Ang Tributo and Tawag Sa Pangkalahatang Buwis Na Ipinataw NG Mga Español Sa Mga Pilipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang tributo and tawag sa pangkalahatang buwis na ipinataw ng mga español sa mga Pilipino.

Ang
paniningil nito ay nagsimula pa noong panahon ng sistemang encomienda. Ang lahat ng Pilipinong lalaki
na mula 19 hanggang 60 taong gulang ay may obligasyong magbayad ng 8 reales ng buwis sa bawat
taon. At noong 1589, tumaas ito ng 12 na reales. Ang katumbas ng isang real noon ay 121/2 sentimos.
Noong 1884 tinanggal ito ng tributo at pinalitan ng cedula personal. And cedula personal ay hindi
nakabatay sa idad kundi sa laki ng kinikita.

Sa katunayan,magkakaiba ang paraan at halaga ng pagbabayad nd buwis sa bawat pueblo at


encomienda. Halimbawa nalang sa Agonoc, Camarines ang katumbas ng 8 reales ay ito ay ganta ng palay
para sa halagang 4 reales, 1 manok sa 1 real, at 3 reales na dapat bayaran ng barya na kung saan 2 reales
dito ay maaaring mapupunta sa prayle. Samantala, sa Lobo at Galban sa Balayan, Batangas, ang
pagbabayadng 8 reales na tributo ay sa pamamagitan ng 60 ganta ng palay para sa halagang 4 reales, 1
manok sa 1 real, at 3 reales na barya kung saan ang 2 reales dito ay mapupunta sa prayle. Magamat
maliban sa tributo, marami pang iba't ibang buwis na ipinataw ang mga español sa mga Pilipino at ang
mga ito ay ang Sanctorum o buwis sa simbahan, Caja De Communidad na buwis naman para sa biglaang
pangangailangan ng komunidad, at Diezmos Prediales o buwis para sa mga sakang lupain.

Sa kabila ng iba't ibang uri ng buwis na sinisingil kinukulang parin ang koleksiyon sa gastusin ng
pamahalaan dahil sa katiwalian. Bunga naman nito, ang Pilipinas ay dalagiang umaasa sa tulong na
naggagaling sa Mexico na tinatawag na Real Situado

You might also like