10 Maikling Kwento

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Kwento ng Katutubong Kulay

ANG KULAPI

Ni Benjamin Pascual

Mataaas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-
barong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang
pinagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang
umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay
naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa
gabing iyon at tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na
taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin
namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos
sa high school ay hindi na isang maliit na gaya niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para
niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuutang puting-puti, kipkip ang ilang
libro at nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa
kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din
siya ng mamaniganging may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya, para pa niyang naririnig
ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa
harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti
siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang
pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng Tondo, ay
mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw
ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian.
Bibili rin siya ng garbansos. Gusting-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na
garbansos.

Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na ang


di-makamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta
pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili.
Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal
ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang
magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya
sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas ng
humahangos na isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik na niyang
ikabuwal. Ang siko ng bata at tumama sa kanyang kaliwang dibdib.

“Ano ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kay sikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung
lumabas!”

“Pasensiya na kayo, Ale,” sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos na tig-
bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho
kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensyahan
nang pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumasok. Paano’t paanuman, naisip niya, ako ang
huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di mabuti ay sa
kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita
sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang
nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong
paninda at bumili ng isang kartong mantika.

“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya
niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.

“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”

Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang


magbayad.

"Bakit ho?” anito.

"A, e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.

“Ku, e, magkano naman ang laman?” ang tanong nga babae.

Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng
kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit sa di pa ma’y
nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, “E,
sandaan at sampung piso ho.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga
nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang
gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang
katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon
nakakalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ano ang kasuutan
nito na maaari niyang pagkakilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa
harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at mangilan-ngilang namimili
at mga batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang
lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa
gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga
pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng
kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali; ang wakwak na
kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama
ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na
tig-bebeinte.

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.


“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag
kang magkakaila!”

Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng


isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:

“Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”

“Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at
wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema
ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili.
Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawk sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa
kababaihan.

“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e banggain ako,” sabi niya. “Nang
magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e wala nang laman!”

"Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang
dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.”

“Tena,” sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”

“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta na pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis.
Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawang-kamayin
ang pag-aalis sa mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasakal sa kanyang
liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na
umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga nanonood ay lumapit an isang pulis, na
tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta
ang pagsusumbong.

“Naseguro ko hong siya dahil sa nang ako’y kanyang banggain, e naramdaman ko ang
kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino
kaagad pagka’t akoy nagmamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot at ang nagmamapa-sa-duming
katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng
bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiiyak, ay lumabas ang isang maruming
panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at ang tig-bebeinteng
bangos.

"Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” tanong ng pulis kay
Aling Marta.
“Siya ho at wala nang iba,” sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata.
“Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata.

"Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang
pitaka ko, e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga
tekas kung lumakad, isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, Mamang Pulis,
e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis. “Hindi natin kara-karaka madadala ito nang walang evidencia.
Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang
dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”

"E, ano pang evidencia ang hinahanap mo?” sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang
pamumupo. “Sinabi ko nang binangga ako nang pasadya, na naramdaman ko ang kanyang
kamay sa aking bulsa. Ano pa?”

Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat gawin. Maya-maya, muling naupo
at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa.

"Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.

Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya.
“Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e may sakit at kami ho, kung minsan,
ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt. Kung minsan naman ho, e sa mga lola
ko sa Quiapo at kung minsan, e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tondo. Inutusan nga
lang ho niya ‘kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”

“Samakatwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tondo?” ang tanong ng pulis.

“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay
dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa, e.”

Ang walang-kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kanyang


pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang
tao sa paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at
pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.

“Ang mabuti ho yata, e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” sabi niya. “Pinagkakaguluhan
lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay
sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”
“Hirap sa inyo ay sabad kayo nang sabad, e,” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong
dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yo
sabihin ang gusto n’yong sabihin at doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.”

Inakbayan nito ang bata at inilakad patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiimik na si
Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay ngingti-ngiti habang silang tatlo ay
minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sandal at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” sabi sa kanya at
pumasok.

Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-
sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya.
Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya
kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang paghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo o
maaaring sa hapon na. Naalaala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang
asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang naririnig ang sasabihin nito
kung siya’y uuwi na walang dalang anuman, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot
sa kanya na kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang
ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig
at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinipilit sa likod.

“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang
binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e ako, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan
mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?”

Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang
balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang
makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa
baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ay
buong panggigigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay
makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng
nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan
kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay humanap ng malulusutan at nang
makakita ay walang lingod-likod na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan.
Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling
Marta; ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa
kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali
ay nagdilim sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa
pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga
mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.

Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang
mukha ay aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang
gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat
ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siya ay
binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili,
Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y
pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay


napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng
ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay
natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang
katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito ng paningin at
ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.

“Maski kapkapan n’yo ako, e wala kayong makukuha sa akin,” sabing pagatul-gatol ng
nilalabasan ng dugo sa iong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kanyang
katawan; ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay
lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing.
Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito
sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwaderno at lapis. “Siguro matutuwa na
kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” tanong ni Aling Marta.

“Wala naman sa palagay ko,” sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba
kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang
mananagot niyan.”

May himig pangungutya ang tinig ng pulis. “Makaaalis nap o ako?” tanong ni Aling Marta.

“Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong
pangalan at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangailangan ng kaunting pag-aayos ay
mahingan naming kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang
tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-magulo ang kanyang
isip; Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumalakad siya
ngayon na walang-tiyak na patutunguhan. Naalaala niya ang kanyang anak na ga-graduate,
ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga
mata ng kanyang asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong
iyon, magagalit, hanggang siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na
pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng
panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot na gulo
at kahihiyan! Sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-
uulapang diwa sa bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.

Kung di sa tinamaan ng lintik na iyan ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa
sarili. Kasi’y imbi, walang-pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng
iba. Mabuti nga sa kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-


uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote
nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa
kanya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangad na
makapagpadala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa
na sila ay hindi naghihirap, ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din
niya ang nangyayaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo at anuman
pangangatwirang gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t
darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihiman niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang
siya ng pera sa tindahan ni Aling Godyang, at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito
na ang nawala niyang pera ay sandaan at sampung piso at ang halagang iyon ay napakalaki na
upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon
makapaghihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa maninipis na labi ni Aling Marta nang
ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.

Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok ng tarangkahan, ay
natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong.
Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang kanyang
dala ay napakunot-noo, lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang
payat na mukha ng kanyang asawa.

“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.

“A, e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka."
Nagkatinginan ang mag-ama.

“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e naiwan mo! Kanginang bago
ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili
ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng pinamili mo niyan?”

Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang
larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang
narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan ninyo ako, e wala kayong
makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang
pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at
bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng
kanyang asawa’t anak, at papaliit, lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
Kwentong Bayan

ANG PUNONG KAWAYAN

Ni Francisco Rodrigo

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang
Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog.
Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.

Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit
malayo, ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni
Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga.
Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas
ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog
ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang
mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang
nakatayo at di nasalanta.
Kwento ng Pag-ibig

ANG MALING PAG-IBIG

Ni Edilou A. Mangogtong

“Kung kailan ka magmahal,doon ka pa masasaktan’’ Isang kwentong karanasan sa pag-ibig


na naranasan sa totoong buhay.ito ay kwento ko,at ito ay naranasan ko ngayon.gusto ko lang
isulat ito dahil wala akong mapagsabihan dahil ang mga magulang ko ay hindi kami gaanong
magkasundo.puwera nalang sa kapatid ko na babae.iyon nga lang hindi din kami gaanong
magkasundo.pero may pagkakataon na magkausap kami kapag may kailangan siya o di
kaya’y ako,magtutulungan lang kami kung ano ang mayroon ako na wala siya,at kung
mayroon siya na wala ako.magbibigayan nalang kami. Nagsimula ang lahat sa barkada at
kaibigan ng kapatid ko,pinakilala niya ako sa isa sa mga kaibigan niyang lalaki. Doon kami
nagkakakilala,humingi siya ng number ko,nagttxt,natatawagan at nag-uusap sa personal,dahil
iisa lang naman ang aming paaralang pinapasukan. At nagiging kami,dahil sabi ng kapatid ko
mabait daw siya at seryosong magmahal.ayon sinagot ko siya dahil nga ang kapatid ko na
nagsasabi sa akin kung ano siya. Hindi pa umaabot ng isang linggo an aming relasyon.kahit
na ganun,minahal ko na siya agad,hindi ko alam kung bakit?hindi ko maipaliwanag sa sarili
ko kung bakit.baka natamaan ako ni kupido.pero kahapon ko lang nalaman ang lahat tungkol
sa taong mahal na mahal ko.iyong taong mahal ko ay may mahal pala ng iba,ang
sakit…..sakit talaga,kahit ilang araw lang kami magkasintahan ay minahal ko na siya higit pa
sa buhay ko.akala ko iba siya sa lahat ng mga lalaki,pero katulad din pala.kaya nalaman ang
lahat,tumawag siya sa akin,at nagtaka ako kung bakit bigla siyang tumawag sa akin.iyon pala
ang babae,kaya hindi siya nagsalita sa akin. Kahapon sa alas 5 ng hapon, may tumawag sa
akin na number na hindi ko kapamilyar, tapos sinagot ko,hindi siya sumagot.hindi ko alam na
ang babae pa iyon,di ko alam kung bakit may number siya sa akin.sabi pa ng babae “iting
babaeng ito,para namang sinong maganda.” Pagkatapos,binaba na niya ang telepono.ka
gabi,nagtetext kami ng babae lahat ng masasakit na salita ay sinabi niya sa akin.sabi niya
pinaasa lang daw ako sa tao,at bakit raw ako pumatol sa taong may mahal ng iba.ang sakit
talaga talaga sa pakiramdam,at galit na galit ako sa sa sarili ko kung bakit nangyari ito sa
akin,at galit na galit din ang babae sa akin. Sinabihan ko ang kapatid ko sa lahat ng nangyari,
ayon nagalit siya dahil siya raw ang dahilan kung bakit naging kami ng kaibigan
niya.kaninang madaling araw, nagtext yong babae sa akin humingi ng tawad sa mga
masasakit na salita na binitawan niya sa akin at sana raw. Maintindihan ko siya, dahil ayaw
raw niya mawala ang taong mahal na mahal niya. Sinabihan ko siya na naitindihan ko kung
ano ang pakiramdam kapag nangyari sa akin ang ganyang setwasyon. Lalo na kapag ang
taong mahal na mahal mo na ayaw mong mawala ,dahil nga sa pagmamahal mo sa kanya
kaya mo nagawa iyon.kung ako ,ganun din ang gagawin ko kapag nangyari iyon sa
akin.malay ko kasi na may syota pala siya at kinakasama pala niya ito,ang mas malala pa don
ay kakilala at kapitbahay ko pa…kaya humingi din ako ng tawad sa kanya,dahil nagmahal
lang naman ako at masama bang magmahal ng isang tao?hindi naman talaga ako o siya ang
kasalanan,biktima lang kaming dalawa at nangako ako sa kanya na ako nalang ang lalayo
para wala ng gulo at ayaw ko ng masaktan ng pauli-ulit… Mapaglaro talaga ang mundo sa
akin,bakit sa akin pa ito nangyari.kung kalian tayo magmahal, don pa sa taong hindi karapat
dapat na mahalin at hindi puweding maging akin dahil pag-aari ng iba. Parang isang bagay na
akala mo sayo na, hindi pala, dahil ito ay may nakalaan na.
Kwento ng Madulang Pangyayari

ALAMAT NG SUMPA

Dalawang dekada akong tulog.

Nagsimula ang lahat na ito noong unang panahon. Noong panahong ang mga alamat ay hindi
alamat. Noong panahong ang gising ay gising at ang tulog ay tulog. Noong panahong ang
mga pangitain ay pangkaraniwan lamang sa bawat matinong isip.

Subalit limot na ng karamihan ang panahong iyon. Ni walang naiwang komprehensibong tala
sa kasaysayan na iyon. Dahil dumating ang krus at espada. Ang lahat ay sapilitang pinaluhod
sa krus. Ang ayaw lumuhod kamatayan ang hatol. Lalong naging mabisa ang sumpa nang
dumating ang krag na una nang naghasik ng lagim sa mga tunay na tagapagmana ng
tinagurian nila noong "New World". Nang lumaon nga'y may espesyal na dagdag pa sa krag
at iba pang de-pulburang gamit "pamayapa". Naimbento ang 45 na napatunayang mabisang
pampatulog sa mga gising na hindi tinatablan ng sumpa.

Ito ang maikling buod ng sumpa kung saan nagsimula ang lahat. Ang sumpa na sumira sa
balanse at daloy ng ating panahon. Kung kaya naging tulog kahit ang gising. At iilan na
lamang ang panakanakang bumabangon.

Naging lalong mabisa ang sumpa sa paglipas ng panahon. Kung kaya iilan na lamang ang
nakakaalam na noon, ang gising ay gising at ang tulog ay tulog. Marami ngayon ang tulog.
Kaya nakapanlalamang ang mga nagtutulug-tulugan. Silang mga nakipagsabwatan sa
tagapangalaga sa mga lihim ng sumpa.

Dahil sa sitwasyong ito, tayo ay iniluwal sa mundo ng mga tulog. Kaya walang ibang itinuro
sa atin kundi ang pumikit. Kaya iyon din ang aking natutunan. Ito ang dahilan kung bakit
dalawang dekada akong tulog. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa atin ngayon ay tulog
pa rin.

Isang mahabang kwento kung paano nawalan ng bisa ang sumpa sa akin. Kung paano ko
nalaman ang kaibhan ng tulog sa gising. Kung paano ko napagtantong marami sa atin ang
nahihimbing hanggang ngayon sa ilalim ng sumpa.

Nagising ako sa gitna ng bangungot. Malagim na bangungot. Bangungot na nagtutulak sa


karamihan sa henerasyong ito na mangibang-bayan. Bangungot na pumaparalisa sa kilos ng
ibang namulat na ang mata subalit natatakot pa rin sa sumpa kaya ayaw bumangon.

Subalit may ibang gising na gising na at tiniklop na ang kanilang mga higaan. Silang mga
namulat sa kahungkagan at kabulaanan ng sumpa. Silang mga nakaaalam na ang sumpa ay
walang bisa sa mga taong tunay na gising. Silang mga walang mukha at pangalan na
nanggigising sa mga tulog. Silang mga umalohokan na nagdadala ng mensahe ng katubusan
mula sa sumpa. Silang mga nakauunawa na tanging mga gising ang nakakakita ng mga
pangitain. Silang may apoy sa dibdib. Silang gumagalaw sa ilalim ng lupa kasama ang
nakakubling dragon. Silang gumagapang sa ibabaw ng lupa at nakikipagpatintero sa mga
buwitre.

Ngayong ako ay gising na, maglalakbay ako sa panahon. Dahil katulad ng ibang gising at
kumikilos, nais kong maibalik ang balanse at daloy ng panahon sa nararapat nitong pag-inog.
Iyong panahong ang gising ay gising at ang tulog ay pisikal na pagpikit ng mata lamang.
Iyong panahong ang mga pangitain ay hindi ang pambubulahaw ng mga bulaang propeta at
sugo.

Sa panahon natin ngayon, hindi sapat na mamulat dapat bumangon. Hindi sapat na bumangon
dapat kumilos. Hindi sapat na kumilos dapat magmulat. Hindi sapat na kumilos at magmulat.
Dapat kumilos at magmulat nang puspusan.
Kwentong Katatawanan

MAY ASO PO INAY

Ni Juan P. Amodia

Mag-aalas siyes ng gabi ng nasa harap ng bahay ni Mrs. Chavarria si Careen. Inutusan kasi
siya ng area director nila sa ministry upang hingin ang perang sinulicit nila para sa summer
camp. Bigla na lamang siyang kinalabutan ng Makita niya ang mga alagang aso ni Mrs.
Chavarria. May karanasan kasi siya noon na parating bumabalik sa kanyang isipan kapag
nakakita siya ng mga aso. Ito’y nakakatakot ngunit nakakatawang karanasan.

Nasa unang baitang ng elementarya ng maranasan niya ang nakakatawang pangyayaring


iyon. Umaga noon ng inutusan siya ng kanyang nanay na bumili ng pansit sa tindahan ni
aling Gloria.

Oi, Carren.. bumili ka nga ng pansit ng makakain ka na at baka mahuli ka pa sa eskwela. “


Ang utos ng kanyang nanay.’’

Opo nay.. “ Sagot naman ni Careen.”

Kakatapos lamang niyang maligo noon at nakasuot na rin siya ng damit pang eskwela.

O, hayan ang sampung piso dalian mo ang kilos.” Wika ng ina”

Nang makalabas siya ng bahay ay nakakita siya ng grupo ng mga aso sa kalsada.

“Aw, aw, aw, aw , aw…. Wikang patahol ni Carren….

Animo’y tinatawag niya ang mga hayop yon pala ay inaasar niya ito.

Dumukot siya ng bato at pinagbabato ang mga hayop.

Hahahaha… Sabay ng kanyang malakas na pagtawa.

Nakarating siya sa tindahan ni Aling Gloria at doon ay bumili ng pansit.

Sa daan patungo sa kanyang pag-uwi ay naroon pa rin ang mga asong tila naghihintay sa
kanya.

Natatandaan marahil ng mga aso ang ginawang pang aasar at pambabato ng bata.

Grrrr!,, aw! Aw! Aw! Aw!... Ang malakas na pagtahol ng mga aso..

Nagtapang tapangan si Carren.. Sabi n’ya sa sarili “ akala n’yo natatakot ako sa inyo ha..
Makakatawid ako pa rin ako sa inyo.

Subalit ang mga aso ay tila nagngingitngit sa kanya. Naririnig niyang tumutunog ang ngipin
ng mga aso na tila handa ng kumain sa kanya.

Huhuhuh.. Lagot na..


Tumutulo na ang pawis sa kanyang mga pisngi. Subalit ayaw niyang papatinag sa mga hayop.

Akala niyo takot ako sa inyo ha.. “mayabang na salita ni Careen”.

Galit na yata sa akin ang mga ito.. Tatakbo na lang ako. “Bulong niya sa sarili.’

Uno, Dos, Tres..

Ilang Segundo lang ay kumaripas na siya ng takbo patungo sa kanilang bahay. Subalit
hinahabol naman siya ng mga aso.

Pansin niyang mas mabilis ang takbo ng mga aso kayasa sa kanya. Upang hindi siya
maabutan ay iniwan na niya ang suot na tsinelas para walang sagabal sa pagtakbo.

Sa tindi ng takot ay napasigaw siya. Inay! Inay! Inay!.. may aso po.. may aso po..

Nakarating na siya ng bahay at sigaw pa rin siya ng sigaw. Nakasirado kasi ang pinto ng
bahay nila. Takok siya ng katok. Talon ng talon… Sigaw ng sigaw..

Inay may aso po..

Subalit hindi naman siya mabuksan agad ng kanyang ina dahil may ginagawa pa ito sa
kusina.

Naku! Malapit na sa akin ang mga aso. Huhuhu..

Napaiyak na siya ng hindi pa rin nabuksan ng kanyang ina ang pinto.

Dahil doon ay iniwan na lamang niya ang ulam sa harap ng pinto ng kanilang bahay sabay
kumaripas muli ng takbo.

O Careen, bakit? “Wika ng kanyang ina.”

Subalit nakaalis na siya ng mabuksan nito ang pinto.

Takbo siya ng takbo. Ayaw pa rin siyang tantanan ng mga aso. Hangang sa makarating sa
palayan ni Mang Tandoy.

Dahil sa maputik at basa ang lupa ay nadulas siya. Tuloy-tuloy hanggang sa putikan.

Mabuti na lang at kumalma ang mga aso na humahabol sa kanya. At umalis din ang mga ito
pagkaraan ng ilang sandali.

Natawa ang kanyang ina sa pangyayari. Habang iyak naman siya ng iyak sa takot na
kansayang sinapit.

Pag ahon niya ay nakita niya na naiwan ang hulma ng kanyang katawan sa tubigan. Natawa
pati mga kapitbahay niya sa nakita. Para kasi nsiyang zombie na umahon mula sa hukay sa
kanyang hitsura na puno ng maitim na putik. Umalis na lamang siya pagkatapos ng
pangyayari.
Nabaling na lamang ang kanyang isip mula sa pag-alala sa nakraan ng tinapik ang kanyang
balikat ng binatang anak ni Mrs. Chavarria. Si Andel. Crush niya ito. Kaya bigla na lamang
nawala ang takot nito dahil sa tamis ng ngiti ng binata sa kanya.
Kwento ng Pakikipagsapalaran

PANGARAP NA TAGUMPAY

Ni Emmar C. Flojo

Kahirapan ang nagbibigay pasakit kay Mabel na dati-rati’y wala silang inaalalang suliranin.
Maayos sana ang buhay nila noon, nakahit anong hilingin niya ay agad-agad masususnod.
Subalit dumating ang pagkakataong nagkasakit ng malalang karamdaman ang kanyang ama
na ngayo’y paralitiko dahil sa ‘di agad naagapan karamdaman. Isa pa roon ay pagkasara ng
pinapasukan ng kanyang inay. Wala silang magawa ng kanyang kapatid kundi ang tumigil na
lamang sa kanilang pag-aaral. Bitbit sana na niya ang diplomang dapat sanay mukukuha na
niya ng kasalukuyang taon. Gunita niya ang mga masasayang araw na gusto niyang maging
abugasiya ngunit ang sisidlang pangarap ay napunta sa paghihintay. Panganay siya sa dalawa
niyang kapatid na mula ng magkasakit ang kanyang tatay ay siya na ang kumakalinga rito
dahil wala ng panahon ang kanyang nanay sa pag-aasikaso rito. Simula noon ay tumutulong
pa siya sa pagtitinda ngkakanin sa lansangan. “Inay makakapagtapos pa kaya ako?” tanong
niya sa kanyang inay. “Anak hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo, may awa rin ang
Diyos basta’t maniwala lang tayo sa kanya, Dahil ang bawat pagsubok ay may kaakibat na
kaginhawaan kung itoy iyong malalagpasan,” tugon ng kanyang Inay sa kanya. “Ano na lang
kaya kung mamasukan na lang ako bilang katulong? Para naman makatulong ako sa gastusin
dito sa bahay at sa pambili ng gamot ni Itay.”“Salamat anak! Pero bata ka pa para magbanat
ng buto, hayaan mo na lamang ako magpuno ng pangangailangan natin.”

Isang araw, “Inay… Inay si itay!” Pabulyaw at humahagulgol na sabi. Hikbi ni Mabel habang
nakaratay ang kanyang Itay na wala ng buhay. Iyon na marahil ang pinakamabigat na
nangyari sa buhay ng kanyang Pamilya—ang mawalan ng Padre de Pamelia sa kanilang
bahay. Tulala at wari malayo ang kanyang iniisip habang nagsisipag-iyakan ang kanyang
dalawang kapatid. Isang linggong nagluksa ang Pamilya Dela Cruz, pagkatapos ng
pagluluksang yaon ay kasunod ng pagbabago sa estado ng kanilang pamumuhay. Kung dati-
rati’y naglalako siya ng kakanin sa lansangan ay namasukan siya bilang kasambahay.
Samantalang ang dati niyang ginagawa ay pinagpatuloy ng kanyang kapatid. Simula noon ay
nahirapan siyang makibagay sa takbo ng kapalaran. Natuto siyang makipamuhay sa mura
niyang gulang at doon niya naranasan ang hirap ng kanyang napasukan. Minsan na rin siyang
inalok upang sumayaw sa lilim ng ilaw ngunit inisip niya ang nararapat na hindi niya
gagawin ang bagay na iyon.

Ang pagkakataong makapag-aral ay minsan na rin sumagi sa kanyang isipan na sa kanyang


pagtatrabaho’y inalok ng kanyang amo.

“Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” tanong nito sa dalaga. Biglang
napatingin si Mabel sa kanyang amo subalit ang bagay na iyon ay parang napaka-imposible
sa katayuan niya. Iniisip niya na mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. “Hija
gusto mo
pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” ulit nitong sambit. Ngunit sa pagkakataong yaon,
hindi na niya pinalagpas ang pagkakataong uli’y makapag-aral siya. Tumangon na lamang
siya “Oho…!” tugon niya dito. “Simula bukas pupunta ako sa eskuwelahang papasukan mo,
gabe ka na lang pumasok para naman ‘di maantala ang pagtatrabaho mo,” usisa ng kanyang
amo. “Maraming Salamat po.”

Sa kanyang kinikita sa kanyang sweldo ay doon niya kinukuha ang panggastos niya sa
pagpapaaral sa kanyang mga kapatid.

Isang gabi tinanong niya ang amo niya kung bakit ganito na lamang ang ipinapakita sa kanya
nito. At doon na niya nalaman na may anak na pala ang kanyang amo. Na dapat sanay
katulad nang gulang niya pero sadyang binawian ito ng buhay sa murang edad dahil sa
aksidenting yaon. Nakikita ni Don Pedro sa kanya ang buhay ng namayapang anak kaya
maganda ang pakikitungo nito kay Mabel. Tinuturing ni Don Pedro si Mabel na parang tunay
niyang anak.. “Eh Sir asan po si Maam?”tanong niya rito. “Simula nong namatay ang aming
anak, sinisisi niya ang lahat sa akin, lumayas siya na wala man lang paalam.” “Diko nga
mabatid kung bakit iniwan niya ako, siguro tama nga ang maam mo na dapat ako managot sa
lahat.”

Pagkatapos ng usapang iyon doon niya nalaman ang lahat ng mga bagay na waring
itinatanong sa kanyang sarili na kung bakit ganun na lamang ang pakikitungo ng kanyang
amo. Ganun pa man, kahit mahirap hatiin ang oras bilang katulong ay umaasa pa rin siyang
mapagtapos niya ang kanyang mgakapatid at makakuha siya ng titulo sa kolehiyo.

Lumipas nga ang mga panahonng natakda niyang kapalaran ay natupad niya ang mga bagay
na matagal na niyang pangarap sa buhay. Sa pagkakataong iyon ay inaalay niya ang
deploma’t medalyong nataggap sa kanyang minamahal—sa kanyang inay at mga kapatid at
sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Dahil sa pagsubok na dumating sa kanilang
pamilya ay nakamit niya ang matagal na niyang inaasam-asam. Ang makapagtapos sa pag-
aaral. Nabago ang lahat dahil sa mga bagay na di niya inaasahan. Ang pagkamatay ng
kanyang itay ay natuto siyang kumilos para lamang mabuhay ang kanyang pamilya.
Kwento ng Tauhan

BAGONG KAIBIGAN

Ni G. Bernard Umali

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan.
Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka
naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.

Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang
binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang
naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat.
Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat.
Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon
nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik
na lamang ako sa amin.

Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit.
Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa
lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang
daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay
bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag
ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa
rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute.
Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan
kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako
ni inay.

“Gising na anak, may pasok ka ngayon”

“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”

“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.“
Kwento ng Katatakutan

MALING AKALA

Ni Darhyl John B. Cacananta

Ang buong paligid ay nabubudburan ng liwanag na nagmumula sa bilog na bilog na buwan.


Malamig ang simoy ng hangin at nakakakilabot ang katahimikan. Iyan ay ilan lamang sa
salitang naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa kwento.

“ Mga friend, malapit na ang semestral break ah!!! Saan ba tayo magbabakasyon.”patanong
wika ng isa sa aking mga kabarkada.

“ Ah gusto niyo ba ang magbakasyo “ natutuwang sagot ng isa sa mga kamag-aral ni Aritha.

“Oo naman ah!!! Napakasaya kaya ng ganuon sapagkat malaya tayo at wala sa pangbabawal
ng ating mga magulang. Nakababagot naman kasi ang mamalagi sa bahay ng napaka habang
panahon at naghihitay lamang sa paglubong ni pebong araw “. Pagpapahayag ni Luisa.

“ Oh sige duon nalang tayo sa probinsya ng aking lola, tahimik duon at napakaganda ng
tanawin”. Panghihikayat ni Marita sa kaniyang mga kaibigan.

Ang akala ni Elea ay iyon ang magiging napakasayang karanasan na kanyang mararanasan sa
kanyang buhay. subalit isa palang malaking kamalian ang kaniyang inakala.

Ikaapat ng Oktubre ay nagpasya na pumunta sina Aritha, Angel, Elea at iba pang kabarda ni
Marita sa probinsya ng kaniyang lola. Sabik na sabik ang lahat ngunit tanging si Aritha at
Elea lamang ang nakapunta sa probinsya nila Marita sapagkat ang ilan ay hindi pinayagan sa
kabila ng kanilanh pagnanais.

Hindi sukat akalain ni Aritha at Elea na ganuon na lamang kalayo ang lugar na kanilang
pupuntahan. Halos walang magkagusto na ihatid sila sa lugar na dapat ay kanilang
pupuntahan na tila ba may isang misteryosong bagay na naroroon sa lugar na kanilang
pupuntahan.

Kahit gaano kalaki ang bayad na sabihin nina Aritha, Elea at Marita sa Driver ng sasakyan ay
hindi nila gusto na ihatid sila mismo sa lugar na sinasabi ni Marita. Kaya’t ganuon na lamang
ang pagtataka ni Aritha at Elea kaya naman ang kanilang naramdaman ay mayroon ng
kahalong takot at kilabot. Ngunit sa kabila ng kanilang nararamdaman ay wala na silang
ibang magagawa kundi ang tumuloy sapagkat isang sakayan na lamang ay naruon na sila sa
banyan ng kanilang lola.

Nadagdagan pa ang takot na nadama nina Aritha at Elea nang sila bumaba na sa sasakyan at
sinabi ng driver sa kanila na mag-ingat kayo at sana ay makaalis kayo sa lugar na pupuntahan
niyo nang buhay. Nais nang hindi tumuloy nina Aritha at Elea ngunit tila ba mayroong
hangin na siyang humahalina sa kanilang dalawa.
Pagkatapos ng tatlong oras na paglalakad mula saa lugar na pinagbabaan nila nang sila ay
inihatid ng driver ay nagula’t na lamabng sila at ang lahat ay napakasaya at natatayo ng mga
poste, naglalagay nang banderitas at marami pang bagay na mayroong kinalaman sa pista.
Ngunit ang nakapagtataka sa mga taong naroon ay sa kabila ng kanilang mga nguti na
sumalubong sa kanila ay ganuon na lamang ang titig ng lahat kina Aritha at Elea habang
naglalakad sa kanilang kalagitnaan.

Sa isang bahay na may bubung na kugon tumuloy sina Aritha, Elea at Marita. Ganuon
nalamang ang gulat ng dalawang bisita sapagkat maroon nang nakahandang higaan para sa
kanilang tatlo. Sa isang sulok ay mayroong matandang tila isang dekada nang hindi nasikatan
ng araw sa sobrang puti at isang dekada na rin na hindi nagpagupit. Ganuon na lamang ang
takot na nadama ni Aritha at Elea sa kanilang isip ay bakit pa ba sila tumuloy at pumunta sa
lugar na iyon. Hindi pa sila nagtatagal sa lugar na iyon ay ninanais na nilang bumalik ulit sa
Manila at magkulong na lamang sa kanilang mga bahay. Subalit ang lahat ay naroon na at
wala na silang magagawa kundi ang palipasin ang mga araw at hintaying sila ay makauwi na
nang Maynila.

Lumipas ang mga araw at gabi. Isang hapon habang si Aritha at Elea ay nasa loob ng kubo
ay nagpaalam itong si Marita na mayroon lamang siyang pupuntahan at babalik din daw siya
kaagad. Sa may durungawan na bintana ay makikitang ang mga tao ay naghihihintay sa
pagpanaog ni Marita. Napakasama ng tingin ng mga tao kina Arita at Elea na tila ba gusto
silang kainin ng mga ito. Subalit nagbago ang mga iyon ay nawala ng pumanaog na si Marita
at may salitang binanggit. Ngunit ang salitang iyon ay hindi naunawaan ni Aritha at Elea
sapagkat ito marahil ay nakabilang sa grupo lamang nina Marita.

Nakatulog na ang dalawa sa kahihintay kay Marita. Nagising na lamang si Aritha dahil sa
mayroon siyang narinig na nag-uusap sa may bandang pinto ng kubo na kanilang
kinalalagyan. At nagulat nalamang si Aritha sa huling salita na kaniyang narinig.

“ Bukas ng gabi ay mangyayari na ang lahat, ibibigay dito ang inumin ninyo upang
makatulog silang dalawa at mailuto sa kawa. Ang baso sa gitna ang dapat mong inumin
upang hindi ka makatulog”.

Ang salitang iyon ang tumatak sa isipan ni Aritha. Pinagpawisan siya ng malapot dahil sa
kanyang narinig at natuklasan. Hindi na sukat akalain na sila pala ni Elea ang magiging handa
para sa pista ng Banya nila Marita. Ngunit hindi pa huli ang lahat kaya’t may panahon pa
para sila ay makatakas.

Paggising pa lamang sa umaga ay humahanap na nang pagkakataon si Aritha upang masabi


ang kanyang natuklasan kagabi. Ngunit hindi sila iniiwan ni Marita at talagang bantay sarado
sila habang ang mga tao sa labas ay nagkakagulo at abala sa paghahanda ng lahat.

Kumagat na ang dilim ngunit hindi parin nasasabi ni Aritha ang mangyayari sakanila ni Elea.
Ang inumin na magpapatulog sa kanila ay nakahanda na rin at nasa isang sulok. Buti na
lamang at nagkunwaring masakit ang ulo ni Aritha at pinakuha niya ng gamut si Marita
kaya’t nakausap ni Aritha si Elea ng palihim.
Hindi makapaniwala si Elea na ganuon ang balak ni Marita sa kanila kaya’t ang ginawa nila
ay pinalo nila ang ulo ni Marita upang ito ay makatulog at ipinahiga nila si Marita sa kanila
higaan upang siya ang makuha at mailuto ng mga kapwa niya halimaw.

Ang akala nila ay ganuon na lamang kadali ang pagtakas pero nagkamali sila sapagkat ang
mga taong kanilang nakita nuon ay nagging ibang anyo at nagging kawangis ng mga aso. At
ang mga asong ito ay sabik na makakain ng sariwang dugo at laman ng isang tunay na tao.
Sapagkat sa loob ng isang taon ay minsan lang silang nag-iibang anyo at kinakailangan nilang
makainum at makakain ng laman ng mortal na tao. Kung hindi ito mangyayari ay
mamamatay silang lahat. Nakalabas na sina Aritha at Elea sa loob ng kubo. Malayo na ang
kanilang narating ng sila ay makarinig ng isang malakas na alulong ng aso na tila
magkahalong puot at pagluluksa ang ipinahihiwatig. Marahil ay nalaman na nila ang kanilang
pagkain ay ang kanilang kapamil na hindi nila dapat kainin.

Tumakbo ng mabilis ang dalawa na hindi malaman kung saan sila patungo. Sa di kalayuan ay
mayroon na silang nakita na sumusunod sa kanilang isang naglalaway at galit na galit ng
halimaw. Nadapa si Aritha at sinunggaban siya nang halimaw at nang aktong kakagatin na
siya nito ay bigla nalang itong tumumba at humandusay sa kanilang harapan. At di nagtagal
ay ngumiti na si pedong araw kina Aritha at Elea na nagpapahiwatig na ang panganib ay wala
na sa kanilang paligid.

Sa kabila ng takot na kanilang nadama ay nakauwi parin ang dalawa ng buhay. Ngunit sinabi
nila sa kanilang sarili na sa susunod na Semestral Break ay gugugulin na lamang nila sa
kanilang bahay ang kanilang mga bakasyon.
Kwentong Sikolohiko

DUYAN NG KAMATAYAN

Ni Marvin F. Borongan

Nagduduyan si Berta sa ilalim ng kanilang kubo. Alas nuebe ng umaga noon ng dumaansi
likuran bahagi ng kanilang bahay na nagpapastol ng kalabaw.

“Hoy Berta ang aga mo namang nagduduyan diyan, wala ka bang labahin?” wika niPening,
araw-araw kasi niyang nakikita si Berta na naglalaba sa ilog. Tahimik lamang si Berta ngmga
sandaling iyon habang tinitingnan si Arnel, ang bunso niyang anak na paparating mula sapag-
iigib ng tubig.Si Berta ay isang magandang babae at napakasiksi noong dalaga pa lamang ito.
Bukog sakaakit-akit na kagandahan ay napakabait at masunurin sa kanyang mga magulang.
Dahil sakanyang kagandahan ay ‘di maikakaila na kinababaliwan ng sinumang
kalalakihangnaghahangad na maangkin ang kanyang kagandahan at kaakit-akit na korte ng
katawan. Lagisiyang pambato ng kanilang lugar tuwing may kompetisyon ng kagandahan. Sa
dami-rami ngmga manliligaw ni Berta kanilang lugar ay halos araw-araw may dumadalaw sa
kanilang bahay.Isa sa matiyagang manliligaw ni Berta noon ay si Lino. Si Lino ay isang
gwapo at matsong binate. Siya lamang lamang matagumpay na bumihag sa puso ng dalagang
si Berta. Bukod kasisa maraming bulaklak na dala-dala niya tuwing bumibisita ay ubod ng
tamis ng kanyang mga pananalita kaya naman ay unti-unting nahulog sa kanya ang puso ni
Berta.Hindi nagtagal ay ikinasal ang dalawa sabay sa kapistahan ng kanilang barangay.
Sasimula ay maganda ang pagsasama ng dalawa hanggang sa unti-unti nang lumabas ay
tunay naugali ni Lino. Napaka-seloso ni Lino at halos wala nang lalaki na pweding makipag-
usap kayBerta. Sa tuwing nahuhuli ni Lino na may kausap na lalaki ay agad niya itong
pinagdududahangkalaguyo at pag-uwi sa bahay ay talagang bugbog ang aabutin ni Berta sa
mga kamay ni Lino.Iyon na ang nagging buhay ni Berta hanggang sa umaabot ng tatlo ang
kanilang anak, isang babae na siyang panganay at dalawang lalaki. Walang magawa upang
labanan ni Berta si Lino atsa halip ay tinitiis lamang niya ito at kinikimkim ang galit dahil sa
mga pananakit at pagbibintang sa kanya.

Bukod sa kanya ay malimit ding sinasaktan ang kanilang mga anak tuwing lasing ito at
pinagsasabing hindi siguradong anak niya talaga ang mga ‘yon

Ang tanging kakampi lamang niBerta ay ang mga kasabayan niya sa paglalaba sa ilog na mga
kababata rin niya noon na ngayonay mga nakakapag-asawa na rin subalit si Berta lamang ang
hindi ma swerte sa kanila. Satuwing magtatapat si Berta sa kanila ay awang-awa na sila sa
kalagayan nito.

“Hanggang kalian moba titiisin ang asawa mo?” sabay-sabay nilang itinanong kayBerta.

“Naku! ‘pag ako ang nasa kalagayan mo ay matagal ko nang binabaunan ng pakoang
uloniyan habang natutulog sa kalasingan.”

Wika naman ng iba. Tahimik lamang nanakikinig si Berta sa kanila.Hanggang isang araw ay
binalak ni Berta na wakasan ang kanyang paghihirap. Nagbabago na ang takbo ng pag-iisip ni
Berta. Kung gaano man siya kabait at masunurin sakanyang mga magulang ay napapalitan na
ito ng galit, paghihinagpis at kamumuhi sa sinapit ngkanyang buhay. Hindi ns siya nag dating
Berta na hinahangaan at pinag-aagawan ng mgakalalakihan. Nawawala na ang liwanag ng
kanyang mukhang umaakit at humahalina sasinumang lalaking makakakita sa kanya. Nag-
iiba na rin ang hugis ng kanyang katawan na datiay kinababaliwan at pinapantasyang
maangkin at matikman ng sino mang naghahangad sakanyang katauhan.Pumasok sa paaralan
noon ang kanyang panganay at pangalawang anak samantalang siArnel naman nasa
ikalawang baiting ay umabsent dahil may bukol ang kanyang noo nahihiyasiyang pumasok
baka pagtatawanan siya ng kanyang mga kaklase. Natutulog noon si Lino dahil puyat at
lasing na umuwi noong at nambugbog pa sa kanilang mag-ina kaya may bukol si Arnel.
Noong umagang iyon ay inutusan niya ang bunsong anak na mag-igib ng tubig upang
mainomhabang tulog pa ang kanyang ama baka magagalit na naman ito pagkagising ng
walang maiinom.Pag-uwi ni Arnel sa bahay ay Nakita niyang nagduduyan ang kanyang
nanay sa ilalim ngkanilang bahay. Dali-daling inakyat ni Arnel ang dalang tubig dahil gusto
rin niyang magduyankasama ang kanyang nanay. Bigla na lamang napasigaw si Arnel nang
makita ang kanyang amana nakatihaya sa sahig na lumalabas ang dila at wala na itong buhay.
Napansin ni Arnel na maylubid sa leeg ng kanyang tatay na nakalusot sa sahig na kawayan.
Iyon pala ang duyan ngkanyang nanay na sadyang ikinabit doon sa leeg ng kanyang tatay
habang natutulog.
Kwento ng Kababalaghan

SUMAMA KA NA

Hindi maintindihan ni Rosa ang kanyang nararamdaman. Nanlamig at parang kinikilabutan


siya habang naglalakad sa kalsada ng gabing iyon. Naglalakad na lamang siya dahil hindi
siya sinundo ng kanilang driver. Sa sobrang inis niya ay nilakad na lamang niya ang patungo
sa bahay nila. Naiinis siya dahil sa sobra niyang paghihintay, ni hindi man lang siya
sinabihan na hindi siya masusundo. Kung kaya sa sobra niyang inis ay nakaya niyang lakarin
ang kalagitnaan ng gabi.

Malapit na niyang marating ang bahay nila ay napansin niyang parang mas lumala pa ang
kanyang nararamdaman. Tumatayo ang kanyang mga balahibo at biglang lumakas ang hangin
sa pagdaan niya sa isang malkaing puno ng mangga, kung kaya’y binilisan niya ang paglakad
hanggang nakarating siya sa kanilang bahay.

“Oh, bakit nagmamadali ka? At bakit kaw lang mag-isang umuwi? Pinasundo kita sa daddy
mo, nasaan na siya? Ang tanong ng kanyang ina.

Dahil nga galit siya na hindi siya nasundo ay hindi niya pinansin ang tanog ng kanyang ina at
dali-daling umakyat sa taas.

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Rosa sa kakaisip sa nangyari sa kanyang paglalakad
kanina. Sa tanang buhay niya ay hindi pa naranasan ang ganoong pangyayari, ngayon lang.
Napabangon siya sa kanyang pagkakahiga nang biglang may tumawag ng kanyang pangalan.
Tiningnan niya ang paligid ng kanyang silid baka tinig lamang iyon ng kanyang mommy.
Ngunit sa paghahanap niya ay wala siyang makita. Tumigil siya at naupo sa kanyang higaan.
Tinawag na naman ulit ang kanyang pangalan ng makatatlong beses. At doon ay nagsimula
na siyang kinabahan, malakas ang kaba ng kanyang dibdib at kung anu-ano na ang
pumapasok sa kanyang isipan. Matagal siyang nakatulog ng gabing iyon dahil sa mga di
kanais-nais niyang napapansin. Dahil sa kanyang takot ay hindi na siya nagpatay pa ng ilaw
hanggang sa makatulog na.

At kinaumagahan ay matagal siyang nakagising at hindi na lamang siya pumasok sa kanyang


klase dahil masyado na siyang late. Kung kaya’y nagtataka ang kanyang ina kung bakit hindi
pumasok. Nagdahilan na lamang siya na masama ang kanyang pakiramdam.

Nang mga sumunod pang mga araw ay ganoon parin ang napapansin niya. Parang may
palaging sumusunod sa kanya, palaging nakatingin at nagmamasid sa bawat gagawin niya.
Ngunit hindi niya malaman at maintindihan kung ano ang di kanais-nais na pangyayaring
iyon. At ni minsan ay hindi niya ito piagtapat sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang
araw ay mas lalo pang lumala ang kanyang nakakakilabot na nararamdamn. Hindi na niya
kinaya pang itago ito sa kanyang mga magulang kaya’t ipinagtapat na niya ito. Mula noon ay
takot narin ang kanyang mag magulang sa maaaring mangyari sa kanilang anak.

Biyernes iyon ng gabi ng galing pa sa paaralan ay pagod na pagod si Rosa kaya maagang
nagpahinga at humiga sa kanyang higaan nang biglang may narinig niya ang isang boses.
“Rosa, Rosa…” tinig na nanggagaling sa loob mismo ng kanyang silid.

Bumangon siya at tinatagan ang sarili na hindi siya matatakot. Hindi niya pinahalata na takot
siya sa tinig na kanyang narinig.

“Sino yan? Anong kailangan mo sa’kin? Bakit ka nakapasok? Takot na tanong ni Rosa sa
boses.

Bigla itong nagpakita kay Rosa.

“Halika Rosa, lumapit ka. Sumama ka sa akin”

Sumigaw siya at narinig naman ito ng kanyang ina. Pagpasok ni Aling Condring sa silid ng
anak ay bigla na lamang nawala ang lalaki.

“Bakit anak? Anong nangyari sayo? At bakit ka sumisigaw?”

Ang akala ni Aling Condring ay may napanaginipan lamang ng masama ang anak kaya ito
napasigaw.

Pinagtapat ni Rosa ang lahat sa kanyang ina na may nagpapakita sa kanyang isang lalaki na
nakasuot ng itim ngunit maamo ang mukha nito, at gusto siyang isama. Sa kwento ng anak ay
natatakot si Aling Condring dahil ilang araw na palang ganito ang mga pangyayaring
naganap sa kanyang anak. Malaki ang kanyang paniniwala na ang kanyang anak ay
sinusundan ng isang masamang nilalang. Hinala niya na baka nagkakagusto ito sa kanyang
anak dahil marami na rin siyang narinig na mga ganitong kwento. Kaya kinabukasan ay
pumunta sila sa isang manggagamot para malaman kung sino ang taong may gusting kunin si
Rosa. Pinatingin na rin nila ang anak dahil palagi itong nawawalan ng malay. Minsan na rin
nila itong pinakunsulta sa doctor ngunit wala paring pagbabagong nagaganap. Sa
pagpapatingin nila sa isang manggagamot ay hindi nga nagkamali si Aling Condring sa
kanyang hinala, na ang kanyang anak ay nagustuhan ng isang masamang espiritu kaya siya
gustong isama nito. At iyon nga ang hula ng isang manggagamot na may isang maitim na
lalaking nagkakagusto sa kanya. Isang nilalang na tulad sa’tin.

Matagal din nilang pinagagamot si Rosa sa manggagamot ngunit pabalik-balik pa rin ito.

Isang umaga ay gumagawa si Rosa ng kanyang asaynment nang biglang lumitaw ang lalaki
sa kanyang harapan mismo. Gulat na gulat at takot na takot siya dahil hinawakan nito ang
kanyang kamay sabay sabi na sumama na daw ito sa kanya. Doon sa kahariang sinabi niya.
Nagtataka si Rosa dahil ang lalaking dati niyang nakita ay maamo ang mukha, ngunit ang
nakita niya ngayon ay isang pangit at namumula ang mga mata. Parang gusto na talaga siyang
dalhin ng lalaking nagkakagusto sa kanya. Naalala ni Rosa ang sinabi ng manggagamot na
kapag nagpatalo siya at sumama sa lalaki ay tuluyang mamatay si Rosa, kaya pilit niyang
nilabanan ang mga ginagawa ng lalaki. Nagdasal siya ng nagdasal sa mahal na Panginoon. Sa
pakikipaglaban niya ay hinimatay sila.

Sa umagang iyon, nadatnan na lamang ni Aling Condring na nakahandusay sa sahig at


walang malay si Rosa. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa anak.
Mula noon ay hindi parin sila tumigil sa pagpapaggamot kay Rosa. Binasbasan si Rosa sa
manggagamot at patuloy parin si Rosa sa pakikipaglaban sa lalaking nagpapakita sa kanya.
Wala rin silang magawa kundi ang sabayan din ng pagdarasal na sanay lubayan na si Rosa at
huwag nang gambalain pa.

‘Di nagtagal, dininig naman ang diyos ang dasal niya. Hindi na muling nagpakita ang lalaki
at si Rosa ay namumuhay na ulit ng normal tulad ng dati.

PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO


MAY ASO PO INAY

Ni Juan P. Amodia

I. Ipaliwanag ang Pamagat

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang dalagang babae na nagngangalang Careen na may
nakakatawang karanasan sa aso noong bata pa lamang siya. Siya ay nakaranas ng matinding
trauma sa pangyayaring naganap na hanggang sa pagtanda niya ay hindi pa rin niya ito
makalimutan.

II. Paglalarawan sa Tauhan

Careen – matatakutin sa aso, masunurin.

Inay – nanay ni Careen

Mrs. Chavarria – sinulusitan ng ministry ni Careen

Aling Gloria – may ari ng tindahan

Andel – anak ni Mrs. Chavarria, crush ni Careen

III. Tagpuan

 Bahay ni Mrs. Chavarria

 Kalsada

 Tindahan ni Aling Gloria

 Bahay nila Careen

 Palayan ni Mang Tanoy

IV. Banghay
Simula

Mag-aalas siyes ng gabi ng nasa harap ng bahay ni Mrs. Chavarria si Careen. Inutusan kasi
siya ng area director nila sa ministry upang hingin ang perang sinulicit nila para sa summer
camp. Bigla na lamang siyang kinalabutan ng Makita niya ang mga alagang aso ni Mrs.
Chavarria. May karanasan kasi siya noon na parating bumabalik sa kanyang isipan kapag
nakakita siya ng mga aso. Ito’y nakakatakot ngunit nakakatawang karanasan.

Gitna

Nasa unang baitang ng elementarya ng maranasan niya ang nakakatawang pangyayaring


iyon. Umaga noon ng inutusan siya ng kanyang nanay na bumili ng pansit sa tindahan ni
aling Gloria.

Oi, Carren.. bumili ka nga ng pansit ng makakain ka na at baka mahuli ka pa sa eskwela. “


Ang utos ng kanyang nanay.’’

Opo nay.. “ Sagot naman ni Careen.”

Kakatapos lamang niyang maligo noon at nakasuot na rin siya ng damit pang eskwela.

O, hayan ang sampung piso dalian mo ang kilos.” Wika ng ina”

Nang makalabas siya ng bahay ay nakakita siya ng grupo ng mga aso sa kalsada.

“Aw, aw, aw, aw , aw…. Wikang patahol ni Carren….

Animo’y tinatawag niya ang mga hayop yon pala ay inaasar niya ito.

Dumukot siya ng bato at pinagbabato ang mga hayop.

Hahahaha… Sabay ng kanyang malakas na pagtawa.

Nakarating siya sa tindahan ni Aling Gloria at doon ay bumili ng pansit.

Sa daan patungo sa kanyang pag-uwi ay naroon pa rin ang mga asong tila naghihintay sa
kanya.

Natatandaan marahil ng mga aso ang ginawang pang aasar at pambabato ng bata.

Grrrr!,, aw! Aw! Aw! Aw!... Ang malakas na pagtahol ng mga aso..

Nagtapang tapangan si Carren.. Sabi n’ya sa sarili “ akala n’yo natatakot ako sa inyo ha..
Makakatawid ako pa rin ako sa inyo.

Subalit ang mga aso ay tila nagngingitngit sa kanya. Naririnig niyang tumutunog ang ngipin
ng mga aso na tila handa ng kumain sa kanya.

Huhuhuh.. Lagot na..

Tumutulo na ang pawis sa kanyang mga pisngi. Subalit ayaw niyang papatinag sa mga hayop.
Akala niyo takot ako sa inyo ha.. “mayabang na salita ni Careen”.

Galit na yata sa akin ang mga ito.. Tatakbo na lang ako. “Bulong niya sa sarili.’

Uno, Dos, Tres..

Ilang Segundo lang ay kumaripas na siya ng takbo patungo sa kanilang bahay. Subalit
hinahabol naman siya ng mga aso.

Pansin niyang mas mabilis ang takbo ng mga aso kayasa sa kanya. Upang hindi siya
maabutan ay iniwan na niya ang suot na tsinelas para walang sagabal sa pagtakbo.

Sa tindi ng takot ay napasigaw siya. Inay! Inay! Inay!.. may aso po.. may aso po..

Nakarating na siya ng bahay at sigaw pa rin siya ng sigaw. Nakasirado kasi ang pinto ng
bahay nila. Takok siya ng katok. Talon ng talon… Sigaw ng sigaw..

Inay may aso po..

Subalit hindi naman siya mabuksan agad ng kanyang ina dahil may ginagawa pa ito sa
kusina.

Naku! Malapit na sa akin ang mga aso. Huhuhu..

Napaiyak na siya ng hindi pa rin nabuksan ng kanyang ina ang pinto.

Dahil doon ay iniwan na lamang niya ang ulam sa harap ng pinto ng kanilang bahay sabay
kumaripas muli ng takbo.

O Careen, bakit? “Wika ng kanyang ina.”

Subalit nakaalis na siya ng mabuksan nito ang pinto.

Takbo siya ng takbo. Ayaw pa rin siyang tantanan ng mga aso. Hangang sa makarating sa
palayan ni Mang Tandoy.

Dahil sa maputik at basa ang lupa ay nadulas siya. Tuloy-tuloy hanggang sa putikan.

Wakas

Mabuti na lang at kumalma ang mga aso na humahabol sa kanya. At umalis din ang mga ito
pagkaraan ng ilang sandali.

Natawa ang kanyang ina sa pangyayari. Habang iyak naman siya ng iyak sa takot na
kansayang sinapit.

Pag ahon niya ay nakita niya na naiwan ang hulma ng kanyang katawan sa tubigan. Natawa
pati mga kapitbahay niya sa nakita. Para kasi nsiyang zombie na umahon mula sa hukay sa
kanyang hitsura na puno ng maitim na putik. Umalis na lamang siya pagkatapos ng
pangyayari.
Nabaling na lamang ang kanyang isip mula sa pag-alala sa nakraan ng tinapik ang kanyang
balikat ng binatang anak ni Mrs. Chavarria. Si Andel. Crush niya ito. Kaya bigla na lamang
nawala ang takot nito dahil sa tamis ng ngiti ng binata sa kanya.

V. Saglit na Kasiglahan

Kakatapos lamang niyang maligo noon at nakasuot na rin siya ng damit pang eskwela.
Inutusan siya ng kaniyang ina sa tindahan ni aling Glroan. Nang makalabas siya ng bahay ay
nakakita siya ng grupo ng mga aso sa kalsada. Animo’y tinatawag niya ang mga hayop yon
pala ay inaasar niya ito.

VI. Suliranin

Sa daan patungo sa kanyang pag-uwi ay naroon pa rin ang mga asong tila naghihintay sa
kanya. Natatandaan marahil ng mga aso ang ginawang pang aasar at pambabato ng bata.
Subalit ang mga aso ay tila nagngingitngit sa kanya. Naririnig niyang tumutunog ang ngipin
ng mga aso na tila handa ng kumain sa kanya.

VII. Tunggalian

Natatandaan marahil ng mga aso ang ginawang pang aasar at pambabato ng bata.

VIII. Kasukdulan

Nakarating na siya ng bahay at sigaw pa rin siya ng sigaw. Nakasirado kasi ang pinto ng
bahay nila. Katok siya ng katok, talon ng talon at sigaw ng sigaw. Subalit hindi naman siya
mabuksan agad ng kanyang ina dahil may ginagawa pa ito sa kusina.

IX. Kakalasan

Takbo siya ng takbo. Ayaw pa rin siyang tantanan ng mga aso. Hangang sa makarating sa
palayan ni Mang Tandoy.

X. Wakas

Mabuti na lang at kumalma ang mga aso na humahabol sa kanya. At umalis din ang mga ito
pagkaraan ng ilang sandali. Natawa ang kanyang ina sa pangyayari. Habang iyak naman siya
ng iyak sa takot na kansayang sinapit. Pag ahon niya ay nakita niya na naiwan ang hulma ng
kanyang katawan sa tubigan. Natawa pati mga kapitbahay niya sa nakita.
XI. Tema

Ang paksang diwa ng “May Aso po Inay” ay tungkol sa pagkakaroon ng kamalayan pag
dating sa mga bagay na nakapalibot sa atin.

XII. Kaisipan

Ang naging aral ng kwentong ito ay maging mapamatyag at magkaroon ng kamalayan pag
dating sa mga hayop na sa tingin natin ay delikado.
PAGSUSURI NG NOBELA

LALAKI SA DILIM

Ni Benjamin Pascual

I. Tauhan

Rafael Cuevas – ang lalaki sa dilim na gumahasa kay Ligaya. Isang mayaman na mahilig sa
babae at doctor sa mata na anak ni Don Benito

Don Benito – ang masayahing ama ni Rafael.

Ligaya – ang bulag na nagahasa ni Rafael. Menor edad na tumigil sap ag-aaral nang dahil sa
kapansanan.

Aling Sela – ina ni Ligaya.

Seto – nakababatang kapatid ni Ligaya.

Margarita – asawa ni Rafael at anak ni Mr. Carrasco. Opera singer na mahilig manlalaki.

Mr. Carrasco – ama ni Margarita.

Nick Cuerpo – kaibigan ni Rafael.

Marina Cuerpo – asawa ni Nick. Mapagmahal sa anak at natitiis niya ang ginagawa ng
kaniyang asawa.

Lucas – kaibigan ni Rafael at Nick na mahilig din sa babae.

Ted – unang karelasyon ni Margarita.

II. Tagpuan

 Bahay nu Rafael

 Klinika ni Rafael

 Bahay nila Ligaya

 Night Club kung saan nambabae si Rafael


III. Banghay

Simula

Isang gabi ay binigyan ng stag party si Rafael ng kaniyang mga kaibigan sa isang Night Club.
Nagkagulo sa Night Club kaya tumakas si Rafael at nakarating sa bahay na yero. Nakita niya
ang isang babae at ginahasa ito. Nakonsensiya siya sa kaniyang ginawa kaya binigyan niya
ito ng sulat na may kasamang P50,000. Nagpaamot sa kanya ang babae at nalaman niyang
buntis ito.

Gitna

Nalaman niyang may “lover” si Margarita at nagkaroon ng lamat ang kanilang pagsasama.
Ilanga raw ay nakauwi na rin si Ligaya at ipinanganak ang kanyang anak kaya pumunta siya
dito at para na rin makwala sa lungkot dahil sa nangyari sa kanila ni Margarita. Nahuli siya ni
Margarita at dahil doon ay naghiwalay sila. Namatay si Don Benito dahil sa kalungkutan at
dahil doon ay nagpakalasing siya.

Wakas

Pagkamatay ni Don Benito, namatay din si Margarita at Nick. Ilanga raw ay inamin niya kay
Ligaya na siya ang lalaki sa dilim. Pinatawad siya ni Ligaya at sinabi ni Rafael na
pakakasalan niya ito dahil naoa-ibig siya kay Ligaya.

IV. Tema

Ang nobela ay tungkol sa isang lalaking nanggahasa ng isang babaeng hindi niya alam na isa
palang bulag. Ipinakita sa kwento kung paano nakabangon ang babae matapos ang
masalimuot na pangyayari sa kanyang buhay.

V. Simbolismo

Ang lalaki sa dilim ay sumisimbolo sa panahon ng martial-post lawtime. Sa panahong ito ay


talamak ang karahasan at ang nobela ay nagsasaad ng kalituhan ng kultura ng mga tauhan
noong kanilang dekada. May ilannamang kapansin-pansing tradisyon at kulturang Pilipino na
impluwensiya naman mula sa mga banyaga.

VI. Pananalita

Ang wikang ginamit sa nobela ay impormal sapagkat karamihan sa mga ginamit sa salita ay
kolokyal at balbal. Gaya na lamang ng:

“Nakatable ako, Mister.”


“Sorry ha?”

“Kung wala siya sa ospital ay nakbabad siya sa mga pook-aliwan na may porno shows-
striptease, live show, mga pelikula ng kabastusan.”

“Akalain mo! Stag Party ‘yon para sa kanya. Ang balak namin ni Nick e bigyan siya ng
bebot. Ang tinanggap niya e pasa sa katawan!”

VII. Damdamin

Makikita sa nobelang ito ang kahirapan na dinanas ni Ligaya sa masukal na kaganapan sa


buhay niya. Sa kabila ng pag hihirap na binigay sa kanya ni Rafael ay naging malakas siya at
hindi natinag.

VIII. Pamamaraan

Ang nobelang Lalaki Sa Dilim ay mala-modernitang pamamaraan ng pagkakasalaysay kung


saan ang tanging gusto ay magkaroon ng isang pagbabago upang maging maginhawa ang
pamumuhay bg bawat isa.

IV. Pananaw

Ang ginamit na pananaw ng may akda ay pangatlo siya, Ito ay nakabase lamang sa mga
obserbasyon, nakikita, naririnig atbp.
BUOD NG NOBELA

LALAKI SA DILIM

Ni Benjamin Pascual

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalangRafael Cuevas. Isang


espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isangmalagim na krimen ng gabing bigyan siya ng
Stag party ngkanyang mga kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita, isang opera
singer. Nagawa niyang gahasain ang babaingkahaghabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at
maralita angkanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi nakilala ang
kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan.
Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng
konsensiya sa nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa,binigyan
niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabingsakanya din magpagamot ng mata
upang masingil lamang ngkaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyangnagawang
kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyangpangalan bilang pagtanaw ng babae sa
kanyang nagawangkabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang
kanyang sariling anak.
Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick. Ang
kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lama tangkanilang samahan na humatong din sa hiwalayan.
Ang napang-asawa niyang si Margarita ay isang modernong babae. Totally Americanized,
sabi nga sa nobela. Para kay Margarita ayos lang namagkaroon siya ng lover at gayon din si
Rafael basta magkaroonlang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isa‟t isa.
Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael aygumulantang sakanya ang isang
balitang napatay si Margarita atNick sa isang otel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si
Marinaang asawa ni Nick na matagal ng nagtitiis sa mga kabulastugan ngasawa hanggang sa
umabot na sa sukdulan at makapatay ito. Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at
Aling Selaang ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sakatawan ni
Ligaya. Malinaw kay Rafael na papakasalan niya si Ligaya.
Republika ng Pilipinas
PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINAS
LAOANG KAMPUS
Laoang, Hilagang Samar

10 HALIMBAWA NG

MAIKLING KUWENTO

SA

ESTRUKTURA NG WIKANG
FILIPINO

IPINASA NI:

DULA, NATALIE A.

BESED FILIPINO 1A

IPINASA KAY:

GINOONG JOVAN A. GIRAY

INSTRUKTOR

You might also like