2nd Grading ESP9 EXAM
2nd Grading ESP9 EXAM
2nd Grading ESP9 EXAM
Alcala
I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamamyanan,
pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap
isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga
obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.
Si Aling Cyrstal, 75 taong gulang, ay naninilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa Roma. Namumuhay siya
nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing matanggap niya ang kaniyang pensiyon mula
sa Social Security, naglalakad siya ng higit sa isang milya upang ibigay niya ang kaniyang regular na kontribusyon sa
simbahan (tithing).
Itinakas ni Joshua ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang takas an ang kalupitan ng
mga sundalo ng Islamic State.
a. Karapatang mabuhay
b. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
c. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
d. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
8. ano ang ibig sabihin ng pangungusap?
Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa kalusugan, sa bahay,
sa trabaho, sa pamilya, sa kultura---ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa
buhay, ang pinakabatayan at pangunahimh karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang
personal, ay hindi maiagtatanggol nang may mataas na antas ng determinasyon. (Pacem in Terris)
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang magpakasal
c. Karapatang pumunta sa ibnag lugar
d. Karapatang maghanapbuhay
10. aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng
pamumuhay?
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatan sa pribadong ari-arian
c. Karapatang maghanapbuhay
d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
11. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat.
Alin sa sumusunod ang tunay na diwa nito, maliban sa isa.
a. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b. Ingatan ang interes ng marami
c. Itaguyod ang karapatang-pantao.
d. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
12. Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?
a. Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino
b. Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao
c. Mula sa kaisipan ng mga pilosopo
d. Mula sa Diyos
13. Paano nagbibigay ng prpteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm’ sa mga medical na doctor?
a. Gawin lage ang tama
b. Anuman nag kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit
c. Gamutin ang sariling sakit bago ang iba
d. Ingatan na huwag saktan ang tao
14. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao
ng bawat mamamayan?
a. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan
b. Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas
c. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
d. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t-ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat pamamamayan.
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi umaayon sa Likas na Batas Moral?
a. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga mangagawa ng walang konsultasyon
b. Pagkamungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar
c. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili
d. Paghikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng lingo
16. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?
a. Ibinubulong ng anghel
b. Itinuturo ng bawat magulang
c. Naiisip na lamang
d. Sumisibol mula sa konsensiya
17. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?
a. Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon
b. Nag-iiba ang likas na batas moral sa kultura at kinagisnan
c. Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat
d. Maraming anyo ang likas na batas moral
18. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil _________________
a. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon
b. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam
c. Angkop sa pangangailangan at kakayahan
d. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang
19. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
a. Ito ay ayon sa mabuti
b. Walang nasasaktan
c. Makapagpapabuti sa tao
d. Magdudulot ito ng kasiyahan
20. Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?
a. May pagsaklolo
b. Pagiging matulungin sa kapuwa
c. Pagkampi sa tao
d. Tunay ang pagsunod s autos ng Diyos
21. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa.
a. Anumang gawaing makatao at nararapat sa tao bilang anak ng Diyos
b. Isang gawain ng tao na pagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapuwa
c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa
d. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain
22. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa.
a. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi lamang
siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at
mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kanyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong
pagtatapos ng isang obra.
c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting barya na
ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kanyang mga
magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho rito
ng ilang taon.
23. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi ng kaniyang kailangan upang matugunan ang
kaniyang pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama?
a. Likas sa tao na uanhing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
b. Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa
d. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago ang sarili
24. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa ng pag-unlad ng agham at
teknolohiya?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil ito ay nahawakan ng tao
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa
25. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa
pamamagitan ng kanilang paggawa?
a. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo
b. Si Renne na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga
banyaga
c. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa
d. Si Sheila na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong
mundo
26. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kaniyang pamilya sa lipunan na
kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa
c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong magsilbi sa kapuwa
d. Lahat ng nabanggit
27. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
28. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
29. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang
kaniyang kaganapan
b. Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang mga kasangkapan na
kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa
c. Ang tao ay gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat iasa lamang niya ang kaniyang pag-iral sa
mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapuwa
d. Kapuwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang lahat ng kaniyang
pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto
30. Alin sa mga sumusunod hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa ating kapuwa
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapuwa
31. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?
a. Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat
b. Isang malayang pagpili. Hindi maaaring pilitin o puwersahin ang tao upang isagawa ito
c. Maaaring tawaging bayanihan, damayan, o kawanggawa
d. Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa
p32. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang
kapuwa?
a. Bolunterismo b. Dignidad c. Pakikilahok d. Pananagutan
33. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
b. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
c. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa paggamit ng kabutihang panlahat
d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
34. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
a. Pananagutan b. Tungkulin c. Dignidad d. Karapatan
35. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad
b. Mas higit niyang nakikilala ang kaniyang sarili
c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan
d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba
36. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado kundi yaong iba na hindi mo
tinutulangan. Ang pahayag na ito ay:
a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong
b. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
c. Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa sa
mga sandaling yaon
d. Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay mangagaling sa puso
37. Alin ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
a. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at
sumulat
b. Si Jerick ay pumupunta sa bahay-ampunan ng mga bata upang alagaan ang ito tuwing bakasyon
c. Tuwing eleksiyon ay sinisiguro ni Rechelle na bumuto at piliing mabuti ang karapat-dapat na mamuno
d. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay dahil nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at
kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay
38. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatis na maysakit ngunit
siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang
ipinakita ni Rico?
a. Impormasyon b. Konsultasyon c. Sama-samang pagkilos d. Pagsuporta
39. ano-ano ang dapt Makita sa isang taong nagsagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagmamahal, Malasakit, at Talento
b. Panahon, Talento, at Kayamanan
c. Talento, Panahon, at Pagkakaisa
d. Kayamanan, Talento, at Bayanihan
40. Ano ang makakmit n gating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at
bolunterismo?
a. Pagkakaisa b. Kabutihang Panlahat c. Pag-unlad d. Pagtataguyod ng Pananagutan
II. Pagiisa-isa:
III. Pagpapaliwanag:
Tatlo hanggang limang pangungusap, bilang isang mag-aaral bakit kailangan mong gampanan ang iyong tungkulin?