Ang Gansang Nangitlog NG Ginto

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Gansang Nangitlog ng Ginto

May isang matandang babae na nag-aalaga ng


Gansa. Ang Gansa ay nangingitlog paminsan-minsan.
Isang araw ay nagulat ang matanda nang mapansing
nangingintab ang itlog ng Gansa. Dali-dali niya itong
pinulot at sinuri. Mabigat na mabigat ang itlog at
nagniningning na parang ginto.
“Gintong itlog!” tuwang-tuwang nagsisisigaw ang
matanda. “Nangingitlog ng ginto ang Gansa ko!
Gintong itlog! Gintong itlog!”
Masayang-masaya ang matanda sa gintong itlog na
bigay ng Gansa. Lalo siyang natuwa sapagkat araw-
araw nangingitlog ang alaga niya. Naging mayaman
ang matanda. Nakabili siya ng malawak na lupa at
nakapagpatayo ng malaking bahay at nakapamuhay
nang masagana.
Hindi naging lubos ang kaligayahan ng matanda.
Para sa kanya napakabagal ng araw-araw na
pangingitlog ng Gansa. Malalim siyang nag-isip. May
sapantaha ang matandang tiyak na marami ang
gintong itlog sa loob ng tiyan ng Gansa.
“Nakatitiyak ako,” ngingisi-ngising hula ng
matanda, “na kung papatayin ko ang Gansang ito at
kukunin ko ang lahat ng gintong itlog nito ay magiging
pinakamayaman ako sa komunidad na ito!”
Pinatay nga ng ganid na matanda ang Gansa.
Nanghinayang siya sapagkat wala kahit isa man
lamang na gintong itlog siyang nakita.
Huli na ang lahat sapagkat hindi na niya maibabalik
pa ang buhay ng kaniyang alaga na nagbigay sa
kaniya ng yaman at tuwa.

You might also like