Lesson Plan in Esp

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GABAY SA PAGTUTURO SA ESP BAITANG 7

IKALAWANG MARKAHAN Tema: “Ang Pagkatao ng Tao”


MODYUL 5: Isip at Kilos Loob
Petsa: Agosto 18-22, 2014

I. Nilalaman
A. Paksa: Isip at Kilos Loob
B. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learner’s Module
C. Kagamitan:
 Manila paper
II. Mga Pamantayang Pampagkatuto
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa isip at kilos-loob.
B. Pamantayang Pagganap
Naisasagawa ang mga pasyang patungo sa katotohanan at kabutihan batay sa mga konsepto tungkol sa
isip at kilos-loob.

III. Mga Layunin sa Pagtuturo.


1. Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag-aaral sa pag-unawa ng isip at
kilos loob.
2. Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
Pagtukoy sa pagkakaiba ng tao sa ibang nilikhang may buhay
Pagsuri ng sariling paraan ng paggamit ng isip at kilos-loob
Paghinuha na ang gamit ng isip ay ang pag-unawa tungo sa
katotohanan at ang gamit ng kilos-loob ay ang pagkilos o paggawa tungo sa kabutihan
Pagpapakita ng pasya o kilos patungo sa paglinang ng isip at kilos-loob

IV. Mga Gawaing Pampagkatutuo at Pagtuturo


Panimulang Gawain:
1. Panalangin at Pagbati
2. Pagpuna ng kalinisan sa silid
3. Pagtataya ng liban
4. Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul Sabihin:
Naunawaan sa nakaraang aralin ang tungkulin mo bilang nagdadalaga/nagbibinata sa iyong sarili, sa
iyong pamilya at sa pamayanan na iyong kinabibilangan. Sa araling ito tutulungan kang maunawaan
ang kahalagahan ng paggamit ng iyong isip at kilos-loob upang magampanan ang iyong mga
tungkulin bilang isang nagdadalaga/nagbibinata. Magiging malinaw din sa iyo kung ano ang
tunguhin ng isip at kilos-loob na taglay mo.

Pagganyak:
Ipapaskil ang larawan ng halaman, hayop at tao:
Pagtala ng kakayahan:
KAKAYAHAN
HAYOP HALAMAN TAO

Gabay na mga tanong:


Alin ang may pinakamaraming kakayahan ang iyong natala?
Ano ang sinasabi nito tungkol sa hayop, halaman at tao?
Paano nakahihigit ang tao?

Paglalahad ng Aralin:
Modyul 5 Isip at Kilos Loob. Natatangi kang tao na nabubuhay sa mundong ito. Wala kang katulad at hindi
ka naulit sa kasaysayan. Tawagin mang ito ay isang talinhaga subalit ito ay totoo. Sa madaling salita ikaw ay
espesyal, mayroon kang taglay na kakayahan na siyang nagpapabukod-tangi sa iyo.

Pagtataya: Pangkatang Gawain

 Atasan ang klase na magpangkat sa lima. Sabihin: Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang
situwasyon na kailangan ng masusing pag-iisip upang makabuo ng isang pagpapasiya.
 Pag-aaralan ng bawat kasapi ng pangkat ang situwasyon saka sila bubuo ng pagpapasiya. Ipakikita
ang situwasyon at pasiya sa klase sa pamamagitan ng pagsasatao nito. Hayaang magtakda ang mga
mag-aaral ng pamantayan kung paano nila mamarkahan ang presentasyon ng bawat pangkat.
Mga Sitwasyon:

1. Pakiramdam mo ikaw ang pinag-uusapan at pinagtatawanan ng dalawa mong kaklase. Nasabi mo ito
sa iyong kaibigan at ang sabi niya komprontahin ninyo pagkatapos ng klase. Ano ang iisipin at
gagawin mo?
2. May iniinom kang juice, nang maubos ito wala kang makitang basurahan kaya’t sabi ng kaibigan mo
itiapon mo na lang ito sa iyong dinadaanan.
3. Mahaba ang pila sa kantina nakita mong malapit na sa unahang pila ang iyong bestfriend at niyaya ka
niyang pumuwesto na sa kanyang likuran upang mapadali ang pagkuha mo ng pagkain. Ano ang
iyong iisipin at gagawin?
4. Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpaalam sa iyong mga magulang sinita ka nila at
hinihingian ng paliwanag. Takot sabihin ang totoo dahil baka lalo kang pagalitan. Ano ang iyong
iisipin at gagawin?
5. Nagmamadali kayong magkaibigan. Malayo pa ang overpasso tulay kaya kahit na may nakasulat na,
“Bawal Tumawid,” hinikayat ka ng iyong kaibigang tumawid na hindi dadaan sa overpasso tulay.
Ano ang iyong iisipin at gagawin?
6.
V. Paglalahat o Sintesis
Sa pagtatapos ng talakayang ito natutunan ko na

VI. Takdang Aralin

Sagutin: Ano ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito?

You might also like