Talumpati Marcos

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Talumpat

ng

Kagalang-galang Ferdinand E. Marcos

Pangulo ng Pilipinas

Sa Araw ng Kalayaan

[Inihayag noong ika-6 ng Hunyo, 1981]

Simula noong 1946, ipinagdiriwang natn taon-taon ang Araw ng Kalayaan. Nakagawian na natn ang
ganitong pagdiriwang. Nguni’t ang mga pagtatalumpat sa araw na ito ay nakababawas kundi man ganap
na nakapapawi sa isipan ng marami sa atn sa kahalagahan ng atng pambansang kalayaan. Ang ganitong
pagdiri wang ay pinalabo ng naiibang pakahulugan na kapag sinabi ng iba na tayo ay malaya, tayo ay
tunay na malaya. Nguni’t ang mga mamamayan ay magiging malaya lamang kung sila ang panginoon sa
kanilang sariling lupa at kung sila ang humuhubog ng kanilang kapalaran.

Sa nakalipas na mga dantaon, tayo ay tnuruang magsuri sa atng kasaysayan at sa atng sarili sa
pamamagitan ng paningin ng mga nagtagumpay o ng mga victor sapagka’t ang mga nagtagumpay ang
sumusulat ng kasaysayan. Kung gayon, hanggang tayo ay hindi nagtatagumpay sa atng patuloy na
pakikipagsapalaran para sa pambansang kalayaan, tayo ay mananatling nagsusuri sa atng sarili sa
pamamagitan ng mga paningin ng mga dayuhan.

Totoo na tayo ay nakagawa ng mahalagang hakbang: ang mga salitang ‘granted’ at ‘restored’ kaugnay ng
atng pambansang kalayaan ay hindi na natn ginagamit dahil sa pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng
Araw ng Kalayaan—mula Hulyo 4 upang maging Hunyo 12; naiwasto na rin ang petsa ng Araw ng atng
Kasarinlan na natamo natn may mahigit na 80 taon na ang nakalilipas bago ito unang ipagdiwang, may
35 taon na ngayon ang nakararaan. Walong taon na ang nakalilipas, tayo ay nakalaya sa ‘Colonial
Provision’ ng lumang Konsttusyon—ang ‘Commander-in-Chief Provision’—na naglalayong pasunurin sa
mga dayuhan ang Pamahalaang Komonwelt. Ang pagpapahalaga natn dito upang iligtas ang Republika sa
pagkakawatak-watak at ang lipunang Pilipino sa pagkalipol o kamatayan ay isang paraan ng pagpapalaya.
Ang pagbalangkas at pagpapatbay ng bagong Konsttusyon ay patunay ng paninindigan ng mga Pilipino
—at hindi utos ng alinmang dayuhang lakas. Sa kabuuan, binalikat natn ang mahirap at kung minsan ay
nakabibigong pagpapakasakit para sa Pambansang Kalayaan.
Bakit ito ay ngayon lamang natn sinasabi? Hindi ba tayo malaya na nang itaas ang bandilang Pilipino sa
Bagumbayan noong Hulyo 4, 1946, may 35 taon na ngayon ang nakalilipas? Ito ang sinasabi ng
Conventon of Natons. Nguni’t sa panahong ding ito isiningit sa atng Konsttusyon ang Parity
Amendment at sa panahon ding ito muling naitatag sa atng bansa ang mga base militar. Ang atng
ekonomiya ay may ‘apron-strings’ at ang atng pakikipag-ugnayan sa ibang bansa ay batay sa mga
patakaran ng digmaan ng dalawang super-powers. Hindi dahil sa katgasan ng ulo kung bakit ang mga
dakilang Pilipino na tulad nina Claro M. Recto at Jose P. Laurel ay nagkaisa upang iwagayway ang badila
ng pagkamakabayan laban sa anumang panghihimasok sa atng kapangyarihan at kalayaan. Sa paglipas
ng mga taon, tuwing ipinagdiriwang natn ang Araw ng Kalayaan, may mga tnig na malimit na hindi
naririnig ng tnatawag na ‘politcal elite.’ Ang mga tnig na ito ang nananawagan sa mga Pilipino na
tubusin ang kanilang sarili para sa dugo, luha at pawis ng kanilang magigitng na ninuno, ng mga dakila at
marangal na kalalakihan at kababaihan na nangamatay sa dalawang digmaan, sa rebulusyon noong 1898
at sa Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1898. Nguni’t tulad ng batn natn, ang mga panawagang ito ay
nagiging paulit-ulit na pagbanggit lamang ng kasaysayan tuwing ipinagdirlwang ang Araw ng Kalayaan.
Samakatuwid, panahon na upang huwag magpaalipin, upang idilat ang atng mga paningin.

Sa mahabang panahon ng kolonyalismo, tayo ay nagpapalakas pa bilang isang lahi. Tayo ay nagsisikap pa
upang maging Pilipino.

Ito ay higit na nagaganap ngayon kaysa sa alinmang panahon ng atng kasaysayan. Ang nakalipas na
walong taon na ang mga mamamayan ay namuhay nang may disiplina na kailangan para sa atng
kaligtasan bilang isang pambansang lipunan, ay naliwanag na naglantad sa pasalungat na damdamin at
gawi ng mga Pilipino. Ang nakalipas na walong taon ay tnangka ng mga panatko at mga oportunista na
gawing isang ‘Manichean Drama’ ng kalayaan at pangangailangan. Ito ay ginawa nila nang hindi
isinasaalang-alang na sa kasaysayan ng lahat ng lahi, may pagkakataon na ang kalayaan ay isang
pagpapahalaga o pakilala sa pangangailangan. Magkagayon man, ang mga naganap sa panahon ng krisis
ay hindi lamang magiging kapaki-pakinabang sa atn kundi maging sa susunod na salinlahi.

May pagkakataon na upang maging isang Pilipino—hindi yaong Pilipino na may isipang kolonyal—siya ay
kailangang maging isang ‘procrastnator’, tamad at mapagpanggap. Nguni’t ang maging isang
‘procrastnator’ sa ilalim ng isang colonial master ay nangangahulugan ng pagsira o pagpapahina sa
kanyang pangasiwaan; ang pagiging tamad ay nangangulugan ng paghadlang sa kanyang mga layunin at
ang pagiging mapagpanggap ay ginagawa upang siya ay lituhin. Mangyari pa, ang mga kaugaliang
kolonial na ito ay nawawala kapag nawala na ang pinuno. At ito ay lalong mahirap pawiin kapag siya ay
nanatli sa tangkilik ng mga may isipang kolonyal na siyang mamumuno sa gobyerno at sa lipunan.
Sa gayon, napatunayan natn na ang atng lipunan ay pinamunuan ng mga natve colonizers. Nagawa nila
ito dahil sa kanilang pagsasamantala sa kanilang sariling kababayan—sa ngalan ng mga simulain na
dinadakila sa bansa nguni’t niwawalang-halaga sa ibang bansa ng kanilang mga datng colonial masters.

Hindi kailangan ang ibayong pag-iisip upang maunawaan na ang demokrasya ng panahon ay mistulang
labanan ng ‘single elite’ na tnatampukan ng eleksiyong tgib ng pagkukunwari upang ang mamamayang
Pilipino ay mabigyan ng pag-asa at pagkatapos ay pakutyang itnutulak sa kabiguan. Ang demokrasyang
ito ng iilan ay may Natonal Gross Product (GNP) na limang porsyento sa mapapalad na taon, at mula sa
dalawa hanggang 2.3 porsyento tuwing dalawang taon pagkaraan nito dahil sa magastos na halalan.
Milyun-milyong pisong ‘pork-barrel’ ang ibinibigan sa mga pulitko para sa mga kalsada, tulay at mga
paaralan na kailanman ay hindi naipagawa; para sa mga proyektong pangkabuhayan na kailanman ay
hindi naipatupad. Ang media ang malaya sa pagtuligsa sa kanilang gobyerno at sa matataas na lider,
nguni’t ang bawa’t administrasyon ay tumataas at bumabagsak sa isyu tungkol sa graft and corrupton o
katwalian. Ang katwalian, mga kababayan, ay nasa lipunan—sa mga pulitko, sa ekonomiya at sa
pambubusabos ng ilang naghahari.

Ngayon, ang nabanggit na mga pagkukunwaring kolonyal o colonial pretense ay dinadakila pa ng mga
nattrang lider ng lumang lipunan na nagbabalatkayo bilang mga oposisyon. Ito lamang ang alam. nilang
paraan upang magtamo ng kapangyarihang pangsarili. Iminamatuwid nila na ang lumang lipunan ay
malusog, ang mga datng pulitko ay demokratko, ang datng media, ay malaya. Nguni’t nalilimutan
nilang banggitn sa mga kabataan na binigo rin nila ang pag-asa at pangangailangan ng mamamayang
Pilipino.

Nguni’t ang kahabag-habag na katangian ng mga nattrang lider na may isipang kolonyal ay ang kanilang
pamamalimos sa Amerika. Hinihiling ng kanilang mga prominenteng kinatawan sa mga pulitko sa
Amerika na alisin ang mga base militar at tulong para sa Pilipinas sa maling palagay na ang pamahalaang
ito, ang bansang ito, ay babagsak kung wala ang mga ito. Ipagpalagay nang sila ay tama. Sila ba ay
makapamumuno nang tulad ng hinahangad nila? O hindi kaya ang ibang grupo, isang disiplinadong
grupo ng mga rebelde na ang mga lider at mga kasapi ay nagtatanggol sa ideolohiya na pinaniniwalaan
nila? Paanong ang isang partdo na inudyukan lamang ng kasabikan sa kapangyarihan—na inudyukan
lamang ng kahabag-habag na isipan ng kanilang mga nasasakupan—ay magtatagumpay sa isang
mapanghimagsik na kalagayan? Hindi sarili ng inyong liderato—ng inyong pangulo—ang
pagkamakabayan. Subali’t iniuukol nito ang pagttwala at pag-asa sa mamamayang Pilipino; ito ay
naninindigan sa pamanang pangkasaysayan—ang pamana ng propaganda movement at ng Rebulusyong
Pilipino at hindi ng colonial dependence o pagsandig sa mga dayuhan.
Tayo ay mga mamamayang mapagmahal sa kalayaan. Hindi tayo dapat maniwala na tayo ay magiging
malaya sa pamamagitan ng tnatawag na ‘colonial elite.’

Ang kakulangan ng pambansang karangalan at pagkakaisa ang dahilan kung bakit ang marami natng mga
kababayan ay twali, mapagsamantala sa kanilang kapangyarihan at hindi nagpapahalaga sa mga adhikain
ng Bagong Lipunan. Sila ay kailangang gisingin at kailangang mabatd nila ang panganib ng Materialismo.
Maaaring ang gayon ay nangangailangan ng radikal na pagbabago sa sistema ng edukasyon at sa media
at maging sa lipunan. Nguni’t ang ganito ay kailangang isagawa.

Ang anumang pinakamabutng solusyon sa problema ay mabibigo kung—tulad ng sinabi ni Rizal may
halos isang daang taon na ang nakalilipas—tayo ay walang pagkakaisa. Nasa pambansang pagkakaisa ang
katuparan ng atng mga hangarin; ito rin ang atng pananggalang laban sa sinumang mag-aalok sa atn ng
mapanlinlang na kaligtasan at kalayaan na magiging dahilan ng pagkawala ng atng Natonal Identty o
pambansang pagkakakilanlan, karangalan at dignidad.

Hindi tayo dapat maglinlangan tungkol sa kahalagahan ng pambansang pagpapalaya. Ang malalaking
gantmpala ay hindi ipinagkakaloob sa mga matatakutn at sa mga talunan. Sapagka’t tayo ay isang
bansang nagpapaunlad, marami tayong pangangailangan. Dahil dito, kailangan natn ang dakilang
pagsisikap. Walang makaharing landas o royal road tungo sa kasaganaan at kalayaan—at lalong walang
landas tungo sa ‘colonial mendicant.’

Iisang bagay lamang ang dapat natng tandaan: hindi tayo mabibigo.

Source: Presidental Museum and Library

Marcos, F. E. (1981). Speeches by President Ferdinand E. Marcos. [Manila] : Presidental Library.

You might also like