Talambuhay Ni Jose Rizal

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Talambuhay ni Jose Rizal

Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa


Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong
Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa
bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos
siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas
na karangalan.

Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas
at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at
pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang
na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at
Heidelberg, Germany.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng
mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa
ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan
noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya
sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan.
Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang
pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang


nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
Talambuhay ni Jose Rizal

Isang bayaning nag-alay ng buhay sa bansa si Jose Rizal. Siya ay


ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ama niya si Francisco
Mercado Rizal na taga-Binan. Ina naman niya si Teodora Alonzo Realonda na
taga-Maynila. Sampu lahat ang mga kapatid ni Jose. Kasama rito sina Saturnina,
Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at
Soledad.

Kabilang sa mga mayayaman ang pamilya nina Jose. Sa katunayan


malaking-malaki ang bahay na ipinatayo nila sa sentro ng Calamba.

Tatlong taon pa lamang ay natutuhan na ni Jose mula sa kanyang ina ang


pagbasa ng alpabeto. Ang pormal na pag-aaral ay una niyang naranasan sa
pamamahala ni Don Justiniano Aquino Cruz, isang guro sa Binan. Lalong
napalayo si Jose sa mga magulang nang ipasok siya sa Colegio de San Juan de
Letran. Sapagkat matalinong estudyante, hinangaan siya ng mga guro at mga
kamag-aral sa nasabing paaralan. Noong nagkaroon ng problema sa lupa si Dona
Teodora laban sa mga paring Dominiko sa Calamba, napilitang umalis si Jose sa
Dominikong paaralang kaniyang pinapasukan. Lumipat siya sa Ateneo.

Sa paaralang Heswita nabuo kay Jose ang tiwala sa sarili. Sa nasabing


paaralan, lalo siyang tumalino at humusay. Nakuha niya ang titulong emperador
nang tanghalin siyang pinakamatalinong estudyante sa Ateneo. Sa nasabing
paaralan kinilala siya sa pagsusulat. Dito niya isinulat ang mga sumusunod na
akda sa Espanyol: Felicitacion, Por La Educacion Recibe Lustre La Patria Un
Recuerdo, A Mi Pueblo at El Heroismo de Colon. Tinanggap niya ang diploma
sa Bachilereto sa Sining noong 1877.

Pumasok si Jose sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 upang


kumuha ng Medisina. Sa nasabing unibersidad, ipinagpatuloy niya ang
pagsusulat. Kinagiliwan ng lahat ang kaniyang tulang A La Juventud Filipino at
Junto Al Pasig. Tuwang-tuwa si Jose nang manalo ng pinakamataas na
karangalan ang Los Consejos de los Dioses, pero nanlumo siya nang ipagkaloob
ang premyo sa isang Espanyol na pinaboran ng mga hurado. Ang nasabing
karanasan ang nakapagpadagdag sa kaniyang paghusga sa mga paring Dominiko
na sa pakiwari niya ay may kinikilingan sa pagtrato.

Minsang nagbabakasyon si Jose sa Calamba ay nadagdagan ang negatibong


karanasan niya sa mga Espanyol. Hindi lang siya nakapagbigay galang kay
Tinyente Porto isang gabi ay pinarusahan na siya nito. Ito ang nagtulak sa kanya
upang sa ibang bansa na mag-aral.
Sa Unibersidad Central de Madrid sa Espanya siya nagpatuloy mag-aral ng
Medisina. Sapagkat galit sa kawalang katarungang nangyayari sa Pilipinas,
nagpatuloy siyang magsulat. Isinulat niya sa Espanya ang Me Piden Versos at El
Amor Patrio. Isinulat din niya sa pahayagang La Solidaridad ang kritismong Los
Indolencios de Filipinos na nagpapatunay na hindi mga tamad ang mga Pilipino,
taliwas sa paniniwala ng mga Espanyol.

Natapos ni Jose ang Medisina noong 1884. Nagpunta siya sa Paris noong
1885 upang mamasukan sa klinika ng optalmologong si Dr. Louis de Wecker.
Nagtungo rin siya sa Alemanya noong 1886 upang makipagpalitang kuro sa mga
sikat na manggagamot na sina Dr. Otto Becker at Dr. Hans Mever. Sa pag-ikot
niya sa iba't ibang bansa, isinusulat niya ang dalawang nobelang iaambag niya sa
pinapangarap na pagpapalaya sa Pilipinas.

Naisulat niya at naipalimbag ang Noli Me Tangere sa tulong ni Dr. Maximo


Viola noong 1886 at ang El Filibusterismo noong 1891 sa tulong ni Valentin
Ventura. Ginising ng dalawang nobela ang natutulog na isipan ng mga Pilipino
upang magkasama-sama sa pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila.

Isinama siyang presong detenido sa paglalayag sa ibang bansa. Nang


sumabog ang rebolusyon noong 1896 ay pinabalik si Jose sa Pilipinas upang
usigin at hatulan. Pinaratangan siya sa salang rebelyon, sedisyon at ilegal na pag-
oorganisa ng mga asosasyon laban sa pamahalaan. Kamatayan ang hatol kay
Jose.

Nang gabi bago barilin si Jose ay tinapos niya ang tula niyang Mi Ultimo
Adios at pinakasalan si Josephine Bracken.
Disyembre 30, 1896 nang ilabas sa Fort Santiago si Jose at dalhin sa
Bagumbayan. Inialay ni Jose ang buhay alang-alang sa ikalalaya ng mga Pilipino.
Maliit na tao lamang si Dr. Jose Rizal pero malaking-malaki ang pagpapahalaga
ng lahat sa kaniyang kabayanihan, kadakilaan at karangalan.
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL
Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas
na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May
angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring
magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista,
lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya,
iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining
sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.

May palayaw na Pepe, si Jose Rizal ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina
Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y
Quintos.

Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay


kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong
mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan
ng ika-labimpitong siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni
Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay
pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal).

Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit


lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni
Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga
Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa
kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal.

Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak
nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna
sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni
Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay
pinalitan ng Realonda noong 1849.

Kabataan
Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring
nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si
Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang
kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria,
Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad.
Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang
alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong
bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking
pagguhit at paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa
Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na
noon ay Tagalog)

Edukasyon
Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo
sa kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang
Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni
Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna. Pagkatapos noon, siya ay ipinadala sa Maynila
upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang Bachelor of Arts
noong 1877 (siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na estudyanteng nabigyan
ng sobresaliente o namumukod-tanging marka.

Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa


pagsusukat ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya sa kursong asesor noong 21 Marso
1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya
ay 17 taong gulang pa lamang ay hindi siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor
hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas
upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon mula sa
mga paring Dominikano. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina at
pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng kaniyang
mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23, iginawad sa kanya ang Lisensiya
sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din niya ang kurso sa
Pilosopiya na may markang ekselente.

Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito
upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa
Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong iyon ay
malala na ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng
Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng
pamosong patolohistang si Rudolf Virchow.

Kay Rizal ang isa sa mga pinakadokumentadong buhay noong ika-labingsiyam na


siglo dahil sa mga tala tungkol sa kaniya (ang ilan sa mga ito ay sa tala-arawan niya
mismo nanggaling), kahit pa nahirapan ang mga manunulat na gumawa ng kaniyang
talambuhay dahil sa paggamit niya ng iba't ibang lengguwahe. Karamihan sa mga tala
ay hinango mula sa kaniyang paglalakbay bilang isang batang Asyanong namumulat sa
kultura ng Kanluran. Kasama rin dito ang kaniyang paglalakbay sa Europa, Hapon,
Estados Unidos, at sa Hongkong kabilang na rin ang mga babaeng naging bahagi ng
kaniyang buhay.
Habang nasa Europa, naging bahagi si José Rizal ng Kilusang Propaganda, na
kumukunekta sa ibang mga Pilipino na nagnanais ng reporma. Isinulat din niya ang
kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere (Touch Me Not / The Social Cancer), isang
aklat tungkol sa madilim na aspeto ng kolonyal na paghahari ng Espanya sa Pilipinas,
partikular na pinagtuonan dito ang papel ng mga Katolikong prayle. Ang libro ay
ipinagbawal sa Pilipinas, bagaman maraming kopya ang nakapasok sa bansa. Dahil sa
nobelang ito, naging tudlaan siya ng pulisya dahilan upang ang kanyang pagbabalik sa
Pilipinas noong 1887 ay mapaikli.

Nagbalik si Rizal sa Europa at patuloy na nagsulat. Sa panahong ito ay inilabas niya


ang kanyang sumunod na nobela, ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman)
noong 1891. Naglathala din siya ng mga artikulo sa La Solidaridad, isang pahayagan na
nakahanay sa layunin ng Propaganda. Sa mga reporma na itinaguyod ni Rizal ay hindi
kasama ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya. Siya ay nanawagan para sa pantay na
pagtrato sa mga Pilipino, sa paglilimita sa kapangyarihan ng mga Kastilang Espanyol at
representasyon para sa Pilipinas sa korte ng Espanya.

Nagbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892 dahil nararamdaman niya na kailangan


siya ng bansa para sa pagbabago. Kahit na itinatag niya ang La Liga Filipina, suportado
ni Rizal ang di-marahas na aksyon. Ngunit hindi ito sapat dahil naniniwala ang mga
Espanyol na isa siyang malaking banta dahilan upang ipinatapon siya sa Dapitan, sa isla
ng Mindanao.

Noong 1895, hiniling ni Rizal na magpunta sa Cuba bilang isang hukbong doktor.
Ang kanyang kahilingan ay naaprubahan, ngunit noong Agosto 1896, ang Katipunan,
isang nasyonalistang lipunang Pilipino na itinatag ni Andres Bonifacio, ay nagrebolusyon.
Bagaman wala siyang kaugnayan sa grupo, at hindi niya aprubado ang marahas na
pamamaraan, si Rizal ay inaresto at ikinulong.

Matapos ang isang paglilitis, si Rizal ay nahatulan ng sedisyon at sinentensiyahan


ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. Isinagawa ang pampublikong
pagpatay kay Rizal sa Maynila noong Disyembre 30, 1896, noong siya ay 35 taong
gulang. Ang kanyang kamatayan ay nagbunsod ng higit pang mga pagsalungat sa
mga panuntunan ng Espanya at naging hakbang upang makamit ng Pilipinas ang
kalayaan mula sa mga Espanyol noong 1898.

You might also like