Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24
Aralin 3
Kagustuhan at Pangangailangan Break muna!
Kung ikaw ay binigyan ng isang libong piso,
paano mo ito gagastusin? Ano ang iyong naging batayan sa pagpili? PANIMULA
Araw-araw, ang tao ay nahaharap sa iba’t
ibang uri ng pagpapasya. Dahil sa kakapusan sa salapi, dapat na maging matalino sa pagpili ng mga kalakal o serbisyo na bibilhin. Ano ang pagkakaiba ng Pangangailangan sa Kagustuhan?
Pangangailangan Kagustuhan
• Mga bagay na lubhang • Mga bagay na ginusto
mahalaga upang ang tao ay lamang ng tao at maari mabuhay itong mabuhay kahit wala ito. • Kung ipagkakait ito, • Ang pagnanais na tugunan magdudulot ito ng sakit o ito ay bunga lamang ng kamatayan. layaw ng tao. Pangangailangan Kagustuhan Pass Muna! Sagutin ang mga sumusunod? Teorya ng Pangangailangan
Ayon kay Abraham Harold
Maslow, ang pangangailangan ng tao ay mailalagay sa isang hirarkiya. Kailangan munang matugunan ng tao ang mga pangunahing pangangailangan bago umusbong ang panibagong pangangailangan. Hirarkiya ng Pangangailangan Act uali zati on Self-Esteem
Social
Safety
Physiological Physiological Needs
Kabilang ang mga biyolohikal na pangangailangan
tulad ng pagkain, tubig at hangin. Ang kakulangan sa antas na ito ay maaring maging sanhi upang siya ay makaranas ng karamdaman at panghihina ng katawan. Safety Needs
Kabilang dito ang mga pangangailangan para sa
kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng hanapbuhay, pinagkukunang-yaman at seguridad para sa sarili at pamilya. Social Needs
Ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan.
Hangad ng isang tao na siya ay matanggap at mapasama sa iba’t ibang uri ng pangkat at pamilya. Ang kawalan nito ay maaring magdulot sa kanya ng kalungkutan at pagkaligalig. Self-Esteem Ito ay nauukol sa mga pangangailangan sa pagkakamit ng respeto sa sarili at sa kapwa. Hangad ng tao na makilala at magkaroon ng ambag sa lipunan. Ang kakulangan nito ay magdudulot sa mababa o kawalan ng tiwala sa sarili. Actualization
Hangad ng tao na magamit
nang husto ang kanyang kakayahan upang makamit ang kahusayan sa iba’t ibang larangan. Tanggap ng taong ito ang katotohanan ng buhay. Ayon kay A.H.Maslow:
Habang patuloy na natutugunan ng mga tao ang
kanilang batayang pangangailangan (basic needs), sila ay naghahangad ng mas mataas na pangangailangan (higher needs) ayon sa pagkakasunod-sunod ng herarkiya. Ang paghangad ng mas mataas na antas ay tinatawag na growth force samantalang ang paghangad ng mas mababang antas ay tinatawag na regressive force. ANG AKING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PANGANGAILANGAN Bumuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng mga pangangailangan. Ilahad ang iyong pamantayan sa pamamagitan ng isang sanaysay. Isulat din kung paano mo makakamit ang kaganapan ng iyong pagkatao. Pamprosesong Tanong: 1. Paano mo maisasakatuparan ang iyong pamantayan? 2. Sa iyong palagay, nasaan ka sa mga baitang na ito? Bakit? Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan Edad Antas ng Edukasyon Katayuan sa Lipunan Panlasa Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan Edad. Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga kabataan ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit sa pagtanda ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang manatiling malusog ang pangangatawan. Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng pinag-aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at kagustuhan. Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang mga obligasyon at gawain. Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan
Panlasa. Isa pa sa mga salik na
nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang panlasa. Ang panlasa sa istilo ng pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga nakatatanda. PAGPAPAHALAGA
• Anu-ano ang dapat isaalang-alang ng
tao upang magkaroon ng matalinong pagpapasya sa pagtamo ng kanyang pangangailangan at kagustuhan? References:
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI