I. Panuto: Basahin at bilugan ang ang titik ng tamang sagot.
1. Paano nakatulong sa bansa ang Rehabilitation Act? a. Tumulong sa pagpapautang para sa binhi. b. Nagpasuko sa mga Huk. c. Binigyan ng puhunan ang mga negosyante. d. Pagpapatayo ng mga istrakturang nasira sa digmaan. 2. Bakit patuloy na nakipagkaibigan si Pangulong Roxas sa Amerika? a. Palakaibigan lang talaga siya. b. Ayon sa kanya nakasalalay sa Amerika ang katatagan ng bansa. c. May utang na loob siya sa bansang Amerika. d. Upang makautang siya para pangnegosyo. 3. Bakit hindi makatarungan ang Bell Trade Act sa mga Pilipino? a. Malaki ang pasok ng dolyar sa bansa b. Maliit lang ang produktong galing sa Amerika c. Mas malaki ang dolyar na lumabas sa Pilipinas kaysa kinita nito d. Kumita nang malaki ang ating gobyerno 4. Ano ang naging kahinatnan ng pagiging magkaibigan ng bansang Pilipinas at Amerika? a. Malayang makalabas pasok ang mga Pilipino sa Amerika. b. Malabong mag-away ang dalawang bansa. c. Walang digmaang mangyayari. d. Nagkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa sa base military. 5. Ano ang kasunduang nabuo sa pagkakaroon ng base militar ng mga Amerikano sa bansa? a. Maari na silang makipagbakbakan sa Hapones. b. Hindi manghimasok ang Amerikano sa kaguluhan sa Pilipinas. c. Ipagtanggol at magtulungan ang dalawang bansa laban sa terorista. d. Maging matalik na magkaibigan ang dalawang bansa. 6. Bilang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas, ano ang suliraning unang ikinaharap ni Manuel Roxas? a. Suliranin sa Hukbalahap c. Suliraning pangkatahimikan b. Suliraning dulot ng digmaan d. Pagbabagong sigla ng kultura 7. Alin dito ang nagsasaad ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano sa paglinang ng mga likas na pinagkukunang-yaman ng bansa? a. Labor Code c. Magna Carta of Labor b. Bill of Rights d. Parity Rights 8. Bakit itinatag ni Pangulong Roxas ang Rehabilitation Finance Corporation? a. Upang matulungan ang mga maliliit na negosyante. b. Upang matulungan ang mga magsasaka. c. Upang malutas ang suliranin sa HUK. d. Upang mapagamot nang libre ang mga maysakit. 9. Ito’y batas sa kalakalan, malayang kalakalan ng bansang Pilipinas at ng Estados Unidos? a. Parity Rights b. Bell Trade Act c. People’s Court d. Philippine Act 10. Ang batas na ito ay nagtakda ng 70-30 partihan ng ani ng mga kasama at mga may-ari ng sakahan. a. Batas Bell c. Parity Rights b. Batas Republika Bilang 34 d. Philippine Rehabilitation Act 11. Paano naging pangulo si Elpidio E. Quirino? a. Nanalo sa halalan. b. Pumalit kay Pangulong Roxas na inatake sa puso. c. Ibinoto ng mga taong nagkagusto sa kanya. d. Pinagkatiwalaan ng mga tao. 12. Paano nilutas ni Pangulong Quirino ang suliranin sa Huk ? a.Hinirang niya si Ramon Magsaysay upang pakiusapan ang Huk na sumuko. b. Nakipagbarilan ang mga kawal ng pamahalaan sa mga kasapi ng Huk . c. Nagbigay ng ayuda sa mga magsasakang walang lupa. d. Hinuli ang lahat ng mga kasapi ng Huk na lumaban. 13. Sinu-sino ang tinukoy na Huk gayong tapos na ang pakikidigma ng mga Pilipino sa mga Hapones? a. Grupo ng mga Pilipinong sundalo na namundok. b. Mga Amerikanong bihag ng digmaan. c. Mga manggagawang nagwelga. d. Grupo ng mga magsasakang nakipaglaban sa pamahalaan. 14. Ano ang ibig sabihin ng amnestiya? a. Ganap na karapatan ng mamamayan. b. Ganap na pagkakaibigan. c. Ganap na pagpapatawad. d. Ganap na ayuda sa nangangailangan. 15. Nang nagpadala ang Estados Unidos ng isang misyon sa Pilipinas na pinamunuan ni Daniel Bell, ano ang kanyang iniulat tungkol sa kalagayan ng Pilipinas? a. Maunlad na ang Pilipinas ayon kay Daniel Bell. b. Lumago ang ekonomiya ng bansa , ang isa sa ulat ni Bell. c. Papaunlad na ang Pilipinas at wala ng naghihirap na Pilipino. d. Hindi nagamit nang mahusay ng pamahalaan ang tulong na salapi ng Amerika. 16. Ano ang posisyon ni Ramon Magsaysay bago nahalal na pangulo ng bansa? a. Pangalawang pangulo c. Senador b. Kalihim ng Tanggulang Pambansa d. Mayor 17. Si Pangulong Ramon Magsaysay ay tinaguriang ____________ . a. Ama ng Masa b. The Oldest Man c. Kampeon ng Masa d. Idolo ng Masa 18. Ano ang pormal na kasuotan ang pinaangat ni Pangulong Magsaysay sa pamahalaan? a. Barong Tagalog b. Baro’t Saya c. Amerikana d. Tuxedo 19. Paano nakatulong ang SSS? a. Tinulungan ang mga manggagawa sa pamahalaan. b. Tinulungan ang mga manggagawa sa pribado. c. Nagpagawa ng mga bahay para sa mga mahihirap d. Nagpautang ng salapi sa mga negosyante 20. Bakit nagustuhan ng mga tao si Pangulong Magsaysay? a. Namigay siya ng pera sa panahon ng eleksyon. b. Mahal niya ang mga taong lumabag sa batas. c. Tapat siya sa kanyang pakikitungo sa mga tao. d. Matapang na kinalaban ang mga nagkasala sa lipunan. 21. Sino ang tumapos sa natirang walong buwang panunungkulan ni Pangulong Magsaysay? a. Quirino b. Roxas c. Macapagal d. Garcia 22. Ano ang ibig sabihin ng Pilipino Muna? a. Hinikayat ang mga Pilipino na tangkilikin ang sariling atin. b. Pilipino lang ang makapagbili ng produkto. c. Bawal tangkilikin ang produktong mula sa ibang bansa. d. Manguna ang mga dayuhan sa pagnenegosyo. 23. Bakit inilunsad ni Pangulong Garcia ang programa sa pagtitipid? a. Upang yumaman ang mga Pilipino b. Upang maputol ang katiwalian sa pamahalaan c. Upang maging marangya ang pamumuhay ng mga Pilipino d. Upang may malalaang badyet sa piyesta 24. Alin dito ang hindi kasama sa pagbabagong-sigla ng kulturang Pilipino? a. Itinaguyod ang taunang Gawad na Pangkultura. b. Magsuot ng mga kasuotang Pilipino. c. Paggawad sa mga Pilipinong manunulat d. Parangalan ang mga dayuhang artista. 25. Sa anong samahan ng mga bansa nakasama ang Pilipinas sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Garcia? a. U. N. b. ASA c. SEATO d. ASEAN II. Panuto: Ibigay kung saang programa napabilang ang mga sumusunod na pahayag. Piliin sa kahon ang sagot at isulat sa patlang. ACCFA PACSA Amnestiya Central Bank of the Philippines RFC Lingguhang Broadcast mula sa Malacañg BAEX EDCOR SSS NARRA RFC Magna Carta of Labor
___________________1. Ganap na pagpapatawad sa mga kasapi ng Huk kung sila’y susuko
sa pamahalaan. ___________________2. Itinatag ito upang maging matatag ang pananalapi sa bansa. ___________________3. Ito’y upang makatulong sa pangangailangan ng magsasaka. ___________________4. Isinagawa ito upang manumbalik ang tiwala ng mga Pilipino sa pamahalaan. __________________5. Itinatag ito upang matulungan ang mga mahihirap at nangangailangan. __________________ 6. Ito ay itinatag upang matulungan ang mga manggagawa sa pribadong kompanya. __________________ 7. Ito ay itinatag upang magkaroon ng karapatan ang mga manggagawa. __________________ 8. Nangasiwa sa pag-alaga ng mga tanim. __________________9. Ito ay programa sa pagbibigay ng lupa. __________________10. Tutulong sa mga susukong Huk na mabigyan ng libreng sakahan.
III. Essay. (5 PUNTOS)
Tanong: Kung ikaw ay mabigyan ng isang pagkakataon na maging pangulo nga bansa, paano mo lulutasin ang mga problema na kinahaharap ng bansa ngayon?