Author2nd Grading

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ildefonso Santos

Si Ildefonso Santos ay isinilang sa bayan ng Malabon sa nayon ng


Baritan noong ika-23 ng Enero 1897 Kaisa-isang anak siya nina Andres
Santos at Atanacia Santiago.

Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang


si Leonardo Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahingAng
Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula
ng pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin
kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula.
Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.

Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog


noong panahon ng Amerikano. Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang
mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya. Isa raw siya sa mahusay at
maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang kanyang mga
tula ay simple at karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan
sa kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang
Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin
siyang naisulat tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init.
Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. and Pambansang Alagad ng
Sining ng Pilipinas para sa Arkitektura noong taong 2000.

Aurelio Tolentino

Si Aurelio Tolentino (13 Oktubre 1867 – 5 Hulyo 1915)


ay mandudula, nobelista, at orador sa wikang Espanyol, Tagalog,
at Pampango, bukod sa pagiging katipunero. Si Tolentino ang nagtatag
ng Filipinas, at El Parnaso Filipino.

Kasamang ni Tolentino si Andres Bonifacio sa paghahanap ng


kanilang mga lihim na kuta sa kabundukan ng Montalban at San Mateo,
Rizal. Napili nila ang Kuweba Pamitinan na maging himpilan, hanggang
matuklasan ito ng mga Espanyol noong 12 Abril 1895.

Nadakip at ikinulong si Tolentino ng mga Espanyol, noong magsimula ang


himagsikan sa Filipinas. At nang dumating ang mga Amerikano, bumuo
siya ng samahan ng mga dating katipunero, na ang pangunahing layunin
ay patalsikin ang mga Amerikano. Tinawag niya ang samahan na Junta de
Amigos.

Pagkatapos ng digmaan, ibinaling ni Tolentino ang pansin sa


pagsulat ng literatura, at lumikha ng mga dakilang akda, gaya
ng Kahapon, Ngayon at Bukas (1902); Bagong
Cristo (1907); Maring (1908); Buhay (1909); Buhok ni Ester (1914).

Si Lualhati Torres Bautista ay isa sa pinakabantog na babaeng


nobelista sa kasaysayan ng kontemporaryong panitikan ng Pilipinas.
Kabilang sa mga nobela niya ang Dekada '70, Bata, Bata, Pa'no Ka
Ginawa?, at Gapô.

Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista


ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan
ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat
niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang kuwentong naisatitik
ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at pamumuhay ng mga
mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal
na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas,
maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga
ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City
Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex Object (1985). Para sa
pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Metro
Manila Film Festival (best story-best screenplay), Film Academy
Awards (best story-best screenplay), Star Awards (finalist para sa best
screenplay), FAMAS (finalist para sa best screenplay), at mga
gantimapalang URIAN. Sumulat rin si Bautista ng mga dramang pang-
telebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang Kabanata sa Libro
ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng
pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula
sa Catholic Mass Media Awards.

Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women’s


Writings (Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong
Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa
Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika.

Efren Abueg

Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista,


mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga
aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga
kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ngMga
Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965,
1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970)
at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).
Humakot ng parangal si Abueg sa gaya ng Don Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974);
Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alaalang Gawad
Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang
Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas
(UMPIL); Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).
Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa
pagtuturo ng wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University (1965–
1972), Philippine College of Commerce (1971–1972), Pamantasan ng
Lungsod ng Maynila (1974–1977), Ateneo de Manila University (1977–
1978), at De La Salle University (1979–2006). Naging pangulo siya
ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986–1988;
Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine
Folklore Society.
Si Efren R. Abueg ay premyadong kuwentista (Palanca Memorial
Awards for Literature) at nobelista (Gantimpalang Liwayway). Nahirang
siyang National Fellow for Fiction para sa 1998-1999 ng LIKHAAN: U.P.
Creative Writing Center. Propesor ngayon sa De La Salle University, siya'y
masigasig na lektyurer sa wika at panitikan.

Buenaventura S. Medina Jr.

Si Buenaventura S. Medina Jr. ay isang Pilipinong manunulat na


naka likha ng mahigit dalawampu't-limang libro - karamihan ay mga
nobela at mga librong mapa-kritiko.

Bukod sa mga nailimbag na libro, na kasama


ang: Pintig (1969), Gantimpala (1972), Confrontations, Past and Present in
Philippine Literature (1974), The Primal Passion, Tagalog Literature in the
Nineteenth (1976), Francisco Baltazar's Orosman at Zafira (1991),
at Moog and Alaga (1993), si Medina ay pinarangalan din sa kanyang mga
sanaysay at mga maiikling kuwento. Bukod dito, siya din ay naging editor
sa mga magasin tulad ng Free Press.

Bagaman nakamit niya ang BA at MA in English (Far Eastern


University) at ang Ph. D. in South East Asian Sudies (Centro Escolar
University) mula sa Philippine University ang kanyang mga gawa ay hindi
lang limitado sa Pilipinas. Siya ay nag-presenta ng iba't ibang sulat/papel
sa mga international conference sa Japan at Thailand.

Bukod sa pagkaka-talaga sa Don Carlos Palanca Memorial Awards


Hall of Fame nuong 1996, siya ay pinarangalan ng South East Asia Writer
Award nuong 1994 (SEA WRITE) at Gawad Pambansang Alagad ni
Balagtas Award para sa Literary Criticism.

Siya ay isinilang nuong Disyembre 1, 1928. Siya ay nanatili bilang


propesor sa Far Eastern University, Ateneo de Manila Universiy, at sa De
La Salle University.

You might also like