Lesson Plan Filipino 7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pamantayang Pangnilalaman

Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pampanitikan ng Kabisayaan.

Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan.

I. Layunin
1. Nabibigyang-kahulugan ang epiko.
2. Natatalakay ang epiko ng Labaw Donngon na may interaksyon sa mag-aaral
3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa epikong Labaw Donggon gamit
ang graphic organizer.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Labaw Donggon ( Epiko mula sa Iloilo )
Sanggunian: Panitikang Rehiyonal pp. 145-147
Kagamitan: Visual-aid, pisara at yeso
Mag-aaral: Grade 7-Einstein (8:30-9:30)

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Ipapaskil ang salitang epiko sa pisara. Hahayaan ang mga bata na magbigay
hinuha. (5minuto)
Magbibigay ng mga alam na epiko ang mga bata.

B. Pagtalakay (25 minuto)

 Mauuri sa alinman sa sumusunod ang kaniyang katangian: pisikal, sosyal,


supernatural, gayundin ang intelektuwal at moral na katangian.
 Katulad ng alamat at ibang uri ng akdang pasalaysay, binubuo ng tauhan,
tagpuan at banghay ang elemento ng epiko.
 Ang isang tauhan ng epiko ay maaaring magtaglay ng kapangyarihang
supernatural o di pangkaraniwang katangian.
 Kadalasan ang paksa ng epiko ay umiikot sa tauhan kasama ang kaniyang
pakikipaglaban sa mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kaniyang
paghahanap sa magulang o sa kaniyang minamahal.
 Mahalagang elemento ng epiko ang tagpuan sapagkat dito pinakikilos at pinag-
iisip ang mga tauhan. Inilalarawan din sa tagpuan ang suliraning kakaharapin ng
tauhan sa daloy ng mga pangyayari lalo na kung dipangkaraniwang mga tauhan
ang ginagampanan nila. Isang magandang simula ng epiko ang paglalarawan sa
tagpuan.
 Ang banghay ay ang bahaging tumutukoy sa pangyayari.
 Maingat na inilalahad ang magkakasunod na pangyayari. Ang mga bahagi ng
banghay ay simula, gitna at wakas.
 Sa proseso ng paglalahad ng mga pangyayari ay pumapasok din ang ibang
elemento tulad ng tunggalian, suliranin, kasukdulan at kakalasan. Itinuturing din
na ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na nagsasalaysay ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong.
 Ang Labaw Donggon ay inaawit na parang pasyon sapagkat itinuturing ito na isa sa
pinakamatandang akdang pampanitikan ng mga Pilipino.
 Pasaknong ang paraan ng pagkakasulat.

LABAW DONGGON (Epiko ng Lambunao, Iloilo)


Si Labaw Donggon ay isa sa tatlong anak nina Diwata Abyang Alunsina at
Buyung Paubari. Kagila-gilalas ang katauhan ni Labaw sapagkat kaagad siyang
lumaki pagkasilang pa lamang niya. Isang matalinong bata, malakas, at natuto
kaagad magsalita. Minsan ay nagpaalam siya sa kaniyang ina upang hanapin ang
isang babaeng nagngangalang Anggoy Ginbitinan. Kaagad niyang narating ang
lugar ng babae at napasang-ayon niyang mapakasal sa kaniya. Hindi pa nagtatagal
na sila ay nakasal, umalis na naman si Labaw upang suyuin ang isa pang babaeng
si Anggoy Doroonan. Ito ay naging asawa rin ni Labaw. May nabalitaan na naman
siyang isang magandang babaeng nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata kaya’t pinuntahan na naman niya. Ngunit si Nagmalitong Yawa ay may
asawa na, si Buyong Saragnayan. Ayaw ibigay ni Buyong Saragnayan ang asawa
kay Labaw kaya’t sila ay naglaban. Tumagal ng maraming taon ang paglalaban
sapagkat kapuwa sila may taglay na pambihirang lakas. Inilublob ni Labaw si
Buyong sa tubig at ito’y tumagal ng pitong taon sa ilalim ng tubig. Hinampas ni
Labaw si Buyong ng matitigas na puno ngunit nalasog lamang ang mga ito.
Hinawakan ni Labaw si Buyong sa mga paa at inikot-ikot ngunit buhay pa rin ito.
Napagod si Labaw at siya naman ay itinali ni Buyong na parang baboy. Siya ay
nanatiling nakatali sa ilalim ng bahay nina Buyong. Samantala, nagkaanak si
Anggoy Doroonan, si Baranugun. Nagpaalam siya sa ina upang hanapin ang
kaniyang ama. Nagkaanak din si Anggoy Ginbitinan, si Asu Mangga. Nagpaalam
din sa ina si Asu Mangga upang hanapin ang ama. Nagkita ang magkapatid at
nagsama sila upang mapalaya ang ama sa mga kamay ni Buyong sa isang labanan.
Naglaban ang dalawa ngunit hindi nagapi ni Buyong si Baranugan. Humingi ng
tulong sa mga impakto si Buyong at isang kawan ang dumating. Sa ganitong
pagkakataon nagtulong ang magkapatid at nagtagumpay sila. Ngunit hindi
mamatay-matay si Buyong. Si Barunugan ay humingi ng tulong sa kaniyang lolang
si Abyang Alunsina. Ayon sa lola, kailangang pumatay silang magkapatid ng isang
baboy-ramo upang mapatay nila si Buyong. Natagpuan naman agad ng
magkapatid ang baboy-ramo at ito ay kaagad nilang pinatay. Lumindol at nagdilim
nang mapatay ng magkapatid si Buyong. Ipinagpatuloy ng magkapatid ang
paghahanap sa kanilang ama ngunit wala ito sa silong ng bahay ni Buyong. Sina
Humadapnon at Dumalapdap, mga kapatid ni Labaw ay tumulong din sa
paghahanap sa kaniya. Natagpuan nila si Labaw na hindi na makarinig at hindi na
magamit ang pag-iisip. Pinaliguan ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si
Labaw, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito ng mabuti. Samantala si Buyung
Humadapnon at Buyung Dumalapdap ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang
Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang
magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa. Nang malaman ni Labaw Donggon
ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais niyang mapakasalan si
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. “Gusto kong magkaroon ng isa pang anak
na lalaki!” sabi ni Labaw Donggon. Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy
Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad
nila ang kahilingan nito. Masayang-masaya si Labaw ng naibalik ang kaniyang
lakas at sigla ng isip at ang kaniyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

C. Paglalapat (15 minuto)

Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase. Gamit ang graphic organizer ay pagsusunod-
sunurin ang mga pangyayari sa epikong Labaw Donggon.

IV. Ebalwasyon (10 minuto)

Panuto: Batay sa ilang kasunod na pangyayari sa binasang epiko, ibigay at ipaliwanag


ang mga aspetong pangkultura tulad ng: kaugalian, kalagayang panlipunan, paniniwala o
prinsipyo ng mga taga-Visayas. Gawin sa sagutang papel.

V. Takdang-Aralin (5 minuto)
Manaliksik tungkol sa pang-ugnay gamit ang pang-ukol at pangatnig.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pampanitikan ng Kabisayaan.
Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan.

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga salitang pang-ugnay.
2. Natatalakay ang mga salitang pang-ugnay na may malawak na interaksyon sa mga
mag-aaral
3. Nakasusulat ng isang talata gamit ang mga salitang pang-ugnay batay sa binigay
na paksa.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Mga Pang-ugnay na Salita
Sanggunian: Panitikang Panrehiyonal pp. 156-159
Kagamitan: Laptop, TV, visual-aid
Mag-aaral: 7- Einstein

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Magpapakita ng mga salita at hahayaan ang mga mag-aaral na gamitin ito sa
pangungusap.

B. Pagtalakay
 Ang at, ngunit at sapagkat ay ginagamit na pangatnig sapagkat nag-uugnay ang
mga ito ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap. Samantala ang at, gayundin at ngunit pa rin ay maaaring gamiting
cohesive devices, na ang at at gayundin ay maaaring gamitin sa pagdaragdag
samantalang ang ngunit ay pagpapahayag ng taliwasan o salungatan.

 Halimbawa:
1. at–Maraming bayani ang nakilala at nakaligtas mula sa bagsik ng Super Bagyong
Yolanda.
2. gayundin – Sa mahigit na dalawampung taong pagtuturo ni Sir Elyong, naging
masipag siyang hardinero gayundin, agriculturist din siya ng kanilang paaralan.
3. ngunit – Maaari nilang maikuwento ang kanilang pinagdaanan ngunit hindi si Rogelio
Lardera.
 Ang dahil sa ay pang-ugnay na cohesive devices at ang sapagkat na pangatnig ay
maaaring gamitin sa pagpapahayag ng dahilan-resulta ng isang pangyayari o
kaganapan. Halimbawa:
 Sa mga katangian niyang ito, higit sa lahat, itinuturing siyang huwarang guro dahil
sa kasipagan.
 Ang para sa ay pang-ugnay na pang-ukol. Karaniwang nag-uugnay na may pinag-
uukulan.
 Halimbawa: Hindi na siya iba sa lahat, siya’y asawa, ama, anak at kapatid na
kayang ibigay ang lahat ng makakaya para sa kaniyang minamahal. Maaaring
cohesive devices rin ang para sa na nagbibigay ng punto de vista. Marami pang
cohesive device na maaaring gamiting pang-ugnay sa pagsasalaysay gaya ng: saka,
bukod sa, bunga nito, kung, kapag, pero, kung gayon, maaari, puwede,
gayunpaman, samakatuwid, kaugnay nito at iba pa.
C. Paglalapat

Panuto: Gamit ang mga salitang pang-ugnay gumawa ng isang talata tungkol sa patuloy na
pagtaas ng mga bilihan sa kasalukuyan.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Basahin ang kasunod na teksto at isulat sa sumusunod na kahon ang mga
pangugnay na ginamit. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Ang Panitikan ng Reporma, Rebolusyon at Patriotismo Ang mga serye ng maliit at


malaking rebelyong isinagawa ng mga katutubong Panay laban sa pamahalaang
Espanyol ay naging sukdulan sa kanilang paglahok sa himagsikang Katipunan noong
1896. Ang imprenta ng pahayagang Katipunan ay donasyon noong 1895 ng dalawang
taga-Aklan, sina Francisco del Castillo at Candido Iban, na nanalo ng pera sa loterya.
Sila rin ang nagbuo ng sangay ng Katipunan sa Visayas na itinatag sa Capiz. Ang
pagbitay sa tinatawag na “19 na Martir ng Kalibo” noong 1897 ay isang bigong tangka
ng mga Espanyol upang mapigilan ang rebolusyon. Gayunpaman, noong 1898, ang
pamahalaang rebolusyonaryo ay itinatag sa Santa Barbara,kung saan ang unang
bandilang Pilipino at ang unang sigaw ng kalayaan sa Panay ay isinagawa. Maraming
makabayang paksa ang naisulat ni Graciano Lopez Jaena para sa Kilusang
Propaganda, bagamat naisulat ang mga ito sa Espanyol. Maibibilang din ang tulang
makabayan na “Bansa Ko” ni Segundo Lopez; ang “Ang Magahiyugma sa Iyo Dite” na
sarsuwelang Hiligaynon ni Salvador Ciscon; “Dutay Olipon”, katipunan na tula ni Jose
Ingalla at ang kasaysayan at kultura ng Panay. ”Pagmamahal sa Bansa“ ni Manuel
Lacerna na inilathala sa Kalibo, Aklan

Isulat mo ang mga pang-ugnay na ginamit sa teksto. Gawin sa sagutang papel.


1. _______________ 2.________________ 3. ______________
4. _______________, 5. ________________ 6. _____________

V. Takdang-aralin
Manaliksiki tungkol sa mga uri ng pagsasalaysay. Isulat sa kuwaderno.
Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pampanitikan ng Kabisayaan.

Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan.

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga uri ng pagsasalaysay ng may malawak na interaksyon sa
mga mag-aaral.
2. Nasusuri ang mga uri ng pagsasalaysay batay sa paggamit nito.
3. Naiisa-isa ang mga uri ng pagsasalaysay.
II. Paksang-aralin
Paksa: Mga Uri ng Pagsasalaysay
Sanggunian: Panitikang Rehiyonal pp. 159-161
Kagamitan: TV, Laptop, visual-aid
Mag-aaral: 7-Einstein

III. Pamamaraan
A. Pagganyak

You might also like