Ulat Panahon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ulat Panahon

BREAKING NEWS! DX RADIO ULTRA para sa ulat panahon!

Asahan muli ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong


Huwebes dahil sa hanging habagat, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa 4 a.m. forecast, sinabi ng PAGASA ng makararanas ng mahina hanggang


katamtaman na pag-ulan, gayundin ng thunderstorms, ang Luzon, kasama ang
Metro Manila, Visayas, at hilagang Mindanao.

Alas-4:00 ng umaga, naglabas ng yellow rainfall warning ang PAGASA sa


Zambales at Bataan. Ayon sa PAGASA, posibleng magdulot ng pagbaha sa
mababang lugar ang mga pag-ulan.

Bandang alas-5:00 naman ng umaga, naglabas ang PAGASA ng


thunderstorm advisory sa Metro Manila, Bulacan, Batangas, Cavite at ilang bahagi
ng Rizal. Posibleng tumagal ng hanggang 3 oras ang malakas na ulan sa mga
nabanggit na lugar.

Ayon sa PAGASA, ang habagat ay patuloy na pinalalakas ng bagyong “Noru”


(international name) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Nitong Miyerkules, binaha ang ilang bahagi ng Rizal dahil sa mga pag-ulan.
Sa isang lugar sa Cainta, Rizal, umabot pa ng hanggang dibdib ang baha.

Ang Kalakhang Maynila ay makararanas ng bahagya hanggang sa kung


minsan ay maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-kidlat.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin ang mula sa hilagang-silangan


ang iiral at ang Look ng Maynila ay banayad hanggang sa katamtaman ang
magiging pag-alon.

Ang tinatayang agwat ng temperature ay mula 22 hanggang 32 antas ng


sentigrado.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa silangan at hilagang-


silangan ang iiral sa hilaga at Silangang Luzon at ang mga baybaying dagat nito ay
katamtaman hanggang sa maalon.

Sa ibangdako ng bansa, ang hangin ay mahina hanggang sa katamtaman


mula sa hilagang-silangan at silangan na may banayad hanggang sa katamtamang
pag-alon ng karagatan

You might also like