Buhay Buhay Ko Biyaya NG Maykapal

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION III

Matalino St., D. M. Government Center, Maimpis


City of San Fernando (P)

BUHAY MO, BUHAY KO


BIYAYA NG MAYKAPAL
for ESP Grade Four

SELF-LEARNING KIT
PAUNANG SALITA

Ang self-learning kit na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral


ng Grade IV. Ito ay tumatalakay sa konsepto ng pagpapahalaga
sa ating buhay bilang biyaya mula sa Maykapal.

2
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

1. Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at


mga material na bagay

1.1 Sarili at kapwa-tao

1.1.1. Pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit


(EsP4PD-Iva-c-10)

LAYUNIN

1. Natutukoy ang iba’t-ibang gawaing pangkalusugan na


nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating katawan

2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga sa sarili


bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay

3. Napapahalagahan ang buhay sa pamamagitan ng


pagsasagawa ng iba’t-ibang gawaing pangkalusugan upang
maiwasan ang pagkakasakit.

I. ANO ANG NANGYARI

Ang pagkain ay isa sa napakahalagang pangangailangan


ng tao upang mabuhay. Ang pagpili ng tamang pagkain ay
nagpapakita din kung gaano natin pinapahalagahan ang buhay
na binigay sa atin ng Maykapal. Kung kaya’t napakahalaga na
ating pinipili ang tamang pagkain upang masigurado natin ang
magandang kalusugan.

3
Ano ang paborito mong pagkain? Ikaw ba ay madalas kumakain
ng gulay, isda, at mga prutas o kagaya din ng iba na madalas din
ang pagkain ng chichirya, kendi o pag-inom ng softdrinks? Halina’t
ating suriin ang mga larawan sa ibaba.

Lagyan ng guhit papunta sa larawan ng bata ang mga pagkain


na sa tingin mo ay makakabuti sa kalusugan niya.

tsokolate

itlog

french fries saging gatas

4
II. ANO ANG DAPAT MALAMAN
Basahin at unawain ang maikling kuwento ni Kukay.

“Kukay, Ang Batang Mahusay”

"Kukay!" tawag ng kanyang nanay. “Narito na ang iyong


baon sa araw na ito.” "Ipinaghanda kita ng paborito mong
ginisang kalabasa at pritong isda, sinamahan ko na din ng saging.”
“Wow!” sambit ni Kukay. “Ang sarap naman ng baon ko nanay at
masustansiya pa,” tuwang-tuwa na sabi ni Kukay. “Aba, siyempre
naman! Mahal na mahal ko yata ang aking Kukay kaya’t nararapat
lang na masustansiya ang baon niya upang hindi siya magkasakit,”
may pagmamahal na wika ni Aling Belen sa kanyang anak. Niyakap
ni Kukay ang kanyang nanay at nagpasalamat ito at pumasok na
siya sa paaralan.
Sa kanilang klase na Grade IV seksyon Rizal ay nangunguna lagi
si Kukay. Matataas ang kanyang mga marka at madalas ay siya din
ang kinukuha upang lumaban sa mga quiz bee. Hinahangaan din
siya ng kanyang mga guro dahil ni minsan ay hindi pa siya lumiban
sa klase kung kaya’t lagi siyang nakakatanggap ng parangal na
“Perfect Attendance.” Dahil dito ay tuwang-tuwa ang kanyang
nanay at ipinagmamalaki niya ito.
Minsan sa kanilang lunch break ay tinukso siya ng kanyang
5
mga kaklase dahil palaging gulay, prutas, o isda ang kanyang
baon, bihira lang siya magbaon ng karne at kung magkaganun
man ang kanyang baon ay may kasama pa din itong gulay at
prutas. Samantala ang mga kaklase naman ni Kukay ay madalas
na sa fastfood binibili ang kanilang pananghalian. “Naku, Kukay
yan na naman ang baon mo, hindi ka ba nagsasawa sa baon mo,
lagi na lang ganyan.” “Hindi naman, masarap magluto si nanay
at masustansiya talaga ang pinapabaon niya upang lagi akong
malusog at makaiwas sa iba’t-ibang sakit,” wika ni Kukay.
Narinig sila ni Gng. Dela Cruz at sinabihan ang mga bata na
walang mali sa pagkain ng gulay. Ipinaliwanag niya na ang mga
ito ay nagtataglay ng mga nutrients gaya ng vitamins, minerals,
carbohydrates, fats at protein na maaaring makatulong upang
maging masigla at malakas ang isang bata.
“Alam niyo ba mga bata na maliban sa pagkain ng prutas at
gulay ay may iba pang paraan kung paano mapapangalagaan ang
ating sarili?” “Ang pagiging malinis sa katawan upang makaiwas sa
mga mikrobyo na maaaring dumapo sa ating katawan at ang pag
iwas sa pagkain ng mga street foods dahil maaaring ang mga ito ay
dinapuan ng mga langaw o dumi na maaaring makapagdulot sa
atin ng sakit,” pagpapatuloy ni Gng. Dela Cruz.
Idinagdag na din ng kanilang guro na ang pagtulog
sa tamang oras, pag-inom ng 8 hanggang 10 basong tubig,
pag-inom ng gatas, regular na pag-eehersisyo at pag-inom ng mga
bitamina ay makakatulong din upang makaiwas sa iba’t-ibang mga
karamdaman.
“Mga bata, ang ating buhay ay napakahalaga dahil regalo ito
sa atin ng Diyos kung kaya’t responsibilidad natin na ito ay ingatan
at pangalagaan”, wika pa ni Gng. Dela Cruz.”
Namangha ang mga bata sa mga narinig nila mula kay Gng.
Dela Cruz kung kaya dali-dali silang humingi ng paumanhin kay
Kukay.
6
“Kukay, paumanhin sa mga nasabi namin, mahalaga pala
talaga ang pagkain ng gulay upang maging malakas at malusog
kami gaya mo” ang sabay-sabay na wika ng kanyang mga kamag
aral. “Walang anuman iyon, natutuwa ako at madami pa tayong
nalaman na mga paraan kung paano natin mapapangalagaan
ang ating mga sarili,” masayang sabi ni Kukay.
Magmula noon sinubukan na din ng mga kaklase ni Kukay
na magbaon at kumain ng gulay. Sinunod nila ang mga payo ng
kanilang guro kung paano ingatan at pangalagaan ang kanilang
mga sarili.
Tuwang-tuwa si Gng. Dela Cruz sa mga bata at natutunan nila
ang tamang pangangalaga sa sarili upang mapanatiling malakas
at malusog ang kanilang pangangatawan.

II. ANO ANG NATUTUNAN?


1. Ano ang madalas baunin ni Kukay sa klase?
a. softdrinks b. gulay c. kendi
2. Ano ang naitulong ng pagkain ng masustansiyang pagkain ni
Kukay sa kanyang pag-aaral?
a. Hindi siya madalas magkasakit at mahusay siya sa klase.
b. Lagi siyang lumiliban sa klase.
c. Naging matamlay siya kung kaya’t mababa ang kanyang
marka.
3. Paano ipinakita ni Kukay ang pagpapahalaga niya sa kanyang
sarili?
a. Madalas ang pagkain niya ng chichirya.
b. Umiinom siya ng softdrinks.
c. Kumakain siya ng gulay at prutas.
4. Isa-isahin ang mga iba pang paraan kung paano
mapapangalagaan ang ating sarili ayon kay Gng. Dela Cruz.
____________________________________________________________

7
5. Kung ipagpapatuloy ng mga mag-aaral ang pagsunod sa payo
ng kanilang guro, ano kaya ang magiging epekto nito sa kanilang:
a. sarili
b. kapuwa
c. relasyon sa Diyos
6. Kung Kung ikaw si Kukay, gagayahin mo ba ang ginawa niyang
pagkain ng gulay at mga prutas ? Bakit?
____________________________________________________________

GAWAIN BILANG 1
Bilugan ang mga larawan na nagpapakita ng pangangalaga
sa sarili. Ipaliwanag ang iyong sagot.

1 2

3 4

____________________________________________________________

8
GAWAIN BILANG II
Paano mo maipapakita ang pangangalaga sa iyong sarili sa
mga sumusunod na sitwasyon?
1. Binibigyan ka ng kaklase mo ng baon niyang hotdog at
tocino. Tatanggapin mo ba ito? Bakit?
____________________________________________________________

2. Ikaw ay galing sa palaruan at pawis na pawis. Ano ang dapat


mong gawin at bakit?
____________________________________________________________

3. Ayaw na ayaw mong umiinom ng gamot ngunit dahil Ikaw ay


inuubo at pinayuhan ka ng nanay mo na inumin ang mga ito,ano
ang gagawin mo? Ipaliwanag.
____________________________________________________________

GAWAIN BILANG III


Iguhit ang sa patlang kung ang bawat pangungusap ay
nagsasaad ng pangangalaga sa katawan at kung ito ay hindi.
1. Kumain ng gulay at prutas.
2. Magbabad sa panonood ng telebisyon.
3. Uminom ng gatas.
4. Matulog sa takdang oras.
5. Madalas na paglalaro ng kompyuter.
6. Palagiang pagkain ng hotdog at noodles.
7. Pag-inom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig.
8. Pagkain ng chichirya o maaalat na pagkain.
9
9. Regular na pag-eehersisyo.
10. Madalas na pagkain sa mga fastfood.

Gawain Bilang IV
Gumuhit sa loob ng kahon ng isang malaking regalo. Isulat mo
sa loob ng regalo ang mga bagay na dapat mong gawin upang
maipakita mo ang pagpapahalaga sa iyong buhay.

Gawain Bilang V
Sa loob ng hugis-puso, sumulat ng isang maikling panalangin
ng pasasalamat sa Diyos sa buhay na iyong taglay.

10
This material was contextualized by the
Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Department of Education

DIVISION OF TARLAC CITY

ALBERTO P. SALUDEZ, Ph. D.


Division Schools Superintendent

ROBERT E. OSONGCO, Ed. D.


Chief, Curriculum Implementation Division

LILY BETH B. MALLARI


LRMDS, Division Education Program Supervisor

ANITA P. DOMINGO
Edukasyon sa Pagpapakatao, Division Education Program Supervisor

ESMERALDO L. LINGAT JR
Layout Artist

CHRISTOPHER S. CARREON
Illustrator

JOAN A. BUGTONG
Writer

DEPARTMENT OF EDUCATION - REGIONAL OFFICE III

BEATRIZ G. TORNO, Ph.D., CESO IV


Director III
Office of the Regional Director

ELIZABETH M. PERFECTO. Ed. D.


Chief, CLMD

MA. EDITHA R. CAPARAS, Ed. D.


LRMDS, Regional Education Program Supervisor

WENDELL C. CABRERA
Edukasyon sa Pagpapakatao, Regional Education Program Supervisor

11
Maraming paraan kung paano natin mapapangalagaan
ang ating sarili. Kumain ng mga masustansiyang pagkain gaya ng
gulay, prutas at isda, pag-inom ng gatas, regular na pag-eehersisyo,
pagiging malinis sa katawan at pagkakaroon ng sapat na oras ng
tulog. Iwasan ang pagkain ng mga sobrang matatamis, maaalat
at mamantikang pagkain. Ang ating buhay ay biyaya mula sa
Maykapal kaya’t karapat-dapat lang na ito ay pahalagahan.

Curriculum and Learning Management Division (CLMD)


Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)
Department of Education
Region III

You might also like