Pagbasa

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Danica R.

Limyu
XI-Aristotle
1.Ano ang teksto?
 Ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa
ibat ibang tao o impormasyon tungkol sa mga bagay bagay.

2.Ibigay ang Kahulugan ng ibat ibang uri ng teksto at ang mga


elemento nito
 Tekstong Impormatibo- nagtataglay ng tiyak na impormasyon
patungkol sa bagay,tao,lugar o pangyayari. Hindi ito naglalaman
ng opinyon kung kaya ang tono nito ay kadalasang obhetibo.
1. Sanhi at bunga- ito ay estruktura ng paglalahad na
nagpagpapakita ng pagkakaugnay ng mga pangyayari at
kun paano ang kinalabasan ay naging resulta ng mga
naunang pangyayari.
2. Paghahambing- ang mga tekstong nasa ganitong estruktura
ay kadalasang nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba
sa pagitan ng anumang bagay,konsepto o pangyayari.
3. Pagbibigay depinisyon- ipinaliliwanag ng ganitong uri ang
kahulugan ng isang salita, termino at konsepto.
4. Paglilista ng klasipikasyon- ang estrukturang ito ay
kadalasang naghahati hati ng isang malaking paksa o ideya
sa ibat ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng
sistema ng pagtalakay.

 Tekstong Deskriptibo- isang tekstong naglalarawan at


naglalaman ng mga impormasyong may kaugnayan sa mga
katangian ng tao,bagay,lugar at pangyayaring madalas
nasasaksihan ng mga tao sa paligid.

Dalawang uri
1. Deskripsiyong Teknikal- nagkalayon itong maglarawan ng
detalyadong pamamaraan.
2. Deskripsiyong impresyonistiko- naglalayon itong
maglarawan ayon sa pansariling pananaw o personal na
saloobin.

Dalawang anyo
1. Karaniwan(obhetibo)- ito ay isang paglalarawang hindi
sangkot ang damdamin at nakabase sa kung ano ang
nakikita ng mga mata.
2. Masining(suhetibo)- isang paglalarawang naglalaman ng
damdamin at pananaw ng taong naglalarawan.

 Tekstong Persuweysib- Naglalayon itong manghikayat ng mga


mambabasa o tagapakinig.

3 Paraan ng persuweysib
1. Apelang Etikal- ginagamitan ng mga sangguniang
awtoritativ o ng mga ideya ng mga eksperto.
2. Apelang emosyonal- ginagamitan ng mga salita,parirala at
pangungusap na nakakaantig ng damdamin.
3. Apelang lohikal- gumamit ang may akda ng argumento.
Ang argumento ay binubuo ng batayan( premise) at ng
kongklusyon. Ang batayan ay resulta ng obserbasyon. Ang
kongklusyon naman at nagmula sa obserbasyon.
 Tekstong Naratibo- Tekstong nasa anyong nagsasalaysay kung
saan tila nagkukuwento patungkol sa tiyak at pagkakasunod-
sunod ng pangyayari.

Ibat ibang Elemento


1. Paksa- kailangang mahalaga at makabuluhan
2. Estruktura- kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang
estruktura ng kwento.
3. Oryentasyon-nakapaloob dito ang kaligiran ng
tauhan,lunan,at oras o panahon kung kailan nangyari ang
kwento.
4. Pamamaraan ng narasyon- kailang ng detalye at mahusay
na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi
upang mapakita ang setting at mood.
5. Komplikasyon o tunggalian – ito ay mahalagang bahagi ng
kwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbago sa
posisyon at disposisyon ng tauhan.
6. Resolusyon- ito ang kahahantungan ng komplikasyon o
tunggalian.

 Tekstong Argumentatibo- Tekstong naglalahad ng


paniniwala,pagkukuro o pagbibigay pananaw patungkol sa isang
mahalaga o maselang isyu.

Mga elemento ng pangangatuwiran


1. Prosisyon- ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o
pag usapan.
2. Argumento- ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya
upang maging makatuwiran ang isang panig.
 Tekstong Prosidyural- Tekstong nagpapakita ng pagkakasunod
sunod ng mga pahayag,pangyayari o hakbang.

Apat na nilalaman
1. Layunin o target na awtput- nilalaman ng bahaging ito kung
ano ang kalalabasan o kahihinatnan ng proyekto ng
prosidyur.
2. Kagamitan- nakapaloob dito ang mga kasangkapan at
kagamitang kakailanganin upang makompleto ang
isasagawang proyekto.
3. Metodo- serye ng mga hakbang na isasagawa upang
mabuo ang proyekto.
4. Ebalwasyon- naglalaman ng mga pamamaraan kung paano
masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.

3.Ibigay ang ibat ibang pamamaraan/mga dapat tandaan sa pagsulat


ng ibat ibang uri ng teksto
 Tekstong Impormatibo- Ito ay sumasagot sa mga ano,sino at
paano tungkol sa isang paksa; at di nagbibigay ng opinyong
pabor o sumasalungat sa posisyon o paksang pinag uusapan.

 Tekstong Deskriptibo- Ito ay naglalayong maglarawan sa


detalyadong pamamaraan.Ito dapat ay may isang malinaw at
pangunahing impresyon na nililikha sa mambabasa upang
ipakita at iparamdam sa mga ito ang bagay o anumang paksa na
inilalarawan.
 Tekstong persuweysib- Nararapat na maging maganda ang
nilalaman nito upang makuha ang interes ng mga
mambabasa,manonood at tagapakinig at ito ay dapat may mga
salitang nakakaganyak.

 Tekstong Naratibo- kailangang suriin ang malikhaing pagkatha


bilang isang siyentipikong proseso sapagkat ang mahusay na
panitikan ay kinakailangang naglalarawan sa realidad sa lipunan
at nagbibigay ng matalas na pagsusuri.

 Tekstong Argumentatibo- nangangailangan ang pagsulat ng


tekstong argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na
ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga Ibidensya.

 Tekstong Prosidyural- nakapokus sa pangkalahatang


mambabasa hindi sa iisang tao lamang na tumutukoy sa
pamamagitan ng mga panghalip. Kailangang tiyak at malinaw
ang pagkakasunod sunod ng mga bahagi ng teksto.
4.Magbigay ng tig iisang halimbawa ng uri ng teksto
 Ang mga magagandang tanawin ng Pilipinas (tekstong
Impormatibo)

Ang mga magagandang tanawin ng Pilipinas


Ang Pilipinas kung titingnan ay napakaliit lamang at iisa sa mga
bansang mahihirap pero kung iyo itong mas kilalanin isa ito sa
nabiyayaan ng napakaraming magagandang tanawin sa katunayan
meron itong higit na pitong libong magagandang isla na dapat nating
puntahan at dayuhin. Ibat ibang magagandang tanawin na merong
kanya kanyang kultura.
 Ang mapagkunwaring Ina (tekstong Deskriptibo)
Ang mapagkunwaring Ina
Ang aking ina ay isang mapagkunwaring Ina
Pinapamukha nya sa amin na ok siya
Kahit na sa loob loob nya ay di pala

Ang akala namin siya ay isang bayani


Pero siya ay mapagkunwari
Salamat sa iyo mapagkunwaring ina
Isa kang dakila

 Tekstong Naratibo
 Tekstong Argumentatibo
 Tekstong Prosidyural

You might also like