Araling Panlipunan 6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

sa Araling Panlipunan 6
Pangalan:____________________________________________ Petsa:___________Iskor:_______

I.Panuto: Basahing mabuti ang bawat isinasaad sa bawat tanong. Bilugan lamang ang titik ng tamang
sagot.
1. Ugaling ipinapakita ng mga Pilipino na tumatangkilik sa mga produktong gawa sa
Amerika at napabayaan ang sariling atin.
a. Bahala na system c. Colonial Mentality
b. Crab Mentality d. Ningas Cogon
2.Isang tadhana sa Batas Bell na nagbigay ng karapatan sa mga Amerikano at Pilpino
sa paglinang ng mga likas na yamang pinagkukunan at pamamalakad ng mga
paglilingkod na pambayan.
a. Human Rights
b. Parity Rights
c. Malayang makipagkalakalan sa ibang bansa
d.Paggamit ng makinarya at siyentipikong paraan ng pagsasaka.
3. Ngayon ay kilala bilang Development Bank of the Philippines na nagpapautang ng
puhunan sa maliit na mangangalakal at sa mga taong nais magpagawa ng sariling
bahay.
a.Agricultural Credit Cooperative Financing Administration ( ACCFA )
b.Bell Trade Act
c. Philippine – America Agricultural Mission
d. Rehabilitation Finance Corporation ( RFC )
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagsasaad ng pagkakaiba ng isang estado at isang bansa.
a.Ang isang bansa ay maaaring isang estado ngunit hindi lahat ng bansa ay
itinuturing na estado
b.Ang estado ay may pamahalaan at nakatakdang teritoryo samantalang hindi ito
ipinagpapalagay sa isang bansa.
c. Ang estado ay may pamahalaan at nakatakdang mga teritoryo samantalang
hindi ito ipinagpapalagay sa isang bansa.
d. Ang estado ay napapasailalim sa control na panlabas samantalang ang
bansa ay hindi maaaring umasa sa control na panlabas pagdating sa mga
usaping pampulitika

5 – 6 Paano nilutas ng pamahalaan ang mga sumusunod na suliranin?


____5. Lumala ang katiwalian sa pamahalaan a. Austerity Program
____6. Naghirap ang taong – bayan b. Pakikipag – usap na
pangkapayapaan
c. Pagbibigay tulong sa
paghahanapbuhay
d. Pakikipag- ugnay sa ibang
bansa
7.Ang mga sumusuond ay mga katangian ng bansang may soberanya, maliban
sa isa.
a. Ang awtoridad ng estado ay permanente at manatili ito hangga’t ang mga mamamayan ay
naninirahan sa teritoryo nito.
b. Ang tanging sakop ng awtoridad ng estado ay ang mga mamamayan nito at ang iba pang mga
tao at bagay na matatagpuan sa loob ng teritoryo nito.
c. Ang kapangyarihan ng estado ay sumasakop sa lahat ng mga bagay at taong naninirahan sa
loob ng teritoryo.
d. May taning ang panahon ng kapangyarihan.
8. Ang kahulugan ng soberanya ay:
a. Pagkamatapat c. kapangyarihan
b. Kayamanan d. katungkulan
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panloob?
a. Pag – angkin sa teritoryo sa karatig – bansa.
b. Pagpapatupad ng sariling batas
c. Pakikialam sa suliranin
d. Pag – alis sa bansa
10. Alin ang nagpapaliwanag ng kahulugan ng panlabas na soberanya n gating bansa?
a. Aasa sa mga bansang makapangyarihan.
b. Ang bansa ay may kapangyarihang isakatuparan.
c. Ang Pilipinas bilang isang bansang Malaya ay maaaring diktahan ng ibang bansa.
d. Ang kabuhayan at pamahalaan ng bansang may panlabas na soberanya ay hindi maaring
pakialamanan ninuman.
11. Anong karapatan ng bansa ang tinutukoy? Ang pangulong Pilipinas ay bumibisita sa ibang bansa,
gayon din ang mga pangulo ng ibang bansa.
a. karapatang makapagsarili
b. karapatan sa Pagmamay – ari
c. karapatang makipag – ugnayan
d. karapatang maipagtanggol ang kalayaan
12. Ang pagtugis sa mga terorista ay pinagbubuti para hindi na muling makapanggulo sa mga
mamamayan. Anong karapatan ng bansa ang tinutukoy?
a. Karapatan sa pantay – pantay na pagkilala
b. Karapatang maipagtanggol ang kalayaan
c. Karapatan sa pagmamay – ari
d. Karapatan makapagsarili
13. Ang kinatawan ng Pilipinas ay may karapatan tulad din ng ibang United Nations. Anong karapatan ng
bansa ang tinutukoy?
a. Karapatan sa pantay – pantay na pagkilala
b. Karapatang maipagtanggol ang kalayaan
c. Karapatan sa pagmamay – ari
d. Karapatan makapagsarili
14. Ang mga bahay ng mga ambassador sa ibang bansa ay pag – aari ng Pilipinas. Anong karapatan ng
bansa ang tinutukoy?
a. Karapatan sa pantay – pantay na pagkilala
b. Karapatang maipagtanggol ang kalayaan
c. Karapatan sa pagmamay – ari
d. Karapatan makapagsarili
15. Pagpapasyahan ng pamahalaan ang tamang paraan ng paglinang at paggamit ng mga likas na yaman
sa teritoryo nito.
a. Karapatang makapagsarili
b. Karapatan sa pagmamay – ari
c. Karapatang maipagtanggol ang kalayaan
d. Karapatan sa pantay- pantay na pagkilala
16. Maraming mga pakinabang ang mga Pilipino sa teritoryo sakop ng Pilipinas. Bakit kailangang
ipagtanggol ng mga mamamayan ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa?
a. dahil maraming Pilipinong nagbuwis ng buhay makamit lang natin muli
ang ating kalayaan at mapamahalaan natin ang ating ssariling teritoryo.
b. dahil maraming mga turistang dumadayo sa Pilipinas.
c. dahil may malalaki at maliit na pulo tayo sa bansa.
d. dahil maganda ang ating teritoryo
17. Nakatulong sa pagpapaunlad ng kultura ng bansa ang pakikipag-ugnayan sa
bansang Estados Unidos.
a. sumasang-ayon b. di-sumasang-ayon
18. Nakapagbigay ng hanapbuhay sa mga Pilipinong manggagawa ang pakikipag-
ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang Arabe.
a. sumasang-ayon b.di-sumasang-ayon
19. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang paglingkuran at pangalagaan ang teritoryo ng bansa at
sambayanan.
a. sumasang-ayon b.di-sumasang-ayon
20. Nakipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga bansang papaunlad upang
makapagtrabaho sa kanilang bansa
a. sumasang-ayon b. di-sumasang-ayon
21.Nang matapos ang digmaan nawala ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa
Estados Unidos.
a. sumasang-ayon b. di-sumasang-ayon
22.. Saan-saang bansang maunlad nakipag-ugnayan ang Pilipinas?
a. Amerika c. Bansang Arabe
b. Espanya d. Republika ng Mindanao
23.. Ano ang kabutihang dulot ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang
Arabe?
a. Nakapagbigay ng hanapbuhay sa mga Pilipinong manggagawa
b. makapagbigay ng hanapbuhay sa mga Muslim
c. naging muslim ang maraming Pilipino
d. naakit nila itong maging kristiyano
24. Ano ang mangyari sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos
ang digmaan
a. naputol b. nawala c. tumatag d. di-nagbago
25.. Kailan nagsimula ang mabuting pagkakaibigang ng Pilipinas at bansang Hapon?
a. nang mapagtibay ang kasunduang pangkatahimikan
b. nang dumating sa Pilipinas ang mga Hapones
c. nang umalis ang mga Amerikano
d. nang umunlad ang Pilipinas
26. Bakit nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga bansang papaunlad?
a. upang makautang tayo
b. upang matulungan ang Pilipinas
c. upang makatulong sa bansa tulad natin
d. upang makapagtrabaho sa kanilang bansa
27. Ano ang pangunahing layunin ng ASEAN?
a. pag-unlad ng kabuhayan
b. paglutas ng kabuhayan
c. paglahok ng mga manlalaro sa ASEAN games
d. pagtatanghal ng timpalak sa kagandahan
28. Ang Pilipinas ay kasapi ng pangrehiyon at pandaigdig na samahan tulad ng,
a. ASEAN b. NSDB c. NCEE d. PAGASA
29. Mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang bumubuo ng ASEAN. Alin ang hindi
kasapi nito?
a. Indonesia b. Hapon c. Malaysia d. Singapore
30. Ang ASEAN ay tinatag upang mapangalagaan ang kalagayan ng mga kasaping
bansa sa anong larangan?
a.ideolohiya b. pag – uugnayan c. pangkabuhayan d. teknolohiya
31. Ano ang sinisikap gawin ng mga Pilipino bilang kasapi ng ASEAN?

a. patibayin ang pagkakaibigan


b.patibayin ang pagsasamahan
c. patibayin ang pagiging magkalapit-bansa
d. patibayin ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang kasapi nito
32.Ang mga sumusunod ay mga programang ipinatupad ni Ramon Magsaysay noong
siya ay nanungkulan, maliban sa isa.
a.Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration ( ACCFA
b.National Marketing Corporation Act ( NAMARCO)
b. Land Tenure Reform Law
d. Magna Carta ng Paggawa
33. Bakit ipinapatupad ang Austerity Program ng pamahalaan?
a. Para sa matipid na paggasta at matapat na paglilingkod.
b. Para sa matipidna paggasta at maunlad na kalakalan
c. Para sa maluwag na pangangalakal at mahigpit na pagbubuwis.
d. Para sa mahigpit na pagpapatupad ng batas para sa katahimikan.
34. Bakit ipinatupad ang Filipino First Policy?
a. Para una munang makapaglakbay ang mga Pilipino
b. Para unang bibigyan ng hanapbuhay ang mga Pilipino.
c. Para unang bibigyan ng perang magagasta ang mga Pilipino.
d. Para unang bibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino sa pagpapaunlad
ng kabuhayan.
35. Paano tinulungan ng pamahalaan ang mga magsasakasa?
a. Binigyan ng lupang sasakahin
b. Binigyan ng pagkakataong mabilli ang lupang sinasaka
c. Binigyan ng perang pampuhunan sa pangangalakal
d. Binigyan ng pera para sa pag – aaral ng agrikultura sa kolehiyo
36.Bakit mahalaga para sa bansa ang ASEAN?
a. Pinaunlad nito ang kabuhayan ng mga basing kasapi.
b.Pinatatag nito ang pagkakaisa ng mga bansang kasapi.
c. Itinaguyod nito ang kaligtasan ng mga bansang kasapo.
d. Pinatatag nito ang mga programang pangkapayapaan para sa lahat ng bansa.

37– 41.Tukuyin lamang kung sinong Hukbong sandatahan ng Pilipinas ang makakatulong sa mga
sumusuonod na sitwasyon. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa patlang.
a. Pulis ( Philippine National Police)
b. Sundalo ( Philippines Army)
c. Air Force ( Philipiine Air Force)
d. Marines ( Philippine Navy )
____37. May barkong nawawala sa karagatan.
____38. May isang pangkat ng kalalakihang gumagawa ng kaguluhan sa isang baryo.
____39. May kahina- hinalang gawain ang ilang mga banyaga sa isang warehouse sa
Maynila.
____40. Nakapapasok ang mga produktong illegal sa karagatan ng Ilocos.
____41. May bombing sumabog sa isang terminal ng bus.

II. Panuto: Itiman ang letrang A kung ang pahayag ay nagsasabi ng kahalagahang

dulot ng pagsapi ng Pilipinas sa ASEAN/UNO, at letrang B kung hindi.

A B
42. Nakatutulong na mapanatili ang kapayapaan.
43. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga bansang kasapi.
44. Natutulungan ang Pilipinas sa kanyang mga suliranin.
45. Naging palakaibigan sa ibang bansa.
46.Nagkaroon ng alitan ang mga bansa.

47 – 50 Paano mapagtutulungan ng mga mamamayan at ng pamahalaan ang paglutas ng suliraning


pangkatahimikan sa bansa?

Pamantayan 4 3 2 1
May isa o May ilang mali Karamihan sa
Nilalaman Naglalaman ng dalawang mali sa mga ibinigay ibinigay na datos
wastong sa mga ibinigay na datos o o impormasyon
impormasyon na datos o impormasyon ay mali
impormasyon
Lubhan malinaw Malinaw at Hindi gaanong Malabo at hindi
Paglalahad at mauunawaan nauunawaan malinaw at maunawaan ang
ang ang nauunawaan pagkakalahad
pagkakalahad pagkakalahad ang ng mga datos
ng mga datos ng mga datos pagkakalahad
ng mga datos
May sapat na May ilang May isa Walang
Ebidensya ebidensiyang ebidensiyang dalawang ebidensiyang
naipakita naipakita ebidensiyang naipakita
naipakita
Nakahihikayat Nakahihikayat Bahagyang Hindi
Paghihikayat nang lubos ang ang isinulat nakahihikayat nakahihikayat
isinulot ang isinulat ang isinulat
Ikatlong Markahang Pagsusulit
Araling Panlipunan 6

Key to Correction

1 c 21 d 41 a
2 b 22 d 42 a
3 d 23 a 43 a
4 d 24 c 44 a
5 a 25 a 45 a
6 c 26 d 46 b
7 d 27 a 47
8 c 28 a 48
9 b 29 b 49
10 d 30 c 50
11 c 31 d
12 b 32 b
13 a 33 a
14 c 34 d
15 a 35 c
16 a 36 a
17 a 37 d
18 a 38 b
19 a 39 a
20 a 40 d

You might also like