Alex Komunikasyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANGASINAN STATE UNIVERSITY

Pampamahalaang Pamantasan ng Pangasinan


KAMPUS NG BAYAMBANG
Integrated School – Departamento ng Hay-iskul
Daang Quezon, Bayambang, Pangasinan

Panahon ng mga Espanyol

1. Ano ang pangunahing layunin ng mga Espanyol nang sakupin nila ang Pilipinas?
Sagot:
2. Bakit naging malaking usapin ang gagamiting wika sa sumusunod na mga sitwasyon?

a. pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Sagot:
b. pagtuturo sa paaralan
Sagot:

B. Panahon ng Rebolusyong Pilipino

1. Gaano katagal ang hinintay upang mamulat ang mga mamamayan sa kaapihang kanilang
dinanas?
Sagot:
2. Sa iyong palagay, bakit sumibol ang kaisipang “Isang Bansa, Isang Diwa” sa mga
manghihimagsik noong panahong iyon?
Sagot:
C. Ilahad ang iyong sariling opinion, pananaw, o kongklusyon hingil sa pahayag na
tumatalakay sa wikang pambansa.
Sagot:

II. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat ang naging kontribusyon o papel ng mga sumusunod:

A. Panahon ng mga Amerikano


a. Almirante Dewey
Sagot:
b. Wikang Ingles
Sagot:
c. Jacob Schurman
Sagot:
d. Batas Blg. 74
Sagot:
e. Tatlong R
Sagot:
f. Bise Gobernor – Heneral George Butte
Sagot:
g. Paggamit ng Ingles (magbigay lamang ng 4 na dahilan)
Sagot:
h. paggamit ng bernakular (magbigay ng 4 na katwiran)
Sagot:
i. Joseph Ralston Hayden
Sagot:
j. Lope K. Santos
Sagot:
k. surian ng Wikang Pambansa
Sagot:
l. Wikang Pambansa
Sagot:
m. Makatwiran bang hindi wikang Ingles ang naging wikang Pambansa? Ipaliwanag ang
iyong sagot
Sagot:

B. Panahon ng mga Hapones


a. Bakit sa panahong ito ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng buhay?
Sagot: Sa pagnanais burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang
paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Maging ang paggamit
ng lahat ng mga aklat at peryodiko tungkol sa Amerika ay ipinagbawal din. Ipinagamit nila ang
katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog, sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
Masasabing ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
b. Ordinansa Militar Blng. 13
Sagot: Sa panahong ito ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing
opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonggo).
c. Philippine Executive Commision
Sagot: Upang maitaguyod din ang patakarang militar ng mga Hapones pati na rin ang
propagandang pangkultura, itinatag ang tinatawag na Philippine Executive Commision na
pinamunuan ni Jorge Vargas. Nagpatupad ang komisyong ito ng mga pangkalahatang kautusan
buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces sa Pilipinas.
d. wikang Nihonggo
Sagot: Pagkaraan lamang ng ilang buwang pananakop ng mga Hapones ay binuksan muli ang
mga paaralang bayan sa lahat ng antas. Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat, ngunit binigyang-
diin ang paggamit ng Tagalog upang maalis na ang paggamit ng wikang Ingles. Ang gobyerno-
militar ay nagturo ng Nihonggo sa mga guro ng paaralang-bayan. Sinusuri ang kakayahan ng
guro sa wikang Nihonggo upang kapag sila ay naging bihasa na ay sila naman ang magtuturo.
Ang mga nagsipagtapos ay binibigyan ng katibayan upang maipakita ang kanilang kakayahan sa
wikang Nihonggo. Ang katibayan ay may tatlong uri: Junior, Intermediate, at Senior.
e. KALIBAPI
Sagot: Sa panahong ito ay isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong
Pilipinas. Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at
pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones ang mga layunin ng
kapisanang ito. Si Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito. Pangunahing proyekto ng
kapisanan ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan. Katulong nila sa
proyektong ito ang Surian ng Wikang Pambansa.
f. Jose Villa Panganiban
Sagot: Si Jose Villa Panganiban ay nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at ‘di Tagalog. Para sa
madaling ikatututo ng kanyang mga mag-aaral ay gumawa siya ng kanyang tinawag na “A
Shortcut to the National Language.” Iba’t ibang pormularyo ang kanyang ginawa upang lubos na
matutuhan ang wika.
g. Ano ang ginawa ng Hapones upang itaguyod ang Wikang Pambansa?
Sagot: Sa pagnanais ng mga Hapones na itaguyod ang Wikang Pambansa ay binuhay ang Surian
ng Wikang Pambansa noong panahong iyon at ipinagbawal ang paggamit ng lahat ng mga aklat
at peryodiko tungkol sa Amerika.
C. Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan
a. Batas Komonwelt Bilang 570
Sagot: Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula noong Hulyo 4,
1946. Pinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang 570.
b. Agosto 13, 1959
Sagot: Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog, ito
ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose B. Romero,
ang dating kalihim ng Edukasyon. Nilagdaan naman ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na
simulan sa taong-aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipalimbag
na sa wikang Pilipino. Noong 1963, ipinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong
Pilipino. Ito ay batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg 60 s. 1963 na nilagdaan ni Pangulong
Diosdado Macapagal.
c. Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968)
Sagot: Nang umupo naman si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, iniutos niya, sa
bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 s. 1967, na ang lahat ng edipisyo, gusali, at
tanggapan ay pangalanan sa Pilipino. Nilagdaan din ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas
ang Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) na nag-uutos na ang mga ulong-liham ng mga
tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino.
d. Hunyo 19, 1974
Sagot: Noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni
Kalihim Juan L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga
panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal.
e. termino ni Pangulong Corazon Aquino
Sagot: Nang umupo si Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng
bagong batas ang Constitutional Commission. Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga
kailangang gawin upang maitaguyod ang wikang Filipino. Sinasabing sa termino ni Pangulong
Aquino isinulong ang paggamit ng wikang Filipino.
f. SEK. 6
Sagot: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
g. Executive Order no. 210 (Mayo, 2003)
Sagot: Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglabas siya ng
Executive Order No. 210 noong Mayo, 2003 na nag-aatas ng pagbabalik sa isang monolingguwal
na wikang panturo--- ang Ingles, sa halip na ang Filipino.
h. Alin sa mga atas o kautusang tinalakay ang totoong nagpapakita ng pagtataguyod sa wikang
Filipino?
Sagot: Tagapagpaganap Blg. 187, sapagkat ito ay nag-uustos sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa
Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan naman ay sa lahat ng opisyal na komunikasyon at
transaksiyon.

You might also like