Buod NG Talambuhay Ni DR
Buod NG Talambuhay Ni DR
Buod NG Talambuhay Ni DR
JOSE RIZAL
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose
Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay
sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso
Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa
Calamba, Laguna.
Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco
Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at
ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.
Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si
Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at
makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga
pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili
nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig
sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal
noon sa bayan ng Binan, Laguna.
Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama
ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba,
Laguna.
Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap,
matiyaga at talagang nagbabanat ng buto.
Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng
abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at
kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang
paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang
karunungan.
Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa
ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang
buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay
naituro na niya kay Rizal.
Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila.
Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng
pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang
ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip
ang pinakamataas na karangalan.
Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses
pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga
wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa
paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito
sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino
sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na
mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga
kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.
Ayon kay Retana, ipinahayag ni b nRizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli
Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na
bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang
Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel,
Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo,
1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa
palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di
sa paghihimagsik.
Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero
3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa
pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo,
1892.
Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios
(Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.
Bagamat hindi maganda ang pagiging trato ng prayle kay Don Rafael, pinili na
lamang niya na abutin ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng paaralan sa
San Diego.
Upang ilagaw ang mga tumutugis, tumaboy si Elias sa bangka. Pinagbabaril siya
hanggang sa mapuno ng kulay pula ang tubig sa lawa.
Nagtapos ang kwento sa eksena kung saan humimlay si Elias at sinabing hindi na
niya masisilayan pa ang bukang liwayway.
Crisostomo Ibarra
binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan
upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San
Diego
Elias
piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at ang mga suliranin nito
Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara
Padre Damaso
isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos
maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego
Padre Salvi
kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay
Maria Clara
Maria Clara
mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong
na anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso
Pilosopo Tasyo
maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San
Diego
Sisa
isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit
Basilio at Crispin
magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa
simbahan ng San Diego
Alperes
matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
Donya Victorina
babaing nagpapanggap na maging mestisang Kastila kung kaya abut-abot
ang kolorete sa mukha at maling pangangastila
Donya Consolacion
napangasawa ng Alperes; dating labandera na may malaswang bibig at
pag-uugali
Linares
malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre
Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara
Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang
Lucas
taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay
kay Ibarra
Tarsilo at Bruno
magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila
Tiya Isabel
hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara
Donya Pia
masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y
maisilang,