Maikling Kwento

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Tigre at ang Lobo

Isang araw ay nahuli ng Tigre ang isang Lobo sa kasukalan. Kakainin na sana ng mabangis na
Tigre ang kaniyang huli nang itaas ng Lobo ang kaniyang leeg at nagwikang, "Teka, teka.
Alam mo bang kaproproklama lamang ng mga Bathala na ako na raw ngayon ang Hari ng
Kagubatan?"

"Ikaw? Hari ng mga Hayop?" hindi makapaniwalang sabi ng Tigre.

"Kung hindi ka naniniwala ay sumama ka at maglakad tayo sa buong kagubatan. Tingnan mo


lang kung hindi matakot ang lahat makita lang ako!"

Hindi malaman ng Tigre kung paniniwalaan ba o hindi ang tinuran ng Lobo.

Mayabang na lumakad sa harapan ng Tigre ang Lobo. Nang ayain ng Lobo ang Tigreng
umikot sa kagubatan ay napasunod ito.

Malayo pa lamang sa mga Usa ay kumaway-kaway na ang Lobo sa mga hayop na may
mahahabang sungay. Takot na napatakbong papalayo ang mga Usa. Ganoon din ang naging
reaksiyon ng mga Kambing, ng mga Kuneho at ng mga Tsonggo.

Takot ding nagsilayo ang mga Baboydamo at mga Kabayo.

Takang-taka ang Tigre.

Nang magtakbuhan sa sobrang takot ang mga hayop ay mayabang na nagsalita ang Lobo,
"Kaibigan, naniniwala ka na bang ako na nga ang Hari ng Kagubatan?"

Napansin ng Tigre na kapag lumalapit na silang dalawa sa mga hayop ay lagi at laging nasa
likod niya ang tusong Lobo.

Napag-isip-isip niyang hindi sa Lobo takot ang Usa, ang Kambing at Kuneho. Hindi rin dahil
dito kaya kumaripas ng takbo ang Tsonggo, ang Baboyramo at Kabayo. Nang manlisik na
ang mga mata ng Tigre at magsitayo na ang mga balahibo nito sa galit ay mabilis pa sa
alaskwatrong nagtatakbong papalayo ang takut na takot na Lobo.
Ang Maya, Ang Agila At Mga Hayop Gubat

Sa gubat matalibugho may isang ibong nagngangalang Maya. Si Maya ay isang ibong maya.

Isang araw habang lumilipad sa kakahuyan ay may narinig syang malakas na tinig

“heeeeeeeeeeeeaaah! heeeeeeeeeeeeaaah!”

Pinakinggan niyang mabuti ang tunog “heeeeeeeeeeeeaaah! heeeeeeeeeeeeaaah!” at


nakita ni Maya si Agila na nakasabit sa patibong ng mga mangangaso.

“Tulungan mo ako Maya! Tulungan mo ako! heeeeeeeeeeeeaaah!” ang pagmamakaawa ni


Agila.

“Sandali lang kaibigang agila at hihingi ako ng tulong. ‘Wag kang maingay baka marinig ka
ng mga tao.” Ang sagot ni Maya.

Lumipad ng mabilis si Maya patungo sa kanyang bahay para humingi ng tulong sa mga
kapwa ibon. Binalikan nila si Agila ngunit hindi pa rin nila ito matanggal sa lambat.

“Mga kaibigang ibon, paano ba natin maalis si Agila sa lambat?” tanong ni Maya

“Maghiwahiwalay tayo at humingi ng tulong sa iba pang mga hayop.” sabi ng isa,
sumangayon naman si Maya at naghiwahiwalay sila.

Dumating sila Oso, Leon, Tigre, Elephante, Pagong, Unggoy, Kuneho, Usa, Buwaya, at Uwak.

“Bakit nandito si Uwak?” tanong ni Unggoy. “Gusto ko lang tumulong” Ang biglang sabat ni
Uwak.

“Uwak, lumipad ka sa taas at subukan mong putulin ang lambat at unggoy akyat ka sa puno
at alalayan mo si uwak” Ang utos ni Maya.

Umakyat si Unggoy at lumipad pataas ng puno si Uwak ngunit kahit ilang ulit na subukan ni
Uwak, hindi pa rin niya maputol-putol ang tali.

“Oso , samahan mo si Unggoy sa itaas ng puno” ang biglang sabi ni Maya.

“Elepante, pataasin mo sa likod mo si Leon” dagdag pa niya.

Pagkataas ni Oso sa puno ay sinimulan na niyang putulin ang lambat na sinasabitan ni Agila
at bigla itong napigtas. Nalaglag ang lambat kasama si Agila ngunit nasalo siya ni Leon na
mabilis na tumalon.
“Mga kaibigan, salamat… Akala ko magiging tinola na ako.” Ang pasasalamat ni Agila.

“Anong silbe ng pagtira natin sa iisang gubat kung hindi naman tayo magtutulungan hindi
ba?” sabi ni Maya

Nagsaya silang lahat dahil sa pagkakaligtas kay Agila at namuhay sila ng masagana. Kahit na
magkakaiba ang kanilang kinakain, pag-uugali, kulay ng balahibo, kulay ng balat at kahit na
iba’t iba ang kanila uri, nagawa pa rin nilang tulungan ang isa’t isa.
Ang Uwak na Naghari-harian

Lagi nang nag-aaway-away ang mga ibon sa kagubatan. Naglalaban sila kung sino ang may
pinakamagandang tindig. Nag-iiringan sila kung sino ang may pinakamakintab na tuka.
Nagpaparunggitan sila kung sino ang may pinakamahabang buntot. Ayaw patalo ng lahat.
Iginigiit nilang panalo sila. Kabilang sa iba pang pinaglalabanan ang pinakamakulay na
pakpak, ang pinakamataginting na huni at ang pinakamatipunong pangangatawan. Ayaw
padaig ng lahat. Dapat lang daw silang manalo. Wala raw sa guni-guni nila ang pagkatalo.
Ang bawat isa ay nagyayabang na siya ang pinakamataas lumipad, na siya ang
pinakamahigpit kumapit, na siya ang pinakamalakas kumampay.

Kapag ayaw patalo ang sinuman, maingay na maingay na hunihan nang hunihan ang lahat.
Ang dating matatamis na huni kapag pinamamayanan ng inggit at yabang ay nakatutulig sa
buong kagubatan. Nang matulig na ang nimpa ng kalikasan ay nagpakita ito sa lahat ng mga
ibon.

"Hindi ko gusto ang awayan ninyo sa kagubatan. Kailangang pumili kayo ng mamumuno sa
inyo. Isang Puno ng mga Ibon ang dapat ninyong iluklok. Ang Puno ay kailangan ninyong
sundin. Dapat na maging matapat sa layunin ang mapipili niyong Puno. Kailangang
mapasunod kayo upang maging mapayapa ang daigdig ng mga ibon."

Iniisip ng bawat ibong dapat lang na husgahan sila ayon sa ganda ng kanilang balahibo at
pakpak. Balahibo at pakpak ang una raw nakikita sa mga ibon sa malayuan at malapitan. Ang
ibong may magagandang balahibo at pakpak ang may maganda rin daw na kalooban. Ang
ibong may pinakamagandang kalooban ay katangian ng isang mabuting puno.

Upang mapiling pinuno nakaisip ang bawat ibong hubarin ang kanilang balahibo at pakpak
sa mga kugon. Kabilang sa naghubad ng balahibo at pakpak sina Kalapati, Agila, Maya at
Loro. Sumunod din sina Kilyawan, Gansa, Tikling at Pabo.

Habang nasa tubig ang lahat ay walang paalam na pinuntahan ng puting Uwak ang mga
iniwang balahibo at pakpak. Iba't iba ang hugis at kulay ng mga ito. Nakaisip ng magandang
ideya ang umaawit na Uwak. Kumuha siya ng malagkit na dagta ng isang halaman. Matapos
ipahid sa buong katawan ay mabilis na idinikit ang pinulot na naggagandahang balahibo at
pakpak.

Hindi siya makapaniwala nang masalamin niya sa kristal na tubig ang buong kaanyuan.
Magandang-maganda ang balahibo at pakpak niya. Hindi na siya puting-puti sa kabuuan.
Kulay bahaghari siya na makulay na makulay. Natitiyak niyang pipiliin siyang maging Puno ng
mga kasama.

Dumating ang araw na ipinatawag ng nimpa ng kalikasan ang lahat ng mga ibon sa
kagubatan. Nang iparada na ng bawat isa ang mga balahibo at pakpak nila ay gulat na gulat
sila sa Uwak. Iba't iba kasi ang hugis at kulay ng kasuotan nito. Kahit nagdududa kung sino
nga ba at kung saang kagubatan galing ang napakagandang ibon, malakas pa rin nila itong
pinalakpakan. Tinanghal nila itong may pinakamaganda at pinakamakulay na mga balahibo
at pakpak na kasuotan.

Sumang-ayon ang nimpa ng kalikasan sa mainit na pagtanggap ng mga ibon sa lider na


mamumuno sa kanila. Bilang pagbibinyag sa bagong puno ay pinaambunan ng nimpa ng
kalikasan ang kalangitan.

Nagliparan ang mga ibong panghimpapawid at iwinasiwas naman ng mga ibong panlupa ang
kanilang mga pakpak. Nagtataka ang lahat kung bakit ayaw ng bagong puno nila na lumipad
sa kalawakan o magkampay kaya ng pakpak sa kalupaan. Bakit nga ba?

Pinalakas ng nimpa ang ambon na nauwi sa ulan.

Nagtawanan ang lahat nang isa-isang matanggal ang makukulay na balahibo at pakpak ng
Uwak.

Sa galit ng nimpa na manlolokong Uwak pala ang nahalal na Puno ng mga Ibon, isinumpa
itong magkaroon ng itim na balahibo at pakpak sa habang panahon. Binawi rin ng nimpa ang
magandang huni ng Uwak. Kabuntot ng sumpa, obligado ang Uwak na hanapin sa bundok
man o kagubatan ang anumang hayop na namatay. Sa kasaysayan, totoo nga namang Uwak
ang tagapaghanap ng inuod na bangkay ng hayop at tao man.

You might also like