Florante at Laura

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Florante at Laura

Narrator: Noong unang panahon, sa mapanglaw na gubat ng Albanya


Masisilayan nawa ang nakagapos na binata
Mahigpit na pagkakatali sa puno ng Higera
Florante ang siyang pangalan, aking binabalita.

Florante: *Nagpupumiglas makawala* Agh! Sa aking pagkakatali ako’y hindi


makawala! Saklolo! Saklolo! Aking pagmamakaawa! Tulungan niyo
ako! Pakawalan niyo ako! Alisin niyo ako sa pagkakagapos dito!

* Lion Growl; Hiss of Snake *

Narrator: Tila nangangarerang kabayo ang tibok ng kaniyang puso


Mga mababangis na hayop, sa kaniya’y di malayo
Bawat angil, bawat bulong na totoong nakakapangilabot
Puspos nang sinakop si Florante ng kaba at takot

Florante: Oh panginoon! Patawad! Patawad sa lahat ng kabiguang aking pasanin!


Patawad sa pag-ibig na ipinagkait sa akin
Oh, tadhana, tunay nga at ako’y iyong pinaglaruan,
laruang aking iniibig, sumama kay Adolfo’t ako’y nilisan.
Hindi man lang niya naisip ang aking mararamdaman,
intensyon niya ba na ako ay saktang lubusan?

Narrator: Pag-asa ay tila nagpaalam, pati paghingi ng saklolo’y wala nang kwenta
Isang tulo ng luha at malalim na buntong hininga.

Florante: Laura’t Albanyang aking mahal, ako ngayo’y magpapaalam na.

Narrator: Habang si Florante ay naglalabas ng hinaing


Isang gererong naglalakbay, pangalan ay Aladin
Isip tila ay magulo, damdamin ay mabigat
Naghahanap ng lugar upang damdamin ay lumuwag

Aladin: *Uupo* Puso ko’y tila mawawarak sa sakit


Isip nagtatanong ng daan-daang bakit
Flerida! Flerida, paanong ika’y naagaw pa
At sa lahat pa ng tao, ang aking Ama pa!?

Narrator: Panibugho’t sakit ang namahay sa kanyang puso


Mga mata’y di matapos na ang luha’y tumulo
Nais ilibing ang mga hinanakit
Nang makarinig ng panaghoy ng sakit

*Nasigaw si Florante*

Aladin: Ano iyong aking nadirinig, Isang boses, sa takot ay nanginginig?


Narrator: Nagnanaknak man ng sugat ang puso dahil sa tinamong kapighatian
Sinundan ang sigaw at halos mandilat nang masilayan
Dalawang leon akmang gagawing hapunan si Floranteng nakagapos parin
Sa awa ay nagpakatapang at inilabas ang espadang matalim.

Florante: *Nagpupumiglas* Tulong! Tulong! Mga mababangis na leon!


Nagmamakaawa na ako! Tulong! Tulong!

Aladin: *Tumakbo papunta sa mga Leon* at *Kinalaban ang mga leon*

Narrator: Tila umandar ang pagka-gerero ni Aladin


Kinalaban ang mga leon ng buong giting
Kitang kita na sa pakikipaglaban ay sanay na sanay
Kagalingan ni Aladin ay totoog walang kapantay
Katulad ng pagpaslang ni Apolo sa ahas na Piton
Napatay nang walang hirap ni Aladin ang mga leon
Agad kinalas si Florante mula sa pagkakagapos
Upang siya’y makapagpahinga’t makahinga ng ayos

Florante: *Hirap sa pahinga* S-Salamat, Salamat sa tulong na di mo ipinagkait


Tunay na ika’y magiting at totoong mabait

Aladin: Alam ko namang pagal na ang yong katawan


Mabuti pa’t humanap na muna tayo ng matutulugan

*Curtains Up*

Narrator: At noon nga’y dinala siya sa dakong pinasukan sa gubat


Upang mapagpahinga ang mga katawang pagod at banat
Hinimlay si Florante at magdamag na binantayan
Upang ito’y makapagpahinga at mahimasmasan

*Curtains Down*

*Nagising si Florante*

Aladin: Mabuti’t ika’y nagising na aking kaibigan


Kamusta ka na’t masama pa ba ang pakiramdam?

Florante: Ako’y nakapagpahinga na’t hindi na pagal


Ngawit ng aking katawan ay tuluyang natanggal

Narrator: Hirap na dinanas, pighati nitong minalas


Di dama ang sugat, ni mga gasgas
Sa tabi ni Florante’y umupo si Aladin
Kuwento ng buhay ni Florante nais n’yang tanungin

Aladin: Ako’y nagtataka, maaaring masagot ang aking tanong?


Paano na ika’y nagapos at muntikang makain ngleon?

Florante: Ang istoryang iyon ay tunay na mahaba


Sa pakikinig sa’king kwento, ikaw ba’y handa?

*tatango si Aladin*
*Curtains Up*

Narrator: Noon ngang si Florante ay nagsasalaysay


Tungkol sa mga ganap sa kaniyang buhay
Simula noong muntik siyang madagit ng buwitre
Hanggang pagsambilat sa kaniyang dibdib ng kupidong dyamante

*Curtains Down* *Medieval Music*

Duke Briseo: *Nagsusulat* *Tumigil*

Megara! Megara, alipin kong matapat


Maano’y patawag si Floranteng aking anak

Servant 1: Masusunod po kamahalan *Aaalis*

*kakatok si Florante*

Florante: *Papasok* Ako daw ay pinatawag mo Ama?

Duke Briseo: *Tatayo* Sa aking bilin ikaw ay makinig...

Ako ay nakatanggap ng kaalam para sa iyo, Anak


Paano kung ika’y pumunta sa Atenas upang mag-aral na tiyak?
Bagong karunungan, bagong kaalaman iyong matatanggap
Bagong oportunidad nakalahad na sa iyong harap.

Reyna Floresca: ...

Florante: ....

*Curtains Up*

Narrator: Nagpalitan ng paalam, Sa Atenas ay nagtungo


Sa gayo’y, Karununga’y matanggap na totoo
Sandat sa laban para sa kinabukasan
Maging kaaliwan ng mahal na kaharian

*Curtains Down*

Servant 2: Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay ang iyong pagdating


Ikaw na ngayo’y nasa Atenas, sa aming piling!

Florante: Salamat! Salamat! Salamat sa mainit na pagtanggap


Maaari bang mapakita sa’kin ang kwarto kong hanap?

Servant 3: Maaari kamahalan, ako nawa’y iyong sundan


Nang maihatid kita sa iyong tutuluyan

*Curtains Up*

Narrator: Sa dakong iyon ng Atenas, Iyo ngang mararanas


Antenor, maestrong ubod ng kagalingan
at Menandrong pamangkin niyang pinagkakatiwalaan

*Curtains Down*
*Nagsusulat at nagbabasa si Antenor*

Menandro: *kakatok at Papasok*


Tiyo! Totoo ba ang balita? Bagong estudyante mula Albanya?

Antenor: Totoo nga, tunay ang iyong nabalitaan


Ngalan niya’y Floranteng kamahalan
Mabuti pa’t siya’y iyong itungo
Upang mapakilala ang sarili mo

Menandro: Masusunod po Tiyo! Ako nga’y magiging maginoo

*Curtains Up*

*Curtains Down*

*Florante (Nag-aaral)*

Menandro: Ikaw nga ba ang siyang usapan


Floranteng puno ng katalinuhan?

Florante: Hindi pa marapat na sa aki’y ititulo


Sapagkat di pa sapat ang katalinuhan ko

Menandro: Tunay nga ang sabi nila


Tunay na ika’y mapagkumbaba
Ako si Menandro, pamangkin ng Maestro
Siguro’y naririnig mo na rin ang pangalan ko?

Florante: Akin ngang narinig na kaibigan


Ano’y ika’y napadaan, san kita matutulungan?

Menendro: Puso ko’y puro lamang sa pagkakakilala


Walang ibang hangad sa twina... *Napatigil*
Akin na palang ibabangit sa iyo
Ang tungkol sa bituin ng paaralang si Adolfo

Florante: Anong kailangan kong malaman tungkol doon?

Menandro: Adolfo’y hindi natatalo


Mabait, at ubod ng talino

Florante: Ngunit hindi kompitisyon ang aking hanap kaibigan


Ako ay nagnanais lamang ng karunungan

Menandro: Ito’y babala, iyo dapat na tandaan


Baka pag iyo syang natalo
Tunay na kulay ay makitaan

*Curtains Up*

Narrator: Tatlompung taong binata, tunay na matalino


Mapa-guro man o kaklase, siya’y maginoo
Siya’y si Adolfo, bituin ng paaralan
Kaaliwan ng magulang at kaharian
*Curtains Up*

*Nagbabasa ng libro si Adolfo sa may pader*

*May dadaang dalawang babae na nagkekwentuhan*

Babae 1: Aking kaibigan, iyong nabalitaan nawa?


Adolfong pinagmamalaki natin, ngayo’y hindi na?

Babae 2: Totoo ngang narinig mo, kaibigan


Natalo na daw siya ni Florante?

Babae 1: Floranteng kay-galing, tunay na matalino

Babae 2: Pati’y mapagbigay, gwapo’t maginoo! *Tatawa* *Aalis*

Adolfo: Ano itong aking narinig at nabalitaan


Ako’y hindi na bituin ng paaralan?
Hindi! Hindi! Hindi ito maaaring mngyari
Sa paaralang ito, ako lang dapat ang mag-hari!

*Curtains Up*

*Dadating yung mga kaibigan ni Adolfo*

*Curtains Up*

Kaibigan 1: Kung gayon nga ang siyang naganap


Pagiging matalino’t maginoo, hindi pa sapat

Kaibigan 2: Kailangang maibalik mo ang titulo mo

Adolfo: Aha! Alam ko na ang gagawin ko!


Dulang itatanghal dito sa paaralan
Papel na ibibiga’y at aking gagampanan
Tototohanin ang pangyayari’t siya’y papaslangin
Nang sa gayo’y ang atensyo’y mabalik sa akin

*Curtains Up*

Narrator: At noon ngang dulaan ay siya’y dumating


Plano ni Adolfong si Florante ay paslangin
Nag-hari ito sa kaniyang puso at isip
Ang lungkot... Galit... at Inggit

*Curtains Up*

Florante: Adolfo! Hindi mo sinusunod ang iyong gaganapin!

Adolfo: Sa iyong kasalanan sa akin, ikaw ay aking papatayin! *Sasaksakin*

Menandro: Florante!!! *Haharangan si Florante gamit ang shield*

Antenor: *Nagulat at Nagalit* Ano itong aking nakita!?

Adolfo!, Bakit iyong tinotoo na!?


Adolfo: Hindi maaaring may makataas sa akin
Ako ang hari! Ang bituin! Ang inyong pinag-mamalaki!

Antenor: Ngunit ngayon sa iyong ipinakita


Dapat lamang si Florante ay makataas na!
Adolfo, dahil sa kasamaan at kataksilan na ipinakita mo
Sa Atenas, ngayon ika’y ipinapalayas ko!

*Curtains Up*

Narrator: Si Adolfo’y napalayas


Florante’y nanatili sa Atenas
Isang taon ang dumaan
Nang dumating ang isang liham

*Curtains Down*

*Si Florante ay nag-aaral sa kanilang silid*

Servant: *Pumunta sa silid* Florante! Liham para sa iyo


Galing sa’yong Amang si Duke Briseo

Florante: Salamat

Narrator: Sa pagbabasa’y tila nawarak ang mundo


Nang matauha’y nadurog ang puso

Florante: Ina! Ina! Ina kong minamahal


Ba’t ika’y sumakabilang buhay at ako’y iniwan!!!

*Curtains Up*

Narrator: Dalawang buwan namuhay si Florante ng lungkot


Dalawang buwan siyang nagdaan sa pagsubok
Ina niyang mahal ay pinapahinga na
Inang kaniyang tinangkilik ay sumakabilang buhay na.

*Curtains Down*

*Binabasa ni Florante ang liham*

Narrator: Nang nanatili sa Atenas


Florante’y nakatanggap ng kalatas

*May dumating muling sulat*

*Binasa ang sulat*

Florante: *Recorded* (Floranteng aking anak, Totoong ika’y aking hanap,


Ikaw nawa’y bumalik na, Dito sa tahanan mong Albanya)

*Curtains Up*
Narrator: Puso’y nahabag, Florante ay bumalik
Kasama si Menandrong kaibigang matalik
Naglakbay pabalik sa tahanang Albanya
Nang makasamang muli ang Amang mahal niya

*Curtains Down*

Duke Briseo: Anak kong Florante ika’y nagbalik!


Halos ilang taon ko din itong sinabik

Florante: Ikinagagalak ko rin Ama


Masaya na rin ako’y nakabalik sa Albanya
Ano nga pala ako’y iyong pinabalik
May bumabagabag ba sa inyong isip?

Duke Briseo: Tayo’y pinapatawag ng mahal na hari ng Krotona


Si Haring Linseo ay nahingi ng tulong sa ating dalawa

Florante: Kung gayo’y kinakailangan na nating umalis


Upang makadating sa Krotona nang mabilis

*Curtains Up*

Narrator: At noo’y naglakbay na nga


Papunta sa Kaharian ng Krotona
Florante at Ama niyang si Briseo
Sa nasabing Kaharian ay nagtungo

*Curtains Down*

Haring Linseo: Briseo! Aking kaibigan


Ang paglalakbay ay kamusta naman?

Duke Briseo: Mabuti! Mabuti! Wala namang naging hadlang

Haring Linseo: At sino naman itong kasama mo?

Duke Briseo: Ito ang anak kong si Florante na nagmula sa Atenas

Florante: Ikinagagalak kong makilala ka, Haring Linseo.


Ako nga pala si Florante

Haring Linseo: Ikinagagalak ki ring makilala ka, Ginoong Florante


Alam mo bang kamukha mo ang girero sa panaginip ko
Ang lalaking magliligtas sa Krotona

*Curtains Up*

*Nagkaroon ng pagpupulong-pulong ang mga nangangasiwa sa kaharian*

Narrator: Mga nangangasiwa’y nagpulong-pulong


Iisa lamang ang desisyon
Florante ang ipapadala upang lumaban para sa Krotona

*Curtains Down*
Haring Linseo: Ako nga pala’y may ipapakilalasa’yo, Florante *Dumating si Laura*
Ito ang anak kong si Laura

Florante: Ikinagagalak kong makilalaka, Binibining Laura


Ako si Florante *Hinalikan ang kamay ni Laura*

Laura: Ikinagagalak ko ding makilala ka, Ginoong Florante

*Curtains Up*

Narrator: Florante’y tuwang tuwa nang Laura ay makilala


Puso niya’y nabighani kay Laura
Hindi niya alam ay ganoon rin ang nararamdaman ni Laura sa kanya
Nang si Florante ay umalis para makipaglaban kay Osmalik
Laura ay nangulila sa kanya

*Curtains Down*

Florante: *Kausap ang hukbo* Ako’y handa na


Kayo ba? Handa nang ipaglaban ang Krotona?

Army: Handa na!!!

Narrator: Naabutan na nila ang pangkat ni Heneral Osmalik


Sa loob ng limang oras, sila ay naglaban nang naglaban

Florante: Ikaw pala si Heneral Osmalik

Osmalik: Oo ako si Osmalik, ang tatalo sa inyo

Florante: Huwag kang makampante, Heneral.

*Nagsimula na ang labanan*

*Curtains Up*

Narrator: Nang matapos ang laban


Heneral Osmalik ay malamig nang bangkay
Limang buwan si Floranteng nanatili dito
Sa Krotonang hinatid niya sa panalo
Ngunit sa tuwing mag-isa’y
Ninanais niya ang minamahal niyang si Laura

*Curtains Down*

Florante: *Nakaupo sa Trono*


Oh Laura, Mahal kong Laura, ako’y pabalik na sapagkat ako’y sabik sa
ikaw ay makita

Narrator: Bumalik si Florante ng Albanya, ngunit laking gulat niyang Bandila ng


Moro ang sumalubong at winawagayway

Florante: *Pinagmasdan ang Albanya* *Lumapit sa hukbo at kinausap*


Hindi maganda ito, may nangyaring masama sa mahal kong bayan
Sumunod kayo sa akin!
*Curtains Up*

Narrator: Habang palapit sa palasyo. Namataan ni Florante ang isang babaeng


pupugutan ng ulo. Ito ay kawalan ng katarungan, kaya walang
sinayang na oras ang bayani. Iniligtas niya ang babae, dahilan upang
magsitakbuhan ang mga kalaban, na kasalukuyang pinamunuan ni
Aladin.

*Curtains Down*

*Sinugod ni Florante at ng kanyang mga hukbo ang Albanya at pinatay ang mga
bantay ng kaharian*

*Tumakas si Aladin at ang kanyang natirang hukbo palayo sa Albanya*

*Iniligtas ni Florante ang kanyang Ama at si Laura*

Duke Briseo: Salamat aking anak


Maaasahan ka talaga sa lahat ng oras

Florante: *Kinausap ang hukbo* Salamat aking mga kawal

*Curtains Up*

Narrator: Saglit na naghari ang katahimikan sa Albanya, nang muling lumusob


ang hukbong pinamumunuan ni Miramolin.

*Curtains Down*

*Nakita ng kawal ni Florante ang hukbo ni Miramolin at kaagad itong sinabi kay
Florante*

*Naghanda si Florante at ang kangyang hukbo*

*Nagtungo ang hukbo ni Florante sa kagubatan upang makipaglaban kay


Miramolin*

*Nakahanda sa labanan ang dalawang panig*

Miramolin: Sasakupin ko ang iyong kaharian!!!

Florante: Hindi ka namin hahayaan!!!

*Nagsimula na ang labanan*

*Curtains Up*

Narrator: Ngunit, naging mais at sisiw ang laban para kay Florante. Matapos ang
labanan nila ni Miramolin, May labing-pitong hukbo pa ang sumunod
na nagtangkang lusubin ang Albanya. Gayunman, tanging kabiguan
lamang ang kanilang natamo sa kamay ni Florante. Pagbalik ni Florante
sa Albanya.

*Curtains Down*

*Sinugod ang hukbo ni Florante ng mga Kawal ng Albanya*


Florante: Anong ibig sabihin nito? Bakit ninyo ako dinadakip!?

*Dinala ng mga kawal si Florante sa Bagong namumuno ng Albanya*

Adolfo: Maligayang pagbalik sa Albanya, Florante. Sa aking kaharian! HAHAHA

Florante: Ganid ng kasamaan ang iyong puso, Adolfo! Pinatay mo nga ang hari
ng bayang ito, pati ang minamahal kong ama. At ngayo’y ako naman
ang gusto mong isunod!!!???

Adolfo: Ikulong N’yo na iyan!!!

*Curtains Up*

Narrator: Ipinakulong ni Adolfo si Florante nang labintatlong araw. Nais niyang


maghirap at mamatay si Florante. Kaya’t inutusan niya ang kaniyang
kawal na dalhin ito sa gitna ng kagubatan at igapos sa puno ng higera.

*Curtains Down*

Florante: Dalawang araw na ako rito, walang pag-asang ako’y mabubuhay pa

*Curtains Up*

Narrator: Doon nagtapos ang kuwento ni Florante at si Aladin naman ang


nagsalaysay.

*Curtains Down*

Aladin: Ako si Aladin, anak ni Sultan Ali-Adab *kausap si Florante*

*Curtains Up*

Narrator: Hinatid si Aladin ng kanyang mga paa sa gitna ng dagat dahil sa


sobrang sama ng loob. Ang kanyang ama ay pinagtangkaang agawin
ang kaniyang minamahal na si Flerida. Kaya isang paratang ang
inilabas ni Sultan Ali-adab, upang maangkin si Flerida

*Curtains Down*

Sultan: *Kausap ang mga kawal*

Maling-mali ang ginawa ng aking anak. Ang pagpunta sa Persya at


basta na lamang iwan ang kanyang hukbo. Ngayo’y inuutos kong
pugutan siya ng ulo!!!

Narrator: Gayunman ay hindi ito natuloy dahil sa bagong kautusang inilabas ng


kanyang ama.

*Sumugod si Aladin sa kanyang Ama*

Aladin: Ama, paano niyo ito nagagawa sa inyong bugtong na anak!?

Sultan: Sige, hindi kana pupugutan pa man ng ulo. Lumayas ka sa kahariang


ito, ngayon na! At ni anino mo’y hindi na dapat mamamataan pa sa
Persyang bayan. Sundin mo ang ako kung gusto mong mabuhy pa!
*Nilisan ni Aladin ang Persya*

*Curtains Up*

Narrator: Masakit ang damdaming nang nilisan ni Aladin ang bayan niyang
minamahal.

*Curtains Down*

Aladin: Bakit aking ama? Bakit ang aking ama pa ang puputol sa aking
kaligayahan. Aking tinatakasan ang problemang hindi ko naman
gawa.Hindi ko dapat ito nararanasan. O, aking mahal na Flerida, pag-
ibig ko’y sayo lamang.

*Curtains Up*

Narrator:Nasa gitna ng kasarapan ng kwentuhan si Aladin at Florante ng


dalawang tinig nang babaeng nag-uusap ang kanilang narinig.

Flerida: Nalaman kong ipapapatay ni ang aking kasintahang nasa loob ng


bilangguan. Ngunit kung ako ay papakasal sa bagong hari, maliligtas
ang kaniyang buhay. Hindi ko na alam ang aking gagawin, kaibigan.
Mahal ko ang aking kasintahan.

Aladin: Florante, mga boses iyong pakinggan. Boses ng mga nagkukwentuhan.


Halina’y ating puntahan.

*Hinanap nang dalwa ang tinig*

Laura: Pinakawalan nga aking kasintahan.


Hari ay aking tinakasan.
Ulo ng aking ama’y pinugutan.
Puso’y labis na nasugatan.
Pag-ibig ni Adolfong inaalay.
Pilit kong sinusuway.
Kay Florante lamang ako.
Ito ay aking pangako.
Isang liham tungkol sa kaharian
Florante’y aking pinadalhan
Liham ay hindi napasa-kamay
At nadakip ng kaaway

Adolfo: Laura, halika, may pupuntahan tayo

Laura: Ayoko, Adolfo. Hindi ako sasama sayo.

Adolfo: Ayaw mo? Sapilitan pala gusto mo.

Laura: Hindi! Hindi! * Hinila ni Adolfo si Laura patungong gubat*

Laura: Anong gagawin mo Adolfo?

Adolfo: Mapapasa-akin kana Laura. Florante’y wala nang babalikan pa.

Laura: Maawaka! ka , Adolfo, Maawaka ka! Tama na! tama na!


*Biglang dumating si Flerida at binato ng sibat si Adolfo*

*Bumagsak si Adolfo*

Flerida: Halika, binibini. Baka may dumating na kawal at tayo’y mahuli.

Florante: Ano iyong aking narinig? Mga boses na pamilyar ang tinig.

Aladin: Pamilyar nga ang tinig.

*Palapit ng palapit sina Flerida at Laura*

Flerida: Mabuti na lamang at ako’y dumating.

Laura: Ako’y tunay na nagpapasalamat sayo, Flerida.

*Nagulat silang dalawa nang Makita sina Aladin at Florante*

Laura: Florante? Florante! Mahal kong Florante!

Flerida: Ikaw ba iyan Aladin?

*Tumakbo sila papunta sa isa’t-isa*

Florante: Laura!

Aladin: Flerida!

*Nagyakapan*

Florante: Paano kayo napunta dito, mahal ko?

Laura: Ako’y niligtas ni Flerida mula kay Adolfo. Muntikan na akong


pagsamantalahan ni Adolfo!

Aladin: Ano?! Baka na panoka!?

Flerida: Ayos lang ako, Aladin. Mabutinga’t ako’y dumating.

*Dumating ang hukbo kasama si Menandro*

Menandro: Florante? Ikaw ba iyan kaibigan ko?

Florante: Ikaw nga, Menandro. Anong ginagawa niyo dto?

Menandro: Adolfo’y hanap ko. Ngunit mas maganda’t ikaw ang natagpuan ko.

*Nagsigawan ang hukbo*

Florante: Tayo’y magbalik sa Albanya at ayusin ang gulong si Adolfo ang


gumawa.

*Curtain Up*

Narrator: Nakabalik ng Albanyan ang magkakaibigan, inayos ang kaguluhan at


kinoronahan si Florante bilang hari gayun din ang kaniyang kasintahan
na si Laura bilang Reyna.

*Curtains Down*
*Sila ay nagbalik sa Albanya*

Isangtaga-payo: Ngayon, nandito tayo, binibigay kay Florante ang trono. At


Laura, bilang reyna.

*Curtain Up*

Narrator: Asan na nga ba si Aladin at Flerida? Sila’y tinuruan ng tungkol sa


Kristiyanismo. Sila’y nagpabinyag at kinasal.

*Curtain Down*

Florante: Ako’y masayang makilalaka, Aladin. Masasabi kong ikaw ay tunay na


kaibigan.

Aladin: Maraming salamat, Florante. Ngunit kailangan na naming umuwi.

Narrator: Si Sultan Ali-Adab ay namatay. Kung kaya’t kailangang umuwi nina


Aladin at Flerida sa Persya.

Florante: Ang Albanya ay bukas para Sa inyo. Tulong ay dadating tuwing


kailangan ninyo.

Laura: Hanggang sa muli, Flerida at Aladin.

*Naglakad na palayo sina Flerida at Aladin*

Narrator: Malungkot na nagkahiwa-hiwalay ang magkakaibigan. Ngunit sa


kanilang paghihintay, mayroong kaligayahang naghihintay sa kanila.
Sila ay kapwa may pamumunuang kaharian. At ito ay pamumunuan
nilang may katarungan at nanalig sa kapangyarihan ng Dakilang
Lumikha.

They all died happily!

You might also like