Ikalawang Markahang Pagsusulit Sa Filipino 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa FILIPINO 2

Panuruang Taon 2019 - 2020

I. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.
____ 1. Nabangga ni Lisa ang gamit na dala-dala ni Ben nang hindi sinasadya. Ano ang sasabihin ni Liza?
A. Paumanhin Ben. C. Magandang hapon, Ben.
B. Maraming salamat, Ben. D. Paalam na Ben.

____ 2. Kung ang unang titik ng salitang dito ay papalitan ng p, ano ang bagong salitang mabubuo?
A. Lito B. biko C. pito D. kuto

____3. Kung ang salitang aso ay dadagdagan ng b sa unahang bahagi, ano ang bagong salitang mabubuo?
A. laso B. tasa C. baso D. kasoy

____4. Alin ang tamang pagpapantig ng salitang bakuran?


A. bak-ur-an B. ba-ku-ran C. ba-kur-an D. b-ak-u-ra-n

____5. May apat na atis sa basket. Ano ang salitang naglalarawan sa pangungusap?
A. apat B. May C. atis D. basket

____6. Malaki ang bola ng “basketball”. Ano ang inilalarawan ng salitang nakasalungguhit?
A. basket B. bola C. bala D. basa

____7. Si Lita ay nagwalis ng bakuran kanina. Alin ang salitang nagsasaad ng kilos o galaw sa
pangungusap?
A. Lita B. bakuran C. nagwalis D. kanina

____8. Mabilis tumakbo ang kabayo. Alin ang salitang kilos sa pangungusap?
A. mabilis B. tumakbo C. ang D. kabayo

____9. “Tumigil ka na nga! Kanina pa kita sinasaway,” ang sabi ng nanay kay Andie. Anong katangian o ugali
ng tauhan ang tinutukoy batay sa kaniyang pahayag.
A. naiinis B. nagulat C. natutuwa D. nalungkot
____10. Pauwi na ng bahay si Lita nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Anong maaaring mangyari sa
kaniya?
A. Magkakasakit siya C. Sasakit ang kaniyang ngipin
B. Makapaglalaro siya D. Makakapasa siya sa pagsusulit

____11. Nakapasa sa pagsusulit si Dona dahil __.


A. Naglaro siya ng kompyuter C. Nag-aral siya nang mabuti
B. Nadapa siya sa plasa D. Naligo siya ng maaga

____12. Gumamit ka ng kubyertos sa pagkain. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa


pangungusap.
A. kalan C. dahon ng saging
B. kutsara at tinidor D. sandok

____13. Alin sa mga salita ang magkatugma?


A. malungkot-masaya C. marikit-maganda
B. buhay-bahay D. araw-gabi

____14. Alin sa mga sumusunod ang angkop na bantas sa pangungusap na “Saan ka pupunta___”
A. tuldok (.) C. tandang pananong (?)
B. tandang padamdam (!) D. kuwit (,)
____15. Ano ang wastong anyo ng pasalaysay na pangungusap?
A. Si Mark ay mabait na bata. C. Si mark ay mabait na bata.
B. si Mark ay mabait na bata. D. Si Mark ay Mabait na Bata.

____16. Alin sa mga sumusunod ang tamang ayos ng mga salita ayon sa Alpabetong Filipino?
A. aso, alon, abaniko, apo C. apo, abaniko, aso, alon
B. abaniko, aso, apo, alon D. abaniko, alon, apo, aso

____17. Aling larawan ang nagpapakita ng pagkahilig sa pagbasa?

A. B. C. D.

____18. Piliin sa sumusunod ang may pangalan na nakakahon?

Joy Mary
A. C.

Brian
B. Boy D.

____19. Ayon sa mapa sa kanang bahagi, saan makikita ang parihaba?

A. Timog C. Kanluran
B. Hilaga D. Silangan

____20. Nagpunta ang mag-anak na Cruz sa parke. Nakita ni Dina ang magagandang bulaklak kaya ninais
niya itong pitasin ngunit napansin niya ang isang karatulang nagsasabing ___.
A. Bawal umihi dito C. Bawal pumitas ng bulaklak
B. Bawal pumarada dito D. Bawal manigarilyo

II. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang kwento. Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat
ang titik ng sagot bago ang bilang.

Masayang umuwi sa kanilang tahanan si Trina. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay nakita niya ang isang
bag na may disenyong pusa. Matagal na niyang gusting magkaroon nito. Nakita siya ng kanyang nanay at
sinabing “Para sa iyo iyan anak, dahil nanalo ka sa patimpalak at nag-uwi ng tansong medalya.” Sobrang
natuwa si Trina. Inilapag niya ang kanyang dalang libro, niyakap ang ina at nagpasalamat.

____21. Sino ang batang masayang umuwi sa kanilang bahay?


A. si Trina B. si Betty C. si Blanca D. si Brenda

____22. Ang natanggap ni Trina ay isang _______ para sa kanya.


A. sorpresa B. panaginip C. baon D. himala

____23. Ano ang unang nangyari sa kuwento?


A. Niyakap ni Trina ang kaniyang ina.
B. Masayang umuwi si Trina sa kanilang tahanan.
C. Nakita niya ang bag na may disenyong pusa.
D. Nagpasalamat siya sa kaniyang nanay.
____24. Bakit binigyan si Trina ng bag?
A. Dahil nanalo siya sa isang patimpalak at nag-uwi siya ng tansong medalya.
B. Dahil nanalo siya sa isang palaro at nag-uwi siya ng tropeyo.
C. Dahil siya ang nanguna sa kanilang klase.
D. Dahil matataas ang kanyang marka at nag-uwi siya ng gintong medalya

_____25. Ano ang angkop na pamagat sa kuwentong binasa?


A. Ang Sorpresa na Pusa C. Ang Sorpresa kay Nanay
B. Ang Sorpresa na Medalya D. Ang Sorpresa kay Trina

III. PANUTO: Tukuyin ang bahagi ng aklat na isinasaad sa bawat bilang.


____26. Dito makikita ang mga paksa at pahina sa bawat aralin.
A. Talaan ng Nilalaman C. Katawan ng Aklat
B. Indeks D. Talahuluganan

____27. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat, makikita rito ang pamagat ng aklat na babasahin.
A. Talaan ng Nilalaman C. Katawan ng Aklat
B. Pabalat D. Talahuluganan

____28. Naglalaman ang pahina na ito ng mga kahulugan ng mga matatalinhagang salita sa loob ng aklat.
A. Pabalat C. Talahuluganan
B. Indeks D. Talaan ng Nilalaman

VI. PANUTO: Alin ang may wastong paraan ng pagkakasulat ng mga salita/parirala sa anyong kabit-
kabit?

29. masunurin 30. batang mabait

A. A.

B. B.

C. C.

D. D.

You might also like