang ulan sa tuyong lupa ang musika sa konsiyerto.

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Pagkatapos, sagutin ang tanong


kaugnay nito. Itiman ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Nag-uusap sina Cely, Nena, Gina at Leila nang dumaan si Lucio. “Nabalitaan na ba
ninyo na pinakamataas si Lucio sa pagsusulit?” tanong ni Cely.

“Nagtataka ako kung paano siya nakapag-aaral.” “Marami ang gawain niya sa
bahay. Alam ko, mangyari magkapitbahay kami. Siya ang nagpapakain sa kanilang
alagang baboy. Siya rin ang nagdidilig ng halaman. Umiingib pa siya ng tubig sa poso.”
sagot ni Leila.

“Ang sipag pala niya!” puna ni Nena. “Marahil ginagabi siya sa pag-aaral.

17. Aling pangungusap ang totoo tungkol kay Lucio?


A. Masipag at hindi nagpapabaya sa pag-aaral.
B. Mahilig sumali si Lucio sa paligsahan.
C. Maraming gawain si Lucio sa bahay.
D. Sa gabi lamang si Lucio nag-aaral.

18. Aling katangian ang angkop kay Lucio?


A. matipid
B. matapat
C. matalino
D. magalang

19. Ano ang ipinahihiwatig sa kuwento?


A. Bigyan ng wastong panahon ang lahat ng gawain sa bahay at sa pag-aaral.
B. Unahing makipaglaro sa mga kaibigan bago gumawa ng mga proyekto sa
paaralan.
C. Bawasan ang mga gawain sa bahay upang magkaroon ng sapat na panahon
sa pag-aaral.
D. Kailangang maging matalino upang sabay na mapagaan ang mga gawain sa
bahay at ang pag-aaral.

20. Sa pangungusap na:

Siya rin ang nagdidilig ng halaman.

Ano ang salitang-ugat ng salitang nagdidilig?


A. dilig B. nagdilig C. didilig D. didiligan

Panuto: Basahin ang sumusunod na tula. Tukuyin ang pangunahing diwa ng


bawat isa. Pagkatapos, itiman ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na
papel.

21. Ang batang si Ana,


Puno ng ligaya.
Saan man pumunta,
MTB – MLE 3, PAHINA 4

Ay kahali-halina.
A. Si Ana ay nakaiinis.
B. Si Ana ay matamlay.
C. Si Ana ay masunurin.
D. Si Ana ay nakatutuwa.

22. Ang alaga kong si Kilua,


Ay isang asong lampa.
Hilig niya ay tumunganga,
Madalas ay tulog pa!

A. Si Kilua ay asong palakaibigan.


B. Si Kilua ay asong tamad at lampa.
C. Si Kilua ay asong maliksi at masayahin.
D. Si Kilua ay asong mahilig magtatakbo at makipaglaro.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit na


ginamit sa pangungusap. Itiman ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

A. B. C. D.
23. Puno ng juice ang baso na inabot sa akin ni Kyre.

24. Bagong saya ang suot ni Princess sa kanyang kaarawan.

25. Sobrang saya ni Lyza ng bumisita siya sa kaniyang lolo at lola.

26. Ang pagguho ng lupa ay sanhi ng pagpuputol ng mga puno sa kagubatan.

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salita sa bawat bilang. Pagkatapos,


itiman ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

27. natuwa A. nagtaka B. nagalit C. nasiyahan D. natakot

28. matapang A. maamo B. mabagsik C. mailap D. malikot

29. tahimik A. maginhawa B. malungkot C. masaya D.payapa

30. Piliin ang payak na pangungusap na angkop sa larawan.

A. Si Troy ay nagdidilig ng halaman.


B. Si Troy ay nagbubunot ng damo.
C. Si Troy ay nagbubungkal ng lupa.
D. Si Troy ay nagwawalis ng bakuran.
MTB – MLE 3, PAHINA 5

31. Si nanay ay _______________.


Piliin ang angkop na panaguri sa pangungusap.
A. nagliligpit ng higaan
B. nagtatapon ng basura
C. naghuhugas ng pinggan
D. nagluluto ng masarap na meryenda

32. Ang bata ay masayang kumakain ng sorbetes.


Alin sa mga ito ang panaguri sa pangungusap?
A. Ang bata
B. Ang sorbetes
C. masayang kumakain
D. masayang kumakain ng sorbetes

33. Ang mga turista ay hinikayat na sumali sa parada sa pista.


Alin ang simuno ng pangungusap?
A. Ang mga turista
B. hinikayat na sumali
C. sumali sa parada sa pista
D. hinikayat na sumali sa parada sa pista

34. Pagsamahin ang payak na pangungusap gamit ang wastong pang-ugnay.

Tumula ang mga batang babae.


Nagsayaw ang mga batang lalaki.

A. Tumula ang mga batang babae at nagsayaw ang mga batang lalaki.
B. Tumula ang mga batang babae kaya nagsayaw ang mga batang lalaki.
C. Tumula ang mga batang babae nang sumayaw ang mga batang lalaki.
D. Tumula ang mga batang babae ngunit nagsayaw ang mga batang lalaki.

Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng aklat ang tinutukoy sa bawat bilang.
Itiman ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

35. Sa bahaging ito makikita ang piling salitang may kahulugan.


A. Talahulugan C. Katawan ng Aklat
B. Talaan ng Nilalaman D. Pabalat ng Aklat

36. Makikita rito ang pamagat ng aklat, pangalan ng may-akda at gumuhit ng mga
larawan.
A. Glosari C. Pabalat na Aklat
B. Katawan ng Aklat D. Talaan ng Nilalaman

37. Gustong malaman ni Teresa ang pahina ng bawat araling nais niyang basahin.
Aling bahagi ng aklat ang kaniyang titingnan?
A. Glosari C. Pabalat na Aklat
B. Katawan ng Aklat D. Talaan ng Nilalaman
MTB – MLE 3, PAHINA 6

Aytem Bilang 38-40

Malusog na Pamumuhay

Aralin 1 Ano ang Mabuti sa Katawan? ……………………. …….1-18


Aralin 2 Pag-iingat ang Kailangan ………………………………. 19 - 36
Aralin 3 Mag-exercise Tayo ………………………………. ……. 37- 54
Aralin 4 Pagkaing Tama sa Iyo ………………………………….. 55 - 75

38. Anong impormasyon ang nasa pahina 60?


A. Tamang Ehersisyo
B. Gabay sa Pagkain
C. Mabuti sa Katawan
D. Pag-iingat ang Kailangan

39. Aling aralin ang kailangan mong basahin kung gusto mong malaman ang
ehersisyong bagay sa iyo?
A. Aralin 1 B. Aralin 2 C. Aralin 3 D. Aralin 4

40. Anong pahina ang iyong babasahin kong nais mong malaman ang “Pagkaing
Tama sa Iyo”?
A. pahina 1-18 B. pahina 19-36 C. pahina 37-54 D. pahina 55-75
MTB – MLE 3, PAHINA 7

TANGGAPAN NG MGA PAARALAN NG SANGAY


Lungsod Mandaluyong

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MTB-MLE


BAITANG 3
Taong Panuruan 2016-2017

SUSI SA PAGWAWASTO

1. A 31. D
2. B 32. D
3. A 33. A
4. D 34. C
5. D 35. A
6. B 36. C
7. B 37. D
8. C 38. B
9. D 39. C
10. A 40. D
11. D
12. C
13. D
14. A
15. B
16. A
17. A
18. C
19. D
20. A
21. D
22. B
23. D
24. B
25. A
26. C
27. C
28. B
29. D
30. A
MTB – MLE 3, PAHINA 8

TANGGAPAN NG MGA PAARALAN NG SANGAY


Lungsod Mandaluyong

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MTB-MLE


BAITANG 3
Taong Panuruan 2016-2017

TALAAN NG ESPISIPIKASYON

Cognitive Process Dimension Kabuu


Rememberi Understan Aplying Analizing Evaluating Creating
an
KASANAYAN ng ding (Aplikasy (Pag- (Ebalwasy (Paglikha
(Kaalaman) (Pang- on) aanalisa) on) )
unawa)
Natutukoy ang ngalan ng 1,2 4,5 3 5
tao, hayop bagay, pook o
pangyayari
6 7,9 8 4
Nakagagamit ng angkop na
pangngalang pamilang at
di-pamilang sa
pangungusap

16 12,13,14 5
Nabubuo ang ,15
pangungusap gamit ang
angkop na simile o
metapora
10,11 2
Nakikilala ang konkreto at
di-kongkretong pangngalan
sa pangungusap

23,24,25, 4
Nasusuri ang kahulugan ng 26
salitang magkapareho ang
baybay ngunit magkaiba
ang bigkas

18 17 19 3
Natutukoy ang tiyak na
impormasyon sa teksto na
sumasagot sa mga ibinigay
na mga tanong

21,22 2
Nasusuri ang pangunahing
diwa na ipinahahayag sa
tula,teksto o talata

20 1
Naibibigay ang salitang
ugat na nakakabit sa mga
salitang kinasanayan
27,28,29 3
Natutukoy ang salitang
magkasingkahulugan
MTB – MLE 3, PAHINA 9

32,33 2
Natutukoy ang bahagi ng
pangungusap(simuno at
panaguri)
30 31 34 3
Napag-uugnay ang payak
na pangungusap gamit ang
wastong pang-ugnay
35,36 37,39 38 6
Nakikilala ang impormasyon 40
na tumutukoy sa iba’t ibang
bahagi ng aklat
KABUUAN 7 8 6 9 5 5 40

You might also like