Pag Iimbak

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Kabanata 3: Pag-

iimbak ng pagkain
Aralin 1 – Pamamaraan ng Pag-
iimbak ng Isda at Karne
Pag-iimbak
• Mahalaga para maitago nang matagal ang pagkain.
• Pinapatay ang mga bakteryang namumuhay sa mga pagkaing
hilaw.
• Pinipigilan din ang pagkasira ng maraming pagkain sa panahon na
kung kalian ito nagiging sagana.
• Mga Paraan ng pagiimbak:
• Pagpapatuyo
• Pagpapausok
• Pag-aasin
• Pagyeyelo
Mga alituntuni sa pagsasagawa ng
pag-iimbak
1. Kompleto ang lahat ng kagamitan sa pagiimbak.
2. Planuhing mabuti ang sunod-sunod na hakbang sa
pag-iimbak.
3. Nakatuon ang buong isip sa ginagawa.
4. Tapusin ang anumang gawaing nasimulan.
5. Iwanang malinis ang lugar na pinaggagawaan.
6. Gamitin nang maingat ang anumang kasangkapan
upang hindi masaktan.
Pagpapatuyo
• Pinakamadaling paraan ng pag-iimbak
• Pinasisikatan sa matinding sikat ng aaw ang isda at karne.
• Sa pamamagitan nito nababawasan ang tubig o gata ng isda o
karne hanggang sa matuyo.
• Pinakamatipid ito sa lahat ng paraan ng pag-iimbak.
• Nilalagyan muna ng asin at hinihiwa ang isda o karne bago
ipatong sa bilao at ibibilad sa araw.
Pagtutuyo ng Isda

Mga kasangkapan
Sangkalan
Kutsilyo
Lalagyan
Maliit na palanggana
Pagtutuyo ng Isda

Mga sangkap
½ kilo ng isda (dilis/sapsap)
Asin
Paminta
Pagtutuyo ng Isda

Paraan ng Paggawa
1. Kaliskisan, biyakin sa gitna, at hugasan ang isda.
2. Lagyan ng asin at paminta ang isda.
3. Ilatag ang isda sa lalagyan.
4. Ibilad ang isda sa init ng araw. Kapag hindi sumisikat
ang araw, pahanginan gamit ang bentilador.
5. Ibilad hanggang matuyo ang isda.
Pagpapausok
• Pamamaraan na nilalagyan ng asin ang isda o
karne at itinatapat sa usok na galling sa
mahinang pagsunog ng kusot o balat ng kahoy.
• Mabagal na paraan kung saan magiging makatas
ang pagkaing dumaan sa pagpapausok.
• Nagkakaroon din ng kakaibang lasa tulad ng
tapa at tinapa.
Pagpapausok ng isda

Mga kasangkapan:
Kaserola
Bandehado
Palanggana
Pagpapausok ng isda

Mga sangkap:
½ kilo isda (galunggong o
tawilis)
Asin
Pagpapausok ng isda
Paraan ng paggawa:
1. Hugasan ang isda.
2. Ilagay ang isda sa kaserola.
3. Lagyan ng kaunting asin at tubig
4. Bahagyang lutuin ang isda.
5. Hanguin ang isda sa kaserola at patuluin sa
bandehado.
6. Pausukan sa pamamagitan ng mahinang pagsunog ng
kusot o balat ng kahoy.
Pag-aasin
• Isang pamamaraan na ginagamit noong unang panahon.
• Nababawasan nito ang tubig na taglay ng pagkain at
napapatigas ang isda o karne.
• Napipigilan ng asin ang pagkabulok ng mga pagkain.
• Maaaring direktang ilagay ang asin sa pagkain tulad ng
mga daing, tapa, at bagoong.
• Maari ding paghaluin ang tubig at asin o “salt solution”
tulad ng paggawa ng maalat na itlog, bagoong, burong
manga, mustasa, at talangka.
Pag-aasin ng Isda o Baboy

Mga kasangkapan:
Palanggana
Kutsilyo
Sangkalan
Pag-aasin ng Isda o Baboy

Mga Sangkap:
½ kilo baboy o isda
Asin
Pag-aasin ng Isda o Baboy
Mga Pamamaraan:
1. Kaliskisan ang isda at hugasan ang baboy.
(Kung gagamit ng isda, kaliskisn muna ito
bago hugasan.)
2. Lagyan ito ng kaunting hiwa.
3. Lagyan ng asin ang hiwa nito.
4. Ilagay ito sa isang lalagyan na may takip.
Pagyeyelo
• Pinaka madaling pamamaraan.
• Karaniwang inilalagay ang mga isdang
bagong huli sa yelo.
• Napapanatili ng mababang temperature upang
mapanatili ang pagkasariwa ng isda o karne.
• Sa mamabang temperature, hindi kayang mabuhay ng
nga mikrobyo.
• Sa refrigerator inilalagay ang mga bagong biling karne,
isda, gulay at prutas.

You might also like