Ano Nga Ba Ang Wastong Nutrisyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ano nga ba ang wastong nutrisyon?

Marami sa ating mga Pilipino ang naniniwala kung gaano kahalaga ang nutrisyon sa ating
kalusugan ngunit naiintindihan nga ba talaga natin ang ibig nitong sabihin? Masasabi
mo ba sa sarili mo na “malusog ako, makakaya kong gawin ang kahit ano” o kaya naman
ay “masaya ako sa pangangatawan ko”? ang wastong nutrisyon ay ang tanging paraan
upang ang mga ito ay ating makamtan.

Ang wastong nutrition ay ang pagkain ng tama at sapat na uri ng pagkain upang
makakuha ng sustansya ang ating katawan mulang sa mga ito. Ang sustansyang
makukuha ay siyang gagamitin ng ating katawan upang tayo ay maging malusog, malayo
sa sakit, na sa tamang timbang, at higit sa lahat nabubuhay ng masaya at masagana.
ang hindi pagsunod sa wastong nutrisyon ay siyang magiging sanhi ng malnutrisyon.

Maraming klasi ng malnutrisyon, ito ay ang mga epekto ng mali sukat at uri ng pagkaing
kinakain ito ay mula sa salitang “mal” ibig sabihin ay mali at “nutrition” ibig sabihin ay
sustansya mula sa pagkain, sa madaling salita ito ay ang kabalikataran ng wastong
nutrisyon. Ang mga nangunguna sa mga ito ay ang pagiging mapayat dahil sa kakulangan
sa pagkain, kulang sa bitamina at mineral dahil sa pagkain ng paulit-ulit ng isang
pagkain na siyang dahilan kaya hindi na kumakain ng ibang pagkain, at ang umaapekto
sa mga nakararami ay ang pagiging mataba na siyang resulta ng pagkain ng sobra
sobrang pagkain. Lahat ng ito ay may masamang epekto sa katawan kaya dapat nating
iwasan. Lagging isipin ang wastong nutrisyo ay may malaking epekto sa kalusogan at
siyang susi sa kaunlaran.

Ang pagiging payat ay maaring maging dahilan upang ang isang tao ay maging sakitin
at madaling namamatay itoy ay dahil sa pagbagsak ng depensa ng kanyang katawan
laban sa mga mikrobyong nagdadala ng sakit. Kung ang tao ay kumakain ng sapat para
sa kanya taas at edad siya ay magiging malusog, malayo sa sakit, at magkakaruon ng
kompyasan sa sarili na siyang magpapagaan ng kanyang buhay.

Ang kakulangan sa bitamina ay may malaking epekto sa ating pang labas na anyo, ang
taong hindi nakakakuha ng sapat na bitamina A ay maaring mabulag at magkaruon ng
komplekasyon sa kanyang balat. Ito ay ilan lamag sa kumplikasyon dahil sa kakulangan
ng bitamina A na siya isa ring resulta ng mal nutritisyon o kaya ay an gang hindi pagkain
ng sapat.

Ang kakulangan naman sa mineral tulad ng iodine ay siyang sanhi ng paglaki ng “thyroid
gland” sa liig na tinatawag na goiter. Ang kakulangan naman sa mineral na Iro o yero
ang siyang dahilan ng paghina ng katawan, pamumutla at kakulangan sa hangin sa
katawan. Ang mga mineral ay mga kanya kanyang trabaho saluob ng katwan kaya dapat
nating makuha sa tamang dami sa pamamagitan ng pagkain ng tama at sapat.

Kung ang kakulangan sa pagkain ay nakakasama sa katawan ang pagkain naman ng sobra
ay hindi rin nakakabuti. Ang pagiging mataba ay ang madalas na dahilan kaya
nagkakadyabetes, altapresyon, at kung anu-anong komplekasyon sa isang tao kaya
dapat ring iwasan. Ito an gang epekto ng hindi pagkain ng tama hindi pagsunod sa
wastong nutrisyon, o kaya ay ang pagkain ng sobra sobra sa kinakailangan ng katawan.

Upang ang mga ito ay maiwasan kinakailangan nating kumain ng tama at sapat ng
makuha lahat ng kinakailangang sustansya, kumain ng prutas at gulay tatlo hangang
limang beses sa isang araw upang maiwasan ang mga sakit sa bituka, uminom ng gatas
para tumibay ang ating mga buto, at mag ehersisyo tatlongpung minuto araw-araw
para maging malakas at masigla ang ating pangangatawan. Ito ay ilan lamang sa mga
bagay na kailangan nating malaman tungkol sa wastong nutrisyon, mga simpleng bagay
na kahit gaano ka simple ay palaging nalilimutan.

Kung ang lahat ng tao ay may alam tungkol sa wastong nutrisyon at ito ay ginagamit
sa pang araw-araw na buhay lahat tayo ay magiging malusog at masigla. Ayong sa
sekulo ng nutrisyon at pag unlad kapag an gang bata ay malnoris ito ay magiging dahilan
ng kanyang pagbagsak sa kahirapan, kung lahat ng tao ay malusog ang sikulo ay
magiging baliktad, ang batang malusog ay makapasok sa paaralan ay matututo ng
maraming aral, kapag siya ay makapagtapus ay makakita ng magandang trabaho, kapag
may magandang trabaho siya ay makabili ng sapat na pagkain, kapag sapag ang pagkain
siya ang magkakaruon ng mga malusog na anak, at kapag mas lalong umikot ang sekulo
ay siyang pagulad ng bansa.

Kaya dapat nating tandaan ang wastong nutrisyon ay hindi lamang umaapekto sa ating
sariling kalusogan ito ay umaapekto rin sa kalusogan n gating mga anak at ng hiong
pamilya. Ang wastong nutrisyon ay kinakailangan rin upang tayo ay makapag trabaho
ng maayos at nakakapagisip ng tama para sa ikabubuti ng lahat. Sa pamamgitan
ng wastong nutrisyon tinutulongan natin hindi lang an gating mga sarili kundi ang buong
bansa.
Wastong Nutrisyon para Malusog na Pangangatawan
Ang pagpapahalaga sa nutrisyon ng bawat tao ay isa sa pinaka mahalagang aspeto ng buhay. Ito
ay nakakaapekto sa pag unald ng ating bayan lalo na sa Kalusugang kalagayan ng ating bansa.
Ang batang malnoris ay madalas nagkakasakit, kapag ang bata ay laging nagkakasakit may
posibilidad na tumigil ito sa pagaaral, kapag ang malnoris na bata ay tumigil na sa pagaaral
mahihirapan siyang makahanap ng trabaho na may magandang sweldo, kapag kokunti lang ang
sweldo ng trabahador mahihirapan siyang bumili ng pagkain, gamot at tirahan, ang eksenang ito
ang siya ring magiging sanhi ng pagiging malnoris ng kanyang mga anak at duon iikot ang
sekulo hangang sa ang mga batang malnoris ay mamamatay dahil sa gutom at madalas na
pagkakasakit. Kung maraming taong magugtom sa isang bansa, magdudulot ito ng pagbagsak ng
ekonomiya nito.Dahil dito maraming tao ang hindi makabibili ng kanilang pangangailangan lalo
na ang pagkain, magdudulot ito ng kagutoman at pagbaba sa demand ng pagkain sa ating bansa
dahil dito malaki ang posibilidad na hatakin din nito pababa ang ekonomiya ng
ating bansa.Angpagkakaroon ng wastong nutrisyon ay ang pagkain ng tama at sapat na uri ng
pagkain upang makakuha ng sustansya ang ating katawan mulang sa mga ito. Ang sustansyang
makukuha ay siyang gagamitin ng ating katawan upang tayo ay maging malusog, malayo sa
sakit, na sa tamang timbang, at higit sa lahat nabubuhay ng masaya at masagana. ang hindi
pagsunod sa wastong nutrisyon ay siyang magiging sanhi ng malnutrisyon.Ang pagiging payat
ay maaring maging dahilan upang ang isang tao ay maging sakitin at madaling namamatay itoy
ay dahil sa pagbagsak ng depensa ng kanyang katawan laban sa mga mikrobyong nagdadala ng
sakit. Kung ang tao ay kumakain ng sapat para sa kanya taas at edad siya ay magiging malusog,
malayo sa sakit, at magkakaruon ng kompyasan sa sarili na siyang magpapagaan ng
kanyang buhay.Ang kakulangan sa bitamina ay may malaking epekto sa ating pang labas na
anyo, ang taong hindi nakakakuha ng sapat na bitamina A ay maaring mabulag at magkaruon ng
komplekasyon sa kanyang balat. Ito ay ilan lamag sa kumplikasyon dahil sa kakulangan ng
bitamina A na siya isa ring resulta ng mal nutritisyon o kaya ay an gang hindi pagkain
ng sapat.Ang kakulangan naman sa mineral tulad ng iodine ay siyang sanhi ng paglaki ng
“thyroid gland” sa liig na tinatawag na goiter. Ang kakulangan naman sa mineral na Iro o yero
ang siyang dahilan ng paghina ng katawan, pamumutla at kakulangan sa hangin sa katawan. Ang
mga mineral ay mga kanya kanyang trabaho saluob ng katwan kaya dapat nating makuha sa
tamang dami sa pamamagitan ng pagkain ng tama at sapat.Kung ang kakulangan sa pagkain ay
nakakasama sa katawan ang pagkain naman ng sobra ay hindi rin nakakabuti. Ang pagiging
mataba ay ang madalas na dahilan kaya nagkakadyabetes, altapresyon, at kung anu-anong
komplekasyon sa isang tao kaya dapat ring iwasan. Ito an gang epekto ng hindi pagkain ng tama
hindi pagsunod sa wastong nutrisyon, o kaya ay ang pagkain ng sobra sobra sa kinakailangan
ng katawan.Upang ang mga ito ay maiwasan kinakailangan nating kumain ng tama at sapat ng
makuha lahat ng kinakailangang sustansya, kumain ng prutas at gulay tatlo hangang limang
beses sa isang araw upang maiwasan ang mga sakit sa bituka, uminom ng gatas para tumibay ang
ating mga buto, at mag ehersisyo tatlongpung minuto araw-araw para maging malakas at masigla
ang ating pangangatawan. Ito ay ilan lamang sa mga bagay na kailangan nating malaman tungkol
sa wastong nutrisyon, mga simpleng bagay na kahit gaano ka simple ay
palaging nalilimutan.Kung ang lahat ng tao ay may alam tungkol sa wastong nutrisyon at ito ay
ginagamit sa pang araw-araw na buhay lahat tayo ay magiging malusog at masigla. Ang malusog
na pangangatawan ay magdudulot sa atin ng magandang gawain sa pang araw araw.

You might also like