Reco 1

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 27

7

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Modyul para sa Mag-aaral

Modyul 14 – Quarter 4:
ANG KAHALAGAHAN NG MABUTING PAGPAPASYA SA URI
NG BUHAY

Ang mga modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng


mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at
pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan,
Kagawaran ng Edukasyon
kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang
Republika ng Pilipinas
nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9990-80-2

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph. D.

Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Mga Manunulat: Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T.


Gayola, Marie Aiellen S. Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia
C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras

Mga Konsultant: Fe A. Hidalgo, Ph. D. at Manuel B. Dy, Ph. D.

Gumuhit ng mga
Larawan: Jason O. Villena

Naglayout: Aro R. Rara at John Rey T. Roco

Editor at Subject
Specialist: Luisita B. Peralta

Management Team: Lolita M. Andrada, Ph. D., Joyce DR. Andaya,


Bella O. Mariñas, at Jose D. Tuguinayo, Jr., Ph. D.

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc.

Department of Education - Instructional Materials Council Secretariat


(DepEd-IMCS)
Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: [email protected]
Table of Contents

Modyul 14: ANG KAHALAGAHAN NG MABUTING


PAGPAPASYA SA URI NG BUHAY

Ano ang inaasahang maipamamalas mo?............................................1


Pagtuklas ng dating kaalaman............................................................4
Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan, at pag-unawa .........................6
Pagpapalalim.................................................................................17
Pagsasabuhay ng mga pagkatuto.....................................................23
Modyul 14: ANG KAHALAGAHAN NG MABUTING
PAGPAPASYA SA URI NG BUHAY

ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

Ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa mga pagpapahalaga at birtud ay


nagsisilbing gabay sa mapanagutang pagpapasya at pagkilos. Dahil dito, sa ikatlong
markahan ay pinag-aralan mo ang kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud. Siniyasat
mo ang mga panloob na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng
pagpapahalaga: konsensya, mapanagutang paggamit ng kalayaan, pagiging
sensitibo sa kasalanan, pagkabagabag at hiya bunga ng kasalanan, pagsasabuhay
ng mga birtud, at disiplinang pansarili. Tinuklas mo ang mga panlabas na salik na
nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga: pamilya at paraan ng pag-
aaruga sa anak, paaralan, kapwa kabataan, lipunan lagay ng pamumuhay at media.

Sa modyul na ito ay inaasahang gagamitin mo ang lahat ng mga pag-


unawang ito upang maipamalas mo ang mga layuning pampagkatuto na inaasahan
sa modyul na ito.

Sa huli’y inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit


mahalaga ang mga hakbang sa pagpapasya tungo sa pagkamit sa mga mithiin sa
buhay?

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

a. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasya sa uri ng


buhay
b. Nasusuri ang ginawang pahayag ng layunin sa buhay kung ito ay may
pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasya
c. Napahahalagahan ang matuwid at tamang pagpapasya sa pagkakaroon ng
makabuluhang buhay at ganap na pagpapakatao
d. Nakagagawa ng pahayag ng layunin sa buhay batay sa mga hakbang sa
tama at mabuting pagpapasya

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik d:


 Nailapat nang maayos ang proseso ng wastong pagpapasya
 Naglahad ng komprehensibong paliwanag sa ginawang pagpili o
pagpapasya
 Ayon sa moral na batayan ang inilahad na paliwanag
 Malinaw at madaling maunawaan ang paliwanag

1
PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot sa sumusunod na pagsusulit.


Basahing mabuti ang mga panuto.

1. Piliin mo ang larawan ng itinuturing mong may mas mataas na kabutihan


mula sa kasunod na mga halimbawa. Magsulat ng maikling paliwanag sa
ginawang pagpili sa ibaba. Isulat sa ang sagot sa kuwaderno.

A. B.

Ang aking napili: ________________________________________________________


Paliwanag:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

A. B.

Ang aking napili: ________________________________________________________


Paliwanag:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2
2. Balikan o alalahanin ang isang sitwasyon kung kailan ka gumawa ng isang
mahalagang pagpapasya sa iyong buhay. Ilahad ang prosesong iyong
pinagdaanan.

3. Batay sa iyong isinulat, anu-ano ang mga mahahalagang salik o batayan sa


paggawa ng pasya? Ipaliwanag?
Piliin ang titik lamang ng tamang sagot.

4. Ang pakahulugan sa moral dilemma ayon kay Kohlberg “Ito ay mga


sitwasyong nagpapahayag ng dalawang magkasalungat na posisyon na
kinapapalooban ng dalawang magkaiba o nagtutunggaling pagpapahalaga.
Ibig sabihin nito na:
a. Mahirap ang magpasya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng isip
tungkol sa mga iba’t ibang mga posisyon.
b. Ang pagpapasiya ay nababatay sa ating mga pagpapahalaga.
c. Ang pagpapasya ay pagpili sa maraming pamimilian.
d. Madali lang magpasya kung alam natin ang sarili nating mga
pagpapahalaga.
5. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin
nito na:
a. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
b. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting
pagpapasiya.
c. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.
d. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.

6. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?


a. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
b. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.
c. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan
ng gagawing tira.
d. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.

7. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-


isip, “sa mga mahalagang pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito;
a. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
b. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.
c. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya
d. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon

8. Kahit na binigyan ng magandang pwesto sa kumpanya si Chit ng kanyang


ama sa kanilang kumpanya, pinili pa rin nito ang magtayo ng sariling
negosyo. Ito ang tunay na nagpapasaya sa kanya.
a. Nakakahiya namang mabansagang COO o Child of Owner sa isang
kumpanya bagama’t ikaw ay mahusay na CEO.
b. Kinakailangan ding isaalang-alang ang damdamin sa paggawa ng pasya.
c. Mas mahalaga na masaya ang tao sapagkat maikli lamang ang buhay.
d. Mahalaga kay Chit ang kanyang pansariling kaligayahan.
9. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na
maaari kang magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong…
a. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas
ibayong pagsusuri.

3
b. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka
nakapipili.
c. Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.
d. Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.

10. Ang higher good ay tumutukoy sa:


a. Kagandahang loob sa bawa’t isa
b. Kabutihang panlahat
c. Ikabubuti ng mas nakararami
d. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay

PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Dumating na ba sa iyong buhay ang pagkakataon na kinailangan mong


mamili sa pagitan ng mga bagay na may halaga sa iyo? Ano ang iyong naging
damdamin tungkol dito? Ano ang iyong ginawa? Ibahagi mo ang iyong naging
karanasan gamit ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

4
Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno:

1. Balikan mo ang isang mabigat na sitwasyon kung saan kinailangan mong


magsagawa ng pagpapasiya sa mga nagdaang taon. Ilahad ito. (Hal. Sasama
sa isang kaklase na mag-cutting classes.)
2. Ano-ano ang iyong pagpipilian?
3. Ano ang iyong ginawa bago nagsagawa ng pagpapasya?
4. Ano ang iyong naging pasya?
5. Ipaliwanag ang naging bunga ng iyong pasiya.
6. Isulat ang pinakamahalagang aral na iyong nakuha mula sa iyong karanasan.

May mga pangyayaring hindi natin maiiwasan na kailangan nating gumawa


ng agarang pagpapasiya. Subukin ang iyong kakayahan na magpasiya sa mga
sitwasyon na katulad ng nasa ibaba. Sundin ang pormat at gawin ito sa iyong
kuwaderno.

5
Sagutin:

Ano ang naging pagpapasya mo sa mga ibinigay na sitwasyon?


_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Sa iyong palagay, tama ba ang naging mga pasya? Pangatwiranan.


Nakatulong ba ang ibinigay na pormat sa iyong naging pagpapasya?
Ipaliwanag.
Bakit mahalagang tingnan natin ang maaaring kahinatnan o bunga
nito bago tayo gumawa ng pasya?

PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA

Gawain 1. Ang mga sumusunod ay tatlong sitwasyon na hinango sa mga moral


dilemma ni Lawrence Kohlberg. Ito ay mga sitwasyong nagpapahayag ng dalawang
magkasalungat na posisyon na kinapapalooban ng dalawang magkaiba o
nagtutunggaling pagpapahalaga. Sa gawaing ito ay magkakaroon ka ng
pagkakataon na pumili ng posisyon ukol sa mga isyung moral na iyong paninindigan.
Sagutin ang mga tanong pagkatapos na mailahad ang bawat sitwasyon. Isulat ang
iyong mga sagot sa iyong kuwaderno.

6
Mga Dilemma ni Lawrence Kohlberg

Dilemma Blg. 1

Si Aamir ay labing-apat na taong gulang na labis ang pagnanais na


masama sa isang camping. Nangako sa kaniya ang kaniyang ama na
papayagan siyang sumama kung siya ay makaiipon nang sapat na pera para
rito. Dahil dito, labis ang naging pagsisikap ni Joe sa pagtitinda ng diyaryo. At
naipon ang sapat na halagang kailangan para sa camping at may kaunti pang
halaga na natira para panggastos para sa kaniyang sarili. Ngunit nagbago ang
isip ng kaniyang ama bago dumating ang araw ng kanilang camping. Ang ilan
sa kaniyang mga kaibigan ay nagpasiyang mangisda sa ibang lugar. Kapos ang
pera ng kaniyang ama upang ipanggastos sa pangingisda. Kaya, kinausap niya
si Aamir upang hingin dito ang perang kaniyang naipon para sa kaniyang
camping. Iniisip ni Aamir na tumanggi na ibigay sa kaniyang ama ang kaniyang
naipong pera.

Mga tanong:

a. Dapat bang tumanggi si Aamir na ibigay ang kaniyang naipong pera


sa kaniyang ama? Pangatwiranan ang sagot.
b. May karapatan ba ang ama ni Aamir na hingin ang perang naipon ng
kaniyang anak na si Aamir? Pangatwiranan.
c. Ang pagbibigay ba ng perang naipon ni Aamir ay maaaring maging
sukatan ng pagiging mabuting anak? Ipaliwanag ang sagot.
d. Ang ideya ba na si Aamir ang nag-ipon ng pera ay mahalaga sa
sitwasyong ito? Pangatwiranan.
e. Nangako ang ama ni Aamir na kapag nakaipon siya nang sapat na
pera ay maaari siyang sumama sa camping. Ang ideya ba na
nangako ang ama ni Joe sa kaniya ang pinakamahalaga sa
sitwasyong ito? Bakit?
f. Sa kabuuan, bakit mahalagang tuparin ang isang pangako?
g. Mahalaga bang tuparin mo ang isang pangako sa isang taong hindi
naman gaanong kakilala at hindi na muling makikita pa? Ipaliwanag
ang sagot.
h. Ano sa iyong palagay ang pinakamahalagang bagay na dapat

7
Dilemma Blg. 2

Si Judy ay labindalawang taong gulang. Nangako sa kaniya ang


kaniyang ina na siya ay maaaring manood sa isang konsiyerto na magaganap
sa kanilang lugar. Ngunit ito ay sa kondisyong mag-iipon siya sa pamamagitan
ng pag-aalaga ng bata at sa pagtitipid mula sa kaniyang baon sa tangahalian
sa paaralan nang may maipambili ng tiket sa konsiyerto. Nagawa ni Judy na
maipon ang perang kinakailangan at nagkaroon pa ng sobra. Ngunit nagbago
ang isip ng kaniyang ina at sinabi sa kaniya na mas makabubuti kung
gagastusin niya ang kanyang pera sa pagbili ng bagong damit para sa
paaralan. Labis ang pagkabigo na naramdaman ni Judy. Ngunit sa kabila nito
ay nagpasiya pa rin siya na ipagpatuloy ang panonood ng konsiyerto. Bumili
siya ng tiket at sinabi niya sa kaniyang ina na maliit na halaga lamang ang
kaniyang naipon. Nang dumating ang araw ng konsiyerto, nanood siya at sinabi
sa kaniyang ina na siya ay magpapalipas buong araw kasama ang isang
kaibigan. Dumaan ang isang linggo at hindi nalaman ng kaniyang ina ang
kaniyang ginawa. Sinabi ni Judy ang lahat sa kaniyang nakatatandang kapatid
na si Louise. Iniisip ni Louise kung ipararating ba niya sa kanilang ina ang
ginawa ni Judy.

Mga Tanong:

a. Nararapat bang sabihin ng nakatatandang kapatid ni Judy na si Louise


sa kanilang ina na si Judy ay nagsinungaling tungkol sa pera o siya ba
ay mananahimik na lamang? Bakit?
b. Sa kaniyang pag-aagam-agam na sabihin ang katotohanan, iniisip ni
Louise na kapatid niya si Judy. Maaari ba itong makaapekto sa
kaniyang gagawing pagpapasya? Ipaliwanag ang sagot.
c. Ang pagsasabi ba ng totoo ay may kinalaman sa pagiging isang
mabuting anak? Bakit?
d. Ang katotohanan ba na si Judy ang nag-ipon ng pera ay mahalagang
konsidersayon sa sitwasyon na ito? Bakit?
e. Nangako ang ina ni Judy na papayagan itong manood ng konsiyerto
kung magtitipid siya ng pera. Ang katotohanan ba na nangako ang ina
ni Judy ang pinakamahalaga sa sitwasyon na ito? Bakit?
f. Kailangan bang may hangganan ang awtoridad ng ina sa kanyang
anak? Bakit?

8
Dilemma Blg. 3

May dalawang magkapatid na lalaki na nasangkot sa isang malaking


gulo. Nagpasiya silang iwan ang kanilang lugar at magtungo sa ibang lugar.
Nangailangan din sila ng pera. Si Karl, ang mas nakatatanda, ay pumasok sa
isang tindahan upang magnakaw at nakakuha siya ng sampung libong piso. Si
Bob naman, ang mas nakababata, ay nagtungo sa isang retiradong lalaki na
kilala sa pagiging matulungin sa mga taong naninirahan sa kanilang lugar.
Sinabi niya rito na siya ay may malubhang karamdaman at kailangan ng
sampung libong piso para sa kanyang operasyon. Nakiusap si Bob sa matanda
na pahiramin siya ng pera at nangakong ito ay babayaran kapag siya ay ganap
nang gumaling. Kahit pa hindi ganap na kilala ng matandang lalaki si Bob ay
pinahiram niya ito ng pera. Si Karl at si Bod ay nakatakas na may hawak na tig-
sasampung libong piso.

Mga Tanong:

a. Ano ang mas masama, ang magnakaw, katulad ng ginawa ni Karl o ang
manloko ng kapwa katulad ng ginawa ni Bob? Pangatwiranan ang
sagot.
b. Sa iyong palagay ano ang pinakamasama sa panloloko ng isang
matanda? Bakit mo ito itinuturing na pinakamasama?
c. Bakit masama ang pagnanakaw na tulad ng ginawa ni Karl sa isang
tindahan?
d. Ano ang halaga ng paggalang sa pag-aari ng iba?
e. Kailangan bang gawin ng tao ang lahat upang sumunod sa batas?
Bakit?

a. Kung iyong babalikan ang dilemma blg. 1, sa iyong palagay, ano ang
bagay na magagawa nang may pananagutan ni Joe sa ganoong
sitwasyon? Bakit?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
b. Sa iyong pagsusuri sa dilemma blg. 2, ano ang masasabi mong
pinakamapanagutang magagawa ni Louise sa sitwasyong iyon? Bakit?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

c. Naging iresponsable ba ang matanda sa pagpapahiram ng pera kay


Bob? Pangatwiranan.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

9
Batay sa mga naunang gawain, magbigay ng iyong sariling pagpapakahulugan
sa mabuting pagpapasya:

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____________________
Gawain 2: Basahin ang sumusunod na anekdota.

Hindi makalimutan ni Mark ang tinig ng ina nito sa telepono. “Bakit anak,
bakit? Lahat ng pagsisikap ginagawa ko ay para sa iyo. Anong nangyari? Akala ko
maayos ang lahat. Akala ko darating ako sa Marso para mapanood ang
pagmamartsa mo sa araw ng pagtatapos mo sa haiskul…kami ng tatay mo…” Hindi
na nito natapos pa ang sasabihin. Alam ni Mark na umiiyak ito sa kabilang linya.
Hindi na rin niya nakayanang marinig pa ang ibang sasabihin ng ina kaya’t ibinaba
na nito ang telepono.

Maayos nga ba ang lahat? Noon, noong narito pa sina Nanay at malakas pa
si Tatay. Noon wala siyang pakialam anoman ang sabihin ng ibang mga kamag-aral.
Madalas man siyang tuksuhin ng mga ito. Pagtawanan hindi nya ito kailangang
pansinin. Nagsisikap sya sa pag-aaral para sa kanyang pamilya. Siya ang panganay
kaya kailangan niyang makatapos para makatulong sa Nanay at Tatay. Mahirap lang
ang buhay nila. Madalas pumapasok siya na wala ni singko sa bulsa.
Pinagtatawanan nila ang sapatos niyang may butas sa talampakan gayon din ang
uniporme niyang puno na ng sulsi at medyo maiksi na para sa kanya. Hindi sila
makabili ng bago. Pero wala sa kanya iyon. Ang mahalaga’y nakakapag-aral siya.
Iyon ang laging sinasabi sa kanya ng kanyang nanay.

Ngunit nang magkasakit ang kanyang ama kinailangan nang kanyang ina ang
magpunta sa ibang bansa para maghanapbuhay. Katulong sa Hongkong ang nanay
niya. Mabait daw ang naging amo nito. Ilang taon na rin ang lumipas. Iba na ang
lahat. May bagong telebisyon, radyo, computer. Bago palagi ang uniporme ni Mark.
Marami siyang pera sa bulsa. May bank account pa nga siya. Sa kanya ipinangalan
ng nanay niya ang bank account para sa remittance nito. “Responsableng bata si
Mark, kaya niyang pamahalaan ang mga pangangailangan ng ama at ng kapatid.”
Sabi ng nanay niya sa tiyahin niya. Noon siguro yon.

“Mapilit kasi ang barkada ko tatay eh. Pwede ba kong maghanda sa


birthday ko. At saka pwede ba kong bumili ng beer. Konti lang naman, konting
kasayahan lang.” Ayaw sana ni Tatay, kaya lang sabi ni Nanay, hayaan na, minsan
lang naman. Tutal malapit ng magdisisiyete si Mark. Ang hindi alam ng nanay nya,
madalas ang inuman ng barkada. Nakakahiya kasi. Alam naman nilang may pera si
Mark. Wala raw siyang pakikisama, yan ang lagi nilang sinasabi kapag tumatanggi si
Mark. Natatakot si Mark na mawala ang barkada. Dati-rati kasi iniiwasan siya ng mga
ito. Ngayon sikat na rin siya, mula nang tanggapin siya ng barkadahan. Maraming
mga kaklaseng babae nila ay humahanga kay Mark. Masarap pala ang pakiramdam
ng napapansin ka, hinahangaan. Masarap ang maraming kaibigan. Masaya ang
kilala ka nang halos lahat ng mga mag-aaral sa paaralan.

10
Masyado kasing napadalas ang gimik ng barkada. Ayon bagsak tuloy si Mark
sa tatlong subject. Hindi siya gagraduate. “Okey lang yan pare, kami rin naman hindi
mamartsa eh” ni Bok ang lider ng kanilang grupo. “Ayaw mo nun matagal pa tayong
magkakasama. Tuloy ang ligaya.”

Dapat nga bang ikasiya iyon. Wari’y kinukurot ang kanyang puso tuwing
maaalala ang tinig ng ina. Minamasdan niya ang sarili sa salamin. Siya nga ba talaga
ang repleksyon sa salamin. Hindi pa huli ang lahat, wika nya sa sarili.

Sagutin:

1. Anu-ano ang mga mahahalagang pagpapasya na ginawa ng ina ni Mark


kaugnay ng kanilang pamilya? Tama ba ang kanyang naging mga pasya?
Ipaliwanag.
2. Ano-anong mga pagpapasya ang ginawa ni Mark para sa kanyang sarili?
Mabuti ba ang kinahinatnan ng kanyang mga naging pagpapasya?
Pangatwiranan.
3. Ano ang ibinunga ng mga maling pagpapasya ng ina ni Mark?
Pangatwiranan.
4. Ano ang ibinunga ng mga naging pagpapasya ni Mark? Pangatwiranan.

Gamit ang sumusunod na tsart, suriin ang mga naging pasya ni Mark. Anong
mga bagay ang maaaring naging mabuti ang kinahinatnan kung naging mabuti
lamang ang naging pagpapasya ni Mark? Kung ikaw si Mark, ano naman ang
maaaring naging pasya mo?

Mga
Mahahalagang Mga Naging Pasya Mga kinahinatnan Maaring naging
Pangyayari Sa ni Mark ng Pasya ni Mark pasya mo
Buhay ni Mark

Halimbawa:

Ipinangalan ng Gamitin sa Madalas itong Gamitin lamang


nanay ni Mark sa pansariling liban sa klase sa pamilya ang
kanya ang bank pangangailangan at upang maglibang pera sa banko
account ng kasiyahan ang pera kasama ang
remittance nito barkada.

Ikaw naman:

Mga Mga
Maaring Dahilan
Mahahalagang Mga Naging kinahinatnan
naging pasya ng
Pangyayari Sa Pasya ni Mark ng Pasya ni
mo pasya
Buhay ni Mark Mark

11
Sa kuwaderno ay isulat muli ang anekdota, ngunit gamitin ang iyong mga pasya sa
halip na kay Mark. Gamitin din ang mga maaaring kinahinatnan ng iyong pasya.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Rubric sa Pagtataya ng ginawang pagsusuri:

3 2 1
Dimensyon
Pinakatama Bahagyang Tama Mali

Posisyong pinili Natukoy nang Natutukoy ang Hindi malinaw


malinaw ang posisyon sa moral ang posisyon sa
kalalabasan ng na dilemma subalit moral dilema
posisyong pinili may ilang
kalalabasan ng
posisyon ang hindi
malinaw

Batayan ng mga Ibinatay sa Likas Ibinatay sa kultura, Ibinatay sa


pahayag na Batas at Moral kinagisnang nararamdaman
(Natural Moral Law) paniniwala o o emosyon
instinct

Ibinatay ang
posisyong pinili sa Ibinatay ang
tatlong palatandaan posisyong pinili sa Hindi ibinatay
ng moral na kilos tatlong ang posisyong
palatandaan ng pinili sa tatlong
moral na kilos palatandaan ng
subalit hindi moral na kilos
naipahayag nang
maayos

Kaugnayan ng Ang mga pahayag May ilang pahayag Ang mga


mga pahayag sa ay nagpapamalas na walang pahayag ay
dilemma ng lubos na kaugnayan sa nagpapamalas
pagkaunawa sa dilema ng di
dilemma pagkaunawa sa
dilema

Paninindigan sa Matatag ang May kaunting Hindi


posisyong pinili paninindigan sa agam-agam sa napanindigan
posisyong pinili posisyong pinili ang posisyong
pinili

12
Batay sa naunang gawain: Ano-ano ang mga elemento ng mabuting
pagpapasya? Isulat ang sagot sa kuwaderno.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________
Gawain 3. Basahin ang sumusunod na talambuhay

Figaro: Kapeng Pilipino!

Si Pacita “Chit” U. Juan ang bunso sa magkakapatid


na Juan. Maagang sinanay ng kanyang ama ang
magkakapatid sa pagnenegsyo. Sa tanghalia’y sinusundo ang
magkakapatid ng kanilang ama para mananghalian nang
sabay-sabay at kung may panahon pa ay magtrabaho sa
kumpanya. Maging ang mga bakasyon sa eskwela ay
ginugugol nila sa pagtratrabaho sa kanilang kumpanya. Doon natutuhan ni Chit ang
mga kasanayan at pagpapahalaga na naging susi sa pagtatagumpay ng kanyang
itinatag na negosyo. Kabilang dito ang respeto sa pagsisikap, pagtitiyaga at tamang
pamamahala ng oras o panahon.

Ang tagumpay ni Chit ngayon ay bunga ng mga mahahalagang pasya na


ginawa niya sa kanyang buhay. Noong una, hindi pagnenegosyo ang unang
larangang sumagi sa isip ni Chit. Di tulad ng mga kapatid, ibang-iba ang direksyong
nais niyang tahakin. Ang kanyang mga kapatid ay kumuha ng mga kursong kaugnay
ng pagnenegosyo, samantalang siya ay nag-aral ng Hotel and Restaurant
Administration. Hindi man niya alam noon, inihahanda na ang daan patungo sa
larangang kanyang pagtatagumpayan. Nang magtapos si Chit sa kolehiyo, mayroon
siyang dalawang pamimilian. Ang daang pinili ng nakatatanda niyang mga kapatid –
ang tumulong sa negosyo ng pamilya; o manghiram ng puhunan sa kanyang ama at
magtayo ng sarili niyang negosyo. Ito ang pasyang inaasahan sa kanilang pamilya.
Hindi inaasahan ng lahat, gumawa si Chit ng isa pang pamimilian – ang mamasukan.

Nagtrabaho si Chit sa hotel na Regent of Manila upang magamit ang kanyang


mga natutunan sa kolehiyo. Tulad sa ibang mga empleyado naging masipag at
masaya sa kanyang pagtratrabaho si Chit. Ngunit hindi pumayag ang kanyang ama
na mamasukan na lamang si Chit, sa huli’y nahimok din siya na bumalik sa negosyo
ng kanilang pamilya. Binigyan siya nito ng mataas na posisyon. Naging bise
presidente siya para sa pangangasiwa ng kanilang kumpanya. Hindi naging masaya
si Chit na siya’y nagkaroon ng mataas na posisyon ng hindi nito pinaghirapan.
Gayonpaman sinamantala pa rin niya ang pagkakataon upang patuloy na matuto sa
larangan ng pagnenegosyo.

Samantala, kailangan niya ring bigyang ekspresyon ang kanyang mga hilig at
talento. Isa sa kanyang mga kinagigiliwang gawin ang pag-inom ng kape kasama
ang mga kaibigan. Kasama ang mga ito, itinayo nila ang coffee shops na Figaro.

13
Noong una’y libangan lamang ito sa kanya, ngunit nang lumaon ay naging malaking
negosyo na ito na nangangailangan ng kanyanng buong atensyon. Sa ngayon ay
maunlad na ang negosyo niyang Figaro. May mga prankisa na rin ito sa iba’t ibang
rehiyon sa Pilipinas. Ngunit hindi isang negosyo lamang ang Figaro ngayon. Iniligtas
ng Figaro, sa pangunguna ni Chit, ang industriya ng kape sa Pilipinas.

Pinag-aralan ni Chit ang lahat ng bagay kaugnay ng kanyang bagong


negosyo, mula sa pagtatanim ng kape hanggang sa namamatay nang industriya nito
sa Pilipinas. Alam niyang kinakailangan niyang gumawa ng paraan upang iligtas ang
kapeng barako ng Pilipinas. Itinatag niya ang Figaro Foundation noong 1998, isang
pundasyong naglalayong hikayatin at tulungan ang mga magsasaka na muling
bumalik sa pagtatanim ng kape.

Hindi pa rin nagsasawa si Chit na magbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga


Pilipinong may hilig sa pagnenegosyo. Patuloy pa rin siya sa pag-aaral at bukas sa
mga bagong oportunidad sa ating bayan. Hindi niya kailanman ipapayo ang
mangibang-bayan upang makahanap ng tagumpay. Ang pagtatagumpay ay
pinaghihirapan at dapat na may pinaglalaanan. Para kay Chit ang lahat ng tagumpay
niya ay pakikibahagi sa pagpapaunlad ng bansa. Naniniwala siya sa husay at galing
ng mga PIlipino. Ang kanyang misyon – bigyang inspirasyon at himukin ang mga
Pilipino na magnegosyo at kilalanin ang kanilang sariling husay upang mapagtanto
nila kung gaano kadakila ang lahing Pilipino.

Sagutin:

1. Ano-ano ang mga mahahalagang pagpapasya na ginawa ni Chit sa kanyang


buhay? Ipaliwanag.
2. Kung ikaw si Chit, ganito rin ba ang magiging pasya mo? Pangatwiranan.
3. Bakit iniwan ni Chit ang kanyang mataas na posisyon sa negosyo ng kanilang
pamilya? Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, anu-ano ang mga naging dahilan ng pagtatagumpay ni Chit
sa buhay? Pangatwiranan.
5. Paano nakatulong sa pagtatagumpay ni Chit ang kanyang mga naging pasya
sa buhay?
6. Bakit mahalaga ang mabuting pagpapasya sa ating pinapangarap na buhay?
Ipaliwanag.
Ipaliwanag ang sumusunod na paglalarawan ng proseso ng mabuting
pagpapasya batay sa mga natutuhan sa mga naunang gawain. Isulat sa kuwaderno
ang iyong mga paliwanag.

14
Ano ang misyon o layunin ni Lucita “Chit” Juan sa buhay? Paano niya
isinasakatuparan ang layuning ito?

Basahin ang artikulo ni Karen Flores, abs-cbnNEWS.com sa


http://www.abs-cbnnews.com/business/03/03/09/chit-juan-leaving-big-boss-role-behin
d
Gawain 4: Ang Iyong Layunin sa Buhay

Tulad ni Chit Juan, may misyon o layunin ka ba sa buhay? Tingnan ang mga
sumusunod na halimbawa ng personal mission statement. Ano ang mga
pagkakapareho ng mga ito? Ang mga pagkakaiba?

Ang kabiguan ay naging bahagi ng buhay upang tayo’y maging mapagpasalamat sa mga
mumunting biyaya ng buhay.

Ang boses mo at ang bawat isa sa atin ay mahalaga.

Ang buhay ay parang pagsakay sa isang bisikleta, kailangan mong panatillihin ang iyong
balanse upang makarating sa paroroonan.

Maging gabay ng iba tungo sa katotohanan.

Ang lahat ng desisyon ay mahalaga.

Huwag kakalimutan na ang Diyos ay laging naririyan para sa akin

15
"My purpose throughout each day of "I live my life as a solution to
my life is to express my commitment humanity - travessing all nations and
to love and cherish my family and races: giving hope and future to the
friends, improve myself personally hopeless, the poor and the
and professionally so that I can oppressed in and through Christ."
advance within my career, lead a
successful career that I will enjoy,
and take on any challenges that
-- Raymond for Accra Ghana
come my way."

Extracted from:
--by Susana 07/29/06
http://www.missionstatements.co
m/personal_mission_statements.h
Extracted from: tml
http://www.missionstatements.com/p
I WILL… attempt to further my knowledge everyday either through taking classes, reading
ersonal_mission_statements.html
books, or educating experiences so I can be as intelligent and insightful as my parents.
I WILL… be a better daughter, sister, student, teammate, and friend by improving on my
inferior qualities like organization, responsibility, and compassion.
I WILL… continue to exercise my body a few times a week in order to become lean and
fit. This way I will have the muscle and endurance to achieve my goals and live a long,
healthy life.
I WILL… find a job every summer until I begin attending college in order to at least triple
my current bank account. The money I earn will be used to pay for college expenses, and
left untouched otherwise…
I WILL… treasure time spent with my family and friends above everything else by putting
aside time for them no matter how busy my schedule may become.
I WILL… become a respected and noted leader to those who surround me through taking
charge and succeeding in difficult situations."

-- by Marissa
Extracted from: http://www.missionstatements.com/personal_mission_statements.html

Magsalliksik: (Maaaring sa internet o sa silid-aklatan ng inyong paaralan)


Maghandang iulat.

1. Ano ang ibig sabihin ng personal mission statement o Pahayag ng Layunin sa


Buhay? Ipaliwanag.
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng layunin sa buhay? Ipaliwanag
3. Ano-ano ang mga pamantayan sa pagsulat ng layunin? Ipaliwanag

C. PAGPAPALALIM

16
Basahin ang sumusunod na sanaysay.

ANG MABUTING PAGPAPASYA

Marunong ka bang maglaro ng chess? O di


kaya naman ay nakakapanood ka ba ng mga
naglalaro nito? Kung susuriing mabuti ang paglalaro
ng chess, mapapansin na ang sinumang naglalaro
nito ay sumasailalim sa malalim na pag-iisip. Sa
buong panahon ng paglalaro ng chess ay
kinakailangan nilang mamili ng tamang piyesa na
ititira at magpasiya ng gagawing tira. Pinag-aaralan
munang mabuti ang bawat galaw upang maging
batayan ng gagawing tira. Kailangang maging
maingat sa pagpapasiya dahil kung hindi ay magbubunga ng pagkatalo sa laro. May
tuntunin na tinatawag na “touch-move”, nangangahulugan ito na kapag hinawakan
mo ang isang piyesa ay ito na dapat ang iyong ititira, hindi na maaaring magbago ng
isip kung kaya mahalagang sigurado na sa tira bago ito hawakan. Marahil
nagtatanong ka, “Bakit naman biglang napasok ang chess sa usapan?”

Hindi ba maaari natin ihalintulad ang paglalaro ng chess sa ating mga


pagpapasiya sa buhay? Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob. Ito ang
dahilan kung bakit binibigyan din tayo ng laya na magpasiya para sa ating sarili. Isa
itong gawain na hindi maiiwasan ng sinuman sa araw-araw. Ngunit ang tanong,
sapat na ba ang iyong kaalaman para magpasiya at mamili? Katulad ka ba ng isang
grandmaster sa chess na laging naipananalo ang kaniyang laban? Kung hindi pa
ganap ang iyong tiwala sa iyong kakayahan, makatutulong sa iyo ang babasahing
ito.

Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Nagmumula


ito sa simpleng pagpapasiya katulad ng: kung anong damit ang isusuot, kung kakain
ba ng hapunan, hanggang sa mga komplikadong pagpapasiya katulad ng: kung
papasok ba o hindi sa paaralan, sasama ba sa kaibigan sa isang party nang walang
paalam sa magulang o pakokopayahin mo ba ang kaibigan mo sa pagsusulit at
marami pang iba. Alinman sa mga ito ay nangangailangan ng kasanayan upang
makagawa ng matalinong pasiya lalo na sa mga sitwasyong moral.

Ang Proseso ng Paggawa ng Mabuting Pasya

Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala


o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Mahalaga ang
prosesong ito sa ating pagpili. Ang pagpili ay nangangailangan ng pagkakaroon ng
pagtatangi o diskriminasyon. Ang pagpili ng paglalakad sa bangketa ay pagpili na
hindi maglakad sa kalsada. Ipinapalagay, sa simpleng pagpili na ito, na alam mo ang
kaibahan ng bangketa sa kalsada – kaysa, halimbawa, sa isang lasing na ang
paningin at pambalanse ay naapektuhan ng alkohol. Kung mahusay ang
pagpapasya, mas malinaw ang mga pagpiling gagawin.

17
Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya
ay panahon. Kadalasan ito ang una nating hinihingi upang makagawa ng
pagpapasya sa anomang bagay na inaasahan sa atin. Karaniwan na ang mga
linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip.”

Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya ay ang isip at


damdamin. Una, ginagamit natin ang ating isip. Pinagninilayan natin ang sitwasyon.
Naghahanap tayo ng mga impormasyon at tinitimbang natin ang mga kabutihan at
kakulangan sa ating mga pamimilian. Hinihinuha natin ang mga maaring
kahantungan o maging epekto ng mga ito. Madalas kumukunsulta tayo sa mga
eksperto. Itinatala natin at iniipon ang mga datos tungkol sa suliraning nais nating
malutas. Matapos magsuri, higit nating nakikita nang walang kinikilingan ang tamang
tunguhin. Ibig sabihin ng walang kinikilingan, ang solusyon na tinitingnan na higit na
makabubuti ay maaari ring piliiin ng karamihan sa mga tao.

Ngunit hindi lamang ang isip ang umiiral sa ginagawa nating pagpili.
Kinukunsulta rin natin ang ating damdamin upang tiyaking kagustuhan nga natin ang
ginawang pagpili. Kung kaya’t sinasala ng ating damdamin ang anomang natuklasan
ng ating isip upang pagbatayan ng pagpili, upang gawing atin ang pagpapasiya. Ibig
sabihiin nito, maaaring maunawaan ng iba ang pinanggagalingan ng ating pagpili sa
aspektong intelektuwal, ngunit hindi nila sinasang-ayunan ang ginawang pagpili.
Maaaring hindi mahalaga sa kanila ang mga bagay na pinahahalagahan natin.
Maaari pa nila tayong pagbintangang wala sa katinuan ng pag-iisip.

Dahil dito naaalala natin na mula’t sapul pa, tayo ay may kalayaan at walang
mapanagutang pagpapasya ang nagaganap nang walang kalayaan. Maari tayong
humingi ng payo sa ating mga malalapit na kaibigan o sa mga eksperto, ngunit hindi
natin dapat hayaang maimpluwensyahan tayo ng opinyon ng iba sa paraang
nawawalan na tayo ng kalayaan. Nararapat din na malaya sa mga panloob o
subconscious na pag-uudyok na maaaring pamahalaan ang ating pagpasya ng lingid
sa ating kaalaman.

Ang pagpapahalaga ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting


pagpapasya. Kung hinihingi ng pagkakataon na tayo ay mamili, madalas na
tinitimbang natin ang mga pamimilian batay sa kung ano ang mahalaga sa atin.
Maaring pinipili natin ang pagkain ng gulay dahil sa halaga nito sa ating kalusugan,
ayon sa dikta ng ating isip sa kung ano ang tama at ng damdamin ayon sa ating
ginugusto.

Ang proseso ng mabuting pagpapasya sa maikling salita ay – “batay sa ating


pagpapahalaga, ginagamit natin ang ating isip at damdamin upang tiyakin sa loob ng
sapat na panahon ang ating pasya.”

Maaaring ilarawan ang proseso ng mabuting pagpapasya bilang:

18
Mga Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasya

Maaari rin nating himayin ang proseso ng mabuting pagpapasya. Sundan


lamang ang mga sumusunod na hakbang.

1. Magkalap ng kaalaman. Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasiya ay


nakasalalay sa mga katotohanan. Sa iyong kasalukuyang edad, maaaring
hindi pa sapat ang iyong kaalaman ukol sa mga katotohanang ito; kung kaya
mahalaga na ikaw ay sumangguni at humingi ng opinyon sa mga taong
nakaaalam at mayroong sapat na karanasan tungkol sa mga bagay na iyong
pinagninilayan. Halimbawa, makatutulong nang malaki kung isasangguni mo
sa iyong gurong pinagkakatiwalaan ang iyong mga agam-agam. Higit na
marami na siyang mga kaalaman at karanasan na maaaring kaniyang
gamiting batayan sa pagbibigay ng payo. Higit na makatutulong kung
makikinig sa iba’t ibang pananaw upang makita mo ang problema sa iba’t
ibang anggulo. Ngunit mahalagang tandaan na magkakaroon lamang ng
kabuluhan ang lahat ng ito kung bukas ang iyong isip sa pagtanggap ng mga
mungkahi at payo mula sa ibang tao.
2. Magnilay sa mismong aksiyon. Sa anumang pagpapasiya ng tao, mahalaga
ang pagninilay sa mismong aksiyon. Maaari mong gamitin ang mga
sumusunod na gabay:
a. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon. Tanungin mo ang iyong sarili,
Ano ba ang aking binabalak na gawin? Ito ba ay naaayon sa pamantayan
ng Likas na Batas Moral? Ito ba ay tama?
b. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung ano ba talaga ang
iyong personal na hangarin sa iyong isasagawang aksiyon. Halimbawa,
ang isa bang batang nakatira sa kalye ay laging nararapat na bigyan ng
pera? Namulat tayo sa paniniwala na mabuti ang magbahagi lalo na sa
mahihirap. Ngunit ang isang mukhang tamang kilos ay hindi laging tama
dahil ito ay naaapektuhan ng intensiyon. Ikaw ba ay nagbahagi dahil
gusto mo lamang magpasikat sa iyong mga kakilala? O ginawa mo ito

19
dahil sa iyong palagay ay magagamit mo ito upang mabawi ang isang
panloloko sa isang kaibigan tungkol sa pera? Kaya mahalagang
pagnilayan mong mabuti ang iyong isasagawang kilos dahil tiyak na
makaaapekto ang iyong mga hangarin sa pagiging moral ng iyong kilos.
c. Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may kaugnayan sa
aksiyon. Dahil ang tao ay nabubuhay sa mundo na kasama ang kaniyang
kapwa, may epekto sa iyong kapwa ang iyong mga pagkilos. Ito ang
dahilan kung bakit mahalaga na suriin muna kung ano ang magiging
kahihinatnan ng iyong kilos bago ito isagawa. Halimbawa, kung ang iyong
kapatid ay lagi mong iginagawa ng kaniyang mga gawaing-bahay at
proyekto, nakatutulong ba ito sa kaniya? Hindi ba tinuturuan mo siyang
maging palaasa at tamad? Hindi ito makatutulong sa kaniyang pagkatuto
at paglago. Samakatuwid, kailangang isaalang-alang ang lahat ng bagay
na may kaugnayan sa aksiyon upang hindi magkamali sa isasagawang
pasiya at kilos.
Pagkatapos makakalap ng kaalaman at mapagnilayan ang
isasagawang pagpili ay mayroon ka ng kahandaan upang piliin ang sa
iyong palagay ay tama at nararapat.
3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya. Ang panalangin
ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang ganap na maging
malinaw kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin. Dahil sa
panalangin, mabibigyang ng linaw sa iyo kung ano talaga ang gusto ng Diyos
na iyong gawin. Mahalagang gawin ito upang magkaroon ng lakas na
maisakatuparan ang anomang dapat gawin ayon sa paghuhusga ng sariling
konsensya.
Ngunit paano kung matapos ang pagkalap ng mga kaalaman,
pagninilay at pagdarasal ay nananatili pa rin ang iyong pag-aalinlangan sa
iyong pagpili? Ano na ang iyong dapat na gawin? Makatutulong sa iyo ang
susunod na hakbang.
4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya. Mahalaga ring
isaalang-alang ang ating damdamin o kalooban sa ating gagawing pagpili.
Hindi lahat ng lohikal o makatwirang pamimilian ay makabubuti sa atin.
Mahalaga ring isaalang-alang ang ating magiging kasiyahan bunga ng ating
ginawang pagpili.
5. Pag-aralang muli ang pasiya. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil
mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasiya,
kailangan mong pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na
panalangin at mas ibayong pagsusuri. Maging bukas sa posibilidad na
magbago ang pasya pagkatapos ng prosesong pinagdaanan mo.

Marami pang pagpapasiya ang iyong gagawin sa mga darating na


panahon kung kaya mahalagang may sapat kang kaalaman tungkol dito.
Mahalagang tandaan na sa bawat isasagawang pagpili, laging isasaalang-
alang ang mas mataas na kabutihan (higher good). Ito ang natutuhan mo sa
Modyul 10, sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler. Tao lamang ang
biniyayaan ng isip at kilos-loob kung kaya mayroon siyang kakayahan na
kilalanin at gawin ang tama at nararapat. Halimbawa, nagmana ka ng
malaking salapi mula sa isang kamag-anak. Pagkatapos mong matanggap

20
ang pera, ninais mo na magkaroon ng isang engrandeng salu-salo. Ngunit
naisip mo na huwag itong ituloy dahil napagtanto mo na ang kaligayahan na
maidudulot ng pagsasalu-salo ay panandalian lamang. Sa halip ay nagpasiya
kang gugulin ito sa pag-aaral mo ng medisina upang makatulong ka sa
mahihirap na may sakit. Mas mataas na kabutihan ang tumulong sa kapwa
kaysa sa kasiyahan na maidudulot ng salu-salo. Ito ay dahil may isip at kilos-
loob ang tao na makaalam at maglayong gawin ang mas mataas na
kabutihan para sa kaniyang kapwa at upang ipakita ang pagmamahal sa
Diyos.

Habang lumilipas ang panahon ay lumalaki na ang hamon ng lipunan


sa bawat indibidwal na mapanindigan ang tama at
mabuti. Maraming mga isyu sa lipunan na tunay Habang
na susukat sa iyong moral na paninindigan. Kaya’t lumilipas ang panahon
kailangang sapat ang iyong kaalaman at ay lumalaki na ang
kakayahan tungkol sa pagsasagawa ng moral na hamon ng lipunan sa
pagpapasiya. bawat indibidwal na
mapanindigan ang
Ang Pahayag ng Personal na Layunin sa Buhay o
tama at mabuti.
Personal Mission Statement
Maraming mga isyu sa
Isang mabuting giya o gabay sa ating mga lipunan na tunay na
pagpapasya ang pagkakaroon ng personal na pahayag susukat sa iyong moral
ng layunin sa buhay o personal mission statement. Ayon na paninindigan.
nga kay Sean Covey sa kanyang aklat na The Seven Kaya’t kailangang
Habits of Highly Effective Teens, “Begin with the end in sapat ang iyong
mind.” Kung sa simula pa lang ay alam na natin ang gusto kaalaman at
nating mangyari sa ating buhay, hindi na magiging kakayahan tungkol sa
mahirap para sa atin ang mga mahahalagang pagsasagawa ng moral
pagpapasya sa buhay. Ang pahayag ng layunin sa buhay na pagpapasiya.
ay maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto
o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. Para itong
balangkas ng iyong buhay. Iba’t iba ang paraan ng pagpapahayag ng mission
statement o layunin sa buhay. Ang iba ay mahaba; ang iba naman ay maikli. Ang iba
ay awit; ang iba ay tula. Ang iba naman ay ginagamit ang kanilang paboritong
salawikain o kasabihan bilang pahayag ng layunin sa buhay.

Ayon pa kay Covey (1998) ang pahayag ng personal na layunin sa buhay ay


maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat. Ito ay matatag at hindi
mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago. Kailangan natin ang matibay
na makakapitan upang malampasan ang anomang unos na dumarating sa ating
buhay. Walang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ay nagbabago. Maaariing
ngayon ay mayaman kayo, bukas naman ay naghihirap; mahal ka ng nobyo mo
ngayon bukas may mahal na siyang iba. Maraming bagay na hindi natin mapipigil.

Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kanyang aklat:

1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga kasabihan na may


halaga sa iyo at tunay na pinaniniwalaan mo. Maaring ang mga ito na ang
gamitin mong pahayag ng iyong personal na layunin sa buhay.

21
2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng labinlimanng minuto
ay isulat mo ang anomang nais mong isulat tungkol sa iyong misyon. Huwag
kang mag-abalang magsala ng mga ideya o itama ang mga pagkakamali dito.
Matapos ang labinlimang minuto ay maari mo na itong salain at itama ang mga
pagkakamali sa bararila o gramatika. Sa loob lamang ng 30 minuto ay
nakapagsulat ka na ng iyong pahayag ng layunin sa buhay.
3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. Magtungo sa isang lugar kung saan
ka maaaring mapag-isa. Doon mo pagtuunan ng panahon ang paggawa ng iyong
layunin sa buhay sa anomang paraang makatutulong sa iyo.
4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. Hindi kinakailangan ang perpektong
pagkakasulat ng layunin sa buhay. Hindi naman ito isang proyekto sa isang
asignatura na kinakailangan ng marka ng guro. Ito ay personal mong sekreto.
Ang mahalaga, nagsisilbi itong inspirasyon sa iyo. Itanong sa iyong sarili, “Ako
ba’y naniniwala sa aking isinulat?” Kung masasagot mo ito ng oo, ay mayroon ka
ng pahayag ng layunin sa buhay.

\Kailangan ang personal na pahayag ng layunin sa buhay upang panatilihing


matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay. Kailangan ito upang bigyan
ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay. O, ano pa ang hinihintay
mo?

Mga Tanong:

1. Ano ang dapat isaalang-alang sa bawat gagawing pagpili?


2. Bakit mahalagang magkalap ng kaalaman bago magsagawa ng pagpapasya?
3. Bakit mahalagang pagnilayan ang isasagawang kilos?

Paghinuha ng Kakailanganing Pag-unawa (EU)

22
PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO

Pagganap

Nakita mo ang magandang dulot ng pagkatuto sa tamang pagpapasiya mula


sa modyul na ito. Higit na magkakaroon ng kabuluhan ang pagkatutong ito kung
maibabahagi mo ito sa iyong kapwa. Kaya, isagawa mo ang gawaing ito.

1. Maghanap ng isang kapamilya, kaibigan o kakilala na nahaharap sa isang


suliranin na ngangailangan ng pagpapasiya.
2. Maglaan ng panahon upang siya ay makausap at magabayan sa gagawing
pagpili.
3. Ilapat ang natutuhang mga hakbang at iproseso ito kasama ang taong napili.
Sa paraang ito, maibabahagi mo sa kaniya ang iyong natutuhan sa modyul
na ito.
4. Maaaring humingi ng tulong o paggabay sa iyong guro o kamag-aral kung
kinakailangan.

Pagninilay

Magsulat ng pagninilay sa iyong journal. Tapusin ang sumusunod na di-tapos na


pangungusap: Ang napulot kong aral mula sa aking karanasan….

23
Pagsasabuhay

Panahon na para magsulat ka ng iyong pahayag ng layunin sa buhay.


Gamitin ang mga natutuhan sa pagbuo nito. Isulat ang iyong layunin sa
buhay sa posts-it at idikit ito sa iyong salamin o sa lugar na araw-araw
mong tinitingnan. Maaari rin itong ipa-laminate at isilid sa iyong pitaka o
gawin itong key chain o tag sa iyong bag. Ang mahalaga, ito ay lagi mong
nakikita at lagi mong naaalala.

Maging inspirasyon ng
kapwa kabataan
Mapasaya ang mga
magulang
Gumawa lamang ng
magpapasaya at
magpapadakila sa Diyos

Mga Sanggunian:

Kohlberg Dilemmas. Retrieved from


http://www.haverford.edu/psych/ddavis/p109g/kohlberg.dilemmas.html on May 19,
2011

Covey, Sean; “Habit 2: Begin With the End in Mind”; The 7 Habits of Highly Effective
Teens; (1998): 105-130

Wolff, Pierre; “Chapter 1:Everybody Has What Is Necessary for Choosing”;


Discernment The Art of Choosing Well; (1993): 3-11

Asociation of Filipino Franchisers, Inc (AFFI); “Figaro Coffee Company”; Introduction


to Entrepreneurship: Success Stories of Filipino Entrepreneurs; (2007): 49-63

24

You might also like