8 Esp LM U3 M11 2

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 24

8

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Modyul para sa Mag-aaral

Modyul 11: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa

Ang mga modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng


mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at
pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan,
kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang
Kagawaran ng Edukasyon
nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
Republika ng Pilipinas
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9990-80-2

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph. D.

Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Mga Manunulat: Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T.


Gayola, Marie Aiellen S. Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia
C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras

Mga Konsultant: Fe A. Hidalgo, Ph. D. at Manuel B. Dy, Ph. D.

Gumuhit ng mga
Larawan: Jason O. Villena

Naglayout: Lemuel C. Valles

Editor at Subject
Specialist: Luisita B. Peralta

Management Team: Lolita M. Andrada, Ph. D., Joyce DR. Andaya,


Bella O. Mariñas, at Jose D. Tuguinayo, Jr., Ph. D.

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc.

Department of Education - Instructional Materials Council Secretariat


(DepEd-IMCS)
Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: [email protected]

ii
Table of Contents

Modyul 11: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa

Ano ang inaasahang maipamamalas mo?............................................1


Pagtuklas ng dating kaalaman............................................................4
Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan, at pag-unawa .........................6
Pagpapalalim...................................................................................8
Pagsasabuhay ng mga pagkatuto.....................................................14

iii
Modyul 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA

A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

Maganda ka ba? Sa panahong ito kapag ikaw ay tinanong kung ikaw ay


maganda ang unang papasok sa isipan ng karamihan ay ang panlabas na kaanyuan.
Ang panlabas ba na kaanyuan ang sukatan ng kagandahan ng isang tao? Sa modyul
na ito ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggawa ng mabuti sa kapwa ay
magsisilbing gabay mo sa mapanagutang pagsasabuhay ng mabuting gawain na
tutugon sa pangangailangan ng mga kapwa mo mag-aaral, mga salat sa buhay o
“marginalized” sa lipunan at ng ibang nilikha dito sa mundo.

Pinag-aralan mo sa nakaraang modyul ang pagsunod at paggalang sa mga


magulang, nakatatanda at may awtoridad. Inaasahan naipamalas mo bilang
kabataan ang pang-unawa sa pagiging masunurin at magalang sa iyong magulang,
nakatatanda at nasa kapangyarihan. Kasunod nito ay naisagawa mo ang angkop na
kilos na nararapat para sa gawain ng pagsunod at paggalang. Natukoy mo ang
bunga ng hindi pagtalima at paglabag na maaari mong gawin sa iyong magulang,
nakatatanda at mga nasa kapangyarihan. Nahinuha mo na ang pagsunod at
paggalang sa kanila ay dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at
pagkilala mo na sila ay mga kaloob ng Diyos. Ang iyong magulang, mga nakatatanda
at nasa kapangyarihan ay binigyan ng awtoridad ng Diyos upang mahubog,
mabantayan at mapaunlad ang mga pagpapahalaga dito sa mundo. At dahil sa mga
nabanggit, inaasahan ka bilang kabataan na impluwensiyahan ang kapwa mong
kabataan sa aspekto ng pagsunod at paggalang sa lahat.

Sa huli’y inaasahang masasagot mo ang mahahalagang tanong na: Bakit


mahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa? Paano ka makagagawa ng
mabuti sa iyong kapwa?

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

a. Nagugunita ang mga kabutihang ginawa niya sa kapwa


b. Natutukoy ang mga pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao at nilalang na
maaaring tugunan ng kabataan
c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin

1
d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tumutugon
sa pangangailangan ng kapwa

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput sa titik d:

1. Nakagawa ng malinaw at makatotohanang plano ng paggawa ng mabuti sa


kapwa sa loob ng paaralan o sa lipunan
2. Naisagawa nang indibidwal at pangkatan ang plano
3. May kalakip na pagninilay tungkol sa kanilang karanasan at epekto ng indibidwal
at pangkatang gawain sa kanilang pagkatao at pakikipagkapwa

Paunang Pagtataya

Gumagawa ka ba ng mabuti sa kapwa?

Panuto:
1. Narito ang tseklis na susukat kung ikaw ay gumagawa ng kabutihan sa kapwa.
Tayahin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( ) sa angkop
na kolum.

2. Pagkatapos, kunin ang iyong pangkalahatang iskor at tingnan ang katumbas


nitong interpretasyon.

Mga kilos na nagpapakita ng Palagi Paminsan- Madalang Hindi


paggawa ng mabuti sa kapwa minsan Kailanman
(4) (3) (2) (1)
Sa Pamilya

1. Tumutulong ako sa mga


gawaing bahay.
2. Sumusunod ako sa mga
ipinag-uutos ng aking mga
magulang at nakatatanda.
3. Tinutugunan ko ang
pangangailangan ng aking
kapamilya sa abot ng aking
makakaya.
4. Sumasama at nakikibahagi
ako sa mga selebrasyon sa
pamilya.
Sa Pamayanan

5. Kinikilala at kakilala ko ang


aming mga kapitbahay.
6. Nagbibigay ako ng tulong
sa abot ng aking makakaya
sa mga nangangailangan sa

2
pamamagitan ng mga
organisasyon at institusyon
(hal., sa sambahan).
7. Sumasama at nakikibahagi
ako sa mga angkop na
selebrasyon at gawain sa
pamayanan.
8. Ipinakikita ko ang malasakit
sa kalikasan at mga hayop
at halaman .
Sa Paaralan

9. Nakikitungo ako nang


mabuti sa aking mga
kamag-aral, mga guro,
mga magulang, mga janitor
at iba pang manggagawa sa
loob ng paaralan.
10. Bumabati ako nang may
paggalang sa mga guro at
opisyal ng paaralan.
11. Sumasama at nakikibahagi
ako sa mga angkop na
selebrasyon at gawain sa
pamayanan.
12. Tumutulong ako sa taong
may pangangailangan sa
paaralan.
Pangkalahatang Iskor

Interpretasyon

Katumbas na
Interpretasyon
Saklaw ng Iskor Paglalarawan
Ikaw ay may angking
kakayahan sa paggawa
3.01- 4.00 Palagi (Always) ng mabuti sa kapwa.
Napahahalagahan mo
ang kapakanan ng iyong
kapwa. Ipagpatuloy mo
ito!
Likas sa iyo ang
paggawa ng mabuti sa
2.01- 3.00 Paminsan-minsan kapwa kaya nga lamang
(Sometimes) ay may maliit kang
pagtatangi sa paggawa
mo nito. Maging
masigasig sa
pagpapamalas nito.
Ang paggawa mo ng
magandang bagay sa
1.01-2.00 Madalang (Seldom) kapwa ay bihira.

3
Maaaring may takot ka o
pag-aalinlangan na dapat
iwaksi mo upang ang
maipamalas mo ang
paggawa ng mabuti sa
kapwa.
Likas sa iyo ang gumawa
ng mabuti sa kapwa
0.01-1.00 Hindi Kailanman (Never) ngunit marami kang
agam-agam sa
pakikipagkapwa. Iyong
suriin ang sarili mo upang
malinang ang paggawa
ng mabuti sa kapwa.

B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Gawain 1

Panuto:

1. Tukuyin mo kung sino ang nagawan mo ng mabuti sa mga nakaraang araw.

2. Sa isang bond paper, gumuhit ng tulad ng nasa ibabang halimbawa.

3. Ang tao na nasa kanan mo ay ikaw. Isulat mo ang iyong pangalan sa lugar ng
“AKO.” Ang nasa kaliwa ay kumakatawan sa mga taong nagawan mo ng
kabutihan nitong mga nagdaang araw.

4. Isulat mo ang pangalan nila sa bandang itaas ng kanilang ulo.

4
5. Sa loob ng arrow isulat kung ano ang ginawa mong kabutihan para sa kanila.

6. Tukuyin mo rin kung anong pangangailangan nila ang natugunan mo. Isulat sa
loob ng kanilang bag o maleta.

Sagutin sa kuwaderno:

1. Kailan ka huling gumawa ng mabuti sa kapwa? Ano-ano ito?

2. Ano ang iyong naramdaman matapos kang gumawa nito? Ipaliwanag.

3. May maganda bang bunga ang paggawa mo ng kabutihan? Patunayan.

Gawain 2 (Dyad)

Frendz
Tau

Maghanap ng kapareha upang maibahagi mo ang natuklasan. Narito ang


gabay sa pakikibahagi sa dyad:

a. Kapwa o mga taong ginawan ng kabutihan


b. Dahilan ng paggawa ng kabutihan
c. Pangangailangan ng iyong kapwa na tinugunan
d. Paraan ng paggawa ng kabutihan

5
C. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA

Natukoy at naibahagi mo kung sino ang nagawan mo ng kabutihan sa mga


nagdaang araw at ang kanilang mga pangangailangang iyong natugunan. Ngayon
naman, inaasahang malilinang pa ang iyong mga kaalaman sa konsepto ng
paggawa ng mabuti sa kapwa.

Weez weez

Gawain 1

1. Narito ang larawan ng isang hardinero na kumakatawan sa iyo. Hawak niya ang
kaniyang pandilig na may tubig na magbibigay-lakas at sustansiya sa mga
halaman. Ang mga halaman na iyon ay ang mga tao na nagawan mo ng
kabutihan.
2. Makikita mo rin sa larawan ang bawat patak ng tubig. Ang mga patak na ito ay
sumasagisag sa mga dahilan kung bakit mo pinamalas ang iyong kabutihan sa
kanila.
3. Isulat mo ang dahilan kung bakit ka gumawa ng maganda sa mga taong
nabanggit mo sa Gawain 1 sa Pagtuklas ng Dating Kaalaman. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

6
May mga reyalisasyon ka ba sa katatapos na gawain? Mahirap bang harapin ang
hamon ng paggawa ng kabutihan sa kapwa?

Rubric sa Pagsusuri ng Sarili sa Gawaing Weez-weez

Kraytirya/Puntos 2 1 0
Natutukoy ang May apat o higit May natukoy na isa Walang
mga taong pang natukoy na hanggang tatlo na magunita o
pinakitaan ng mga taong napakitaan ng matukoy na
kagandahang- napakitaan ng kagandahang-loob ginawan ng
loob kagandahang- kagandahang-
loob loob
Nasusuri ang May nasuring 3 o May isa o dalawang Walang
kadahilanan sa higit pa na kadahilanan na nasuri kakayahan
pagpapamalas ng magkakaibang sa paggawa ng suriin ang mga
kagandahang- kadahilanan sa maganda sa kapwa bagay o
loob sa kapwa pagpapamalas ng kadahilanan ng
kagandahang- paggawa ng
loob maganda sa
kapwa
Naipapaliwanag May higit sa May isa o dalawang Hindi
ng mabuti ang tatlong paliwanag paliwanag na maipaliwanag
mga kadahilanan na naipahayag naipahayag tungkol ang
sa paggawa ng tungkol sa sa kadahilanang kadahilanan sa
maganda sa kadahilanang nasuri paggawa ng
kapwa nasuri maganda sa
kapwa

Gawain 2

Panuto: Sa iyong kuwaderno, sagutan ang sumusunod na tanong sa higit sa tatlong


pangungusap. Maging TAPAT sa iyong pagsagot. Pagkatapos, ibahagi sa isang
kamag-aral ang mga sagot mo.

1. Sa mga naisaad mong kadahilanan ng iyong pagtulong, ano sa mga ito ang
masasabi mong pinakapangunahing dahilan? Bakit?

2. Sa iyong palagay, ang pagtulong ba ay para lamang sa mga kaibigan at malapit


sa iyo? Pangatwiranan.

3. Papaano mo tutulungan ang mga taong nakasamaan mo ng loob o nakagalit?

4. Saan nag-uugat ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?

5. Ang paggawa ba ng kabutihan ay nangangahulugang pagpapakatao?


Pangatwiranan.

7
D. PAGPAPALALIM

Mabuti Ka Ba sa Iyong Kapwa?

Ang buhay dito sa mundo ay masasabing walang


katiyakan. Iniluwal ang bawat nilalang sa oras nang walang
nakaaalam at ang buhay na kaloob na ito ay maaaring
mawala o bawiin sa takdang oras. Kaya naman nararapat
na gawin ng tao ang kaniyang tungkulin habang naririto
siya sa mundong ibabaw. Isa na sa kaniyang moral na
tungkulin ay ang pagpapamalas ng kabutihan o
kagandahang-loob sa kapwa.

Sa kasalukuyang panahon, maririnig at


mapapanood sa mga balita ang tungkol sa iba’t
ibang krimeng nagaganap sa ating bansa at sa
buong mundo. Sa Tsina halimbawa, isang munting bata
ang hinayaang masagasaan ng sasakyan at
walang pakundangang iniwan sa daan. Dito
naman sa ating bansa noong nakaraang taon, isang MMDA traffic enforcer ang
pinagalitan at sinaktan ng isang pribadong mamamayan. Sa isa pang kaganapan,
isang bata na nasa unang baitang ang napatay ng isa ring mag-aaral na nasa ika-
limang baitang nang dahil lamang sa paglalaro ng holen. At ang huli, isang
kasambahay ang minaltrato ng kaniyang amo sa pamamagitan ng pagplantsa ng
kaniyang mukha, pagkukulong dito, at pagpapakain ng sirang pagkain.

Tila nagiging mahirap ng magpakabuti o magpakita ng kagandahang-loob sa


kapwa. Tunay na bang nawala ang kabutihan o kagandahang-loob dito sa mundo?
Napakasakit matunghayan at maramdaman na may mga pangyayaring ganito.

Ang kabutihan o kagandahang-loob ay isa sa mahirap unawain at


maisabuhay lalo na kung ang pakikipagkapwa ang tatalakayin. Ano nga ba ang
kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob? Ano ang kinalaman nito sa
pakikipagkapwa?

Kahulugan ng Kabutihan o Kagandahang-loob

Ang salitang kabutihan o kagandahang-loob ay magkasingkahulugan. Ang


una ay hango sa salitang-ugat na buti na nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan,
at kabaitan. Ang kagandahang-loob naman ay hango sa dalawang payak na salita
na ganda at loob. Ang loob ay tumutukoy sa inner self o real self. Ang inner or real

8
self na tinatawag ay ang kakanyahan ng tao. Dito sa inner self na ito naroon ang
tunay na kahalagahan o silbi ng isang tao. At ayon sa ilang may-akda, ang lahat ng
mga pagpapahalaga at birtud ng tao ay bumubukal sa kabutihan o kagandahang-
loob.

Kaligayahan, Kabutihan, o Kagandahang-loob ayon sa Etika ni Aristoteles

Binigyang-lalim ni Aristoteles,
isang Griyegong pilosopo ang
naisaad na kahulugan ng kabutihan
o kagandahang-loob. Siya ay mag-
aaral ni Platon at guro ni Alexander
the Great. Ang kaniyang pilosopiya
ay nagkaroon ng pangmatagalang
impluwensiya sa pag-unlad ng lahat
ng “Western philosophy”.

Isa sa mga etikang naisulat ni Aritoteles ay ang Etika Nikomakiya. Dito sa


nabanggit na etika ay tinalakay niya ang kaligayahan. Bago niya pinalawig ang
tungkol sa kaligayahan, binigyang-diin niya kung ano ang pagpapakatao. Ayon sa
kaniya, hindi ang pagsunod sa mga iniidolo nakasalig ang pagiging tao na tao. Ang
pagpapakatao ay nag-uugat sa kalikasan niyang magpakatao at ang pagkilos na
may layunin (telos).

Para kay Aristoteles, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay ang
kaligayahan. Pero saan ba natin matatagpuan ang kaligayahan? Ang kaligayahan ay
maaaring nasa kasarapan, karangyaan o yaman sa buhay. Ito ay nasa karangalan
na maibibigay ng ibang tao. At ang kaligayahan ay maaaring nasa birtud na moral.
Kailangan ba natin ang mga ito?

Kinakailangan pa rin ng tao ang kasarapan, karangalan at moral na birtud ngunit


isaisip na ang kaligayahan ay may angking katangian. Ito ay pangmatagalan, may
kasarinlan, aktibo at panghabang-buhay. Mula sa mga katangian na nabanggit, dito
makikita na ang layuning makagawa ng maganda o mabuti ay ang magbibigay ng
kaligayahan sa tao. Ang tao ay magiging lubos ang pagpapakatao kung siya ay
makikipagkapwa-tao.

9
Kaligayahan, Kagandahang-Loob / Kabutihan at Pagkatao ng Tao

Pakikipagkapwa

Kabutihan/
Kagandahang loob

Loob
(Inner self)

Dayagram 1. Ugnayan ng Loob, Kabutihan o Kagandahang-Loob, Pakikipagkapwa,


at Kaligayahan

Suriin ang dayagram sa itaas. Ipinakikita rito ang ugnayan ng loob o inner self
ng tao, ang paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob sa pakikipagkapwa at
kaligayahan.

Ang kabutihan o kagandahang-loob ng indibidwal ay tunay na nag-uugat sa


kaniyang pagkatao. Likas sa tao ang pagiging maganda o mabuti dahil may
paniniwala na ang lahat ng nilikha ng Diyos ay kaaya-aya, maayos at may angking
kabutihan. Kaya naman ang tao ay ginawa bilang tagapangasiwa ng mga nilalang
dito sa sanlibutan.

Ang tao bilang persona ayon kay Santo Tomas de Aquino ay indibidwal na
maaaring tumindig sa sarili niya dahil sa kaniyang kamalayan at kalayaan. Ang tao
dahil siya ay persona ay origihal ang kabutihan at ang paggawa ng mabuti ay
pagpakapersona o pagpapakatao (Dy, 2012 ).

Ang angking kabutihan o kagandahang-loob ng tao ay nakaugat sa kaniyang


loob. Ang loob ng tao ang siyang nagsisilbing munting tinig na gagabay o
gumagabay sa bawat kilos nito. Ang pagkakaroon ng likas na kagandahang-loob ang
magbibigay-daan para sa pakikipagkapwa. At ang pakikipagkapwa-tao ang siyang
magbibigay ng kaligayahan sa tao na siyang huling layunin o hantungan niya.

10
Ang Kabutihan o Kagandahang-loob bilang Ekspresyon ng Magandang Buhay

Ang kagandahang-loob sa kapwa ay isang ekspresyon ng kagandahan ng buhay.


Ang kabutihan o kagandahang-loob ay maipaliliwanag sa iba’t ibang pagkaunawa:

1. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos na manlilikha. Ang kagandahang-loob o


kabutihan ay likas na kaloob ng Diyos sa tao. Kaya naman ang tao ay
pinagkalooban ng ispiritwal at materyal na kabutihan.
2. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay ang pinag-uugatan ng mabuti at
magandang pag-iisip, damdamin, at gawa ng tao habang namumuhay ito nang
matiwasay.
3. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay hindi magiging ganap kung hindi ito
maipamamalas sa iba. Ito ay nararapat na magmula sa kalooban at maibahagi sa
kapwa para sa kabutihang panlahat.
4. Ang kabutihan o kagandahang-loob at mabuting buhay ay nakasalalay sa antas
ng kamalayan o pang-unawa kung ano nga ba talaga ang mabuti. (Alejo,1990 )

Ang Kabutihan o Kagandahang-Loob sa Kapwa

Ang tao upang maging makatao ay nararapat na tunay na mabuti sa kapwa.


Ang kagandahang-loob ay hindi patungkol sa sarili lamang. Sa halip, ito ay patungo
sa kabutihang panlahat. Ang tunay na paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob
ay nangangailangan ng pagsasakripisyo. Dumarating sa punto na kailangang
kalimutan mo ang sarili alang-alang sa ikabubuti ng iba.

Ang kagandahang-loob ay
Kadalasan ang paggawa ng kabutihan ay
matutunghayan sa iba’t ibang nagkakaroon ng limitasyon. Nanaisin na
pamamaraan ng pagmamahal at lamang natin gumawa o magpakabuti sa
pagkalinga sa kapwa. Makikita rin ito sa mga taong alam nating masusuklian ang
ating ginawa. Sa pagkakataong ito,
maayos at mapayapang pamumuhay o
masusubok ang ating pagpapakatao: kung
pakikitungo sa kapitbahay at iba pang likas tayong may kabutihan o
kasapi ng pamayanan. Maipamamalas kagandahang-loob.
din ito sa pamamagitan ng
pagmamalasakit sa mga palaboy sa lipunan. Ang kagandahang-loob ay di lamang
para sa tao kundi sa ating kalikasan na nangangailangan ng ating pag-aaruga.

11
Hangganan ng Kabutihan o Kagandahang-Loob

Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa nasusubok kung hanggang


saan tayo magiging mabuti o maipakikita ang kagandahan ng ating kalooban. Paano
ka magiging mabuti sa iyong kamag-aral na lagi ka na lang kinukutya dahil sa
panlabas mong kaanyuan, ang guro na lagi ka na lang pinagagalitan, ang kapitbahay
mo na lagi kang hinahamon ng away?

Isang magandang halimbawa ay si Blessed Papa Juan Pablo II. Noong siya ay nabubuhay
pa, isang Turkish national, si Mehmet Ali Agca, ang naglagay ng buhay niya sa bingit ng
kamatayan. Binaril ni Mehmet at nagtamo ang Santo Papa ng apat na tama ng baril -
dalawa sa kaniyang bituka, isa sa kanang braso at sa kaniyang kaliwang kamay. Matapos
ang pagpapagaling ng Santo Papa ay nakuha pang dalawin, kausapin, at gawaran ng
kapatawaran si Mehmet sa nagawa niya.

Isang natatanging ugali at birtud ang magpakita ng kagandahang-loob sa


kabila ng sakit na naramdaman. Dahil likas ang kagandahang-loob sa isang nilalang,
walang hanggan ang paggawa nito sa kapwa. Ang magiging daan ng isang
indibidwal para hindi niya sukuan ang paggawa ng mabuti ay ang kaniyang
transcendent self. Sa Pilosopiya, ang transcendence ay nangangahulugang going
beyond. Ang isang tao ay may kakayahang malampasan ang anumang pagsubok o
tukso na darating dahil may talino at lakas na nagmumula sa kaniyang kalooban.
Dito rin papasok ang tinatawag na unconditional love o pag-ibig na walang pinipili o
pasubali.

Sa Bibliya, napatunayan ang kagandahang-loob sa katauhan ni Hesus ng


kaniyang pakitunguhan nang mabuti sina Maria Magdalena, Zakeyo, at Pedro. Si
Pedro, sa kabila ng kaniyang munting pananampalataya, ay nagawa pang
ipagkatiwala sa kaniya ang Simbahan. Sa iba pang pangyayari, matutunghayan natin
na ang paggawa ng mabuti o pagpapakita ng kagandahang-loob ay nagmumula sa
pagkatao ng tao na nag-aangkin ng unconditional love.

Ang paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob at ang tinatawag na


unconditional love ay mga hamon na nagbibigay-daan upang maisabuhay din natin
ang pagiging mapagbigay ng sarili o maisakripisyo ang sarili para sa isang higit na
pinapahalagahan.

12
Isang Testimonya ng Kagandahang-loob

Narito ang isang patunay ng kagandahang-loob.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, may mga tao o grupo ng mga


mapagkawanggawa ang patuloy na gumagawa ng kagandahang-loob kahit na walang
kamera o media na nakabantay. Isa na rito ang Buddhist Tzu Chi Foundation dito sa
ating bansa. Ang grupo ay binubuo ng mga Pilipino at Tsino na ginagabayan ng mga
turo at aral ng kanilang foundress na si Dharma Master Cheng Yen. Ang grupo ay
tumutulong sa aspekto ng edukasyon, medisina, pangangalaga ng kalikasan, at
kawanggawa sa mga nasalanta ng kalamidad. Tulad na lamang ng magkapatid na Leah
and Rachel Awel na nabiyayaan ng kabutihan ng grupong nasabi. Ang magkapatid ay
conjoined twin na sa pamamagitan ng operasyon ay napaghiwalay ang magkadikit na
puso noong sila ay bagong panganak. Matapos ang siyam na taon, sila ay
sinusuportahan pa rin ng Foundation. Ang magkapatid ay nag-aaral sa isang Chinese-
Buddhist na paaralan at ang kanilang ama ay nabigyan ng trabaho bilang isang
volunteer sa Foundation. Patuloy rin silang tinutustusan sa kanilang pangangailangang
pinansiyal. Ayon sa magkapatid na Leah at Rachel, pangarap nilang maging doktor at
guro upang makagawa rin sila ng kabutihan sa kapwa.

Sa halimbawang nasaad, kagandahang-loob sa kapwa ang malinaw na naisabuhay.

Kung ating babalikan, sa simula pa lamang ng paglikha, ang kabutihan o


kagandahang-loob na ang sanhi kung bakit narito ang sangkatauhan. Ito ay dahil sa
kabutihan ng ating Manlilikha. Ang kabutihan o kagandahang-loob Niya ay nag-uugat
sa pagmamahal. Ang Diyos ay nagtataglay nang walang kapantay na pagmamahal.
Ipinakita rin Niya ang kagandahang-loob sa mga taong makasalanan at itinakwil ng
lipunan. At sa makabagong panahon, may mga tao pa rin na nagsusumikap na
maipamalas ang kagandahang-loob sa kapwa.

Likas sa ating mga nilalang ang kabutihan / kagandahang-loob dahil ito ay nakaugat sa
pagkatao at kalooban natin na may kakayahang magmahal.

Tayahin ang Iyong Pag-unawa

1. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?


2. Paano nalilinang ang pagkatao ng bawat indibidwal sa paggawa ng kabutihan?
3. May hangganan ba ang paggawa ng kabutihan? Ipaliwanag.
4. Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan ating buhay?

13
Paghinuha ng Batayang Konsepto

Panuto: Anong mahahalagang konsepto ang iyong natutuhan sa aralin? Isulat ang
sagot sa mga kamay sa ibaba.

Batayang Konsepto:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao

1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?


2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto
sa modyul na ito?

E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO

Pagganap

Gawain 1: “Kagandahang-loob, I-patrol mo”

Pamilyar ba kayo sa mga programa sa radyo at telebisyon na


nagkakawanggawa? Nariyan ang Sagip Kapamilya, Lingkod Kapamilya, Wish Ko
Lang, at Kapwa Ko Mahal Ko na patuloy na gumawa ng kabutihan sa kabila ng
pagsubok sa pakikipanayam sa lansangan. Ikaw, handa ka bang maging Kabutihan /
Kagandahan Patroler?

Panuto:

1. Magbuo ng grupo na may 3 - 4 na miyembro.

14
2. Sa gawaing ito, kakailanganin mo ang gadget tulad ng cell phone na may video o
isang videocam.

3. Magmasid sa iyong pamayanan kung may pangangailangang dapat tugunan.

4. Maging sensitibo sa pangangailangan na kaya mong tugunan. Maaari ka ring


maging daan para humingi ng tulong sa kinauukulan.

5. Lagyan ito ng dokumentasyon sa pamamagitan ng mga makabagong gadget.

6. Maaari mo itong i-upload sa iyong Facebook, Twitter account (kung mayroon) o di


kaya ipadala sa ilang mga programa sa telebisyon na nagpapalabas ng mga
ganoong uri ng kabutihan.

Rubric sa Pagganap – KAGANDAHANG-LOOB, I-PATROL MO!

Kraytirya/Puntos 4 3 2 1
Pagtugon sa Nakatugon Nakatugon sa Nakatugon Nakatugon sa
pangangailangan sa apat o tatlo na sa dalawang isa lamang na
ng kapwa higit pa na pangangaila- pangangaila- pangangaila-
pangangaila- ngan ng ngan ng ngan ng kapwa
ngan ng kapwa kapwa
kapwa
Paggawa ng
dokumentaryo na: Nagpama- Nagpamalas Nagpamalas Nagpamalas
las ng apat ng tatlo sa ng dalawa sa ng isa lamang
a. Malinaw ang na katangiang katangiang na katangiang
pagpapakita katangiang nakasaad sa nakasaad sa nakasaad sa
ng kabutihan nakasaad kraytirya ng kraytirya ng kraytirya ng
b. Maikli at sa kraytirya paggawa ng paggawa ng paggawa ng
madaling ng paggawa dokumen- dokumentar- dokumentaryo
unawain ng doku- taryo yo
c. Iginagalang mentaryo
ang karapatan
ng mga taong
kabilang sa
gawain
d. Malinaw ang
pagpapaha-
yag o
pagpapatrol

Paglathala sa mga Nailathala Nailathala Nailathala Nailathala ang


programa o social ang apat o ang tatlong ang isa lamang na
networking site na higit pa na kabutihang dalawang kabutihang
may karampatang kabutihang nai-patrol kabutihang nai-patrol
permiso nai-patrol nai-patrol

15
Pagninilay

Panuto: Sumulat ng pagninilay sa iyong journal tungkol sa konsepto ng kabutihan o


kagandahang-loob. Isaalang-alang ang sumusunod na dapat bigyang-diin:

1. Sino ang mga taong natulungan ko at ano ang epekto sa kanilang buhay ng
pagtulong ko?
2. Ano ang mensahe o aral na aking natutuhan sa modyul na ito tungkol sa
paggawa ng kabutihan sa kapwa?
3. Paano ko itatalaga ang aking sarili upang maisabuhay ang natutuhang aral
tungkol sa paggawa ng kabutihan sa kapwa?
4. Sa paanong paraan ko hihikayatin gumawa ng kabutihan sa kapwa ang ibang
kabataan lalo na sa aming pamayanan o barangay (halimbawa, mga batang
kalye o istambay sa kanto)?

Rubric sa Pagninilay

Mga Layunin:

1. Pagsulat ng pagninilay sa mga natuklasan sa konsepto at paggawa ng kabutihan


o kagandahang-loob sa kapwa
2. Pagtukoy sa mga natulungan at epekto sa kanilang buhay
3. Pagtukoy sa mensahe o aral na natutuhan sa paggawa ng kabutihan sa kapwa
4. Pagtatalaga sa pagsasabuhay ng natutuhang modyul tungkol sa paggawa ng
kabutihan sa kapwa
5.

Kraytirya/
4 3 2 1
Puntos
Natukoy ang Natukoy ang Natukoy ang Natukoy ang Isa lamang ang
mga taong apat o higit pa tatlong tao na dalawang tao natukoy na
natulungan na taong natulungan na natulungan taong
natulungan natulungan
Nabanggit Nabanggit ang Nabanggit ang Nabanggit ang Isa lamang ang
ang epekto apat o higit pa tatlong epekto dalawang nabanggit na
ng paggawa na epekto ng ng paggawa epekto ng epekto ng
ng kabutihan paggawa ng ng kabutihan paggawa ng paggawa ng
sa kapwa kabutihan sa sa kapwa kabutihan sa kabutihan sa
kapwa kapwa kapwa
Nakapagbi- Naipaliwanag Naipaliwanag Nakapagbigay Hindi malinaw
gay ng ng tahasan at ang aral o ng aral o ang
malinaw na malinaw ang mensahe mensahe ng pagpapahayag
aral o aral o ngunit may paggawa ng ng aral o
mensahe ng mensaheng pag- kabutihan mensaheng
paggawa ng nakuha sa aalinlangan sa ngunit hindi nakuha sa
kabutihan sa paggawa ng kabutihang maipaliwanag paggawa ng
kapwa kabutihan nagawa kabutihan
Naitalaga ang Nangakong Nangakong Nangakong Nangakong
sarili sa gagawa ng gagawa ng gagawa ng gagawa ng

16
pagsasa- kabutihan sa kabutihan sa kabutihan sa kabutihan sa
buhay ng kapwa ng apat kapwa ng kapwa ng kapwa
paggawa ng o higit pa na tatlong beses kahit dalawang makaisang
kabutihan sa beses beses beses lamang
kapwa

Pagsasabuhay

Ang konsepto ng paggawa ng kabutihan sa kapwa ay maisasakatuparan


lamang kung iyong isasabuhay ito, hindi lamang ngayong ikatlong markahan. Maaari
mo itong ipagpatuloy hanggang sa susunod na taon o panghabang-buhay. Narito
ang indibidwal at gawaing pangklase.

“Tree of Good Deeds”

Panuto Para sa Indibidwal na Gawain

Kumuha ng isang halamang luntian na nasa paso at sundin ang rubric sa pang-
indibidwal na gawain.

Panuto Para sa Buong Klase:

Mga kakailanganing kagamitan:

 Isang driftwood
 Mga pinatuyong sanga
 Isang matibay na pagtatayuan ng driftwood
 Mga plastic na dahon, kulay berde
 Tali o string para sa mga dahon
 Mga pakong bakya

1. Tukuyin ang mga mag-aaral na gagawa ng sumusunod:

a. Paghahanda ng driftwood (lilinisin, lalagyan ng pako)


b. Pagtatayo ng driftwood sa labas ng silid-aralan o sa lugar na madaling makita
o makikita ng karamihan
c. Paghahanda ng mga plastik na dahon (lalagyan ng tali ang bawat dahon)

2. Narito ang mga dapat gawin para sa Tree of Good Deeds:

a. Kapag ang puno ay tapos na, maaari na itong gamitin. Sa pagkakataong


ito, ang bawat isa ay may tungkuling dapat gampanan.
b. Balikan ang konsepto ng kagandahang-loob na natutuhan.
c. Maging mulat sa paggawa araw-araw ng kabutihan sa kapwa tulad ng
kamag-aral, magulang, kapatid, at sa mga taong ‘marginalized’ ng
lipunan.

17
d. Sa bawat kabutihan o ginawa, may kaukulang dahon ka na isasabit sa
puno. Sa bawat dahon na isasabit mo, maaari mong isulat ang nagawa
mong mabuti sa kapwa. Maaari mo ring isulat ang iyong pangalan o
pirmahan ito.
e. Tandaan: Ang puno ay dapat magkaroon ng buhay. Ang buhay nito ay
nakasalalay sa mga kabutihan na nagawa mo at ng iyong mga kamag-
aral sa kapwa na sinisimbolo ng mga luntiang dahon na kolektibong
isasabit ng bawat isa sa inyo.

Kumusta na?
Naisakatuparan mo ba nang maayos ang mga gawain sa modyul na ito?
Kung oo, binabati kita!
Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul.
Kung hindi, balikan ang mga gawaing di natapos. Katangian ng isang
mapanagutang mag-aaral ang sumangguni at humingi ng tulong o
Rubric sa Pangkatang Paggawa ng Tree of Good Deeds
paggabay mula sa kaniyang kamag-aral o guro.
Layunin:

1. Paggawa ng tree of good deeds na magsisilbing paalala sa pagsasabuhay ng


patuloy na paggawa ng kabutihan sa kapwa

2. Pagpapamalas ng galing sa pagbuo ng tree of good deeds sa pamamagitan ng


pagpili ng angkop na materyales, kulay, disenyo, lokasyon, atbp.

Kraytirya/Puntos 4 3 2 1
Pagkamalikhain Nagpakita ng Nagpakita ng Nagpakita ng Nagpakita ng
sa paggawa ng apat na tatlong dalawang isang
tree of good pamamaraan pamamaraan pamamaraan pamamaraan
deeds sa: ng pagiging ng pagiging ng pagiging ng pagiging
a. pagpili ng malikhain malikhain malikhain malikhain
angkop na
kulay,
b. disenyo,
c. anyo, at
d. balance /
proporsyon
Pagpili ng Nakapili ng Nakapili ng Nakapili ng Nakapili ng
materyales na: materyales materyales materyales materyales na
a. mura, ayon sa apat ayon sa ayon lamang may isa
b. pangmataga- na katangian tatlong sa dalawang lamang na
lan, katangian katangian katangian
c. kaakit-akit, at

18
d. katutubo
Paglagay ng tree Nailagay ang Nailagay ang Nailagay ang Nailagay ang
sa lokasyon na: tree of good tree of good tree of good tree of good
a. may sapat na deeds sa deeds sa deeds sa deeds sa
ilaw lokasyon na lokasyon na lokasyon na lokasyon na
b. nakikita ng nagtataglay nagtataglay nagtataglay nagtataglay
karamihan ng apat na ng tatlong ng dalawang ng isa lamang
c. accessible katangian katangian katangian na katangian
sa lahat at
d. maayos at
malinis

Rubric sa Indibidwal na Pagsasabuhay – Tree of Good Deeds

Ang paggawa ng Tree of Good Deeds ay kakatawan sa mga kabutihang


gagawin sa kapwa. Ito ay magiging bahagi ng pang araw-araw na gawain hanggang
sa matapos ang school year. Maaari din itong gamitin sa susunod na taon, sa ika-
siyam na baitang sa asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao.

Kraytirya /
4 3 2 1
Puntos
Pagbigay-buhay Nakagawa Nakagawa ng Nakagawa ng Nakagawa ng
sa Tree of Good ng kabutihan sa kabutihan sa kabutihan sa
Deeds sa kabutihan kahit na kahit na isa lamang
pamamagitan ng sa lahat ng
tatlong dalawang na nabanggit
paggawa ng mga
kabutihan sa: nabanggit nabanggit sa nabanggit sa sa kraytirya
a. kapamilya sa kraytirya kraytirya kraytirya
b. kapitbahay
c. kamag-aral
d. awtoridad
e. hindi kilalang
tao
f. hayop,
halaman o
ibang nilalang
sa kalikasan

Pagyabong ng Nakapagsa- Nakapagsabit Nakapagsabit Nakapagsabit


luntiang puno sa bit ng pito o ng limang ng tatlong ng isa
pamamagitan ng higit pa na dahon sa dahon sa lamang na
bilang ng dahon dahon sa loob isang loob ng isang dahon sa
naisasabit loob ng
isang linggo linggo linggo loob ng isang
linggo

Paghikayat sa Nakahikayat Nakahikayat Nakahikayat Nakahikayat


kapwa na gumawa ng 4 na ng 3 na ng 2 na ng 1 na
rin ng kabutihan ginawan ng ginawan ng ginawan ng ginawan ng
sa kapwa kabutihan
kabutihan na kabutihan na kabutihan na
na gumawa
gumawa rin gumawa rin gumawa rin

19
rin ng ng mabuti sa ng mabuti sa ng mabuti sa
mabuti sa kapwa kapwa kapwa
kapwa

Mga Kakailanganing Kagamitan

 Mga kopya ng tseklis sa Paunang pagtataya


 Maigsing bond paper (2) , lapis, eraser, at ruler
 Mga kopya ng Weez weez (Gawain 1 sa Paglinang…)
 Kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapakatao
 Computer at LCD para sa Multi-media presentation
 Mga kopya ng worksheet – Mga Kamay (sa paghinuha ng Batayang
Konsepto)
 Driftwood ( isa lamang para sa buong klase )
 Mga pinatuyong sanga ng puno
 Artipisyal o gawa sa recyclable plastic bag na mga dahon (kinortihan at
ginupit)
 String o tali para sa mga dahon
 Pakong bakya
 Marker
 Journal notebook

Mga Sanggunian

A. Print Source

Alejo, A. (990). Tao Po! Tuloy!: Isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao. Quezon
City. Ateneo De Manila University Office of Research and Publications.

De Mesa, J. (1991). In solidarity with culture. Quezon City. Maryhill School of


Theology.

Dy, M. (2007). Mga babasahin sa Pilosopiyang Moral. Quezon City. Ateneo De


Manila University Office of Research and Publications.

Esteban, E. (1990). Education in values: What, why and for whom. Manila: Sinagtala
Publishers.

Marte, N. et.al. (2008). Goodness in service. Makati City: Don Bosco Press.

Punsalan, Twila G. et.al. (2008). Goodness in me. Makati City: Don Bosco Press.

B. Web Source

Ikalawang Aklat ng Etika Nikomakeyo ayon kay Aristoteles.


http://etika107.blogspot.com/2004/09/ikalawang-aklat-ng-etika-nikomakeyo.html

Goodness: A Reflection of God.


http://www.suscopts.org/resources/literature/532/goodness-a-reflection-of-god/

The Goodness of God. http://bible.org/seriespage/goodness-god

20
Transcendence (Philosophy).

http://www.wikipedia.org/wiki/Transcendence_(philosophy)

www.philippinesnews.com

www.abs-cbnnews.com

www.graphicshunt.com

www.book-clipart.com

www.js210.K12.sd.us

www.clipartOf.com/15513

www.inmagine.com

www.webweaver.nu

http://www.youtube.com/watch?v=R0kA3fmX9Pw&feature=player_embedded

http://ph.video.search.yahoo.com/video/play;_ylt=A0S00xrUO4dQeEsAu3veRwx.;_yl
u=X3oDMTBrc3VyamVwBHNlYwNzcgRzbGsDdmlkBHZ0aWQD?
p=kindness&vid=ABCFC0A49AA754474089ABCFC0A49AA754474089&l=4%3A
25&turl=http%3A%2F%2Fts3.mm.bing.net%2Fth%3Fid
%3DV.4618988984664110%26pid%3D15.1&rurl=http%3A%2F
%2Fwww.godtube.com%2Fwatch%2F%3Fv
%3DWD7GWPNX&tit=Simple+Acts+of+Kindness+-+Heartwarming!!+-
+Inspirational+Videos&c=16&sigr=1180rlh9f&b=31&fr=yfp-t-711

C. Ibang sanggunian:

Dy, Manuel. Panayam sa “Pagkatao ng Tao” sa Pambansang Pagsasanay ng mga


Tagapagsanay ng mga Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa Batayang
Programa ng Edukasyon (K to 12) noong Abril 2012 sa Pamantasang Normal ng
Pilipinas, Taft Avenue, Manila.

21

You might also like