Talumpati

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pang-aapi sa kababaihan

Ayon sa Philippines Statistics Authority, 1 sa 4 (26%) ng kababaihan na nasa


edad na 15-49 ay nakaranas na ng pisikal, sekswal o emosyonal karahasan
mula sa kanilang asawa o kasosyo. 20% kababaihan ay nakaranas na ng
emosyonal na karahasan, 14% naman ay nakaranas na ng pisikal na pang-
aapi at 5% ang nakaranas na ng sekswal na karahasan mula sa kanilang
asawa.

Ngayong panahon ay nakikita o naririnig lamang natin na isyu ng pang-aapi


sa mga kababaihan kapag ito ay binabalita lamang ngunit hindi lahat ng ito
ay nababalita at pilit na itinatago ng mga biktima dahil sa katakutang lalala
ang kanilang sitwasyon kapag sila ay nagsumbong. Ngunit bakit nga ba may
mga kalalakihang nang-aapi ng kababaihan? Ayon sa isang eksperto,
maaaring magsimula ang domestikong karahasan kapag nararamdaman ng
isang kasosyo ang pangangailangan na kontrolin at mangibabaw sa isa.
Nangyayari ito dahil sa lubhang pagseselos, problema sa pag control ng galit
at iba pa o kaya naman ay kapag nararamdaman ng isang kasosyo ay mas
mababa sya sa isa.

Sa madaling sabi, may mas malalim pang rason kung bakit nangyayari ang
pang-aapi sa kababaihan. Kailangan buksan natin ang ating mga mata
sapagkat hindi natin na may dinadala na palang problema ang kakilala natin
babae. At kailangan din ng mga kababaihan maging maingat sa lalaking
papakasalan dahil hindi natin alam na may tinatago palang kadiliman ang
kanyang magandang ngiti dahil kapag kayo ay kinasal habang buhay n’yo na
silang kasama.

Source:
https://psychcentral.com/lib/what-causes-domestic-violence/
https://psa.gov.ph/content/one-four-women-have-ever-experienced-spousal-violence-
preliminary-results-2017-national

You might also like