Banghay Aralin Sa Tekstong Impormatibo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay-aralin sa Filipino 11

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Nobyembre 15, 2019

Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa,
at daigdig. (F11PB – IIId – 99)

I. Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang;


1. Nakapagbabahagi ng sariling ideya na may kaugnayan mula sa tekstong binasa.
2. Nakapagsaliksik ng mga impormasyon mula sa akda na maiiuugnay sa sarili.
3. Nabibigyang halaga ang layunin ng teksto sa tuwing may sakuna.

I. Paksang-aralin: Tekstong Impormatibo (LINDOL)


Sangguninan: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik,
Internet
Mga Kagamitan: LED TV, laptop, mga larawan, art paper, PPT Presentation

II. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain: (Prayer/Attendance)
B. Pangganyak: Pagpapakita ng guro ng mga larawan.
Anong Paksa ang maaaring mabuo sa mga larawang ibinigay?
“LINDOL”
C. Abstraksiyon: Getting to know Me: Aktibiti
My Think, Feel and Do
1. Sa loob ng bilog, isulat ang inyong nalalaman tungkol sa lindol.
2. Sa Bahaging puso, isulat ang iyong nararamdaman tungkol sa karanasan sa lindol.
3. Sa dalawang kamay, isulat ang iyong ginawa bilang paghahanda at hakbang na
ginawa noong lindol.

Halina’t Basahin natin ang teksto tungkol sa “LINDOL”

D. Pagtalakay sa Paksa:
Maaaring basahin ang teksto ng dalawahan sa bawat talata.

E. Pagpapalalim
Pangkatang Gawain: Kaalaman Mo, Iulat Mo!
1) Sino sa inyo ang nakasubaybay sa mga babala sa telebisyon tungkol sa Lindol o may
nabasang ibang akdang may halintulad na paksa?
• Itala ang mga Pagkakaiba at pagkakatulad gamit ang Venn Diagram sa pagtatala ng punto
ng Paghahambing.
.
Ibang Akda
“Lindol”
Pagkaka
tulad

1. Anong suliraning panlipunan ang naging paksa sa nasabing teksto?


Gumamit ng PECS Chart

Suliranin Bunga Sanhi Solusyon


2. Mula sa binasa, ano ba ang dapat gawin kapag nakakaranas ng lindol?
Magsaliksik ng mga impormasyon mula sa teksto at ipaliwanag.

Mga nasaliksik na impormasyon Paghinuha/ Sariling palagay

3. Anong uri ng tekstong impormatibo ang binasa? Magbigay ng patunay.


Ano ang layunin ng may-akda, bakit niya ito naisulat? Nagtagumpay ba
siya sa kanyang layunin? Ipaliwanag.

Dating Kaalaman sa Lindol Bagong Impormasyong nakuha


mula sa Teksto

III. Ebalwasyon

1. Presentasyon ng bawat pangkat mula sa Gawaing naibigay.

2. (Feedbacking ng mga mag-aaral at ng guro pagkatapos ng presentasyon ng bawat


pangkat)

Mga Pamantayan / 5 puntos 4 puntos 3 puntos


Rubriks (Sa lahat ng (Madalas sa ilang (Minsan sa ilang
Pagkakataon) Pagkakataon) Pagkakataon)
Naipapahayag nang
malinaw at malikhain
Naiuugnay ang kaisipan
mula sa paksa
Matibay ang nilalaman ng
impormasyong nailatag
Nagpapakita ng kaisahan
ng pangkat
KABUOANG PUNTOS

IV. Kasunduan: Alamin ang Tekstong Deskriptibo.


Inihanda ni:

MARICHO V. ARTATIS
Guro sa Filipino
Iniwasto ni:

RONNIE D. TORETA, MST.


SHS Curriculum Head

You might also like