Ang Batang Maikli Ang Isang Paa

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Batang Maikli Ang Isang Paa

Nakinig siya sa lahat ng bilang ng palatuntunan ngunit ang laging umuukilkil


sa kanya ay ang tanong na, “Maibigan kaya ni Bb. Mirasol ang aking alaala?”

Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay pamumudmod ni Santa Claus ng


mga papasko. Sumasal ang puso ni Nestor nang katapusa’y ibinigay ni Santa
ang sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb. Mirasol ang kayang sulat.
Tinitigan ang mga titik bago binuksan ang liham. Samantalang binabasa ang
liham, si Nestor ay nagmamasid.

Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral na


nagpaalam kay Bb. Mirasol. Ang kahuli-huliha’y si Nestor na tinawag ng guro.
“Nestor, pumarito ka. Ako’y may sasabihin sa iyo.”

“Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Ako’y
galak na galak pagkat iya’y tagapagpakilala na ako’y minamahal ng aking mga
tinuturuan. Sa pumpon ng mga alaala ay bukod at tangi ang iyo na
pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala ay di pangkaraniwan. Iya’y
nagbigay sa akin ng labis na kagalakan.”

Namangha si Nestor, di yata’t ang kanyang alaala ang pinakamahalaga sa


lahat! Ito ang sabi ng kanyang guro. “Salamat po, at maligayang pasko.” ang
sabi ni Nestor bago siya umalis. Siya ay tuwang-tuwa.

Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang binasa muli ang liham.

“Minamahal kong Guro:

Inyo pong pakaasahang ako’y magpapakabuti. Susundin ko po ang inyong


mga utos. Ako’y mag-aaral ng leksyon tuwina. Pagpipilitan ko pong ako ay
maging pangunahing mag-aaral sa inyong klase. Ito pong pangakong ito ang
papasko ko sa inyo.

Nagmamahal, Nestor”
“Ang ganda Nanay ng kuwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung ano
ang dapat kong iregalo kay Bb. Padilla.”

Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa ng anak.


Habang tinatanaw niya ang bata na naglalakad patungo sa paaralan,
nagpapasalamat siya sa Maykapal sa pagkakaroon ng isang mabait at
maunawaing anak.

Aral:
 Ang pagiging mabuting mag-aaral ang pinaka-mainan na regalong maari
mong ibigay sa iyong guro.
 Hindi mahalaga kahit gaano pa kamahal ang regalong ibibigay mo sa isang
tao. Ang pinakamahalaga ay bukal sa iyong puso ang pagbibigay mo ng
regalong iyon sa taong tatanggap.
 Matutong mangapa sa sitwasyon ng pamilya bago mag-isip ng mga bagay
na pansarili o ibibigay sa iba.
 Karangalan sa mga magulang ang batang marunong sa buhay.

You might also like