Teacher's Copy - Filipino

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)

FILIPINO
Kindergarten Panimula

Pangalan ng Mag-aaral ______________________________________


Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsagawa: _________________
Pagganyak: Ano kaya ang nangyari kay Lisa? Alamin natin.

Si Ana at si Lisa

Papasok sa paaralan sina Ana at Lisa nang biglang madapa si

Bilang ng mga Salita: 25

Mga Tanong:

LITERAL
1. Sino-sino ang dalawang batang nabanggit sa kuwento?
Sagot: Ang dalawang magkaibigan na nabanggit sa kuwento ay sina Ana at
Lisa.

2. Ano ang nangyari kay Lisa?


Sagot: Si Lisa ay nadapa.

HINUHA
3. Ano ang mangyayari kapag hindi tayo mag-iingat sa paglalakad?
Sagot: Kapag hindi tayo mag-iingat sa paglalakad maaari tayong matisod o
matalisod.

SANHI AT BUNGA
4. Bakit dapat tayong magpasalamat sa taong tumulong sa atin?
Sagot: Dapat tayong magpasalamat para hindi magsawang gumawa nang
mabuti ang ating kapwa.

PAGPAPASYA
5. Kung ikaw si Ana, tutulungan mo rin ba Lisa?
Sagot: Opo. Sapagkat ang pagtulong sa kapwa ay gawaing mabuti.
Tanggapin ang mga kasagutan ng bata na may kaugnayan sa nabasang
teksto.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 1 Panimula
Pangalan ng Mag-aaral _______________________________________
Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsagawa: ______________
Pagganyak: Tumutulong ka ba sa mga gawaing bahay? Bakit kailangang nating
sundin ang utos ng ating mga magulang?

Si Nida

Si Nida ay masunuring bata. Lagi siyang tumutulong sa mga gawaing


\ bahay. Natutuwa sa kanya ang kanyang mga magulang. Siya ay mabait at
palakaibigan tulad ng kanyang ate at kuya. Hinahangaan siya sa kanilang
pamayanan dahil sa kanyang mga katangian.

Bilang ng mga salita: 40

Mga Tanong:

LITERAL
1. Sino ang batang hinahangaan sa kanilang pamayanan?
Sagot: Nida

SANHI AT BUNGA
2. Bakit natutuwa kay Nida ang kanyang mga magulang?
Sagot: Dahil siya ay tumutulong sa mga gawaing bahay.

HINUHA
3. Bakit hinahangaan si Nida sa kanilang pamayanan?
Sagot: Dahil sa kanyang mga katangian.

TALASALITAAN
4. Ano ang kasalungat ng salitang tamad?
Sagot: Masipag

PAGPAPASYA
5. Dapat bang tularan si Nida? Bakit?
Sagot: Opo. Dahil siya ay masipag, masunurin at mabait na bata.
Tanggapin ang iba pang maaaring mga sagot.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 2 Panimula
Pangalan ng Mag-aaral ______________________________________
Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsagawa: _______________
Pagganyak na tanong: Ano ang iyong ginagawa pagkagising sa umaga?

Umaga na Pala!

Nagdasal muna siya at nagligpit ng higaan. Dali-dali niyang kinatok si

Papasok na sila sa eskwelahan. Pupunta sa trabaho ang kanilang

Bilang ng mga salita: 60


Mga tanong:

LITERAL
1. Anong tunog ang gumising kay Eman?
Sagot: Kring! Kring! o Tunog ng orasan

SANHI AT BUNGA
2. Bakit niya kinatok si Emma?
Sagot: Upang hindi sila mahuli sa klase
Tanggapin ang mga iba pang posibleng sagot

HINAHUHA
3. Bakit kaya nagdasal muna si Eman bago nagligpit ng higaan?
Sagot: Dahil siya ay may takot at pagmamahal sa Diyos.
Upang magpasalamat sa bagong umaga.
Tanggapin ang mga iba pang posibleng sagot

PAGPAPAKAHULUGAN SA TEKSTO
4. Aling salita sa iyong binasa ang nagpapakita na mahal ng magulang ang
kanilang mga anak?
Sagot: Pinagbilinan/Paghahatid

PAGPAPASYA
5. Kung ikaw si Eman o si Emma susundin mo rin ba ang mga bilin ng iyong mga
magulang? Bakit?
Sagot:
➢ 0po, upang matuwa sa akin ang aking mga magulang.
➢ Opo, upang hindi magalit sa akin ang aking mga magulang.
Tanggapin ang iba pang maaaring sagot
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 3 Panimula
Pangalan ng Mag-aaral _____________________________________
Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsasagawa: ____________
Pagganyak: Alam mo ba kung paano inaalagaan ng ibon ang kanyang inakay?

Ang Ulirang Ina

Isang pugad ang makikita sa sanga ng punong-kahoy.


Gawa sa tuyong dahon at tangkay.
Matiyagang binuo ng isang inahing ibong mapagmahal at dakila.
Lumipad ang ibon papalayo sa kanyang pugad.
Lahat ng lugar ay kanyang ginalugad.
-lipad.
Nag-aantabay ng pagkaing hinahangad.
Isang bulate ang kanyang namataan.

Sa inakay agad dinala at ipinakain.

Bilang ng mga salita: 81

Mga tanong:

LITERAL
1. Ano ang makikita sa isang sanga ng punong-kahoy?
Sagot: Isang pugad

2. Ano angkatangian ng Inahing Ibon?


Sagot: uliran ,matyaga, mapagmahal, dakila

SANHI AT BUNGA
3. Bakit lumipad papalayo ang Inahing ibon sa kanyang pugad?
Sagot: Upang maghanap ng pagkain para sa kanyang inakay

PAGPAKAHULUGAN SA TEKSTO
4. Anong salita ang naglalarawan sa ginawang paghahanap ng inahing ibon ng
pagkain sa malawak na taniman?
Sagot: ginalugad

PAGHUHUSGA
5. Kung ikaw ang inakay, ano ang iyong mararamdaman sa ipinakitang
pagmamahal ng inahing ibon?
Maaring mga sagot:
➢ Masaya
➢ May pagmamalaki
➢ Maging mapagmahal
Maaaring tanggapin ang ibang sagot.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 4 Panimula
Pangalan ng Mag-aaral _____________________________________
Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsasagawa: ____________
Pagganyak: Alam mo ba ang isa sa mga pagdiriwang ng Bayan ng Taytay?
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Pasinggatan: Salamin ng Bayanihan ng mga Taytayano


Isa sa mga pinagyayamang kultura ng mga mamamayan ng Bayan
ng Taytay ay -25 ng
Marso hanggang ika-4 ng Mayo.
Kapansin-pansin ang pagsasamahan at pagtutulungan ng mga
Taytayano para sa paghahanda ng nasabing pagdiriwang.
Makulay ang paligid. May hanay ng mga tindahan na tinatawag na

sa masasaksihan ang karera ng mga bangka at mga palabas mula sa

sa binuong mga tribu at ang inaabangang kompetisyon para sa mutya ng


bayan. Higit sa lahat, hindi kinaliligtaan ang pagdaos ng misa bilang
pasasalamat.

Bilang ng salita: 118


Mga Tanong

LITERAL
1. Ano ang isa sa mga pinagyayamang kultura ng mga mamamayan ng Bayan
ng Taytay?
Sagot:

2. Tuwing kailan ito ipinagdiriwang?


Sagot: tuwing ika-25 ng Marso hangang ika -4 ng Mayo o marso hanggang
Mayo

SANHI AT BUNGA
3. Bakit pinagyayaman ng mga Taytayano ang pagdiriwang ng Pasinggatan?
Maaring mga Sagot:
➢ Dahil dito nagkakaisa ang mga Taytayano
➢ Para dayuhin pa ang Pasinggatan
➢ Para maipakita ang kagalingan ng mga Taytayano

HINUHA
4. Ano ang nakikita mong kabutihang bunga ng pagdiriwang ng Pasinggatan?
➢ Nagiging matagumpay sila sa kanilang gawain
➢ Sila ay nagkakaintindihan
➢ Sa pamamagitan ng pagsasama-sama na walang gulo
➢ Nagsasama-sama ang lahat
➢ Inaayos nila ang kanilang mga gawain

TALASALITAAN
5. Anong salita ang katumbas ng pagtutulungan ng Taytayano?
Sagot: Bayanihan
PAGPAPASYA
6. Ano sa palagay mo ang gustong ipahayag ng teksto?
Sagot: Upang ako ay matutong makiisa
Iba pang sagot: Upang mahalin ko ang aking kapwa at ang aking bayan.
Tanggapin ang kahalintulad na sagot.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 5 Panimula
Pangalan ng Mag-aaral _____________________________________
Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsasagawa: ____________
Pagganyak: Ano kaya ang pangarap ni Fredo? Alamin natin.

Ang Pangarap ni Fredo

Si Fredo ay panganay sa pitong anak ng mag-asawang Mang


Tonyo at Aling Selfa. Sa murang edad, pangarap na niyang maging isang
abogado.

-iibayuhin ko ang pag-aaral at magiging matagumpay ako


balang-

Bago pumasok sa eskwela, tumutulong muna siya sa pagbibilad ng


isda. Kapag umuwi na siya, agad niyang tinutungo ang maliit na kamalig
upang tumulong sa paghuhugas ng mga isdang huli ng ama na ibibilad
naman kinabukasan. Pagkatapos ng gawain, saka lamang siya nag-aaral
ng leksiyon.

Tuwing Sabado naman, sumasama siya sa ama para maglaot. Hindi


niya iniinda ang pagod at tindi ng sikat ng araw para makatulong sa
magulang.

Maraming taon na rin ang lumipas mula nang huli kong makita si
Fredo. Ayon sa kanyang kapatid, lumuwas siya sa lungsod upang mag-aral
ng abogasya.

Dahil sa sipag at tiyaga, ang batang Fredo ay kilala na ngayong

Bilang ng mga salita: 152

Mga Tanong:

LITERAL
1. Sino ang nangarap maging abogado?
Sagot: Si Fredo

2. Sinu-sino ang mga magulang niya?


Sagot: Sina Mang Tonyo at Aling Selfa

SANHI AT BUNGA
3. Gabi na bago pa nakakapag-aral ng leksiyon si Fredo dahil?
Maaring sagot:
➢ tinatapos muna niya ang mga gawain.
➢ tumutulong pa siya sa pagdadaing at paghuhugas ng mga isda.

4. Bakit kailangang pag-ibayuhin ni Fredo ang kanyang pag-aaral?


➢ Kailangang pag-ibayuhin ni Fredo ang kanyang pag-aaral upang
maging matagumpay balang-araw.
➢ Tanggapin ang iba pang kahalitulad na sagot

HINUHA
5. Ano kaya ang naging puhunan ni Fredo sa kanyang tagumpay?
Suriin ang sagot kung tama.

TALASALITAAN
6. Anong salita sa talata ang kasingkahulugan ng pagbubutihin?
Sagot: Pag-iibayuhin

7. Anong salita sa talata ang tumutukoy sa maliit na kubong imbakan ng


produkto?
Sagot: Kamalig

PAGPAPAKAHULUGAN SA TEKSTO
8. Bakit kailangang sa lungsod ipagpatuloy ni Fredo ang kanyang pag-aaral?
Sagot: Dahil sa lungsod lamang matatagpuan ang mga paaralan o
unibersidad para sa nais mag-aral ng pagka-abogado.

PAGPAPASYA
9. Alin sa mga katangian ni Fredo ang nais mong tularan? Bakit?
Sagot: Tanggapin ang kahalintulad na sagot ng mga bata.

10. Ano ang pinapangarap mong propesyon balang araw? Paano mo ito
makakamit?
Sagot: Tanggapin ang magkakaibang sagot ng mga bata.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 6 Panimula
Pangalan ng Mag-aaral _____________________________________
Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsasagawa: ____________
Pagganyak: Narating mo na ba ang mga pinagmamalaking tanawin sa isla ng
Palawan?

Palawan, Pinakamagandang Isla sa Mundo

Muli na namang tinanghal na pinakamagandang isla sa mundo ng


isang sikat na babasahin ang Palawan. Halos tatlong taon na ang nasabing
pagkilala na mas lalong nagpatingkad at nagpa-angat ng ekonomiya ng
lalawigan.

Luntiang kapaligiran, maaliwalas na simoy ng hangin, masasarap na


pagkain at mga taong palakaibigan ilan lamang sa mga magagandang
katangian ng isla kung bakit ito ay binabalik-balikan.

Nakabibighani sa mga turista ay ang mapuputing buhanging


dinadampian ng mabining alon. Ilan lamang sa mga sikat na lugar na
nagkakanlong ng magagandang dalampasigan ay ang isla ng El Nido,
Coron, Honda Bay, at ang kabilang sa Seven Wonders of Nature, ang
Underground River.

ng daigdig ang Amanpulo sa Cuyo.

Bigla kong naisip na napakayaman at napakaganda ng aking


lupang sinilangan. Lupang hindi ko man lang napuntahan kahit sa isang
y dayuhan sa sarili kong bayan.

Salamat na lamang sa papuri at kwentong tumatak sa aking isipan


na sa kabila ng hindi ako nabiyayaan ng paningin ay para ko na ring
napuntahan.

Grade: VI
Bilang ng mga Salita: 182

Mga Tanong:

LITERAL:
1. Anong isla ang itinanghal na Pinakamagandang sa buong mundo?
Sagot: Palawan

2. Ilang taon nang nakamit ng lalawigan ang naturang parangal?


Sagot: tatlo

SANHI AT BUNGA
3. Bakit binabalik-balikan ng mga turista ang isla ng Palawan?
Sagot:
➢ Dahil sa luntiang kapaligiran
➢ Dahil sa maaliwalas na simoy ng hangin
➢ Dahil sa masasarap na pagkain
➢ Dahil sa mga taong palakaibigan.

4. Paano kaya niya nalaman ang tungkol sa karangalang muling nakamit ng


Palawan?
Sagot:
➢ Narinig sa radio/telebisyon.
➢ Naikwento ng kaklase.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

HINUHA
5. Bakit hindi nasilayan ng nagkukuwento ang kagandahan ng isla?
Sagot:
➢ Dahil siya ay bulag.
➢ Dahil siya ay hindi nabiyayaan ng paningin.

6. Sa iyong palagay, ano kaya ang naramdaman niya nang marinig niya ang
balita?
Sagot:
➢ Pagmamalaki o Proud
➢ Panghihinayang na hindi niya nakita ang ganda ng isla.
(Tanggapin ang iba pang maaaring tamang sagot.)

TALASALITAAN
7. Anong mga salita sa kwento ang nagpapahiwatig na ang nagkukuwento ay
isang bulag?
Sagot: Hindi nabiyayaan ng paningin

8. Anong salita sa ikalawang talata ang tumutukoy sa banayad na alon?


Sagot: mabini

PAGPAPAKAHULUGAN SA TEKSTO
9. Bakit niya nasabi na siya ay naging dayuhan sa sariling bayan?
Sagot:
➢ Dahil hindi niya pa ito nararating.
➢ Dahil sa kaniyang kalagayan.

PAGTATAYA
10. Ano ang aral na mapupulot sa kwento?
Sagot:
➢ Huwag maging dayuhan sa sariling bayan.
➢ Maging proud!
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 7 Panimula
Pangalan ng Mag-aaral _____________________________________
Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsasagawa: ____________

Pagganyak: Paano ka magtatagumpay sa buhay? Basahin ang teksto.

Ang Marunong sa Buhay

Noong unang panahon, may isang bayan na ang mga


mamamayang naninirahan ay payak at tahimik. Pagsasaka ang kanilang
pangunahing ikinabubuhay. Dito naninirahan si Mang Juan.

Dumating sa bayang ito ang mga dayuhan tulad ng mga Bisaya,


Ilonggo, Waray at iba pa.

Isang araw, napasyal sa bayang ito si Derick, isang bisayang


negosyante Humanga siya sa kasimplehan ng buhay ng mga naninirahan
dito ganundin sa magagandang tanawin tulad ng mapuputing buhangin at
mayamang kalikasan.

Agad na nakilala si Derick dahil sa kanyang pagiging bukas-palad


sa mga mahihirap. Nakuha agad niya ang loob ng mga naninirahan dito.

Isang araw nagpatawag siya ng isang pagtitipon. Inanyayahan niya


ang mga nagmamay-ari ng malalawak na lupain. Ipinaalam nitong nais
niyang bumili ng lupa. Nahikayat ang mga tao na ipagbili ang lupang
kanilang sinasaka kapalit ng malaking halaga maliban kay Mang Juan.

Naging masipag at masinop si Mang Juan sa paglilinang ng


kanyang lupang sinasaka. Hindi naglaon ay halos nabili na niya ang
lupang sinasaka ng kanyang mga kanayon samantalang ang mga ito ay
walang habas sa paggasta.

Lumipas ang mga taon, unti-unting naubos ang perang


pinagbentahan ng lupa ng kanyang mga kababayan. Bumalik sila sa
pagsasaka sa lupang pag-aari na ni Mang Juan.

Si Mang Juan na dating simple ay naging mariwasa ang


pamumuhay.
Bilang ng mga salita: 209
Mga Tanong

LITERAL
1. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing
bayan?
Sagot: Pagsasaka

2. Sino-sino ang mga nandayuhan sa bayan ni Mang Juan?


Sagot: Bisaya, Waray at Ilonggo
3. Sino ang mayamang negosyante na namili ng mga lupa?
Sagot: Si Derick

SANHI AT BUNGA
4. Ano ang dahilan at agarang ipinagbili ng mga kababayan ni Mang Juan ang
kanilang lupain?
Sagot: Mataas na halaga

5. Bakit bumalik sa pagsasaka ang mga kababayan ni Mang Juan?


Sagot: Naubos na ang kanilang pera

HINUHA
6. Sa iyong palagay, bakit umunlad ang buhay ni Mang Juan?
Sagot: Siya ay naging masipag at masinop.

TALASALITAAN
7. Anong salita sa teksto ang nangangahulugan ng naglaon?
Sagot: nagtagal

8. Anong salita sa teksto ang nangangahulugan ng bukas-palad?


Sagot: matulungin

PAGPAKAHULUGAN SA TEKSTO
9. Bakit hindi ipinagbili ni Mang Juan ang kanyang lupain?
Sagot: Gusto niya itong pagyamanin

PAGTATAYA
10. Ano ang maaaring mangyari kung hindi magiging masinop ang isang tao sa
paggasta?
Sagot: Maaaring maghirap

11. Ano ang mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa?


Sagot: Maging masipag at masinop.

12. Paano mo pauunlarin ang iyong sarili? Magbigay ng mga halimbawa.


(Iba-iba ang maaaring maging sagot)
Paalala: Ang sagot sa mga tanong ay mga posibleng sagot lamang.
Tanggapin ang ibang sagot na may kaugnayan sa tanong.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 8 Panimula
Pangalan ng Mag-aaral _____________________________________
Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsasagawa: ____________

Pagganyak: Si Charry ay may lola, alamin nga natin kung sino siya at ano ang
kanyang papel sa buhay ni Charry.

Minsan May Isang Lola

Sa isang bayang sakop ng Palawan, naninirahan ang isang labing limang


taong si Rosario na ngayon ay Charry kasama ng kanyang lolang si Maria.

Maituturing mang uhaw sa pagmamahal at kalinga ng kanyang magulang ay


lumaking magalang at masunurin si Charry sa kanyang lola. Ang kanyang
lola nag-iisang taong malapit sa kanyang puso mula nang maghiwalay ang
kaniyang mga magulang at abandonahin siya ng kanyang inang may iba ng
pamilya sa Singapore.

Hindi nagkulang si Lola Maria sa kanyang apo sa pagtuturo ng


kagandahang-asal. Nais niyang lumaki si Charry tulad niya na pinalaki sa
sinaunang paniniwala, tradisyon at kultura. Subalit kinse anyos pa lamang si
Charry kaya naman kahit anong higpit ni Lola Maria sa kanya ay nanaig pa
rin ang pagiging milenyal niya. Niyakap niya ang modernong panahon at
sinuway na niya ang kanyang lola na kalaunan ay hindi na niya
pinahahalagahan at binibigyang-pansin.

- a ng kanyang
kaklase sabay abot ng cellphone sa kanya. Kapitbahay niya ang tumawag.
Pagkalipas ng ilang minutong pakikipag-usap bigla siyang hinimatay.

Kaya nang mailibing si Lola Maria, isang malungkot na katotohanan


ang pumukaw sa diwang nakalimot ni Charry. Wala na ang isang taong
gumabay at nagmahal sa kanya nang totoo - ang kanyang Lola.
Ganunpaman ipinagpatuloy niya ang mabuhay taglay ang mga natutunan sa
mga nangyari sa kanyang buhay.

Bilang ng mga Salita: 234

Mga Tanong

LITERAL
1. Ilang taon na si Charry?
Sagot: 15

2. Ano ang kadalasang ginagawa ni Lola Maria ayon sa unang talata ng


kwento?
Sagot: Ang kadalasang ginagawa ni Lola Maria ay ngumunguya ng nganga
3. Ano ang iniwan ni Lola Maria na nagpabago sa buhay ng kanyang apo sa
wakas ng kwento?
Sagot: Ang iniwan ni Lola Maria ay isang liham

SANHI AT BUNGA
4. Bakit inabandona si Charry ng kanyang mga magulang?
Sagot: Dahil may iba ng pamilya ang kanyang ina

5. Ano ang impluwensya ng modernisasyon sa pagkatao ni Charry?


Sagot: Ang impluwensya ng modernisasyon sa pagkatao ni Charry ay
sinusuway na niya ang kanyang lola at hindi na niya ito pinahahalagahan.
Tanggapin ang iba pang kahalitulad na sagot.

HINUHA
6. Bakit maituturing na uhaw si Charry sa pagmamahal at kalinga ng kanyang
magulang?
Sagot: Maituturing na uhaw si Charry sa pagmamahal at kalinga ng kanyang
magulang dahil wala sa kanyang piling ang mga magulang.
(maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan kaugnay nito)

PAGPAKAHULUGAN SA TEKSTO
7. Ano ang mahihinuhang sinabi ng kausap ni Charry sa Cellphone dahilan kung
bakit nawalan siya ng malay?
Sagot: Mahihinuhang ang sinabi ng kausap ni Charry sa kanya ay patay na
ang kanyang lola.
(maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan kaugnay nito)

8. Ano ang maaaring dahilan ng pagkamatay ni Lola Maria?


Sagot: Bunga ng katandaan
(maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan kaugnay nito)

TALASALITAAN
9. Anong katawagan sa kwento ang nagpapakita na si Charry ay kabataan sa
modernong panahon?
Sagot: Milenyal

10. Anong salita sa teksto ang kasingkahulugan ng salitang gumising?


Sagot: Pumukaw

PAGTATAYA
11. Nararapat bang tularan ang pagtalikod ni Charry sa lumang paniniwala at
tradisyon? Bakit?
Maaring Sagot: Hindi dahil ang mga mabubuting paniniwala at tradisyon ay
magagamit natin upang mapabuti ang ating buhay.
(maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan kaugnay nito)

12. Nararapat bang isantabi na lamang ang paggalang sa mga nakatatanda


bunsod ng pagbabago ng panahon? Bakit?
Maaring sagot: Hindi dahil sila ang ugat ng kung bakit tayo nasa daigdig.
(maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan kaugnay nito)
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 9 Panimula
Pangalan ng Mag-aaral _____________________________________
Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsasagawa: ____________
Pagganyak: May pananagutan ba ang mga magulang sa pagkakamali ng kanilang
anak? Alamin natin.

Si Alexder

Ang presensya, pag-aaruga at pagmamahal ng magulang ang


mahalagang kasangkapan sa pagtahak ng magandang kinabukasan ng
kanilang anak. Ito ang magsisilbing gabay upang maitawid ng isang anak ang
kanyang katauhan sa masamang gawain na impluwensya ng lipunan.

May isang mag-aaral na nagngangalang Alexander ang nananabik sa


darating na pasukan. Siya ay papasok na sa ika-9 na baitang. Hindi
maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sapagkat magkikita-kita na
naman sila ng kanyang mga kaibigan. Si Alexander ay lumaki sa kanyang lola
sapagkat bata pa lamang siya ay nangibang bansa na ang kanyang mga
magulang upang magtrabaho at mabigyan ng magandang kinabukasan.
Uhaw si
nahahanap ito. Mahilig siya sa gimik at paglalaro ng basketball. Kapag
tumatawag ang kanyang mga magulang mula sa ibang bansa ay ibinabalita
niya ang masasayang karanasan sa paaralan at mga kaibigan. Kahit nasa
ibang bansa ang mga magulang ay hindi sila nagkukulang sa pagpapangaral
sa kanya at laging inuulit- -
kanilang kaalaman na napapadalas na ang pagliban sa klase ng kanilang
anak.

Lumipas ang maraming buwan at papalapit na ang kanilang ikaapat


na markahang pagsusulit at abala ang lahat niyang kaklase sa paggawa ng
proyekto ngunit bukod tanging si Alexander ang hindi alam ang gagawin.
Dahil sa maraming tala ng pagliban ay kinausap siya ng kanyang tagapayo at
tinanong kung ano ang dahilan kung bakit napapabayaan na niya ang
kanyang pag-aaral. Walang naging tugon si Alexander ngunit unti-unting

Bilang ng mga salita: 255

Mga tanong:

LITERAL
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
Sagot: Alexander

2. Ano ang kinahiligang laro ni Alexander?


Sagot: Basketball
3. Kanino lumaki si Alexander?
Sagot: Sa kanyang lola

SANHI AT BUNGA
4. Bakit nangibang bansa ang mga magulang ni Alexander?
Posibleng Sagot: Mabigyan siya ng magandang kinabukasan

5. Bakit sabik na sabik si Alexander pumasok sa darating na pasukan?


Sagot: Sapagkat makikita niyang muli ang kanyang mga kaibigan

HINUHA
6. Bakit madalas ang pagliban sa klase ni Alexander?
Posibleng Sagot: Marahil sa pagkahilig sa basketball o masamang
impluwensya ng barkada.

7. Ano ang dahilan kung bakit nakahiligan ni Alexander ang paggimik?


Posibleng Sagot: Dito siya nakakahanap ng kasiyahan na wala sa kanyang
pamilya.

TALASALITAAN
8. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang pag-aaruga?
Sagot: pagpapabaya

PAGPAKAHULUGAN SA TEKSTO
9. Sa iyong palagay, ano ang maaaring naging tugon ng tagapayo matapos
siyang magulat sa sagot ng mag-aaral?
Posibleng Sagot: Pinayuhan niya si Alexander na huwag panghinaan ang loob
at ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang makapagtapos.
Tanggapin ang iba pang posibleng mga sagot.

10. Ano ang maaaring nararamdaman ni Alexander habang siya ay umiiyak?


Posibleng Sagot: pagsisisi, panghihinayang, pagkatakot, pagkabigo at iba
pang sagot

PAGTATAYA
11. Kung ikaw ang manunulat ano ang wakas na maaari mong ibigay sa kwento?
Posibleng Sagot: Ipinagpatuloy ni Alexander ang kanyang pag-aaral, umiwas
sa barkada at naging responsableng ama at asawa at nakamit niya ang
kanyang pangarap kalaunan.

12. Anong aral ang nakuha mo sa kwento?


Posibleng Sagot: Isipin at pahalagahan ang pagsisikap ng mga magulang
upang ikaw ay makapag-aral.
Ituon ang isipan sa pag-aaral at ilayo ang sarili sa mga sagabal sa pag-abot
ng mga pangarap.
Huwag tularan ang gianw ani Alexander.
At iba pang posibleng mga sagot.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 10 Panimula
Pangalan ng Mag-aaral _____________________________________
Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsasagawa: ____________
Panuto: Ipabasa nang malakas sa mag-aaral ang teksto at itala ang mga kahinaan
ng mag-aaral sa pagbasa ng salita. Bigyan ng panahon ang mag-aaral na
mabasa nang tahimik bago ipasagot ang mga tanong hinggil sa teksto.

Pinag-isang Daigdig

Hindi naitago ni Amihan ang luha nang lumapit si Hakim. Sapagkat kasabay
ng pagdiriwang ng kanyang ikalabing walong kaarawan ay inihayag ng hari ang
simula ng pagsasanay sa pagiging reyna. Nais din nilang sila ang pipili ng
makakaisang dibdib ng anak. Ang kababata niyang si Hakim na pinuno ng hukbo
ang napipili nila para sa anak. Subalit kapatid ang turing ni Amihan kay Hakim.

Nasa hardin si Amihan at wiling-wili siya sa mga paruparo. Napadpad siya sa


lagusan. Bumabalik sa kanyang balintataw ang daigdig na laging ikinukwento ng
tagapag-alaga. Ang daigdig ng tao na nagdudulot sa kanya ng ligaya. Tila hinihigop
siya ng elementong nasa labas. Nakita niyang may sumakay sa dyip. Sumakay din

Natuklas

Namuhay si Amihan sa mundo ng mortal kasama si Karding. Mahirap


bagamat masaya sa piling ni Karding na nagsisikap na mabigyan ng magandang
buhay. Samantala, sinundan siya ni Hakim at pilit na pinababalik. Dumating si
Karding. Nagpambuno sila. Natuklasan niyang prinsesa si Amihan.

Nangibabaw pa rin ang pagmamahal. Lumipas ang panahon, nalaman niyang

siyang bumalik sa palasyo upang humingi ng tawad sapagkat ito ang nararapat.
Natuwa ang ama nang makita ang anak. Pinatawad din niya si Karding sapagkat
nasubaybayan niya ang kabutihan nito kay Amihan. Sumigla ang hari nang igawad
ang pagpapatawad. Pinayagan ng hari na bumalik sa labas ng palasyo ang mag-
asawa subalit hindi ang kanyang apong si Kawan sapagkat hinirang niya itong
bagong hari ng Kaharian ng mga immortal.

Bilang ng mga salita: 290


Mga Tanong:

LITERAL
1. Ilang taon si Amihan nang inihayag ng hari ang pagpapasimula ng kanyang
pagsasanay sa pagiging Reyna?
Sagot: Ikalabing walong kaarawan ni Amihan.

2. Sino ang nais ng hari na mapangasawa ng prinsesa?


Sagot: Si Hakim.

3. Sino ang kasama ni Amihan na namuhay sa mundo ng mga mortal.


Sagot: Karding
SANHI AT BUNGA
4. Bakit nagalit ang hari sa kanyang anak?
Sagot: Sinuway niya ang hari.

5. Nakita ng maysakit na hari ang kanyang anak.


Sagot: Gumaling at natuwa ang hari.

HINUHA
6. Bakit si Hakim ang nais ng hari na mapangasawa ni Amihan?
Maaring Sagot:
➢ Si Hakim ang nais na mapangasawa ng hari sapagkat si Hakim ay
katulad nilang immortal.
➢ Si Hakim ang nais na mapangasawa ng hari sapagkat matapang na
pinuno si Hakim.

7. Sa kabila ng pagiging prinsesa ni Amihan, bakit mas pinili niyang mamuhay sa


mundo ng mga tao?
Sagot: Pinili niyang mamuhay sa mundo ng mga tao dahil umibig siya sa
isang mortal.

8. Bakit kaya sa kabila ng galit ng ama ay nagawa pa rin niyang patawarin ang
anak at asawa nito?
Maaring Sagot:
➢ Nagawang patawarin ng ama ang anak sapagkat walang magulang
na nakatitiis ng anak.
➢ Nagawang patawarin ng ama ang anak dahil sa pagmamahal.

TALASALITAAN
9. Anong salita sa kwento ang nagpapahayag ng matinding galit?
Sagot: Poot

10.
sa katigasan ng ulo ng anak?
Sagot: pagsuway

PAGPAKAHULUGAN SA TEKSTO
11. Bakit nararapat humingi ng tawad ang isang anak?
Sagot: Kailangang humingi ng tawad upang maipadama ang paggalang at
pagmamahal sa magulang.

12. Bakit si Kawan ang napiling maging hari?


Maaring Sagot:
➢ Sapagkat apo niya ng hari si Kawan.
➢ Sapagkat nabibilang siya sa dugong maharlika ng mga immortal

PAGTATAYA
13. Kung ikaw si Amihan, ano ang gagawin mo sa ginawang paghihigpit ng iyong
magulang?
Sagot: Susundin ko po sila sapagkat ito ang tama at makabubuti sa akin.
Tanggapin ang iba pang sagot.

14. Anong katangian ni Amihan ang nais mong tularan? Bakit?


Maaring Sagot:
➢ Mapagmahal na anak, dahil hindi niya natiis ang kanyang ama noong
ito ay maysakit sa kabila ng kanilang hindi pagkakaunawaan.
➢ Marunong tumanggap ng pagkakamali sa pamamagitan ng paghingi
ng Tawad. Tanggapin ang iba pang sagot.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 11 Panimula
Pangalan ng Mag-aaral ____________________________________
Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsasagawa: ____________

Wika ng Puso sa Damdamin ng Pagkakaisa

Sinasabi na ang wika ay pagkakilanlan ng isang bansa. Masalimuot na


proseso ang pinagdaan ng wika hanggang sa ito ay nakilalang Filipino. Mahigit
dalawang dekada na ang nakalipas mula nang ang wikang Pilipino ay naging Filipino.
Marami pa rin ang nauutal kapag inilatag na ang dila sa pagsiwalat ng bawat titik.

Makikita sa Facebook at iba pang tabyalang pangkalawakan ang mga


larawan, bidyo at iba pang nagpapakita kung paano nila ipinagdiwang ang Buwan
ng Wika. Kabilang ang pagsusuot ng mga sinaunang Kasuotang Pilipino. Hanggang
sa pag-alala na lang ba tayo at pagbalik-tanaw ng kulturang Pilipino na bihira na
natin makita sa pang-araw-araw na gawi?

Sa pagsasaulo pa lamang ng pyesa na kung saan ang mga salitang ginamit


ay hindi karaniwan, halos aatras na ang bata na makilahok sa kanyang sasalihan.
Pagkatapos ng palabas, tapos na rin ang kwento ng pagdiriwang.

Ang mga damit na isinuot muling ibabalik sa lalagyan. Ang awit na ilang
linggo ring inaaral ay badoy na pakinggan. Ang tula na halos buong mag-aaral na
ang marunong bumigkas ay makaluma na at walang kabuluhan. Ang datos ukol kay
Manuel L. Quezon ay mabubura na ng talambuhay ng iilang pulitiko at artista. Sa
ganitong kalagayan, mapapaunlad ba natin ang wika sa pamamagitan ng pagsasa-
entablado ng mga kultura?

Kung wika lamang ang tulay upang magkakaunawaan at magkakaisa ang


bawat Pilipino, hindi sana nagtagumpay ang mga mang-aawit na Amerikano noong

ang nanguna sa naturang proyekto na mga Negro naman ang nagbenipisyo.


Magkakaka-ibang wika at kultura ngunit nagkaisa at nagtagumpay.

Samakatuwid hindi Wikang Filipino ang kailangan ng mga Pilipino upang


magkaisa kundi ang puso at damdamin na ang layunin ay magbuklod tungo sa
pagkakaisa. Ang wika ng puso ay mas madaling mababasa ng isipan ang nilalaman
kahit walang namumutawi mula sa ating lalamunan.

Bilang ng mga salita: 300

Mga Tanong

LITERAL
1. Ano ang papel ng isang wika sa bansa?
Sagot: Pagkakilanlan ng bansa

2. Ayon sa huling talata, ano ang kailangan ng mga Pilipino upang magkaisa?
Sagot: puso at damdamin na ang layunin ay magbuklod tungo sa pagkakaisa.
Kung hindi kumpleto ang sagot ngunit malapit na sa mungkahi maari itong
tanggapin.
SANHI AT BUNGA
3. Ano ang mangyayari matapos maipakita ang pagdiriwang ng wika sa
entablado?
Sagot: Tapos na rin ang kwento ng pagdiriwang

4. Bakit halos aatras na ang bata na makilahok sa tulang kanyang sasalihan?


Sagot: mga salitang ginamit ay hindi karaniwan

HINUHA
5. Paano inilarawan ang himig ng awit matapos ang pagdiriwang?
Sagot: baduy na pakinggan.

6. Ano ang nangyari sa datus ng talambuhay ni Manuel L. Quezon matapos ang


pagdiriwang?
Sagot: mabubura na ng talambuhay ng iilang pulitiko at artista

TALASALITAAN
7. Ilang taon ang dalawang dekada?
Sagot; dalawampung taon

8. Ano ang ibig sabihin ng tabyalang pangkalawakan?


Sagot: website o cyber space

PAGPAKAHULUGAN SA TEKSTO
9.

Sagot: dahil sa pagkakaisa o pagtutulungan.


Ang kahalintulad na sagot ay maaring tanggapin.

10. Ang wika ng puso ay mas madaling mababasa ng isipan ang nilalaman kahit
walang namumutawi mula sa ating lalamunan. Ano ang nais ipakahulugan?
Tanggapin ang malapit na sagot.

PAGTATAYA
11. Sa abot ng kaya mong gawin, ano ang iyong o magiging kontribusyon upang
mapalago ang wika?

12. Bakit kaya marami pa ring Pilipino ang nauutal magsalita gamit ang Wikang
Filipino?
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO
Grade 12 Panimula

Pangalan ng Mag-aaral _______________________________________


Seksyon: _____________ Petsa ng Pagsagawa: __________________

Panuto: Ipabasa nang malakas sa mag-aaral ang teksto at itala ng guro ang mga
kahinaan ng mag-aaral sa pagbasa ng salita. Bigyan ng ilang saglit ang
mag-aaral na mabasang muli nang tahimik bago ipasagot ng pasalita ang
mga tanong hinggil sa teksto (ang tanong ay hawak lamang ng guro).

#Babasahing Milenyal: Mabisa?

sa mga guro.
Mabisa kung mula rito ay napalalawak ang talasalitaan, naiintindihan ang mga
pangyayari sa paligid, nauunawaan ang malalim na dahilan ng bawat kaganapan sa
buhay ang mga kabiguan, kahirapan, pagsubok at pagbangon o tagumpay,
nakakukuha ng kaligayahan at nakahuhugot ng mga aral na magagamit upang

Ngunit ano ba ang paraan ng mabisang pagbasa? Paano makatutulong ang


makabagong teknolohiya na maging mabisa ang pagbasa ng mga kabataang lumaki
sa panahon ng tinatawag na milenyal ang mga kabataan sa modernong panahon?
Hindi maikakaila na sa pag-inog ng mundo at patuloy na pag-unlad ng teknolohiya
ay sumasabay rin ang pagdami ng mga kagamitang magagamit sa pagbasa.
Nariyan ang Wattpad at E-book na maaaring pagkunan ng kuwentong nakakikilig.
May Messenger at Twitter na naglalaman ng mga usapan at patama sa mga
hinahangaan minsan pati buhay ng iba ay pinag-uusapan. Hindi rin pahuhuli ang
Facebook na naglalaman ng mga status symbol, hugot lines, at memory ng bawat isa.
Mayroon ding email na ginagamit sa pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe
at dokumento mula sa malalayong pook. Ilan lamang ito sa mga bahagi ng
teknolohiyang kinagigiliwan ng masa na nasa makabagong henerasyon.

Sa kasalukuyan, maraming nawiwiling magbasa sa pamamagitan ng mga


nabanggit na social media lalo na ang mga milenyal. Ayon sa kanila, hindi mo na
kailangang pumunta pa sa mga silid-aklatan dahil maliban sa mahirap maghanap ng
mga aklat dito ay limitado pa ang mababasa. Sa internet kasi ay madaling makakita
at makabasa sa simpleng pagpindot lamang ng kompyuter o celfon kahit nasa bahay,
sasakyan, liwasan, restawrant at mall. Ngunit nakasisiguro ba tayo sa kalidad ng mga
nababasa sa mga internet at social networking site? Marahil ay hindi. Sapagkat hindi
tayo nakatitiyak kung nakaayon sa pamantayan ang mga makikita nating lathalain.
Makabubuting nakaayon sa tuntunin ng pagsulat- wastong baybay, ideya, tamang
gamit ng salita, tamang paggamit ng malaki at maliit na titik - ang lahat ng
babasahin upang makatiyak na ito ay istandardisadong lathalain na makatutulong sa
mga mambabasang maunawaan ang kahalagahan ng bawat bagay at pagsubok na
dumarating sa kanyang buhay. Kung mangyayari ito masasabing naging mabisa ang
pagbasa. Laging tandaan na anuman ang babasahin ay mahalagang kapulutan ito
ng aral at magsilbing inspirasyon sa magandang pagtingin ng buhay na kaloob sa
atin.
Bilang ng salita: 394
Mga Tanong

Literal
1. Anong aplikasyon sa internet ang ginagamit sa pagpapadala at pagtanggap
ng mensahe at dokumento?
Sagot: email

2. Kanino madalas marinig na gawing mabisa ang pagbasa?


Sagot: Ito ay madalas marinig sa guro.

3. Magbanggit ng dalawang teknolohiya na maaring mapagkunan ng


babasahin?
4.
Sagot:
Wattpad, E-book, Messenger, Twitter, Facebook, email

SANHI AT BUNGA
5. Bakit bihira nang pumunta sa mga silid-aklatan ang mga kabataan?
Sagot: Dahil mahirap maghanap dito ng aklat at limitado ang mababasa.

6. Bakit hindi sigurado ang kalidad ng mga nababasa sa internet at social


networking site?
Sagot: Sapagkat hindi tiyak kung nakasusunod ito sa pamantayan at tuntunin
sa pagsulat.

HINUHA
Paalala: Maaaring tanggapin ng guro ang iba pang sagot ng mag-aaral
ngunit tiyakin na ito ay may kaugnayan sa nilalaman ng teksto.
7. Bakit kailangang nakasunod sa tuntunin ng pagsulat ang mga nakalathalang
babasahin sa mga internet?
Sagot: Upang maging istandardisadong lathalain.

8. Paano naging patok ang mga babasahing milenyal?


Sagot: Dahil marami ang maaaring mapagkunan ng ganitong uri ng
babasahin.

TALASALITAAN
9. Anong salita ang tumutukoy sa mga kabataan sa modernong panahon?
Sagot: Milenyal

PAGPAKAHULUGAN SA TEKSTO
10. Paano magsisilbing inspirasyon sa magandang pagtingin sa buhay ang
mabisang babasahin?
Sagot: Nagsisilbing inspirasyon ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng
positibong pagtingin sa buhay.

11. Ano ang dapat na katangian ng isang babasahin?


Sagot: kapulutan ito ng aral at magsilbing inspirasyon sa magandang
pagtingin ng buhay na kaloob sa atin.
Tanggapin ang kahalintulad na sagot.

PAGTATAYA
Paalala: Maaaring tanggapin ng guro ang iba pang sagot ng mag-aaral
ngunit tiyakin na ito ay may kaugnayan sa nilalaman ng teksto.
12. Ano ang naging bisa sa iyo ng mga babasahing milenyal? Ipaliwanag.

13. Ano ang mensahe ng teksto?

You might also like