Si Binibining Phathupats
Si Binibining Phathupats
Si Binibining Phathupats
Si Binibining Yeyeng ay isang Pilipinang Kapampangan na kitang kita sa sa katawan ang pagka Pilipino. Punung-
puno siya ng kolorete sa mukha. Ngunit dahil mahirap lamang sila ay pagtitinda ang kanilang ikinabubuhay. Sa kabilang
dako, sa pagtahimik ng rebolusyon ay nabuksan ang mga paaralan sa tulong ng pamahalaang militar ng Amerika. Ang mga
kawal na naging suki ni Binibining Yeyeng sa kanyang pagtitinda ay naging mga guro sa paaralaan. Pinilit siyang papasukin
ng mga kawal upang siya ay matuto at sila ay magkaintindihan. Makalipas ang ilang araw ay nakapagsasalita na ng Ingles si
Binibining Yeyeng. Sa paglipas ng ilang buwan ay pinadala siya ng mga gurong kawal sa ibang bayan upang magturo.
Nabihasa si Binibining Yeyeng sa pagsasalita ng Ingles. Sa paglipas ng panahon ay hindi na siya lubusang nakapagsasalita ng
Kapampangan dahil sinasabi niyang nakalimutan na raw niya ito. Sinabi niyang matigas daw ang Kapampangan at
nababaluktot ang kanyang dila kaya kailanman ay hindi na siya makakapagsalita nito ng tuwid at mananatili na siyang utal
dito. Nalaman ng ibang kakilala ni Binibining Yeyeng ang kanyang sinabi kaya pinalitaan nila ang kanyang pangalan. Mula
Binibining Yeyeng ay ginawa nila itong “Binibining Phathupats”, pangalang hango sa malapad niyang balakang na pilit
iniipit sa Pahang mahigpit ang balot. Nakalimutan na ng mga tao ang Yeyeng na dati niyang malambing na palayaw.
Lumipas ang panahon at may isang pista o “velada” sa bayan ang dinaluhan ni Binibining Phathupats. Doon ay may
nakita siyang isang pahayagang Kapampangan, ngunit nang makitang Kapampangan ay lumabi siya at nagsalita ng
Kapampangan. Sa pagpapatuloy ng kasiyahan ay nagkaroon ng diskusyon ukol sa isyung pagkalimot sa pagsasalita ng
Kapampangan ni Binibining Phathupats. Lumabas ang pilit na pagkukubli ni Binibining Phathupats ng kanyang pagiging
isang Pilipino at pilit na pakikibagay sa mga Amerikano. Napahiya siya sa harap ng maraming tao. Sigawan, palakpakan, at
halakhakan ang narining sa buong lugar. Hindi na nakatiis si Binibining Phathupats at nagkandarapa siyang lumabas sa
daan dahil sa inis at hiya. “Paalam, binibining hindi marunong ng Kapampangan. Paalam, Binibining Alice Roosevelt!
Paalaam, Binibining Phathupats”, mga salitang binitawan ng mga tao.
Napakarami nang mga Binibining Phathupats sa panahon ngayon. Mga taong kinakalimutan na ang sariling wika.
Mga taong ikinahihiya ang sariling wika dahil nakakapagsalitaa na sila ng wikang Ingles.