Debate
Debate
Debate
2.6KSHARES394
(Pang-masa) - August 5, 2017 - 4:00pm
• Para sa akin, sa lahat ng bagay, dapat utak ang unang pinaiiral. Unang-una,
ito ang makatutulong sa lahat ng desisyon natin. Kung mag-iisip ka at
titingnan kung ano sa tingin mo ang nararapat eh mas makatutulong ‘yun.
Kaya nga ginawang mas mataas ang utak sa puso ‘di ba? Kasi dapat mas
unahin ang utak kesa sa puso kapag gagawa ng mga desisyon. – Ramon,
Iloilo
• Puso siyempre. Tao tayo kaya dapat puso ang pinaiiral natin. Hindi tayo
tulad ng mga hayop na utak lang ang ginagamit. Ang tao kasi kapag
napasabak ‘yan sa isang problema lalo na ‘pag may kinalaman sa pamilya,
kaibigan o lovelife, maaaring mag-isip pero maaari rin gamitin ang puso. Sa
paggamit ng puso mas may touch ito ng pagiging tao. – Lito, Isabela
• Utak dapat ang ginagamit kung manliligaw ka. Hindi lang dapat puro
pagmamahal, isipin din dapat ang magiging future n’yo ng liligawan mo. Isipin
mo ang kalagayan mo at ng liligawan at kung swak ba kayong dalawa. Kung
sa tingin mo pareho kayong aasenso push mo na ‘yan! Puro ganda nga lang
at pogi ka pero pagdating sa diskarte hindi marunong eh ‘di nganga na lang
kayo pareho. – Arnold, Bohol
• Pareho dapat pinaiiral ang utak at puso sa lahat ng bagay. Utak para
magabayan ang puso sa pagpili ng mga desisyon sa buhay maging sa buhay
pag-ibig. Hindi kasi maganda kung masobrahan ang paggamit ng puso sa
mga desisyon kung hindi naman pinag-iisipan ang mga bagay-bagay.
– Nicky, Makati