Persuweysib
Persuweysib
Persuweysib
Sa Filipino II
I. Layunin
B. Sanggunian:
C. Kagamitan:
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Balik-aral
Ano ang tekstong Informativ? Ito ay isang uri ng teksto na naglalahad ng mga makatotohanang impormasyon.
Halimbawa nito ay ang mga balita at kasaysayan.
B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng isang teksto na babasahin ng mga mag-aaral sa loob ng ilang minuto.
Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon. Dahilan kung bakit buo ang
loob na makasumpong ng mga alternativong mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng
pamahalaan, para sa mga proyeektong pangkaunlaran. Kaya’t hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating
Pangulong Fidel V. Ramos ay itinulak na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa pamamagitan ng sunud-
sunod na pagbisita sa iba’t ibang bansa na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo
upang makapag-uwi ng mga foreign investments na esensyal na modernisasyon ng lokal na industriya.
Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang “privatization” na nagpasok ng malaking salapi sa kaban ng
bayan. Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at
Petron.
At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng pagbubuwis sa pamamagitan
ng EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW.
Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging maayos ang takbo ng buhay ng
mga Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury services o tertiary commodities na karamihan ang
mga mayayaman lamang ang mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car,
advertisement, real estate at iba pa.
Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng mga mamamayan tulad ng
bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang
“taxation” at masugpo ang “tax evasion” na naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan.
Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman nagnais ng masama sa bawat
batas na kanilang ipinatutupad. Hindi pagrerelaksang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at
maayos na pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating mga Pilipino mas nauuna ang reklamo
kaysa pagdinig sa problema. Kung nais nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana
nating magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.
2. Pagpapakahulugan sa mga salita o parirala na hindi naunawaan batay na rin sa paggamit nito sa texto.
1. Administrasyon
2. Modernisasyon
3. Korporasyon
4. Industriya
5. Prinsipyong
pinanghahawakan
3. Magkakaroon ng talakayan tungkol sa binasang teksto. Ang guro ay magtatanong ng ilang katanungan
mula sa tekstong binasa ng mga mag-aaral, katulad ng sumusunod:
Argumentativ
– ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng proposisyon upang makahikayat at magpaliwanag ang teksto
kung ito’y nagpapakita ng mga proposisyon sa umiiral na kaugnayan sa pagitan ng konsepto o iba pang
proposisyonang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong.
IV. Ebalwasyon
Ang Departamento ng Pamahalaang Panglokal ang pangunahing ahensya ng pamahalaan ang nagtaguyod sa
Pambansang Rehabilitasyon at Programang Pangkalinangan sa pakikipag-ugnayan sa Departamento ng
Kalakal at Industriya, Departamento ng Agrikulttura, Repormang Pang Sakahan, “National Housing Authoriy”
at iba pang pangunahing ahensya ng pamahalaan.
Kabilang sa mga proyektong pangkabuhayan ay produksyon ng bigas at mais, pag-aalaga ng baboy, at sari-
sari store, manukan at pag-aalaga ng kambing at “see weeds farming”. Nais ring matulungan ang mga dating
rebelde na maging produktibo at magkaroon ng mapayapang buhay. Ang ayaw na manirahan sa dati nilang
lugar ay ipadadala sa iba’t ibang sentro ng bayanihan sa buong kapuluan.
Sa proyektong ito, umasa ang pamahalaan na maraming rebelde ang susubo at maaaring makaatulong sa
paglutas ng problemang “insurgency” upang matamo ang tunay na kapayapaan sa sariling bansa.
Mabisa ang proyektong ito, marami pang ginagawa ang pamahalaan para sa kabutihan ng lahat ng uri ng
mamamayan, mahirap man o mayaman, matalino man o mangmang, bata o matanda, may kapansanan o wala
at kahit saan mang sulok ng Pilipinas ay magpapatuloyang ating pamahalaan sa kanyang dakilang layunin.
Gabay na Tanong:
V. Takdang Aralin