Pahayag Tungkol Sa Pangangalaga Sa Mga Katutubong Wika
Pahayag Tungkol Sa Pangangalaga Sa Mga Katutubong Wika
Pahayag Tungkol Sa Pangangalaga Sa Mga Katutubong Wika
Una, ang Filipino bilang Wikang Pambansa ay tulay para maging wikang panlahat ng
mahigit sandaang wika sa buong kapuluan.
Ikatlo, kailangang gumawa ng mga hakbang upang sa isang banda ay igalang at mahalin
ang bawat katutubong wika at sa kabilang banda, panatilihin itong buháy at ginagámit ng
mga nagsasalita nitó.
Sa ilalim ng ikalawang uri, inumpisahan noong 2015 ang Timpalak Uswag Darepdep.
Layunin nitó na ganyakin ang mga estudyante sa paaralang sekundarya na sumulat ng
tula at maikling katha gámit ang kanilang katutubong wika. Sa kasalukuyan, naghahanda
ang KWF ng isang workshop sa pagsulat para sa mga naturang estudyante. Sa taóng ito,
binuksan ng KWF ang iKabataan Ambasador sa Wika (iKAW) para pakilusin ang
kabataan tungo sa aktibong pangangalaga at promosyon ng kanilang mga katutubong
wika. Ang Bantayog-Wika, isang proyekto para bigyan ng monumento ang mga wikang
katutubo, ay isang paraan para itanim sa puso ng madla ang pagmamahal sa kanilang
inang wika. Sa kasalukuyan, may Bantayog-Wika na para sa Kinaray-a, Mandaya,
Kalingga, Pangasinan, Bikol Sorsogon, Mga Wika ng Mangyan, Tuwali, Ivatan, Tagalog
Batangas, Ayta Magbukun, Binukid, Surigawnon, Ibaloy, Blaan, at Tiboli, at may
nakatakdang lima pa para itayo sa taóng ito.
Sa ikatlong uri, bahagi ng Aklat ng Bayan ang pagsasalin ng mga natatanging akdang
pampanitikan ng mga wikang katutubo at paglalathala ng mga ito sa edisyong
bilingguwal (sa orihinal na wika at sa Filipino) upang mapalaganap ang pagpapahalaga sa
hiyas ng mga panitikang katutubo. Sa ngayon, nakapaglathala na ng mga aklat sa wikang
Bikol, Ilokano, Kapampangan, Sebwano, Mëranaw, Waray, Kinaray-a, Hiligaynon.
Ipinasasalin din ngayon ang mga epikong-bayan na tulad ng Lam-ang, Ullalim, Agyu, at
Darangën.
Noong 2017, sinimulang asikasuhin ng KWF ang problema ng mga nanganganib na
wika. Pinagtuonan ng pansin ang ilang pangkating Negrito at mula dito ay binuo ang
espesyal na proyekto na Bahay-Wika, isang paraan ng interbensiyon para mapasigla ang
wikang nanganganib nang maglaho. Nitóng nakaraang taon ay nagdaos ng isang
internasyonal na kumperensiya upang talakayin ang mga aspekto ng pangangalaga sa
mga nanganganib na wika at nag-anyaya ng mga eksperto mula Australia, Canada,
United States of America, Thailand, Hawaii, Russia, Ecuador, at United Kingdom.
Nagdaos din ng isang seminar-workshop hinggil sa digital language archiving sa tulong
ng mga eksperto mula sa SOAS University of London.
Hindi magaganap ang tagumpay sa lahat ng naturang proyekto kung nag-iisa ang KWF.
Dahil dito, kasalukuyang binubuo ang isang pambansang adyenda sa pagsagip sa mga
nanganganib na wika at hinihikayat ng KWF ang lubusang pakikiisa sa proyektong ito ng
mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng DepEd, DILG, NCIP, NCCA, NEDA, at DSWD.
Ang lahat ng mga nabanggit na programa at proyekto ay mga katibayan kung paanong
itinataguyod na ng KWF ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang
Filipino.” Nais nating mahalin at alagaan ang ating mga katutubong wika dahil mga
pamana ito ng lahi na kailangan para sa pagkatha ng isang bansang Filipino.