Summative Test in ESP9 - 2nd Quarter
Summative Test in ESP9 - 2nd Quarter
Summative Test in ESP9 - 2nd Quarter
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
IKALAWANG MARKAHAN (2ND QUARTER)
I. Suriin kung ano ang mga nakasaad sa ibaba. Isulat ang titik B kung nagpapakita ng
bolunterismo at P kung pakikilahok ang tinutukoy. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
1. Ibinigay ni Carla ang mga lumang damit sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan.
Sumama din siya sa pamimigay nito.
2. Dumadalo sa mga pagpupulong si Thea sa samahan ng mga kabataan sa kanilang
baranggay.
3. Nagbabayad ng buwanang membership fee ang pamilya ni Andres sa kanilang
subdibisyon sapagkat ito ay ibinabayad sa mga gastusin ng kanilang lugar.
4. Isa si Nifty sa mga nagtuturo sa mga bata sa kanilang simbahan. Ginagawa niya ito ng
libre sapagkat ito ay kaniyang paraan ng paglilingkod sa Diyos.
5. Nabalitaan ni Joey na magkakaroon ng medical mission sa kanilang lugar na gaganapin
sa covered court na malapit sa kanilang tahanan. Maaga pa lamang ay nagwalis na siya sa
buong paligid ng bulwagan upang maihanda ang lugar sa pagdating ng mga espesyalista at
mga taong pupunta roon.
II. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.
6. Ito ay mga dapat na tinatamasa o tinatanggap ng tao o ng isang organisasyon.
a. karapatan
b. tungkulin
c. likas na batas moral
d. batas
7. Ito ay nabuo sa pangunguna ng mga indibidwal na buhat sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Ito ay pinagtibay ng United Nation General Assembly noong Disyember 10, 1948 na
naglalayon na pangalagaan ang karapatan ng bawat tao.
a. Philippine Constitution
b. Universal Declaration of Human Rights
c. Human Rights
d. Death Penalty
8. Ito ay mga mga bagay na iniatang sa tao upang kaniyang gampanan. Inaasahan na
gagampanan ng bawat tao ang mga responsibilidad na ipinagkatiwala sa kaniya upang
makatugon sa kaganapan ng bawat adhikain.
a. Karapatang mabuhay
b. Karapatang Pantao
c. Tungkulin
d. Responsibilidad
9. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ay isang direktibang obligado o obligasyon na may
pangkalahatan at matatag na katangiang gabayan ang kilos ng tao tungo sa huling layunin -
ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.
a. Tungkulin
b. Karapatan
c. Pananagutan
d. Batas
10. Ayon pa rin kay _______________________, may apat na uri ng batas.
a. Sto. Tomas de Aquino
b. Dr. Manuel Dy Jr.
c. Max Scheler
d. Nelson Mandela
11. Ito ang huwaran ng banal na karunungan na siyang gumagabay sa lahat ng kilos at
galaw.
a. Natural law
b. Eternal law
c. Natural Moral law
d. Human o Civil law
12. Ang batas na ito ay taglay na ng tao mula ng siya ay likhain. Nakatanim na sa kaniyang
puso ang batas na ito- na siyang tumutulong upang maunawaan ng tao ang tama o mali.
a. Human law
b. Moral law
c. Likas na Batas Moral
d. Saligang Batas
13. Ito ay nakabatay sa layon ng tao sa kaniyang kapwa maging sa kaniyang mga
ginagawa. Ito ay nakasalig sa kung paano nag iisip ng maayos ang tao sa kaniyang kapwa,
nakapagbabalanse ng mga bagay-bagay at higit sa lahat ay may malinis at dalisay na puso
sa kaniyang kapwa.
a. Tama
b. Masama
c. Tama o Mali
d. Mabuti
14. Ito ay pagpapasya na nakabatay sa angkop na panahon, lugar, tao, sitwasyon, dahilan
at paraan. Hindi lahat ng mabuti ay tama kung hindi ito umaayon sa matuwid na katuwiran
na magdadala sa tao sa kung ano ang dapat.
a. Tama
b. Masama
c. Tama o Mali
d. Mabuti
15. Ito ay gawain ng tao na maaaring ginagamitan ng pisikal o mental na lakas na
naglalayon na makabuo ng isang produkto na makatutulong sa pag-unlad.
a. Pagpapahalaga
b. Paggawa
c. Hanapbuhay
d. Pananagutan
16. Ayon kay _________________, sa Laborem Excerns na kaniyang akda, ang paggawa
ay anomang gawain - pangkaisipan man ito o manwal, anoman ang kaniyang kalikasan o
kalagayan, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos.
a. Sto. Tomas de Aquino
b. Dr. Manuel Dy, Jr.
c. Pope John Paul II
d. Max Scheler
17. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit gumagawa ang tao MALIBAN sa isa:
a. Ang tao ay gumagawa upang may magamit para sa kaniyang mga pangangailangan.
b. Makapagbigay kontribusyon sa pag-unlad ng teknolohiya at siyensiya.
c. Maisulong ang tradisyon, paniniwala, kaugalian at etika ng pamayanan.
d. Iiwasan ang paggawa ng ilang bagay na maktutulong sa kapwa.
18. Ito ay mga responsibilidad na ibinigay sa tao upang kaniyang gampanan ng may
kasiglahan tungo sa kaayusan ng nakararami.
a. Pakikilahok
b. Bolunterismo
c. Paggawa
d. Bayanihan
19. Ito ay ang paggawa na bukal sa loob at hindi napipilitan lamang. Isa ito sa mga paraan
ng pagpapakita ng malasakit sa kapwa.
a. Pakikilahok
b. Bolunterismo
c. Paggawa
d. Bayanihan
20. Ang paglilingkod sa iba ay dapat na kinapapalooban ng buong pusong pagbibigay ng:
a. Oras, Dignidad, Pagmamahal
b. Karapatan, Tungkulin, Pagmamalasakit
c. Oras, Kakayahan, Kayamanan
d. Pagpapahalaga, Paggawa, Tama at Mabuti
III. TAMA o MALI. Basahin bawat pangungusap, isulat ang T kung tama at M kung
mali.
21. Ang tao ay nararapat na maging kabahagi ng lipunang kaniyang ginagalawan sapagkat
ang anomang mayroon siya ay makatutulong sa pagbuo ng nagkakaisang pamayanan.
22. Maisagawa ang mga tungkulin na makapagpupuno sa mga pangangailangan ng
pamayanan kung tamad at walang pakialam ang iba.
23. Maging kabahagi ng isang adhikain na kinakikitaan ng sama-samang paggawa upang
umunlad ang pamayanan.
24. Makatulong sa pagpapalaganap ng kabutihan na naibabahagi ang pansariling
kagustuhan sa kapwa.
25. Ang pakikilahok ay nakapagpauunlad ng pagkatao gayundin ng ating kapwa.
26. Nakatutuwang isipin na sa panahon ng krisis marami ang nagnanais na magreklamo at
sisihin ang pamahalaan.
27. Ang pakinabang sa tao ang pagsasakatuparan ng bolunterismo ay nagbibigay ito ng
kagalakan sa taong gumagawa.
28. Sa bolunterismo, nagiging bahagi ng kaayusan at kabutihan ng pamayanan at
nakabubuo ng alitan sa pagitan ng kapwa mamamayan.
29. Ayon kay Manuel Dy, ang buhay ng tao ay panlipunan. Hindi ka nabubuhay para sa
iyong sarili lamang.
30. Sa pakikilahok nararapat lamang na may kaalaman ang tao tungkol dito upang
kaniyang maisakatuparan ng mali ang mga dapat niyang gawin.
IV. Suriing mabuti ang mga pahayag kung ito ay nagsasaad ng Tungkulin o Karapatan ng
mga pilipino. Isulat ang T kung ito ay tungkulin at K kung Karapatan.
V. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang M kung ito ay Mabuti at T kung ito
naman ay tama.
41. Gusto ni Edward pakainin ang kaniyang pamilya kaya magnanakaw siya sa loob ng
eskwelahan.
42. Nais nilang manalo sa palaro kaya dadayain nila ang edad ng mga kasamahan nila sa
team.
43. Kailangan ng pamilya ni Josh na kumita nang malaki kaya mamanipulahin niya ang
timbangan ng tinda nila sa palengke.
44. Nais ni Ramie na sumali sa palaro sa kanilang paaralan kaya mas pinaghusay niya ang
pag-eensayo.
45. Gusto magpakasal nila Ruth at Ernie kaya tiniyak nila na handa ang kinabukasan ng
kanilang magiging pamilya.
46. Tinignan ng doktor ang kodisyon ng pasyente bago magbigay ng reseta o gamut na bibilhin
nito.
47. Nais ni Kendra na sumama sa party ng isa nilang kaklase ngunit umuwi siya nang maaga
dahil ito ang utos ng kaniyang mga magulang.
48. Nagpahinga sandali si Emman sa paggawa ng kanyang output at naaliw sa paglalaro sa
kanyang mobile phone.
49. Pumunta sa isang bahay ampunan at magbigay tulong sa mga batang nandoon mula sa
iyong naipon na salapi.
50. Magalit sa mga taong nagbibigay ng masamang komento sa social media.
Inihanda ni:
Rachelle J. Estanislao