Lecture For Pananaliksik PPTP

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAGSULAT NG PAMAGAT NG PANANALIKSIK

Ang pagpili ng paksa sa pagsulat ng pananaliksik ay napakahalagang bagay. Ito ay bumubuhay


sa kabuuan ng isasagawang pananaliksik. Ito ng pinakapuso ng pananaliksik. Kadalasan iniisip ng mag-
aaral na ito ang pinakamahirap na gawain; ngunit kung iisipin nating mabuti, madali lamang ang gawaing
ito lalo na kung nilapatan ito ng pagtitiyaga.

Pansinin ang pagkakaayos ng mga salita sa nabuong pamagat-pampananaliksik.

1. Perspektib 2. Pangunahing 3. Grupo o


paksa Edad

Epekto ng Maagang Pakikipagrelasyon sa Akademikong Perpormans ng mga Unang Taon ng Angeles National High
School, 2016-2017

5. Paglilimita ayon
4. Lugar
sa PANAHON

Paunawa: May pagkakataon na hindi akma ang pagkasunod-sunod ng mga salik sa paglilimita ng pamagat-
pampananaliksik. Mayroon din namang mga pamagat na hindi na kinokompleto ang lahat ng bahagi. Halimbawa:
Ang Suliranin at Estratehiya ng Guro sa Paggamit ng MTB-MLE

PAGSULAT NG LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ang layunin ng pananaliksik ay tumutukoy sa mithiin o ninanais isakatuparan ng mga mananaliksik


sa kanilang pag-aaral. Ito ang nagsisilbing gabay tungo sa pagbuo ng kongklusyon at rekomendasyon.

Ang layunin ng pananaliksik ay kadalasang patanong, maaari ding pahayag. Ito ang nais matamo
ng kabuuan ng pananaliksik. Kadalasang tatlo ito mula sa pangkalahatang layunin tungo sa ispesipiko.
Maaari ding higit sa tatlo ang layunin. Ngunit bilang baguhan sa pagsulat ng pananaliksik, mas mainam
na gumamit muna ng tatlo. Nakaayos ito mula sa pangkalahatang layunin tungo sa mas ispesipiko.
Tinatawag itong inverted pyramid style. Pag-aralan ang halimbawa sa ibaba.

Ano ang mga pananaw ng mga guro sa paggamit ng MTB-


MLE?
Pangkalahatang
Layunin

Ano ang mga estratehiyang inilalapat ng


mga guro sa paggamit ng MTB-MLE?
Follow-up ito sa
unang tanong

Follow-up ito sa Ano ang mga problemang kanilang


kinakaharap sa paggamit ng MTB-
pangalawang
MLE?
tanong

ANG PAGSULAT NG PANIMULA NG PANANALIKSIK

Malaking papel ang ginagampanan ng panimula ng isang pananaliksik. Ito ang nagbibigay ideya
sa mambabasa kung tungkol saan ang nilalaman ng kabuuan ng pag-aaral.
Maaring itong maglaman ng sumusunod:

Background ng pag-aaral-dito inilalahad ng mananaliksik-dito mababasa ang pangkalahatang


layunin ng pag-aaral. Maaaring talakayin dito ng mananaliksik ang kabuuang isyu na pinag-ugatan ng
pamagat ng pag-aaral.

Kaugnay na Literatura, at Batayang Teorya at Konsepto-ito ay mga batayan na nagmula sa


mga batikan o eksperto sa larangan ng paksa ng pananaliksik. Maaari itong naglalahad ng isang
paniniwala na minsan ng pinatunayan ng ibang pananaliksik. Maari din naman itong mga datos mula sa
isang pangyayari na may kinalalaman sa isang partikular na isyu na may kaugnayan sa isinasagawang
pananaliksik.

Kahalagahan ng Pag-aaral-binibigyang diin sa bahaging ito ang importansya ng isinasagawang


pananaliksik. Sa bahaging ito ipinaliliwanag ng mananaliksik kung papaano at ano ang pakinabang sa iba
ang kanyang isinasagawang pag-aaral. Gayundin dito inilalahad ng kasalukuyang mananaliksik ang isang
pagpapayo para sa susunod na mananaliksik.

Saklaw at Delimitasyon-ipinaliliwanag sa bahaging ito tinatalakay ng mananaliksik ang sakop at


hangganan ng isinasagawang pag-aaral. Maaaring ipaliwanag rito kung ano ang dahilan ng mananaliksik
sa pagpili ng nasasakupan ng kanyang paksang sinasaliksik.

Pangunahin at Ispesipikong Layunin-ito ay paglalahad ng mananaliksik sa kanyang target.


Tumutulong ito upang magkaroon ng tiyak na direksyon ang isinasagawang pag-aaral. Maaaring ilahad sa
paraang patanong o pasalaysay. Ito rin ang magiging gabay sa paggawa ng kongklusyon at
rekomendasyon ng pag-aaral.
Rodel J. David, 2017

Mungkahing Teknik sa paggawa ng Panimula


ni Dr. Nestor De Guzman

Sa paggawa ng panimulang pananaliksik maaaring gamitin ang mungkahing istilong nakalahad sa


halimbawa:

Unang hakbang, aralin ang pamagat ng pananaliksik na iyong gagawin. Tukuyin kung saang
pangunahing paksa ito nabibilang. Pagkatapos matukoy ang pangunahing paksa, tukuyin naman ang
paksang may kaugnayan sa naunang pangunahing paksang natukoy hanggang humantong ito sa
pinakamalapit na paksa sa iyong pamagat-pampananaliksik.

HALIMBAWA:

Ang Suliranin at Estratehiya ng Guro sa Paggamit ng MTB-MLE

Pangalawang hakbang. Ang bawat paksang nailahad sa loob ng inverted pyramid ay


ipamamahagi sa bawat miyembro ng pangkat. Aatasan silang maghanap ng mga teorya o literatura na
may kaugnayan sa mga paksa.

Pangatlong hakbang. Matapos makapanalisik ang bawat miyembro ng pangkat, pagsasamahin


ng lider ang mga datos na nakalap. Aayusin niya ito sa pagkasunod-sunod na naaayon sa ayos ng inverted
pyramid.

Reporma sa Edukasyon Ito ang pinaka ugat ng lahat ng paksa na may


kaugnayan sa isinasagawang pananaliksik
Midyum ng Pagtuturo Ito ay paksang may kaugnayan sa reporma ng
edukasyon.
Tungkulin ng Mother Tongue sa
Epektibong Pagtuturo Sa ilalim ng midyum na pagtuturo maaaring ipasok
ang paksang ito.
Implementasyon ng Paggamit ng Kasunod na paksa mula sa tungkulin ay ang
Mother Tongue sa Pagtuturo
implementasyon ng MT

Problemang Kinahahap
ng Guro Maaring tukuyin ang problemang kinaharap ng
guro matapos ang implementasyon ng MT
Estratehiyang
Tugon ng mga
Ito na ang pangunahing target ng pamagat ng
Guro
isasagawang pananaliksik. Hanggang sa ilahad na
Paglalahad ang layunin ng pag-aaral.
ng Layunin

Pang-apat na hakbang. Ipoproseso ng lider ang transisyon o pagkadugtong-dugtong ng mga


talata upang magkaroon ng kaisahan ang ginawang introduksyon o panimula ng isinasagawang pag-aaral.

Halimbawa:
Batay sa pag-aaral na isinagawa ng World Bank East Asia and
Pacific Regional Report (2012), upang maisulong ang hangaring pag-
unlad, isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ay ang sistema ng Reporma sa Edukasyon
edukasyon. Sa kadahilanang ito, ang isang papaunlad na nasyong gaya
ng Pilipinas ay agarang nagpatupad ng mga reporma sa larangang ito—
kabilang na rito ang paggamit ng mother tongue o ang wikang kinagisnan
bilang midyum sa pagtuturo.
Napatutunayan sa maraming pananaliksik na isa sa mga
nakikitang dahilan kung bakit kailangan ng reporma sa edukasyon ay ang
malaking impluwensiya ng wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo Midyum ng Pagtuturo
sa mga asignatura. Ang wikang hindi lubos na nauunawaan ng mag-aaral
ay nagdudulot ng mababang antas ng pagganap sa akademikong
larangan. Ito ay pahayag ni Nolasco (2012), sa pagkakasipi nina Lartec,
et. al (2014).
Hinggil sa pananaliksik nina Lartec, et. al (2014), malaki ang
tungkulin ng wika bilang midyum ng pagtuturo upang maitaguyod ang
isang epektibong pagtuturo at pagkatuto. Ang pahayag na ito ay Tungkulin ng Mother
pinatunayan ng mga pananaliksik hinggil sa usapin ng pagpapatupad ng Tongue sa epektibong
MTB-MLE ang isinagawa kasama ang pag-aaral sa Lubuagan Kalinga, pagtuturo
Cordillera Administrative Region (CAR), na nagsasabing mas mataas ang
pagganap ng mga mag-aaral kung gagamitin ang kanilang unang wika
(Walter &Dekker, 2008).
Ang pagpapatupad sa paggamit ng wikang kinagisnan o mother
tongue sa pagtuturo ay isa sa mga malaking pagbabago sa sistema ng
edukasyon sa Pilipinas. Sa kasalukuyang K-12 kurikulum, patuloy ang Implementasyon ng
implementasyon ng Mother-Tongue Based Multilinggual Education (MTB-
MLE), alinsunod sa DepEd Kautusan Blg. 74, s. 2009. Sa ilalim ng MTB- paggamit ng mother
MLE gagamitin ang labindalawang pangunahing wikang rehiyonal bilang tongue sa pagtuturo
midyum ng pagkatuto sa mga paaralang primarya sa buong bansa.
Binigyang halaga ang gamit ng bernakular na wika sa pagtuturo ng mga
asignatura lalo na sa pre-school at unang tatlong baitang ng elementarya.
Ito rin ay matagal nang inererekomenda ng Summer Institute of Linguitics
at EDCOM Report sa Kagawaran ng Edukasyon (Garcia, et. al 2014).
Bagamat mayroon ng mga pananaliksik ang naglahad ng
kaligiran ng paggamit ng MTB-MLE, nilalayon ng pananaliksik na ito ang
malaman ang mga problema at estratehiya ng guro sa paggamit ng MTB-
MLE. Sa pamamagitan ng pakikipanayam, hangad ng pag-aaral na ito ang
malaman ang saloobin, pananaw, at karanasan ng mga guro sa paggamit
ng mother tongue. Ito ay sa paniniwalang ang Angeles ay isa sa mga
lalawigang may malaking bilang ng mga imigrante mula sa iba’t ibang
panig ng Pilipinas maging ng ibang bansa.
Samakatuwid, maraming wika at dayalekto ang nagagamit sa
Estratehiyang tugon ng
loob ng silid-aralan, gaya na lamang ng Kapampangan, Tagalog, Ingles,
Pangasinense, Ilocano atbp. Ang sitwasyong ito ay isang malaking guro
pagsubok sa bahagi ng guro. Isang napakahalagang gampanin ng guro
ang halawin ang mga balakid upang tumaas ang antas sa pagganap ng
mga mag-aaral. Kung kaya’t maigting na hangarin ng pag-aaral na ito ang
makapag-bigay ng mga epektibong estratehiya sa paggamit ng mother
tongue bilang midyum ng pagtuturo.
Ang sakop ng pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga guro na
gumagamit ng Mother Tongue bilang midyum sa pagtuturo. Upang
maisakatuparan ang pag-aaral na ito, kakapanayamin ng mga
mananaliksik ang sampung (10) guro mula sa mga paaralang gumagamit
ng mother tongue bilang midyum ng pagtuturo. Ang mga katanungang
inihanda ng mga mananaliksik ay limitado lamang sa mga pananaw,
estratehiya at suliraning kinahaharap ng mga guro sa pagtuturo gamit ang
mother tongue. Nagsagawa ng analisis ang mga mananaliksik sa mga
datos na nakalap.
Layunin ng pag-aaral na ito ang saliksikin ang mga estratehiyang
inilalapat ng mga guro at problemang kanilang kinakaharap sa paggamit
ng Mother-Tongue Based Multilinggual Education (MTB-MLE). Sasagutin Paglalahad ng layunin
din ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: ano ang mga ng pag-aaral
pananaw ng mga guro sa paggamit ng MTB-MLE sa pagtuturo; ano ang
mga estratehiyang inilalapat ng mga guro sa paggamit ng MTB-MLE; at
ano ang mga problemang kanilang kinakaharap sa paggamit ng MTB-
MLE?
(Hinango mula sa REGIONAL MEMORANDUM No.48, s. 2016)
TEKNIKAL : PAMANTAYAN SA PAGHAHANDA NG PINAL NA DRAFT NG
PAPEL PANANALIKSIK

Ang manuskrito ay nararapat tumugon sa sumusunod:

Sukat ng Papel: 8.5” X 11”


Istilo ng Titik: Arial
Sukat ng Titik: 12
Agwat ng bawat linya: dalawang espasyo
Margin: 1.5” sa kaliwa, 1” sa kanan, sa itaas at sa ibaba

Pagsulat ng Pinal na Sipi

Mga Preliminaryo ng Sulating Pananaliksik

 Pahina ng pamagat – dito makikita ang pamagat, uri ng pananaliksik, mananaliksik, kolehiyo o
unibersidad, buwan at taon, asignatura ng saliksik.
Halimbawa:

10 single spaces

SULIRANIN AT ESTRATEHIYA NG GURO

SA PAGGAMIT NG MTB-MLE

10 single spaces

Isang Sulating Pananaliksik na iniharap sa Klase sa Filipino,

Kolehiyo ng Edukasyon

Angeles University Foundation

10 single spaces

Bilang Kahingian sa Filipino 102,

Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

7 single spaces

Ni

Pangalan

Seksyon

Marso, 2017

inch

 Dahon ng pagpapatibay – patunay ito na naihanda na sa depensa ang saliksik at aprubado na


para ipresenta.
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Halimbawa:
Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino,
Pagbasa at Pagsusulat ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito
na pinamagatang “Suliranin at Estratehiya ng Guro sa Paggamit ng MTB-MLE” ay buong
pusong inihanda ng mga mananaliksik mula sa isang grupo na binubuo nina:

Ezayra D. Dubria
Careniña Noelle T. Manarang
Veronica T. Martinez

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon, Angeles University


Foundation ng Angeles City, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignatura Filipino,
Pagbasa at Pagsusulat ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nestor C. De Guzman, Ph.D.


Propesor, Filipino 102
 Paghahandog at Pasasalamat – kinikilala at pinasasalamatan ang lahat ng mga taong
nakatulong sa pagbuo ng saliksik.

Halimbawa:

Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mga tagapagsaliksik ang pag-aaral na ito


sa mga taong tumulong, gumabay at naging bahagi’t inspirasyon upang matagumpay na
maisagawa ang pananaliksik na ito.

Sa mga magulang ng bawat miyembro na kabilang sa pangkat na ito na walang sawang


umuunawa at sumusuporta;

Sa aming guro sa Filipino 102, Pagbasa at Pagsusulat ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik, Propesor Nestor C. De Guzman na siyang naging gabay at isa sa mga naging daan
upang ito ay maging possible;

Sa lahat ng kabilang ng pangkat na ito na nagbuhos at namuhunan ng oras at pagod upang


ang pananaliksik na ito ay maisaganap ng matagumpay.

At higit sa lahat, sa poong Maykapal na siyang nagbigay ng katatagan, lakas, patnubay, at


walang hanggan biyaya upang maayos na maisakatuparan ang pag-aaral na ito

 Talaan ng Nilalaman – dito nakasulat lahat ng bahagi ng papel, pahina ng bawat seksyon atbp.
Marami itong uri at pormat depende sa istilo na itinuro ng institusyon.

Halimbawa:

Pamagat…………………………………………. i
Dahon ng Pagpapatibay…………………….. ii
Pasasalamat…………………………………….. iii
Paghahandog………………………………….. iv
Abstrak…………………………………………… 1
Panimula………………………………………… 2
Metodolohiya…………………………………… 3
Pagtalakay sa Resulta………………………… 4
Konglusyon………………………………………. 7
Bibliograpiya…………………………………….. 7

 Mga Talahanayan – ginagamit ito kung may talahanayan ng saliksik


Halimbawa:

Talahanayan 1
Mga Suliranin at Estratehiya ng guro sa paggamit ng MTB-MLE….…..5

Talahanayan 1
Mga Suliranin at Estratehiya ng Guro sa Paggamit ng MTB-MLE

SULIRANIN ESTRATEHIYA

Kakulangan sa kagamitang pampagtuturo Pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo na


nakasulat sa mother tongue

Kakulangan sa pagsasanay ng guro sa Pagsasagawa o pagdalo sa mga seminar o


paggamit ng mother tongue palihan

 Pigura – ito ay pahina para sa ilustrasyong ginamit sa saliksik

Halimbawa:

a. Pigura 1. Paradimo ng pag-aaral……………………………… pahina bilang____

b. Pigura 2. Pinakapaboritong Toppings sa Pizza…………. Pahina bilang ___

c. Pigura 3.

a. Paradimo ng pag-aaral
Batayan Proseso Kinalabasan
1. Pagsusuri ng
mga kaugnay na
Solusyon sa
literatura
problema ng
Gamit na Wika sa
2. Pangangalap ng pagtuturo gamit
Pagtuturo
mga datos ang
(Kapampangan)
Kapampangan
3. Pagsusurid
paglalahad at
pagbibigay
interpretasyon

4.Pagsulat ng
kongklusyon at
rekomendasyon

b. Grap
b.1. Pie Graph

b.2. Bar Graph

90
80
70
60
50 East
40 West
30 North
20
10
0
1st Qtr 2nd Qtr 3rd Qtr 4th Qtr

 Abstrak – kabuuang perspektibo ng Papel


Halimbawa:

Ang pananaliksik ay isinagawa upang malaman ang mga suliranin at estratehiya ng guro
sa paggamit ng mother tongue. Batay sa pananaw ng mga guro, malaki ang epekto ng paggamit
ng mother tongue sa pagkatuto, higit na sa akademikong antas ng pagganap ng mag-aaral. Ang
respondyente ng pag-aaral ay mga guro sa mga paaralang gumagamit ng mother tongue sa
pagtuturo ng mga mag-aaral mula kindergarten hanggang ikatlong baitang. Ang papel pananaliksik
ay kumalap ng mga datos sa pamamagitan ng panayam na nagsisilbing instrumento ng pag-aaral.
Ang mga nakalap na datos ay dumaan sa kuwalitatibong pagsusuri. Naipakita sa mga resulta na
ang mga estratehiyang ginagamit ng mga guro ay pagsasalin ng target language sa mother tongue,
pagbubuo ng mga kagamitang pampagtuturo sa mother tongue, pagsasagawa ng remedial class,
paggamit ng mga akdang pampanitikan at literatura bilang pagganyak, pag-eensayo sa
bokabularyo ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga word drills, picture-word association at
word-of-the-day, multilingual teaching, differentiated instruction, storytelling, mga laro, at iba pang
indibidwal na aktibidad, at paglokalisa sa mga paksa. Ang mga suliraning kinaharap ng mga guro
ay kakulangan sa kagamitang panturo, epekto ng social media sa mga mag-aaral, kakulangan sa
pagsasanay ng mga guro sa paggamit ng mother tongue, at kakulangan sa bokabularyo
 Teksto ng papel – ang unang pahina ng bawat kabanata ng papel ay gumagamit ng Arabic
Numeral at inilalagay sa dulo ng pahina. Sa mga kasunod na pahina inilalagay sa kanang palugit
ang numero ng pahina, 5 puwang mula sa itaas ng papel at naka-flush isang pulgada sa kanang
palugit.

May tatlong antas ng mga pamagat:

 Gitnang pamagat – kabanata at pamagat ng kabanata. Limang pulgada mula sa itaas at 3


pulgada pagitan sa kasunod na pamagat.

5 espasyo

Kabanata 1

3 espasyo

Panimula
 Naka-kaliwang pamagat – lahat ng iba pang seksyon ng mga kabanata

5 espasyo

Kabanata 1

3 espasyo

Panimula

 Pamagat ng mga talata – mga paksa at mga sumusuportang paksa sa papel

You might also like