Kahalagahan at Paraan NG Pagpapakita NG Paggalang at Pagsunod Sa Mga Magulang, Nakatatanda at May Awtoridad

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kahalagahan at Paraan ng Pagpapakita ng

paggalang at pagsunod sa
mga magulang, nakatatanda at may awtoridad
Ang pagsunod ay sa taong nakatataas sa atin
o sa mga mas nakakatanda sa atin, ay isang kilos
na may pag-galang sa kanilang posisyon at katayuan sa
pamilya. Habang ang paggalang naman ay maipapakita sa
pagbibigay halaga sa isang tao o bagay. Ayon kay
Gabriel Marcel mayroong 3 hiwaga ng pamilya, ito ang
“Ang Pamilya bilang Hiwaga”, “Ang Pamilya bilang
Halaga” at ang “Pamilya bilang Presensiya”. Ang
Pagmamasid, Pakikinig at Disiplina ay ginagamit ng bata
upang matutuhan ng bata ang paggalang at pagusunod sa
mas nakakatanda sa kanya.
Mahalaga ang pagpapakita ng paggalang at pagsunod
sa mga magulang, nakakatanda at may awtoridad dahil
sila ay matanda na at mas madaming alam tungkol sa
buhay kaysa sa atin. Maraming paraan ng pagpapakita ng
paggalang at pagsunod sa nakakatanda. Sa mga magulang
pwede mo ito ipakita sa pamamagitan ng paggamit ng po
at opo sa pakikipag-usap, pagkilala sa iyong
limitasyon, paggalang sa kanilang mga gamit, pagtupad
sa kanilang itinakdang oras, pagiging maalahanin,
malasakit at mapagmahal. Sa mga nakakatanda naman ay
pag-ingat sa mga salitang gagamitin sa pakikipag-usap,
paghingi sa kanilang mga payo, pagiging matiisin at
matiyaga, pagkilala sa kanila bilang mahalagang kasapi
ng pamilya at pagtugon sa mga nakakabuting
pangangailangan at kahilingan nila. At ang panghuli
naman ay ang may awtoridad, maipapakita mo ito sa
pamamagitan ng pagiging halimbawa sa kapwa at alamin at
unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na
dapat sundin ay mabuti sa iyo.

You might also like