Ikatlong Markahan Sa ESP 9
Ikatlong Markahan Sa ESP 9
Ikatlong Markahan Sa ESP 9
Pangalan:_________________________Grado @ Pangkat:________________Petsa:_______________Iskor:
Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1.) Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kanya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
a. Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
b. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay.
c. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
d. May bumibili sa lahat ng paninda ng tinder sa palengke upang makauwi ito ng maaga.
5.) Bakit mahalaga sa katarungan na ibabatay sa moral na batas ang legal na batas?
a. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
b. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
c. Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
6.) “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
b. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ang mga ito,
c. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kanyang buhay kung susuwayin niya ang itinakda ng batas.
d. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kanyang buhay.
10.) Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
a. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
b. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
c. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan
sa kapuwa.
13.) Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
a. Batas b. Kabataan c. Mamamayan d. Pinuno
14.) Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
a. Personal na katangiang tanggap ng pamayanan.
b. Angking talino at kakayahan sa pamum uno.
c. Pagkapanalo sa halalan.
d. kakayahang gumawa ng batas.
15.) Sino ang nagsilbing halimbawa ng may puso para salipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay at balat?
a. Malala Yuosafzai b. Martin Luther king c. Nelson Mandela d. Ninoy Aquino
16.) Sa isang lipunang pampulitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?
a. Mamamayan b. Pangulo c. Pinuno ng simbahan d. Kabutihang Panlahat
17.) Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na
Matupad ang layuning ito?
a. Lipunang Politikal b. Pamayanan c. Komunidad d. Pamilya
18.) Ano ang tawag ng nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpasiya, at mga hangarin ng isang pamayanan?
a. Kultura b. Relihiyon c. Batas d. Organisasyon
22.) Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao.
23.) Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin
o kaya hindi naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitiwan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental
value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kanya
sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
d. Lahat ng nabanggit.
27.) Bakit mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
a. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.
b. Walang kakayahang magpasya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.
c. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kanya.
d. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.
30.) “Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na
Pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kanya ang kanyang ika-
Yayaman. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito.?
a. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya.
b. Naipapakilala ng tao ang kanyang sarili sa husay ng paggawa.
c. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kanyang naisin.
d. Maipagmamalaki ng tao ang kanyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.
Inihanda ni:
ADD